KINAKABUSAN kahit maaga pa lang nagbungkal na siya ng lupa gamit ang piko sa halamanan. Sumisilip ang araw sa likuran ng bundok sa gawi niyang likuran. Naisip niyang magtrabaho bilang kapalit sa pagpapatuloy ng mandirigmang si Mitos sa bahay nito. Nasanay na rin naman ang kaniyang katawan sa kahit anong trabaho kaya hindi problema sa kaniya ang pagtatanim. Kahit ang sinabi nitong maari niyang ibenta ang mga maitatanim niya'y hindi niya pa rin naman magagawang angkinin ang lahat ng kikitain kung sakaling naroon pa nga siya kapag panahon na ng anihan. Nilakasan niya ang paghampas sa piko nang mabungkal niya nang maayo ang kinatatapakang lupa. Sa kaniyang noo'y namalamisbis ang buti ng pawis kahit na malamig ang umaga.
Huminto lamang siya sa paghampas ng piko nang lumapit sa kaniya ang dalagang si Mada mula sa bahay. Pinagpahinga niya saglita ang piko't nilingon niya nga ito nang ilang hakbang na lamang ang layo nito sa kaniyang kinalalagyan.
"Narito ka na," puna ni Mada. "Mayroong nag-iba sa iyo."
Pinakatitigan siya nito kaya sinalubong niya ang mga mata nito. Kung hindi niya alam na isa itong diiwata marahil nagtaka siya sa lumabas sa bibig nito. Ngunit dahil alam na niya ang tunay nitong katauhan nauunawaan niya kung bakit nasabi nito ang mga bagay na iyon. Hindi niya rin naman maiwasang isipin kung nsaabi nito sa mandirigrmang si Mitos ang katotohanang iyon.
"Marahil," ang nasabi niya na lamang. "Nasabi mo na ba kay Mitos? Hindi naman sa kailangan mo talagang sabihin. Pero kung malalaman niya'y baka makatulong pa siya sa iyo."
Gumuhit kaagad ang pagtataka sa mukha nito.
"Ano ang ibig mong sabihin?" taka naman nitong tanong nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya.
"Wala," sabi niya na lamang nang mapagtanto niyang hindi na laman dapat niya sinabi ang mga salitang iyon.
Ibinalik niya ang kaniyang atensiyon sa pagbubungkal ng lupa. Binuhat niya ang piko't inihampas iyon. Napapatitig na lamang sa kaniyang ginagawa si Mada.
"Narinig ko kagabing hinuli ka ng mga opisyal," paglalahad nito sa kaniya. "Ninanakaw mo talaga ang mga perlas?"
Itinigil iya ang paghampas sa piko dahil sa narinig at nilingon niya ito na walang ano mang emosyon na nakaguhit sa kaniyang mukha. "Sa tingin mo ninakaw ko rin ang mga perlas?" saad niya rito na hindi direktang sagot sa naging tanong nito sa kaniya.
"Posible," tipid naman nitong sabi.
Nagsalubong na lamang ang dalawa niyang kilay. "Huwag kang magbiro. Hindi ka nakatatawa," ang walang buhay niyang sabi.
"Hindi rin naman ako nagbibiro. Kung hindi ka ang nagnakaw bakit pakiramdam ko'y nasa iyo ang perlas."
Mataman niya itong pinagsasabi dahil sa bagay na iyon.
"Kung ganiyan ang sinasabi mo, nakakita ka ng mga perlas na magsasalba sa mundo?" pag-usisa niya rito resulta ng mga narinig niya mula rito.
"Oo naman. Nang bata pa ako," pagbibigay alam nito sa kaniya.
"Para sabihin ko sa iyo wala sa aking ang mga perlas. Huwag mong sabihing nasa akin bago pa ako tuluyang magalit sa iyo. Bakit nagkakainteres ka naman sa mga perlas? Papel mo rin bang hanapin ang mga iyon."
"Oo. Mayroong hawak ang ama ko na perlas. Naisip kong kung nasaan ang isa sa mga perlas ay naroon din siya."
"Paano mo naman nasabi gayong sa pagkakalaam ko'y paslit ka pa lang ay nasa isla ka na. Wala rin naman akong nabalitaan na kasama mo ang ama mo na magtungo roon. Mag-isa ka lang na lumaki, hindi ba?" paalala niya rito.
"Nakikita ko sa pangitain ko," pagbibigay alam nito sa kaniya. "Iyong mga alaala ng ina ko'y lumilitaw sa paningin ko."
"Diwata ka nga rin naman pala kaya posible nga iyang sinasabi mo," aniya't tinalikuran niya na ito. Binaikan niya ang piko't sa pagkakataong iyon ay binagalan niya ang paghampas nang makaramdam ng pangangalay sa kaniyang kamay.
"Paano mo naman nalaman?" taka naman nitong tanong sa kaniya.
"Alam ko lang," sagot niya naman dito. "Kaya ba humingi ka ng tulong kay Ginoong Mitos dahil alam mong iniipon niya ang mga perlas?"
"Oo. Makatutulong din naman ako sa kaniya sa paghahanap."
Nilingon niya ito sa huling nasabi nito. Huminga pa siya nang malalim dahil doon. "Hahayaan ka niyang sumama. Pero ako'y hindi niya ako papayagan," ang naisatinig niya nang bumalik sa kaniyang isipan ang naging usapan nila ng mandirigma.
"Ano nga rin ba ang magagawa mo kung isasama ka niya? Marunong ka ngang makipaglaban ngunit hindi mo naman magagamit laban sa mga kaaway katulad ng nangyari sa laot," paalala nito.
Binigyan niya ito nang mariing tingin. "Bumalik ka na lamang doon sa loob bago pa ako mainis sa iyo," ang huling sabi niya rito't hindi na niya ito nilingon. Itinikom niya ang kaniyang bibig sa pagpapatuloy niya sa pagbungkal.
Wala na ngang nagawa ang dalaga't umalis na lamang sa taniman. Naiwan siyang muling mag-isa na patuloy sa pagtratrabaho. Nagpahinga lang siya ulit saglit nang makaramdam ng pagkahingal. Pinahid niya na rin ng likuran ng kaniyng kamay ang butil ng pawis sa kaniyang noo na nakatingin sa sumisilip na araw. Sa pagtitig niya roon nagbabalik sa kaniyang isipan ang mga umagang kasama niya ang kaniyang magulang sa isla. Kapag ganoong maaga pa'y madalas na rin silang nasa labas ng kaniyang mga magulang para manguha ng mga pagkaing para sa almusal ng pamily ang datu. Ang mga alalala na iyon ay hindi na nga niya mababalikan. Ang tanging magagawa niya na lamang ay ang alalahanin ang mga iyon. Nagpakawala na lamang siya nang malalim na hininga sa katotohanang iyon.
Hindi niya naibalik ang kaniyang tingin sa piko nang mapalingon siya sa kakahuyan dahil sa mga dalawang taong lumabas mula roon na nababalot ng luntiang balabal. Kahit na malayo pa ang mga ito'y nakilala niya na rin ang mga ito. Naisip niya tuloy na usisain na naman siya ng dalawa kahit sinabi na niya sa mga ito na wala sa kaniya ang mga perlas. Tuwid lamang na naglakad ang mga ito na nilalampasan ang ibang hanay ng mga tanim. Maging ang mga ito'y napatitig din sa kaniya sa unti-unting paglapit ng mga ito sa kaniyang kinatatayuan.
Sa hindi pagtigil ng mga ito sa paglalakad nakarating nga ang mga ito sa kinatatayuan niya.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong kaagad sa kaniya ng babae samantalang ang lalaki'y nanatiling nakatingin sa kaniya.
Sinalubong niya ang mga mata nitong kakaiba ang tinging pinupukol sa kaniya. "Ako ang dapat nagtatanong sa inyo niyan. Hindi pa ba kayo nakuntento sa sinabi ko kagabi na hindi nga ako ang nagnakaw?" hirit niya sa babae.
"Hindi ikaw ang pinunta namin dito," sabi naman nito sa kaniya. Pinakatitigan niya ito nang mataman habang nag-iisip kung sino nga ba ang sadya ng mga ito roon dahil dalawa lang naman ang kasama niya roon. "Si Ginoong Mitos ang kakausapin namin at wala nang iba," sabi na lamang nito na para bang nakikita nito sa kaniyang mukha ang nilalaman ng kaniyang isipan.
Matapos nitong banggitin ang pangalan ng mandirigma naunawaan niya kaagad na kasamahan ang mga ito ni Mitos sa paghahanap ng mga perlas kaya nausisa siya ng mga ito sa piitan. Hindi pa marahil nasabi ng mga ito ang ginawa ng mga ito sa kaniya sa mandirigma.
"Naroon siya loob," pagbibigay alam niya na lamang sa mga ito.
Inalis nga ng dalawa ang tingin ng mga ito sa kaniya sa paglalakad ng mga ito patungo sa bahay. Nakuha niya pang ihatid ang mga ito ng tingin hanggang sa makarating ang mga ito sa harapan ng pinto. Kumatok ang lalaki sa pinto't makalipas lang ng ilang saglit bumukas na iyon. Binuksan iyon ng dalagang si Mada na napatitig kaagad sa mga naging bisita ng mandirigma. Hindi niya narinig ang sinabi ng dalaga sa layo niya sa mga ito ngunit lumingon ito sa loob ng bahay at tinawag ang pansin ng ginoo. Sinundan iyon ng pag-alis ng dalaga sa pinutan, ang pumalit dito'y ang mandirigma na hindi na rin nagulat sa pagpunta ng dalawa. Kinausap pa ni Mitos ang dalawa bago pinatuloy sa loob ng bahay. Nakuh pa siyang lingunin ng babae nang pumasok ito na ito. Hindi niya na rin naman binigyang halaga ang pinukol nitong tingin sa kaniya'y binalikan ang pagbubungkal sa lupa. Isinara rin naman ng babae ang pinto kaya naputol ang tingin nito sa kaniya.
Nagpahinga lamang siya nang makaramdam siy ang pagkauhaw. Dahil doon iniwan nga niya ang piko na nakabaon pa sa lupa't bumaik ng bahay. Sa pagtulak niya sa pinto'y tumigil ang usapan sa loob. Pagpanhik niya'y nadatnan niyang naakaupo sa lapag ang dalawanag bisits ng mandirigmang si MItos kaharap ito. Sa kaliwa ng mandirigma ang dalagang si Mada na tahimik lamang na nakikinig sa usapan. Napalingon sa kaniya ang dalawang bisita kaya inalis niya na lamang ang tingin sa mga ito't isinara ang pinto.
"Bakit kayo tumigil?" ang naitanong ng mandirigmang si Mitos.
Bumitiw siyas sa pinto't humkbang patungo sa kusina. Hindi naman siya nakatuloy nang ituro siya ng babae.
"Maririnig niya," ng babae nang ibaba na nito ang kamay.
Sa sinabi nito'y lumingon sa kaniya ang mandirigma. "Huwag kayong mag-aalala. Hindi rin naman siya masamang tao. Walang magiging problema kung maririnig man niya ang iba pa niyong sasabihin," paliwanag ni Mitos. "Sasama na siya sa akin kaya kailangan niya ring malaman," paliwanag ng mandirigma.
Napatingin na lamang siya sa mandirigmang si Mitos dahil sa narinig.
"Magiging pabigat lang siya sa atin," paalala ng babae. Hindi niya malaman kung naiinis ito sa kaniya kaya ganoon na lamang ang lumalabas sa bibig nito.
"Makatutulong siysa sa atin," dugtong ni Mitos malayo sa naging usapan nila nang nagdaang gabi.
"Ano naman ang magagawa niya?" paniniguro ng babae. "Hindi ko naman makita sa kaniya."
"Basta maniwala ka sa akin. Makakatulong siya," annang mandirigma't ibinaing ang tingin sa kaniya. "Maupo ka rito Limong nang malaman mo ang iba pang mga mangyayari."
Sa sinabi nito'y kinalimutan niya na lamang ang nararamdamang uhaw. Lumapit nga siya sa kinauupuan ng mga ito. Pinagmasdan pa rin siya ng dalawang bisita ng mandirigma na hindi niya gaanong binigyang pansin. Pumuwesto siya sa kanan ni Mitos na hindi inaalis ang tingin dito.
"Ano ang nagpabago sa isip mo?" pag-usisa niya sa mandirigma dahil nga sa kagabi'y hindi ito pumayag sa gusto niyang mangyari.
"Magpasaamat ka kay Mada," ang mandirigma.
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay sa narinig. "Bakit naman ako magpapasalamat? Para saan?" taka niya naman tanong.
"Sinabi niyang hawak mo ang isang perlas sa hinaharap," pagbibibgay alam naman nito.
Sinulyapan ng tingin ang dalaga dahil hindi niya malaman kung gawa-gawa lang nito ang sinabi sa mandirigma nang makabawi sa kaniya. Sinalubong niya ang tingin nito't huminga nang malalim.
"Maraming salamat," aniya sa dalaga't ginantihan siya nito ng isang tango. Matapos niyon ibinalik niya rin ang atensiyon sa mandirigma. "Kung pinaniwalaan mo ang sinabi niya ibig mong sabihin alam mo kung ano ang kaiya niyang gawin?" pag-usisa niya rito.
"Oo. Sinabi na rin niya sa akin," tugon naman ng mandirigma.
Naputol ang kanilang usapang dalawa sa pagsasaita ng babae. "Ano ang sinasabi mo ginoo? Nakikita niya ang hinaharap?" pag-usisa ng babae ng ginantihan namn ni Mitos ng isang tango. Nagsalubong ang dalawang kilay ng babae sa nalaman. "Paano nangyari iyon? Hindi naman siya isang babaylan na mayroong kakayanag makita ang hinaharap."
Lalog tumahimik ang dalagang si Mada dahil hindi nito gustong pinag-uusapan ang katauhan niya.
Nilingon niya ang babae sa mga nasabi nito. "Dahil hindi siya isang babaylan," pagbibigay alam niya rito. "Mayroon lamang siyang kakayahan."
Napatitig sa kaniya ang babae dahil hindi ito naniniwala sa kaniya.
"Ano kung hindi?" sumunod nitong sabi.
"Itanong mo na lang sa kaniya. Wala akong karapatang sabihin," ang nakuha niyang sabihin sa babae. Inilahad niya pa ang kamay dito. "Ako nga pala si Limong. Ano naman ang pangalan niyo?" dutong niya para magpakilala sa mga ito.
Pinagmasdan ng babae ang kaniyang kamay na hindi kinukuha niyon. Ang gumawa na lamang niyon ay ang kasama nitong lalaki.
"Malaya ang pangalan niya," pagbibigay alam ng lalaki nang tanggapin nito ang kamay niya. Ramdam niya ang bigat ng pagkahawak nito. "Tawagi mo na lamang akong Kalsag. Ikinagagalak kitang makilala."
Nakipagkamay na lamang siya rito sa pagngiti nito sa kaniya. Nakuha niya pang tumango-tango rito't binawi niya ang kaniyang kamay nang wala itong balak itigil ang pakikipagkamay sa kaniya. Sinulyapan niya pa ng tingin si Malaya dahil sa masamang tinging pinupukol nito sa kaniya kahit wala naman siyang sinasabi't ginagawang masama.