Tumango siya rito samantalang ang dalagang si Mada ay wala man langing reaksiyon. Hindi pa rin ito natatapos sa ginagawa sa lansones, naalis talaga nito ang bawat hibla na nakapaikot sa labas ng binatalang prutas. Tiningnan sila pareho ng mandirigma kapagkuwan ay lumakad na ito kaya naihahatid niya ito ng tingin hanggang sa makaakyat na ito sa hagdanan. Tinulak nito paitaas ang sara't umalis ng kargahan na muling isinasara sa iyon.
Sa muling pagbalik ng katahimikan sa pagitan nila ng dalagang si Mada pinagmasdan niya ito.
"Paano kayo nagkakilala ni Ginoong Mitos?" ang naitanong niya rito.
Sumubo siya ng isang butil ng lansones habang naghihintay ng magiging sagot dito.
"Nangyari na lang," sabi naman nito sa kaniya sa pagtatapos nito sa paglinis sa lansones.
Napatango-tango na lamang siya rito dahil kahit anong pilit niyang tanong hindi nito masasagot nang direkta. Hindi niya na lang inusisa pa dahil iba nga rin naman ang dahilan nilang dalawa sa pag-alis ng Malayo. Mataas ang posibilidad na hindi na magtatagpo ang kanilang landas matapos nilang makababa sa balangay na iyo.
Sa kanilang pananatili sa kargahan na iyon nangyari na nga ang inasahan niyang mararanasan niya kung nakaaalis siya ng Malayo sakay ng ginawa niyang bangka. Nagsimula na ngang marahas na umugoy ang balangay na hindi na rin naman niya ikinagulat. Hindi niya na natapos ang pagkain sa lansones dahil sa paggalaw ng mga kargang naroon. Maging ang dalagang si Mada ay gannoon na rin ang ginawa. Kapwa nila binitiwan ang mga hawak na lansones, ibinalik sa pinggan kaya gumulong iyon.
"Doon tayo sa hagdanan baka maipit tayo rito," aniya kay Mada sa pagpatiuna niya sa paglalakad. Sumunod din naman ito sa kaniya kaya nakalapit nga sila sa hagdanan na siya ring pagtumba ng mga sako. Dumaan pa sa haparan nila ang gumulong ng mga bgkis ng saging.
Naupo siya sa baitang na kumukuha roon ng suporta. Sinundan niya ng tingin si Mada dahil sa hindi nito pagtigil sa hagdanan. Pinigilan niya ito sa braso kaya napahinto ito saglit na nakatingin sa kaniya.
"Kailangan kong lumabas," sabi nito sa kaniya.
"Bakit?" taka niyang tanong dito. "Baka mapahamak ka sa labas hindi lang dahil sa sungit ng panahon. Hindi ka rin puwedeng makita ng ibang mga taong nakasakay sa balangay na ito."
Inalis nito ang kaniyang kamay sa braso nito. "Walang mangyayari kung naririto ako sa loob. Matatagalan ang sungit ng panahon kung wala akong gagawin. Baka mamaya kung hindi tumigil lumubog pa itong balalngay," sabi nito sa kaniya.
Hindi nito naituloy ang sasabihin nang bigla itong mawalan ng balanse sa pag-ugoy ng balangay. Hinawakan niya kaagad ito sa beywang bago pa ito mahulog sa hagdanan kung kaya nga nagkatagpo ang kanilang mga katawan na sa sobrang dikit wala nang lulusotan pa ang hangin. Hindi niya naiwasang mapatitig sa mukha nito sa lapit niyon.
Nang mapagtanto niya kung ano ang ginagawa niya bumitiw siya rito't siya na lamang ang tumulak sa sara ng kargahan.
"Ano bang gagawin mo?" ang naisipan niyang itanong sa hindi niya pagbitiw sa sara.
Tuluyang umakyat ang dalaga sa pagkabukas ng kargahan. "Susubukan kong kausapin ang dagat baka makinig sa akin," sabi nito na kaniya na namang pinagtataka na makikita sa kaniyang mukha.
Nais niya mang magtanong dito kung paano nito magagawa iyon hindi niya na lamang itinuloy. Binitiwan niya na lamang ang sara ng kargahan.
"Sasamahan kita para kung kailangan mo ng tulong makakahingi ka sa akin," aniya sa dalaga kahit hindi niya maintindihan kung ano ang balak nito.
Tumango ito sa kaniya bilang pagpayag kaya lumakad na sila paalis ng kargahan na maingat naglalakad sa pag-ugoy ng balangay. Dumilim ang kalangitan sa sungit ng panahon na sinasabayan ng hampas ng alon na lumalampas sa balangay, hindi rin nagpapahuli ang malakas na bugso na hangin. Nahirapan siya sa paglalakad habang tinitiis ang pagtama ng ulan sa kaniyang katawan. Kamuntikan na naman matumba ang dalaga sa paghakbang nito kahit nakahawak na ito sa harang. Mabuti na lamang nahabol niya pa rin ang brarso nito kaya hindi na naman ito natumba. Sumunod lamang siya rito patungo sa unahan ng balangay na nakasunod ng tingin sa kanla ang mga tingin ng nadaanang tagasagwan na pilit nilalabanan ang sungit ng panahon. Bumitiw sila sa harang kapagkuwan ay dumaan sa gitna ng mga ito. Hindi lan ang mga tagasagwan ang nakatingin sa kanila dahil maging ang mandirigmang si Mitos kasama si Talas at ang bagong asawa nitong si Silay ay nakasunod ng tingin mula sa pangunahing kubyerta ng balangay. Hindi pa man sila nakararating sa unahan ng bangka mayroong humarang sa kanila na tagasagwan.
"Sino kayo?" ang naitanong nito sa kanila. Tumatalsik ang tubig mula sa bibig nito sa naging pagsasalita nito.
Sa sama ng mukha nito tumigil sa paghakbang ang dalaga't nagtago sa kaniyang likuran.
"Kasama kami ni Ginoong Mitos," sabi niya sa tagasagwan.
"Kung ganoon bumalik na kayo roon at sumilong kung ayaw niyong mahulog sa tubig," pagtataboy nito sa kanila.
Humakbang ito pabalik sa puwesto nito na hindi na nito naituloy dahil sa malaking alon na humampas sa bangka. Sa lakas niyon hindi lang ang lalaki ang nadala patungo sa pinakagilid ng balangay, maging silang dalawa ni Mada ay natumba't inanod hanggang sa mahulog nga sila ng balangay dahil hindi sila nakahawak sa harang. Lalo lamang binilisan ng mandirigmang si Mitos ang paglapit sa pinaghulugan nila. Napatitig na lamang siya sa gilid ng balangay na nanlalaki ang mata sa paglayo rito habang nahuhulog sa tubig. Hindi na siya nakapag-isip pa ng gagawin sa paglamon ng tubig sa kaniya't umikot pa siya sa lakas ng daluyong. Nang nasa ilalim na siya ng tubig sinubukan niya pang hanapin ang dalagang si Mada ngunit hindi niya ito kaagad nakita. Kung kaya pumaibabaw siya sa pagkaubos ng hangin sa kaniyang baga. Paglitaw ng kaniyang ulo sa tubig napagtanto niyang lumalayo siya sa balangay na idinuduyan ng dagat. Nakikita niya pang sumigisigaw ang mandirigmang si Mitos na hindi niya naman marinig sa ingay ng paligid.
Iniikot niya na lamang ang kaniyang tingin sa mga tubig upang ipagpatuloy ang paghahanap sa dalagang si Mada. Sa kasamaang-palad hindi niya pa rin ito makita, ang nakita niya lamang ay ang tagasagwan na pilit na lumalangoy patungo sa balangay. Ang ibang maliit na bangkang nakasunod sa balangay ay hindi na makita sa sama ng panahon. Gayuman hindi pa rin siya tumigil sa paghahanap sa dalaga. Nabuhayan siya nang mapagtanto niyang mayroon nga pala siyang kasamang iba sa kaniyang katawan.
"Tulungan niyo akong hanapin si Mada," sabi niya sa dalawa habang pinilpilit na manatii sa ibabaw ng tubig.
Narinig niyang umungol ang puting tigre. "Sino ba kasing nagsabi sa inyo na lumabas kayo?" ang masungit nitong sabi sa kaniya.
"Sabihin mo na lang kaya kung nasaan siya," maktol niya rito. "Hindi iyong sinasabi mo pa ang ganiyan."
"Nariyan siya sa ilalim," pagbibigay alam na lamang nito sa kaniya.
"Bilisan mo baka tuluyan siyang malunod," dagdag naman ni Soraka.
Hindi na niya hinintay ang iba pang sasabihin sa kaniya ng dalawa. Nagi-ipon siya ng hangin na siyang pumuno sa kaniyang baga kapagkuwan ay sumisid siyang muli sa tubig. Lumangoy siya nang lumangoy pailalaim. Hindi siya tumigil hanggang hindi niya nakikita ang dalagang si Mada na lumulutang lamang sa tubig na hindi kumikilos. Sa pagtama ng kaniyang mga mata rito lalo niyang binilisan ang pagkampay ng kaniyanng mga kamay at paa. Nagawa niya namang makalapit sa dalaga kung kaya nga tinapik-tapik niya ang mukha nito. Sa pagmulat nito ng mga mata tumuro siya paitaas kapagkuwan ay hinawakan niya ito sa ilalim ng mga balikat nito, hinila niya ito paitaas ng tubig. Nagawa rin naman nilang makarating sa itaas na siya ring pagbabago ng panahon. Unti-unti nang lumilinaw ang kalangitan kasabay ng paghina ng bugso ng hangin. Hindi na rin naging masama ang dagat sa pagkalma niyon na ikinahinga niya nang maluwag sa paglutang nila sa ibabaw ng tubig. Nabaling nilang dalawa ang tingin sa balangay na mayroog kalayuan sa pagsigaw ni Mitos habang ikinakaway ang isang kamay. Inilihis niya rin ang tingin dito nang mapatitig siya sa mukha ni Mada. Hindi naman siya makahanap ng sagot sa isipan kung paano nito napatigil ang sungit ng panahon.