MATAPOS niyang makipagkilala sa dalawa naging seryoso na ang usapan. Nanatili lamang siya nakikinig dahil wala rin naman siyang maaambag. Naglabas ng mapa na gawa sa balat ng usa ang babaeng nagngangalang Malaya na isang babaylan. Inilatag nito ang mapa sa gitna ng lahat.
"Para saan ang mapa?" ang naitanong ng mandirigmang si Mitos.
Sinalubong ng babaylan ang mga mata nito. "Hindi ba't sabi ko'y hindi lang tayo ang naghahanap sa mga perlas? Nahanap namin ang mga tanda ng paggamit ng itim na salamangka sa mga lugar na ito." Tumuro ito sa gitna ng mapa't sa iba't ibang bahagi niyon. "Katuald ng nakita namin sa templo. Kaya hindi malayong ang mga nagtungo sa lugar na iyan at sa temploy'y iisa. Nakakuha kami ng ilang mga impormasyon sa mga tao sa bawat lugar na iyan para makilala natin ang mga magnanakaw."
Napatango-tango ang mandirigma sa mga narinig.
"Sino sa tingin mo ang mga magnanakaw?" pag-usisa na
"Hindi kami sigurado pero sa palagay ko'y mga sumasamba kay Sungkayaw," paglalahad ng babaylan sa mga nalaman nito. "Ang samangkang ginamit nila'y katulad ng natutunan ni Sungkayaw mula sa demonyong si Kalunglaon."
Napatitig siya sa mapa sa mga narinig mula sa babaylan. Hindi nga rin naman magandang bagay ang mga nasabi nito lalo't nabanggit nito ang dalawang pangalan madalas ikuwento sa kaniya ng kaniyang ina.
Pinagtagpo ng mandirigma ang dalawang braso nito sa dibdib sa pag-iisip nito.
"Kung ganoon hindi magiging madali para sa atin ang ipunin ang mga perlas," ang nasabi ni Mitos.
"Tama ka riyan. Mayroon pa akong hindi nasasabi sa iyo," ang sumunod na sabi ng babaylan.
Sinalubong ni Mitos ang tingin ni Malaya. "Ano naman iyon?" pag-usisa nito.
Huminga ito nang malalim bago magsalita. "Hindi ba't alam din ng obispo ang tungkol sa paghahanap mo sa mga perlas?" ang naitanong ni Malaya. Pinagmasdan nito nang mataman ang mandirigma.
"Oo," sagot ni Mitos sa babaylan. "Nasabi ko sa kaniya dahil kailangan ng permiso mula sa simbahan. Ano naman ang mayroon sa obispo't nabanggit mo siya?"
Itupi ng babaylan ang mapa't binaik nito sa likurn ng suot nitong balabal. Ibinalik nito ang atensiyon kay Mitos.
"Huwag kang mabibigla sa sasabihin ko," panimula ng babaylan. "Tinuturo ng mga nahanap naming impormasyon ang katedral. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin niyon?"
Napaisip din naman ang mandirigma dahil sa mga narinig nito mula sa batang babaylan. Nakuha pa nitong humawak sa babae sa pagtakbo ng isipan nito.
"Nagsisinungaling ang obispo na kailangang mailigtas ang mundo sa kadiliman?" ang nag-aalangang sabi ni Mitos nang ibaba na nito ang kamay ng pinanghawak nito sa baba.
"Posible," pagsangayon ni Malaya. "Pero sa nakikita ko'y balak niyang hayaang mawasak ang mundo. Kung mabubuhay si Sungkayaw wala itong gagawin. Kaya iniipon niya ang mga perlas nang hindi ito magamit ng mga katulad nating nais manatali ang katahimikan."
"Bakit naman gagawin iyon ng obispo?" ang naisipan namang itanong ni Mandirigma.
"Iyan nga ang malaking katanungan. Bakit? Isa siyang tagapagkalat ng mga aral pagkatapos iyon ang gagawin niya. Nakita kong binabanggit niya ang mga salitang nasabi ko na sa iyo sa dais," pagpapatuloy ng babaylan. "Ano balak mong gawin ngayon? Nasa kaniya ang mga ninakaw na perlas. Kailangan nating makuha iyon."
Pinaglipat-lipat niya ang kaniyang tingin sa babaylan at mandirigma sa naging pag-uusap ng mga ito.
"Iisa lang ang magagawa natin para malaman natin ang katotohanan. Pupuntahan natin ang obispo."
Nagsalubong ang dalawang kilay ng babaylan sa sinabi ng mandirigma. "Magsisinungaling siya kung tatanungin mo siya kung nasaan ang perlas. Kung magagawa ko nga lang na makita ang kinalalagyan ng mga perlas hindi na natin kailangang kausapin pa siya. Hindi ako binibigyan ng kasagutan ng mga dais kapag naitatanong ko." Mababatid ang pagkadismaya sa boses ng babaylan nang sabihin nito ang mga salitang iyon.
"Hindi ko balak siyang kausapin nang simple lang," paliwanang ng mandirigma kaya itinikom ng babaylan ang bibig para makinig. "Ganito ang gagawin natin. Papasukin natin ang katedral. Magpapanggap tayong mga magnanakaw suot ang mga maskara. Iipitin nating ang obispo para masabi niya ang totoo."
"Makikilala ka dahil sa boses mo," paalala ng babaylan.
"Hindi ako gagawa niyon kundi kayo. Dahil hindi naman kayo kilala ng obispo mas magandang ganoon ang gawin natin."
"Ang gusto mong sabihin ay siya ang lalapit sa obispo, hindi ba?" wika ng babaylan na ang tinutukoy ay siya. Nakatingin pa nga ito sa kaniya. "Paano kung pumalpak siya?"
"Kaya nga nasa likuran lang niya kayo para sumuporta sa kaniya kung mangyari nga ang naisip mo," paliwanag ng mandirigma.
Bumagsak ang dalawang balikat ng babaylan nang huminga ito nang malalim. "Ano pa bang magagawa ko? Ikaw naman ang masusunod."
"Huwag kang mag-aalala. Makatutulong siya nang malaki," pangungumbinsi ng mandirigma. "Hindi rin naman kayo puwede dahil madali kayong mahahanap kung sakaling mamukhaan kayo."
Napapabuntonghininga na lamang siya nang malalim sa kaniyang mga narinig. Hindi niya naman magawang magsalita dhail hindi niya rin naman alam kung ano ang dapat sabihin.
"Kailan naman nating pupuntahan ang obispo? Kailangang gawin na natin sa madaling panahon."
"Mamayang gabi nating gagawin," paglalahad ng mandirigma at binaling sa kaniyang ang tingin. "Kaya mo ba Limong?" ang naitanong pa nito sa kaniya para makasigurado na hindi siya tatanggi.
"Oo naman. Makakaasa kayong magagawa ko nang maayos," sabi niya na lamang nang hindi ito madismaya sa kaniya. Hinayaan na nga siya nitong sumama sa grupo kaya dapat sundin niya kung ano ang sasabihin nito. Kahit mapahamak siya'y wala rin namang magiging malaking epekto iyon sa kaniya dahil wala rin namang naghihintay sa kaniya na magandang umaga.
Sumilay ang isang ngiti sa labi ng mandirigma sa mga narinig nito mula sa kaniya.
"Magpahinga na tayong lahat para mayroon tayong lakas sa gagawin nating mamayang gabi," ang nasabi ng mandirigma sa pagtayo nito. Lumakad ito patungo sa silid nito na sinundan ng pagtayo nina Malaya at Kalsag na lumabas naman ng bahay.
Naiwan na lamang sila ni Mada sa silid na iyon na ihahatid ng tingin ang dalawa. Naputol lang ang kaniyang tingin sa mga ito nang tuluyang makalabas ang mga ito ng pinto. Sa pagtayo naman ni Mada'y nilingon niya ito.
"Bakit nagawa mong magsinungaling kay Ginoong Mitos na hawak ko ang isang perlas sa hinaharap?" ang nasabi niya rito. "Kaya hinayaan niya akong sumama sa kaniya."
Pinakatitigan siya nito sa nasabi niya. "Totoo ang sinabi ko. Mabuti na iyong mayroon kang magawa bago ang katapusan mo," ang makahulugan nitong sabi.
Pinakatitigan niya ito nang maigi dahil sa huling nasabi nito. Pakiwari niya'y malapit na siyang mamatay kaya ganoon na lamang nitong bitiwan ang mga salitang iyon.
IMBIS na magpahinga katulad ng sinabi ng mandirigmang si Mitos nagtungo siya sa kamalig para ayusin na lamang ang mga damong siyang pinapakain sa mga baka. Hindi siya kompotableng walang ginagawa kaya minabuting gawin niya na lamang iyon. Tahimik sa loob ng kamalig sa hindi pag-ungol ng mga alagang baka ni Mitos. Abala ang mga hayop sa pagsabsab ng mga damong inilagay niya sa kulungan ng mga ito. Nang itinatabi niya ang iba pang mga damong natira sa sulok pumasok sa bukas na pintuan ng kamalig sina Kalsag at Malaya. Sa kaniya kaagad pinako ang tingin ng mga ito sa paghakbang ng mga ito. Natigil siya sa kaniyang ginagawa't hinawakan na lamang nang patayo ang ginamit niyang kalaykay.
"Nakalimutan kong itanong kay Ginoong Mitos kaya sa iyo ko na lamang itatanong," kaagad na sabi sa kaniya ng babaylang si Malaya sa paghinto ng mga ito sa kaniyang harapan.
Nagtataka man kung ano ang balik nitong itanong sa kaniya pinilit niya pa rin namang magsalita. "Ano bang itatanong mo?" aniya rito na hindi inaalis ang tingin sa mukha nitong bahagyang namumutla. Nangingitim hindi lang ang gilid ng mga mata nito pati na rina ng mga labi nito dahil sa pangkulay na inilagay nito rito.
"Gaano ka na katagal na nakikituloy dito?" pag-usisa ng babaylan sa kaniya. "Nang huling nagpunta kami rito ay wala ka naman. Totoo ba iyong sinabi mo na kararating mo lang ng Habigan kahapon?"
"Totoo iyon. Wala namang rason para ako ay magsinungaling tungkol sa bagay na iyon. Sa tingin mo ba'y hindi talaga ako nagsasabi ng totoo?"
"Tama ka," sabi naman nito sa kaniya.
Inunahan ng lalaki ang babaylan sa pagsasalita. "Hayaan mo na siya," sambit ng lalaking si Kalsag.
Hindi naman ito pinakinggan ng babaylan. Pinalusot lamang nito sa dalawang tainga't pinagpatuloy ang pag-usisa sa kaniya.
"Wala akong balak tumigil hangga't hindi ko nasisigurado kung sino siya?" ang nasabi ni Malaya.
Huminga siya nang malalaim sa narinig niya mula rito na mahahalata sa pagbagsak ng kaniyang mga balikat.
"Ano pa bang gusto mong malaman?" ang naisip niyang sabihin. "Hindi rin naman mahalaga kung sino ako."
"Ako lang ang makakapagdesisyun kung hindi ba talaga mahalaga kung ano ang pagkatao mo. Sino ka ba talaga?" Pinakatitigan siya nito sa paghihintay ng magigi niyang sagot. Sinabi niya na rin naman dito kung saan siya galing kaya sa palagay niya'y hindi niya kailangang sabihin dito ang tungkol ng lahat sa kaniyang buhay. Sa hindi niya pagsasalita'y binaling nito ang tingin sa kasamahang si Kalsag. "Hawakan mo siya," ang nasabi ng babaylan.
Inasahan na ni Kalsag na gagawin iyon ng babaylan kaya napapabuntong hininga na lamang ito nang malalim. Inilipat nito ang tingin sa kaniya'y humakbang nga nito patungo sa kaniya para nga siya ay mahawakan. Umatras na lamang siya nang lumayo sa mga ito dahil wala siyang ideya kung ano ang gagawin ng mga ito sa kaniya habang wala silang ibang kasama roon.
Patuloy pa rin namang sinundan siya ni Kalsag. Iniangat nito ang kanang kamay para mahawakan ang kaniyang suto. Bago pa nito magawa ang bagay na iyon hinampas niya ang kamay nito ng hawka niyang kalaykay.
Muling nagpakawala ng malalim na hininga si Kalsag sa nagawa niya na para bang sinasabi nito na hindi gusto ang nangyayari nang sandaling iyon.
"Huwag ka nang lumayo. Wala rin naman kaming gagawin sa iyong masama. Titingnan niya lang ang isipan mo nang makilala ka naming nang walang pagpapanggap," paliwang ni Kalsag sa kaniya. Nanatiling lamang na nakatingin sa kanila ang babaylan na naghihintay na mapigilan siya nito.
Sa narinig naalarma siya dahil hindi malayong makita ng babaylan ang kadiliman sa kaniyang sairli na minsang nakawala sa isla.
"Hindi maaari ang sinasabi mo," hirit niya na lamang kay Kalsag.
HIndi siya nito pinagkaabalahang pakinggan nang nilakihan na nito ang paghakbang upang mahawakan siya. Sa pag-angat ng kamay nito'y mabilisan siyang umatras papalayo rito. Hindi rin naman nagpapigil ang lalaki kaya umakyat na lamang siya hagdanan. Nakailang hakbang lang siya paakyat nang hilahin siya ni Kalsag sa likuran ng kaniyang suot. Nawalan siya ng balanse sa ginawa nito. Ngunit bago pa man siya bumagsak sa lupa naibalik niya rin naman ang kaniyang balanse. Bumaiktad siya na may kasamang paglayo sa lalaki, pagkalapag niya sa lupa na nakapahawak pa ang isang kamay sa lupa'y ilang hakbang na ang layo niya kay Kalsag. Napatitig na lamang ito sa kaniya na mayroong ngisi sa labi.
"Interesado na ako tuloy na makilala ka," ang nasabi pa ni Kalsag. "Pagbigyan mo na kami. Madali lang naman ang gagawin sa iyo ni Malaya."
HIndi na siya nakapagsalita pa nang bigla siya nitong sugurin. Sa pagpikit bukas ng kaniyang mga mata'y nasa harapan na niya ito katulad nang nangyari sa piitan. Mabuti na lamang nakita na niya kung paano nito gawin iyon kaya nang hahawakan na naman siya nito sa kaniyang leeg para hulihin, yumuko siya kaagad kasabay ng isang suntok sa sikmura nito. Napaatras na lamang ito sa ginawa niya sapo ang nasaktan ang tiyan.
"Ano ang problema ng mga taong katulad niyo?" ang nasabi niya sa mga ito. Sa puntong iyon sumama na ang tingin niya sa babaylan. "Hindi porket mayroon kang nararamdaman, ipagpipilitan mo ang gusto mo. Dapat matuto kayong makuntento sa sinasabi ng tao. Mali ang ginagawa niyo. Akala ko'y kabutihan lang ang kaya niyon gawin. Pero sa ginagawa niyo ngayong pagpilit ng tingnan ang isipan ko masahol pa kayo sa masasamang tao. Mayroong dahilan kaya hindi ko gustong makita niya ang nilalaman ng isipan ko. Hindi ako isang masamgn tao katulad ng iniisip niyo. Dapat niyong resputuhin ang desisyun ko, hindi iyong ipagpipilitan niyo."
Natahimik na lamang ang dalawa sa pinagsasabi niya. Sa hindi pagsasalita ng mga ito'y lumakad na siya palabas na kamalig. Nakasalubong niya pang ang mandirigmang si Mitos na hindi niya pinansin. Nagtuloy-tuloy lang siya ng lakad na nilalampasan ito kaya gumuhit ang pagtataka sa mukha nito. Nang makalayo siya'y nilingon nito ang dalawa't napabuntonghininga na lamang ito nang malalim.