Kabanata 32

1326 Words
Sa hindi niya pagsasalita't pagkilos unti-unti na ring niya nakita ang paglitaw ng mumunting ilaw na mistulang nagiging tala sa lupa tuwing gabi. Maliit man ang mga ilaw ngunit nagbibigay pa rin ng liwanag na tumatama sa kaniyang muka. Mayamaya'y naglaho na lamang ang mga mumunting ilaw na siya ring paglabas ng dalagang nagkakamalang Mada sa likuran ng mga niyon. Suot pa rin nito ang makulay na kamiseta nang huil niya itong makita malapit sa habihan ng tela. Nakalutang pa ito ng ilang dangkal mula sa sahig ng balangay habang sumasayaw sa hangin ang mahaba nitong buhok. Tumayo rin naman ito sa dalawang paa nito kasabay ng pagsabog ng mumunting ilaw. "Ano ang ginagawa mo rito?" bungad nito sa kaniya na hindi niya inasahan. Bibihira nga rin naman sila nitong mag-usap kapag nagkakasalubong kaya hindi siya sanay na marinig ang malumanay at mahalimuyak na tinig nito. "Ako ang dapat magtanong sa iyo niyan," aniya pabalik sa dalaga na mayroong diin. Hindi niya naman ganoon ang paraan ng pakikipag-usap niya ngunit nangyari na lamang. Nawawalan siya ng kontrol sa kaniyang emosyon habang kaharap ito kahit wala naman itong ginagawa sa kaniya. "Sa nakikita mo balak kong umalis ng isla," paliwanag nito sa kaniya sa hindi nito pagkilos sa kaniyang kinatatayuan. "Sa palagay ko ay ganoon ka rin." Matapos ng sinabi nito doon pa lamang siya nakahinga nang maluwag na kanina pa niya pinipigilan. "Tama ka. Bakit? Sa tingin mo mali ang ginagawa ko?" aniya rito sa kaniyang pag-upo sa sahig. Humakbang ito palapit sa kaniyang kinauupuan kapagkuwan ay naupo rin naman ito na magkapatong ang dalawang tuhod. Sumusunod sa galaw nito ang mahaba nitong buhok na mistulang lumulutang sa hangin. Hindi nito inalis ang tingin sa kaniya mukha kaya hindi niya naiwasang makaramdam ng pamumuo ng init sa kaniyang tainga. Iba man ang nararamdaman niya para rito hindi rin naman niya inilayo ang atensiyon dito, pinanatili niya rin dito katulad ng kasalukuyang ginagawa nito sa kaniya. "Hindi rin naman. Wala ako sa lugar para humusga dahil maging ako ay aalis din naman." Hinapo nito ang kanang braso nang maalis ang namumuong lamig doon. "Mabuti naman," ang nakuha niya pa rin namang isatinig. Inayos na lamang nito ang pagkalugay ng buhok, inilagay nito ang lahat sa harapan na nakapahingsa sa kanang balikat. "Alam ko rin ang dahilan kung bakit ka aalis." "Hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin," ang pinili niyang sabihin nang mapangalagaan niya ang kaniyang sarili sa magiging mga salita pa nito sa nangyari sa pagitan nila ng datu. Hindi nga rin naman malayong malaman nito ang pagpatay niya sa datu dahil sa hindi naman ito dayo katulad ng nagmamay-ari sa balangay. "Kung ako ang tatanungin mo hindi nararapat na parusahan mo ang datu dahil sa napatay niya ang iyong ina," saad nito kaya napatitig siya mga mata nitong mahahaba ang pilik mata. "Ngunit hindi rin kita sinisisi. Ang sa akin lang ay dapat higit kang namili. Hindi mo sana hinayaang manaig ng poot sa dibdib mo. Hindi ka sana tatakas ngayon." Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito na hindi niya rin naman pinakita sa kaniyang mukha. "Pinatay niya ang ina ko. Ano ang gusto mong gawin ko? Tatayo lang?" aniya na mayroong bahid ng inis. Mataman siya pinagmasdan ng dalaga dahil sa mga nasabi niya bago ito muling magsalita. "Ang sa akin lang namay ay darating din ang panahon na pagbabayaran ng datu ang ginawa niya pati na rin ang mga anak niya. Pero dahil sa nangyari na nga ang hindi dapat mangyari ikaw ang magbabayad ngayon. Hindi ka lang uusigin ng isipan mo dahil pati ang mga anak ng datu ay hahabulin ka. Habang-buhay kang magiging mamamatay-tao sa paningin ng lahat. Hindi matatahimik ang buhay mo kahit sa ka pa magpunta." Wala siyang nasabi sa mga narinig mula sa dalagita dahil hindi rin naman ito nagkakamali. Hindi nga siya sigurado kung matatahimik pa ang buhay niya. Ang gusto niya lang talagang gawin nang sandaling iyon ay ang umalis ng isla. Nawalan na nga siya talaga ng rason para mabuhay. "Paano mo naman nalaman na ako nga ang pumatay sa datu gayong sa palagay ko ay ang mga anak niya lang ang nakakaalam sa nagawa ko," aniya sa pagkamot niya sa kaniyang tiyan dahil sa alat ng dagat. "Narinig mo ba mismo sa kanila?" "Hindi," tipid nitong sabi. Ibinaba niya saglit ang kamay mula sa pagkamot kapagkuwan ay ibinaling sa hagdanan ang kaniyang atensiyon dahil sa isinara ang pinto ng karagahan kaya nawala na ang liwanag sa loob niyon. Binalot na lamang sila ng dilim. Naibalik niya lang ang atensiyon sa dalaga nang magliwanag ng bughaw ang itim nitong buhok kaya nakikita niya pa rin ito na kunot ang noo. "Ano ka ba?" ang naitanong niya rito. "Sigurado ako hindi ka isang ordyinaryong tao dahil hindi ka lang nawawala, nagliliwanag pa ang buhok mo." "Isa akong kalahating diwata." Pinakatitigan niya ito dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala na ang simpleng dalagang madalas niyang tingnan ay mayroong itinatagong kakaiba sa sarili. "Ibig mong sabihin isa sa mga magulang mo ay isang diwata?" ang hindi niya naiwasang isatinig. "Oo. Ang ina ko. Pero hindi ko naman sila kilala kaya hahapin ko sila dahil wala sila rito sa Malayo," pagbibigay alam nito sa kaniya. "Hindi ka ba natatakot?" dugtong nito nang patanong. "Bakit ako matatakot? Wala namang nakatatakot sa iyo. Bakit mo pinapakita sa akin?" Iniyuko nito ang ulo saglit kapagkuwan ay ibinalik sa kaniya. "Wala lang. Pareho naman tayo nang sitwasyon kaya naisip kong walang magiging problema." Sinalubong nito ang kaniyang mga mata. "Mabait ka namang tao kaya alam kong hindi mo rin naman ipagsasabi." "Hindi ako mabait," pagtama niya sa nasabi nito. "Nakapatay nga ako ng tao." Bigla itong natahimik dahil sa hiyang naramdaman kaya pinagpatuloy niya na lamang ang pagsasalita. "Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko na kung paano mo nalamang ako ang pumatay sa datu." "Sinabi sa akin ng mga puno," sambit nito na kaniyang ikinatango nang isa. Posible nga rin naman iyon gayong nasasaksihan niya ang pagiging diwata nito. "Saan mo balak maghanap sa magulang mo?" ang naisipan niyang itanong dito. "Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kaya nga kita kinakausap ngayon para humingi ng tulong sa iyo." "Paano naman kita matutulungan?" taka niya namang sabi. "Isama mo ako kung saan ka man papunta. Posibleng makahanap ako ng sagot doon." "Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta kaya paano ka makahahanap ng sagot," ang makatotohanan niyang sabi. "Bakit hindi mo na lang kausapin ang mga puno? Hindi ba't nakakausap mo siya. Hindi naman kaya magtanong ka sa mga babaylan." "Ginawa ko na iyang mga nasabi mo ngunit hindi ko talaga magawang mahanap ang magulang ko," ang naisatinig nito na mayroong kirot sa dibdib. "Baka wala na rin ang magulang mo?" sambit niya hindi para panghinaan ito ng loob. Nais niya lang sabihin ang posibilidad na iyon. "Buhay pa sila. Nararamdaman ko." Humawak ito sa dibdib na mayroong kasamang pagpikit. "Hindi mo ba naitatanong sa kasama mo kung saan kayo pupunta?" dugtong nito na nakatitig sa kaniyang dibdib kung saan naroon ang mukha ng tigre. Hindi na siya nagtaka kung bakit alam nito ang tungkol sa puting tigre at ahas. Napaisip din naman siya sa nasabi nito dahil nga wala ngang sinasabi sa kaniya ang dalawa. "Magsasalita rin naman sila kung gusto nila," aniya na pinaparinig niya lalong lalo na sa puting tigre. "Dapat malaman mo kung saan nang makapaghanda ka." "Itatanong ko mamaya dahil mukhang hindi nila gustong magsalita ngayon," sabi niya naman. Hindi na nasundan ang pag-uusap nila dahil sa paggalaw ng balangay papalayo sa dalampisagan kaya umugoy ito sa ibabaw ng tubig. Maririnig din ang mga pagsigaw ng tagasagawan na nakaupo sa magkabikang ibayo ng balangay sa ibabaw. Hindi niya rin maiwasang tumitig sa kisame, sa bigat ng yabag ng naglalakad sa itaas nila malinaw niyang naririnig iyon. Maging ang dalaga ay napapatingala na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD