Kabanata 41

2090 Words
DINALA siya ng mandirigmang si Mitos sa tahanan nito pagkalabas niya sa piitan. Pinaupo siya nito sa lapag kaharap ang mababang mesa habang pinaghahanda siya nito ng makakain sa kusina. Sa kaniyang paghihintay iniikot niya ang kaniyang paningin sa silid na kaniyang kinalalagyan. Walang ano mang palamuting nakasabit sa dingding ngunit mayroong ilang kagamitan makikita roon. Nakalagay sa gawing kaliwa niya ang maliit na tukador na apat ang debuhista. Sa gawing kaliwa niya naman ay naroon ang nakasaradong bintana. Sa ilang saglit lang ay naiikot na niya kaagad ang kaniyang paningin dahil hindi rin naman kalaparan iyon. Ibinalik na lamang niya ang kaniyang paningin sa kandila sa kaniyang haparan na siyang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan ng silid. Pinagmasdan niya nang maigi ang manilaw-nilaw na apoy. Nagbabalik sa kaniyang isipan ang imahe ng kaniyang mga magulang. Nasabi niya tuloy sa kaniyang sarili kung ano ba talagang mangyayari sa kaniya sa Habigan. Sa nangyari sa kaniyang unang araw doon nasabi niyang wala nang magiging direksiyon ang kaniyang buhay. Kung sanang siya talaga ang kailangan ng mga espiritung bantay mayroon pa sana siyang magagawa bago huli niyang mapapakawalang hiinga. Sa kasamaang-palad hindi nga rin naman siya ang sugo na hinahanap ng mga ito. Pinutol lamang ang kaniyang pag-iisip nang pagpasok ng mandirigmang si Mitos sa silid na iyon. Hawak nito sa kamay ang bilugang trey na kinapapatungan ng pagkaing inihand nito para sa kaniya. Nakasuot lamang ito ng sandaling iyon ng salwal na kayumanggi ang kulay at pinaresan nito ng puting pang-itaas na mahaba ang manggas. Malaki't mabilis ang naging paghakbang nito sa pagmamadali nito kaya nakarating ito kaagad sa kinauupuan niya. Iniupo nito ang sarili sa kabilang ibayo ng mesa habang inalalapag ang bilugang trey. Pinagtapo nito ang dalawang mga paa nang makaupo nang maayos. Napapasunod na lamang ang kaniyang mga mata sa paggalaw nito. "Alam kong mayroong mangyayaring hindi maganda sa iyo kaya nga kita dito pinapatuloy," ang nasabi ni Mitos sa kaniya nang alisin nito ang mangkok sa trey. Inilipat nito iyon sa kaniyang harapan at isinunod ang iba pang niluto nitong nakalagay sa mga platito. Sinalubong niya ang mga mata nito. "Hindi ko rin naman kasi alam na kailangan ng pagkakakilanlan. Sinabi mo sana sa akin," ang nakuha niya namang sambiitan. Posible nga rin namang walang nangyari sa kaniya kung narinig niya nga mula sa bibig nito ang patakarang iyon ng mga opisyal sa Habigan. "Wala rin akong ideya. Nalaman ko na lang nang makauwi ako," pagtatanggol ng mandirigma sa sarili nito. "Binago nito dahil sa nangyaring pagnanakaw." Ang huli nitong ibinigay sa kaniya ay ang kutsara na kaniya namang tinaggap ng walang pag-aalinlangan. Patuloy siyang magugutom kung mahihiya pa siya rito. Napapalunok na lamang siya ng laway sa pagtitig niya sa mangkok na naglalaman ng nilagang manok. "Totoo ba talagang maryoong nanakaw ng mga perlas sa templo?" paniniguro niya rito. Inilublob niya ang kutsara sa mangkkol at sinimulalng humigop ng sabaw. Nanunuot sa kaniyang dila ang malinamnam na lasa ng sabaw na lalong nagpkulo sa kaniyang tiyan. Sa lalkas ng pag-ungok ng kaniyang tiyan malinaw niyang narinig iyon. Kung kaya nga imbis na bagalan niya ang pagkain kumain siya ng katamtaman ang bilis. "Oo," simple nitong tugon. "Bakit mo naitanong?" dugtong pa nitong tanong sa kaniya. Nahinto siya saglit sa paghigop ng sabaw. Iniangat niya ang tingin mula sa mangkok at muling sinalubong ang mga mata ng mandirigma. Hindi siya kaagad nakasagot sa pag-iisip niya kung ano ang dapat niyang sabihin nito. Hindi rin naman kasi maaring ikuwento niya ang mga nangyari sa kaniya sa malayo kasama ang mga espiritung bantay na siyang nangangailangan din sa mga perlas. "Wala naman," tugon niya rito nang makapagdesisyun siya sa huli. "Mayroon lang mga taong naghahanap sa mga perlas kaya pati akong napagkamalan ay nausisa." Sumagi sa kaniyang isipan ang mukha ng baba't lalaki nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Pinagpatuloy niya ang paghigop sa sabaw. Sinasabayan niya na rin ng mga putaheng nakalagay sa platito. Inuna niya ang berdeng gulay na binabad sa pangpaanghang. "Sino naman?" sumunod nitong sabi. "Hindi ko alam kung sino ang mga iyon," pagkuwento niya rito. Hindi niya na nga isinama ang mga espiritung bantay at ang sugo. "Basta na lang pumasok sa piitan bago ka dumating. Pinababalik nila ang mga perlas na ninakaw ko sa pag-aakalang ako ang mayroong sala. Ganoon na ba talaga kahalaga ng perlas na ninakaw?" dugtong niya kahit alam niya rin naman kung para saan an gmga perlas. Ngayong nalaman niyang pinaghahanap ang perlas na ninakaw hindi malayong iyon ang kailangan ng mga espiritung bantay. "Puwede namang kumuha sa karagatan ng mga perlas bilang kapalit." "Hindi ordinaryong perlas ang mga ninakaw. Ang mga perlas ang magsasalba sa mundo kung balutin ito ng kadiliman," paliwanag ng mandirigna sa kaniya. "Wala ngang nakakaalam na nakatago ang mga perlas sa templo kung hindi pa iyon ninakaw. Ang alam lang ng mga mamayan mahalagang antigo ang mga perlas." Napatitig siya sa seryosong mukha ng mandirigma. Sa mga narinig niya mula rito'y pakiramdam niya'y marami itong alam sa mga perlas. "Huwag mong sabihing hinahanap mo rin ang mga perlas?" ang naisipan niyang itanong dito. Kinain na niya ang hita ng nilagang manok mula sa mangkok. Huminga nang malalim ang mandirigma na mahahalata sa pagbagsak ng balikat nito. Nanahimik ito sa loob ng ilang sandaling upang mag-isip. Sa katapusan ay nagsalita na rin ito. "Oo. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito sa iyo. Sasabihin ko sa iyo kung bakit basta'y magtiwala ka sa akin. Para naman sa ikabubuti ng lahat ang ginagwa ko." Nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay na ikinakunot ng kaniyang noo dahil sa pagtataka. Mabuting tao din naman ito kaya tumango na lamang siya para rito. "Bakit nga ba?" simple niyang sabi kahit na mayroong lamang manok ang bibig. Muling nagpakawala ng mainit na hiinga ang mandirigma. "Paghahanap sa perlas ang rason kaya nagtungo ako ng Malayo," pagkuwento nito sa kaniya. "Nasabi ng babaylang kakilala ko na nakatago ang isa sa anim na perlas sa isla. Ngunit wala rin naman akong nakita roon kahit ginawa ko naman ang lahat ng paraan para mahanap ang perlas. Nakakadismaya nga nang kaunti. Kailangang mahanap ang mga perlas lalo na ngayon." "Ano bang mangyayari kung hindi mahanap ang mga perlas?" ang naisipan niya na lamang itanong kahit mayroon na rin naman siyang ideya. "Katulad ng nangyari sa laot sa atin. Hindi lang basta gawa iyon ng panahon," sabi nito sa bagay na alam na niya. Hindi niya tuloy mapigilang isipin kung nasabi ni Mada ang sanhi ng pag-iba ng panahon habang nasa laot sila sakay ng balangay. "Puwede ba akong sumama sa iyo sa paghahanap para naman may magawa ako?" sambit niya kaya napatitig sa kaniya ang mandirigma. "Huwag na. Delikado ang paghahanp sa mga perlas. Nariyan lang ang kapahamakan." Inilapag niya ang kutsara matapos niyang makain lahat ng manok. "Ano na lamang ang gagawin ko?" aniya sa mandirigma. Nais niya lang din naman tumulong sa paghahanap nang maisip ng mga espritung bantay na maryoon siyang magagawa kahit hindi siya ang sugo. "Hindi naman ako makalalabas dahil wala pa akong pagkakalinlan." "Papagawan kita bukas," sabi ito nang higupin niya ang natitirang sabaw sa mangkok. "Hindi ka talaga puwedeng sumama sa akin. Mabuti pang dito ka lang. Puwede kang magtanim. Iyong mga maibebenta mo'y sa iyo na ang kita." "Hindi ba talaga puwede? Kaya ko naman ang sarili kung mayroong mangyari ngang masama," pangungumbinsi niya rito. Huminga ito nang malalim. "Hindi nga maaari. Maraming posibleng mangyari habang hinahanap ang mga perlas. Kasama na roon ang paglabasan ng mga halang ang kaluluwa. HIndi ko gustong makitang mayroon na namang mapahamak dahil lang sa pumayag ako," paliwanag ng mandirigmang si Mitos sa kaniya. "Wala rin namang dapat panghinayangan sa buhay ko kung sakali," aniya at inubos na niya ang natitirang sabaw sa mangkok. Nagpakawala pa siya ng hininga ng pagkabusog nang ilapag na niya ang lagayan. "Lahat ng buhay Limong ay mahalaga. Hindo mo man makita iyon ngayon pero darating din ang araw na masasabi mo sa sarili mo na gusto mo pa ring mabuhay sa kabila ng mga nangyayari." Kinuha nito ang wala nang lamang mangkol. Muli nitong inilagay sa trey kasama ang iba pang plaito na hindi niya naubos ng kain. Natahimik na lamang siya sa narinig dahil hindi iniisip niya kung darating nga sa bhay niya araw na sinasabi nito. "Nasaan na ba si Mada?" pag-iiba na lang niya sa usapan. Tumayo ang mandirigmang si Mitos matapos malinis ang mesa. "Natutulog na siya sa kuwarto. Ihatid ko lang itong mga hugasin sa kusina't ipaghahanda na kita ng matutulugan dito," sabi nito sa kaniya ang tinutukoy ay ang silid na kanilang kinalalagyan. "Huwag na, Ginoo. Doon na lamang ako sa kamalig," pagtanggi niya rito sa kaniyang pagtayo. "Sigurado ka ba?" nag-aalangang tanong sa kaniya ni Mitos. "Oo naman. Mas gustong matulog sa kamalig. Hindi ako makatutulog kapag dito," pagdadahilan niya na lamang. Hindi niya naman alam kung makatutulog siya sa paglalaro ng mga alaala ng kaniyang magulang sa kaniyang isipan. Nais niya lang sa labas siya sa paglipag ng gabi. "Ikaw ang bahal. Kung mayroon kang kailangan tawagin mo lamang ako." Sinago niya ito ng tango sa kaniyang namang pagtayo. Iniwan na rin siya nito sa pagtungo nito ng kusina dala ang mga hugasin. Hindi na rin naman siya nagtagal sa silid na iyon. Humakbang na siya patungo sa pinto na napapalingon sa pinto ng silid ng kinahihigaan ni Mada. Ilang hakbang pa'y nakarating na siya sa harapang pinto ng bahay. Hinila niya iyon para mabuksan at tuluyang lumabas na isinasara ang pinto kahit nakatalikod. Naramdaman niya kaagad ang lamig ng hangin pagkatayo niya sa bakuran. Napapatingala pa siya sa langit kung saan naroon ang bilog na buwan. Sa paggulo ng mundo'y wala na siyang masasandigan dhail sa nagpaaalalm niyang mga magulang. Sa pagtitig niya sa buwan ay sumakit na ang kaniyang dibdib. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nangyari iyon sa kaniya. Sa simula'y hindi niya alam kung bakit ngunit dahil sa pagkawala niya sa kaniyang sarili nagkaroon na siya ng ideya. Marahil itinataboy ng liwanag ng buwan ang kadilimang nagtatago sa kaniyang sarili. Sa muli'y nagtanong siya kung bakit kailangang maging ganoon ang kaniyang buhay. Naibaba niya lamang ang kaniyang paningin nang marinig niyang magsaita ang ahas na si Soraka. "Kumusta ka naman dito?" ang naitanong sa kaniya ng ahas. Hinahanap niya ang pinanggalingan ng tining nito't tumama ang mata niya sa katawan nitong sa likas na laki na naroon sa bubongan ng bahay. Hindi lang ito ang naroon sapagkat kasama nito ang puting tigre. Nakaupo naman si Moras sa tuktok ng bubong habang pinagmamasdan ang bilog na buwan. "Maayos naman," aniya rito. Hindi na niya sinabi na napagkamalan siya ng mga opisyal. Pinagmasdan niya ito nang maigi. "Ano ang ginawa niyo rito?" pag-usisa niya. "Hindi ba't dapat nakabantay kayo sa sugo?" "Binigyan pa namin siya ng panahon para mag-desisyun. Kasama niya naman si Nori," tugon naman nito sa kaniya. "Ano ngang ginagawa niyo rito?" pag-ulit nijya sa naunang tanong. "Inaalam lang namin kung maayos ka." "Huwag ka ngang magpatawa Soraka. Imposible ang sinasabi mo." Pinakatitigan niya ang ahas. "Sabihin mo na lang kaya ang totoo? May problema kayo?" "Dahil naitanong mo na rin, mayroon nga." "Ano naman?" ang naitanong niya naman dito. Sumingit sa usapan nilang iyon ang puting tigre. "Huwag mong sabihin sa kaniya. Wala naman siyang maitutulong," saad ni Moraso na nakuha pang lumingon sa kaniya. Sinalubong niya ang mga mata nito na mayroong pagkadismaya. Matapos niyang tumulong sa mga ito hindi pa rin maganda ang pakikitungo nito sa kaniya. "Hindi rin naman ako interesadong malaman. Naisipan ko lang itanong," ang huli niyang nasabi bago bumukas ang pinto. Sumilip sa pinto ang mandirigma si Mitos na nagtatanong ang mga mata. Tumingin pa ito kaliwa't kanan kaya napatitig siya rito. Napatitig siya rito nang magtanong ito sa kaniya. "Sino ang kausap mo?" taka nitong tanong sa kaniya. "Wala naman akong kausap," pagpapanggap niya. "Naringi kaya kitang may kausap." "Sarili ko lang ang kausap ko. Sa mga nangyari sa akin nasiraan na ako ng ulo," palusot niya na lamang kapagkuwan ay tinalikuran na ang mandirigma si Mitos. "Matutulog na ako," dugtong niya. Napabuntonghinga na lamang nang malalim si Mitos dahil sa narinig nito mula sa kaniyang bibig. Isinara na rin nito ang pinto matapos siyang ihatid ng tingin sa paglalakad niya patungo sa kamalig. Hindi pa man siya nakalalayo sa bahay nilingon niya ang dalawang espiritung bantay. Ngunit wala na ang mga ito sa bubongan ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD