Kabanata 35

4094 Words
TINULUNGAN sila ni Mitos upang makaahon mula sa tubig. Ginamit nito ang sagwan na siyang hinawakan nila ni Mada upang makaakyat. Pinauna niya ang dalagita na iniiwas ang tingin sa ilalim ng suot nitong saya. Sa malayo na lamang niya ipinako ang mga mata dahil na rin sa nakararamdam din naman siya ng hiya. Hindi nga rin naman magandang tumingala lang siya para lang makita ang nasa loob ng saya ng dalaga. Naging mahigpit ang kapit nito sa dulo ng sagwan bago iyon hinila ni Mitos. Pinangtapak nito ang paa sa gilid ng bangka nang hindi mahirapan ang humihila rito, inihahakbang nito paitaas kasabay ng hila. Tumutulo mula rito ang kumapit na tubig sa kasuotan nito na siyang tumatama sa kaniyang ulo. Pinaglalaro niya ang kaniyang mga kamay at paa sa tubig nang hindi siya lumubog pailalim. Nakaakyat nga naman si Mada sa balangay na hindi ito nadudulas. Bumitiw ito kagaad sa sagwan nang matulungan naman siya ni Mitos. "Ikaw na, Limong," pagtawag ng mandirigmang si Mitos sa kaniya. Ibinaba nito ang mukha ng sagwan. Sa narinig lumingon siya sa mandirigma na hinahawakan ang sagwan. Huminga siya nang malalim sa kaniyang pag-akyat habang hila ni Mitos, inihahakbang niya rin ang kaniyang mga paa katulad nang ginawa ni Mada. Nang malapit na siya sa itaas ng balangay bigla na lamang nadulas ang kaniyang mga paa. Dulot ng pagkabigla't paghila ng mundo sa kaniya nadala niya papabalik ng tubig ang mandirigmang si Mitos. Hindi naman tuluyang nahulog ang mandirima nang makahawak ito sa harang ng bangka. Ang isang kamay na lamang nito ang nakahawak sa sagwan. Nakaiwas din naman siya na bumagsak sa tubig sa paglambitin niya sa balangay. Ang kaniyang mga paa ay nakalaylay na mukhang pain sa dalawang pating na nang sandaling iyon ay umiikot sa ilalim ng balangay. Nang tumingin siya sa ibaba nakita niyang papaitas na ang pating para kagatin ang kaniyang mga paa. Pakirawi niya'y mayroon nag-uutos sa mga pating dahil nga nasa balat niya ang dalawang espiritung bantay. Marahil nararamdaman ng mga pating ang presensiya nina Soraka at Morasu kaya ganoon na lamang ang pagiging mabalasik ng mga ito. Bago pa man siya makagat ng mga iyon bumitiw na siya sa sagwan at umakyat na kapagkuwan. Binuhat niya ang kaniyang sariling bigat upang magawa iyon. Nanatili siyang nakatayo sa harang ng balangay upang pagmasdan ang dalawang pating na hindi rin naman tumuloy sa pagtalon sa ibabaw ng tubig. Mabilis na bumababa mula sa kaniyang katawan ang kumapit na tubig, dumulas sa balangay pagkaraa'y muling nakisama sa karagatan. Nang makalayo na ang mga pating ay siya ring pagtapik ni Mitos sa kaniyang balikat na ibinabalik ang sagwan sa naghihintay na tagapagsilbi ni Talas. Naging dahilan iyon upang mapalingon siya sa mga taong naroong nakatayo lamang. Ang dalagitang si Mada ay nanatili sa likuran ng mandirigmang si Mitos upang makaiwas sa galit ng nagmamay-ari sa balangay. Tumama kaagad ang mga mata niya sa bagong mag-asawang sina Talas at Silay. Masama ang pinupukol na tingin sa kaniya ng asawa ni Talas indikasyon nito na hindi nito nagugsuthan na naroon siya. Alipin nga rin naman siya ng pamamahay ng datu. Basang-basa ang buhok nito na wala sa ayos, nasira ng dumaang sungit ng panahon. Hindi naman siya nakairnig ng ano mang salita mula sa babaeng anank ng datu. Hindi nga rin naman ito maaring magsaita kung kailan nito gusto lalo na kung kasama nito ang asawang si Talas. Makakapagsalita lamang ito kung nauna ang bagong asawa. Ibinaling ni Talas ang kaniyang tingin sa kaibigang si Mitos. Mahahalata sa mukha nito ang pagkadismaya sa inakalang ginawa ng kaibigan, sumasama ang mukha nito nang sandaling iyon. Si Mada lang ang tinulungan nitong makaalis ng Malayo ngunit dahil nakikita nito naroon din siya, inisip nitong maging siya ay itinakas ni Mitos. "Ano ba itong naiisip mo? Alam mo ba itong ginagawa mo?" mariing sabi ni Talas sa mandirigmang si Mitos. Tumitiim ang bagang nito sa pagsasaita. "Isang kalaspatanganan ang isama mo ang dalawang iyan paalis ng Malayo samantalang naninilbihan ang mga iyan sa pamamahay ng datu." Sa lumabas sa bibig ng nagmamay-ari sa balangay, napahakbang na rin siya sa likuran ng mandirigmang si Mitos. Naiisip niyang itutulak siya pabalik ni Silay ng tubig mula sa balangay sa klase ng tingin nitong gusto siyang lusawin nang buhay. Sinalubong ni Mitos ang matalim na tingin ni Talas nang walang ano mang nakaguhit na pag-aalala sa mukha nito sa mga posibleng mangyayari sa kanila ni Mada habang sakay ng balangay. "Magpapaliwanag ako," pagdadahilan ni Mitos. Nadagdagan ang sama ng tingin ni Talas. "Ano pang ipapaliwanag mo? Kitang-kita ngayon ang malaking kasalanan mo," mariin nitong sabi. Tumataas na rin ang boses nito sa pagsasalita sa pagkaipon ng nararamdaman nitong inis sa dibdib. "Nais lang naman nilang maging malaya. Hindi naman masama ang bagay na iyon," ang nasabi ni Mitos na idinadamay na rin siya sa pagpapaliwanag nito kay Talas. "Hindi iyon mali! Tradisyon na ng Malayo ang magkaroon ng alipin! Oo hindi ka nga taga-roon pero wala kang karapatan para baliin ang nakasanayan nila!" Hindi na naalis ang pagtaas ng boses nito. Lumalabas na rin ang mga ugat sa leeg nito. Sa kabila ng galit ng kaibigan ng mandirigmang si Mitos nanatili naman itong kalmado sa pakikipag-usap. "Nakasanayang dapat matagal nang binago. Hindi mga bagay ang mga alipin. Mayroon din silang mga pakiramdam. Sana kahit iyon lang maintindihan mo." "Iyang pag-uugaling iyan ang magpapahamak sa iyo. Walang maidudulot na maganda sa iyo ang pagiging bayani mo. Ipadala mo na sila pabalik ng Malayo habang wala pa tayo sa Habigan," ang mahaba-habang sabi ni Talas. Naikukumyos nito ang kamao sa pagpipigil ng galit para sa mandirigmang si MItos. "Hindi ko masusunod ang sinasabi mo," ang pinaleng sabi ni Mitos. "Hindi mo ako katulad na kayang bumalewala ng mga taong nangangailangan." Sa huling sinabi ng mandirigmang si Mitos, tuluyan na ngang sumabg si Talas. "Kung hindi ka makikinig bumaba kayo ngayon ng balangay! Ngayon din!" ang nanggagalaiting sabi ni Talas sa mandirigmang si Mitos. "Saan mo kaming gustong bumaba? Wala rin namang malapit na isla rito," paalala ni Mitos sa kaibigan. "Problema mo na iyon!" ganti naman ni Talas sa paghugot nito nang malalim na hininga. Nanatiling nakatayo ang asawa nitong si Silay na walang ano mang nagiging reaksiyon sa naging usapan. Matamang pinagmasdan ni Mitos ang kaibigan karutong ng paghinga nito nang malalim na mapapansin sa pagbagsak ng mga balikat nito. "Maging makatuwiran ka naman kahit ngayon lang. Kaibigan mo ako," pangungumbinsi pa rin ng mandirigma. "Tinutulungan kita kapag kailangan na walang ano mang hinihiling sa iyong kapalit at walang masyadong tanong. Sana'y mo rin sa akin kahit ngayon lang na araw na ito." Nadagdagan pa ang sama ng mukha ni Talas sa mga narinig nito mula kay Mitos. "Huwag mo ngang sinasali ang pagkakaibigan natin sa sitwasyong ito," ang mariing sabi ni Talas. Nanatiling mataas ang tinig nito na lalong nagpatigalgal sa kanilang ng dalagang si Mada. Hindi pa rin nagsasalita ang asawa nitong si Silay. Nakapako pa rin ang mga mata nito sa kanilang dalawa ng dalaga. Hindi naman naapektuhan nang kahit kaunti ang mandirigma. Matapang nitong sinalubong ang malalim na tingin ng kaibigang si Talas. "Bakit kita ko mababanggit gayong gusto mo kaming bumaba sa kalagitnaan ng karagatan," paalala ni Mitos. Sa puntong iyon naikumyos na ni Talas ang kanang kamao dahil sa galit nitong nararamdaman. Wala na rin itong iba pang nasabi nang magsalita na ang asawa nitong si Silay. "Hayaan mo na," pag-aalo ni Silay kay Talas sa pagsulyap nito sa asawa. "Ako na ang kakausap sa ama ko kapag nakarating na sa kaniya ang balita." Ganoon na lamang ang nasabi ni Silay dahil nga hindi nga rin naman nito nalaman ang nangyari sa ama nitong datu. Hindi na nito muling makakausap pa ang ama liban na lang kung magtungo na rin ito sa pulang ilog. Huminga nang makailang ulit na malalim si Talas sa narinig mula sa asawa nang pakalmahin ang sarili. Inalis nito ang tingin sa kanilang mga nakikisakay lang sa balangay at binaling kay Silay. "Paano mo naman maipapaliwanag na narito sila't tumakas ng Malayo?" paniniguro ni Talas. Pinagpahinga na rin nito ang ikinumyos nitong kamao. "Sasabihin kong isinama ko sila para manilbihan sa akin," wika ni Silay. Hindi rin naman mahulaan kung nagsasabi ito nang totoo dahil sa walang buhay nitong pagsasalita. "Sigurado ka bang papanilwalaan ka ng ama mo?" paninirugo ni Talas sa asawa. "Alam na alam mong iba ang takbo ng isip niya." "Magagawa niya dahil ito ang magiging hulin ghiling ko sa kaniya bilang anak." Sinapo nito ang dalawang braso nang magkaroon ng init sa pananatili ng mga ito na nakatayong basang-basa ang mga suot. Nagpakawala ng mainit na hininga si Talas na mapapansin sa mulng pagbagsak ng mga balikat nito. "Magpapasalamat ako sa iyo nang buong puso kung ganoon nga," ang binitiwan saita nito't ibinalik ang tingin sa kanilang mga naghihintay sa magiging desisyun nito. "Ito ang una't huling pagkakataon na pagbibigiyan ko ang pabor mong ganito," ang nasabi nito sa mandirigmang si Mitos. "Bumaik na tayo sa kubyerta nang makapagbinis," dutong pa nito na hindi na nakatingin sa asawa. "Mauna ka na," wika naman ni Silay kaya napalingon dito pabalik si Talas. "Kakausapin ko lang itong mga alipin." "Sumunod ka kaagad," saad ni Talas na walang naging tanong sa gustong gawin ng asawa. Umalis nga si Talas na naiiwan sa kanilang harapan si Silay. Naihatid na lamang niya ng tingin ang mandirigma hanggang sa pumasok nga ito sa pangunahing kubyerta. Naalis niya lamang ang tingin dito nang magsalita na si Silay. Sa kaniya talaga nakatutok ang mga mata nito sa pagbuka ng bibig nito. "Kung inaakala mong tinutlungan kita, nagkakamali ka," pagsisimula si Silay sa mga sasabihin nito sa kaniya. "Sigurado namang hindi magiging maganda ang buhay mo sa pag-alis niyo ng Malayo. Lalo lang kayong mahihirapan. Hindi makakayanan ng tulad niyong alipin ang hamon ng buhay." Sa mga nabanggit ni Silay hindi pinigilan ni Mitos ang sarili na magsalita. "Huwag ka ngang magsalita nang ganiyan," ang nakuhang sabihin ng mandirigma. Mahahalata sa tinig nito ang pagkadismaya sa asawa ni Talas. "Hind mo dapat tinatakot ang dalawa." Naibaling ni Silay ang tingin kay Mitos. "Sinasabi ko lang ang totoo," mariin nitong sabi. Sumama na rin naman ang mukha nito. Malalamang hindi magkasunod ang dalawa sa naging pag-uusap ng mga ito nang mga sandaling iyon. "Hindi mo pa rin dapat sinasabi," pagbibigay ni Mitos ng diin. Lalo pang sumama ang mukha ni Silay. "Kahit kailan ay hindi talaga kita magugustuhan. Kinaiinisan ko sa lahat ang pag-uugali mo. Kahit ang pagsasalita mo'y nagpapakulo sa dugo ko," sabi ni Silay na mayroong bigat sa mga bawat salita. "Dapat mong matutunan akong tanggapin dahil madalas na tayong magkikita bilang asawa ka ng matalik kong kaibigan na si Talas," paalala ni Mitos sa babae. "Nag-aaksaya lang ako na pahaon sa pakikipag-usap sa iyo. Ilayo mo ang mga iyan sa akin habang sakay ng balangay baka maitulak ko pa iyan sila sa tubig," saad ni Silay na ang tinutukoy ay silang dalawa ni Mada. "Huwag mo ring ipilit na baguhin ang iniisip ko sa iyo. Mananatili ang pagkadisgusto ko sa iyio hanggang hukay." Matapos nang sinabi ni Slay ay tinalikuran na sila nito. Naglakad ito kapagkuwan patungo sa pangunahing kuberyta kung saan naghihintay sa loob ang asawang si Talas. Hindi na ito tiningnan ng mangdirigma si Mitos at ipinako na lamang ang buong atensiyon sa kanilang dalawa ni Mada. Humugot pa ito nang malalim na hininga sa pagtitig nito't hinintay lang din nila ang mga sasabihin nito. "Magbihis na rin tayo bago pa magkasakiy ang isa sa inyo," ang nasabi ni Mitos sa kanilang dalawa ni Mada. Pinagmasdan nito ang itsura nila ng dalaga na mukhang basang sisiw. Sinalubong niya ang mga mata ng mandirigma. "Hindi ako nagkakasakita," pagbibigay-alam niya rito. Makatotohanan ang sabi niyang iyon at hindi niya gawa-gawa lamang. "Ganoon din naman ako," ang nasabi naman ni Mada. Napangiti na lamang si Mitos nang maisip nitong hindi lang nila gustong mag-aalala ito sa kanilang dalawa ni Mada. "Kailangan niyo pa ring magbihis," pangungumbinsi ni Mtios. "Basang-basa kayo." "Wala naman kaming dalang damit na puwede naming maisuot," paglalahad niya sa mandirigma. Wala nga rin naman talaga siyang dala sa pag-alis niya ng Malayo. "Ako na ang bahala," ang huling nasabi na lamang ni Mitos sa kanila ni Mada. Hindi na naalis ang ngiti sa mga labi nito. IYON ang unang pagkakataon na nakasuot siya ng puting pang-itaas na mahaba ang manggas kaya hindi niya mapigilang tingnan ang kaniyang kabuuan. Pinaresan iyon ng kayumangging salwal. Malaki ang sukat niyon sa kaniya dahil damit ng mandirigmang si Mitos. Lumabas siya ng silid na siya ang huling gumamit na pinagmamasdan pa rin ang kaniyang sarili. Hindi niya akalain na komportable pa rin ang pakiramdam niya kahit na siya'y balot na balot. Pagkaalis nga niya ng silid nagtungo siya sa hulihan ng balangay na ilang hakbang lang ang layo. Naroon ang mandirigmang si Mitos na naghihintay kasama ang dalagang si Mada. Inaayos din ng dalaga ang suot nitong makulay na blusa. Samantalang si Mitos ay simpleng puting pang-itaas katulad sa kaniya ang suot, sa pang-ibaba nito'y itim na pantalon ang sinuot nito. "Bagay sa iyo," puna ng mandirigmang si Mitos. "Ano bang balak mo talaga pagdating ng Habigan?" dugtong pa nitong tanong. Nanatili silang nakatyao na nakatitig sa kalawakan ng karagatan. Sinalubong niya ang tingin nito. "HIndi ko alam," pagsisinungaling niya rito. Hindi niya sinabi ang totoong dahilan na kailangan niyang tumulog sa paghahanap ng perlas. "Mayroon ka bang kakilala sa Habigan?" sumunod nitong tanong sa kaniya. Naiilang man siya sa pag-usisa nito'y patuloy pa rin naman niya itong kinausap. Sinusubukan lang naman siya nitong tulungan. "Wala nga." Nakuha niya pang iiling ang ulo nito nang mas maintindihan nito. "Sa akin ka na lang tumuloy kasama si Mada," wika ni Mitos na nakaturo ang hinalalki sa dalagang nagsusukaly ng buhok gamit lang ang mga daliri. Maganda nga rin naman pagkakataon iyon para sa kaniya dahil wala talaga siyang mapupuntuhan kung hindi siya maghananap sa perlas. "Kung sa iyo kami makikitira? Madalas naming makikita si Talas at ang asawa niyang si Silay," paalala niya rito. "Hindi ka nagkakamali sa bagay na iyon," saad nito. "Magkalapit lang ang mga tinitirahan naming dalawa. Pero huwag mo silang alalahani. Kung hindi ka pupunta sa kanilang tinitirahan hindi mo naman sila makakausap. Kapag makakasalubong mo naman sila'y umiwas ka na lang." "Sige. Sa iyo muna ako makikitira hanggang hindi pa ako nakakahanap ng tiitrahan," ang nasabi niya na lang kahit wala rin naman siyang balak na makituloy sa bahay nito. "Ikaw ang bahala. Puwede rin kitang hanapan ng mapagkikitaan kung gusto mo," dugtong pa nito na ikinatuwa niya rin naman. Kapwa nila nabaling ng mandirigma ang atensiyon sa dalaga sa pagsasalita nito."'Nagsisinungaling siya, Ginoo. Ibang bagay ang dahilan kaya siya umalis ng Malayo," pagbibigay alam ni Mada sa mandirigima. "Wala siyang balak tumira sa iyo." Itingil ni Mda ang pagsuklay sa buhok, hinayaan lang nitong nakalugay sa balikat. Hindi pinagkaabalahang talian ng panyo. Napatitig na lamang siya kay Mada dahil sa lumabas sa bibig nito. Minsan namang hindi niya itong nagustuhan. Naibalik ng mandirigma ang tingin sa kaniya. "Ano ang ibig niyang sabihin?" pag-usisa nito sa kaniya. Hinawakan niya ang kaniyang batok sa naging tanong nito. Hinaplos iyon nang kaunti't ibinaba na ang kamay. Sinalubong niya ang mga mata ng mandirigma na nagtatanong din. "Hindi ko alam sa kaniya," pagpapaangap niya sa harapan ng mandirigma. "Kung hindi ako makikitira sa iyo, ano pa ang gagawin ko sa habigan? Siya ang tanungin mo bakit ganoon ang nasabi niya." Sa nasabi niyang iyon nilingon ni Mitos si Mada't pinagmasdan nito nang mataman. Hindi naman na kailangang magsaita ng mandigiram dahil inunahan na ito ng dalaga. "Nanghuhula lamang ako," palusot na lamang ni Mada na ikinatango-tango ni Mitos. Kinalimutan kaagad ni Mitos ang nasabi ni Mada ngunit siya'y nanatili sa kaniyang isipan ang mga binitiwang salita ni Mada. Marahil nakikita nga nitong paghahanap ng perlas ang gagawin niya. Hindi malayong magagawa nga naman nitong malaman ang bagay na iyon dahil napatigil nga nito ang sama ng panahon. Hindi niya tuloy napigilang titigan ang dalaga habang tumatakbo ang kaniyang isipan. Hindi niya napapansing lumalalim ang tingin niya rito kaya kumukunot ang noo nito. Naputol ang pagtitig niya rito nang pigilan siya ni Mitos. "Hindi mo dapat tinitigan nang ganiyan ang mga babae," bitiw nitong salita. Nang mapagtanto niya kung ano ang ibig nitong sabihin itinaas niya ang kaniyang kamay at kinaway-kaway. "Wala akong gusto sa kaniya," pagtama niya sa akala nito. "Wala naman akong sinabing ganoon," ang makahulugang sabi ni Mitos. Gumuhit pa ang manipis na ngiti sa labi indikasyon na hindi ito naniniwala sa kaniya. "Dapat maging magkaibigan kayong dalawa para pagdating niyo sa Habigan matutulungan niyo ang isa't isa. Ayaw mo sa isa't isa?" "Ayos lang sa akin makipagkaibigan sa kaniya," ang naisatinig ni Mada. Pinagmasdan siya ng dalawa matapos masabi ni Mada ang mga salitang iyon. "Ikaw, Limong? Hindi mo ba gustong makipagkaibigan kay Mada?" sumunod nitong tanong sa kaniya. "Hindi ko alam kung ano ang dapat isasagot ko dahil hindi ko pa nararanasang magkaroon ng kaibigan," ang makatotohanan niyang sabin. "Nag-aksaya lang kayo ng panahon sa isla." Bumuntonghininga nang malalim ang mandirigma. "Nakipagkaibigan na sana kayo sa isa't isa." "Ikaw, Ginoo. Paano kayo naging magkaibigan ni Talas?" pag-usisa niya naman dito nang mailayo sa kaniya ang usapan. Pinagtagpo ni Mitos ang dalawang braso sa dibdib. "Paano nga ba kami naging magkaibigan ni Talas?" sabi nito na para sarili lang talaga nito. Naging malayo ang tingin nito sa pagbalik nito sa mga alala sa loob ng isipan. Nang matandaan na nito kung kailan ibinaik nito ang tingin sa kaniya. "Nang sampung taong gulang pa lang kaming dalawa. Pareho kaming nasali sa grupo ng mga mangangasong nagtungo sa kagubatan. Hindi kami nag-uusap niyon dahil magkaiba kami ng mga lider na sinusundan," pagkuwento naman nito sa kanila. "Mayroong nangyari sa kaniya kung saan talaga kami nagkakilala. Pareho kaming nahiwalay sa grupo. Pagkatapos muntikan na siyang mahulog sa bangin. Hindi lang natuloy dahil napigilan ko. Mula noon hindi na kami nagkakahiwalay. Nabago lang nang makilala niya si Silay." "Mukhang naiinggit ka ginoo sa pagkakaroon ng asawa ng kaibigan mo?" ang naisatinig nit Mada Nasabi niya tuloy na magugulat na lang siya talaga sa mga lalabas sa bibig nito kung magkakasama pa silang dalawa nang matagal. Napangiti na lamang ang mandirigma sa narinig. "Ganoon ba ang pinapakita na mukha ko?" paniniguro rin naman nito sa dalaga na sinagot naman isang tango. Hindi ito nakunteto kaya siya naman ang kinausap nito. "Ano sa tingin mo, Limong? Naiinggit ba ako?" dugtong nito. Sa nasabi ng mandirigma pinakatitigan niya ang mukha nito. Wala naman siyang mapansing kung ano sa emosyong nakaguhit dito. Makakapal ang kilay nitong lumililim sa mga mapunuri nitong mga mata. "Siguro?" ang nag-aalangan niyang sabi na lamang sa paghihintay nito ng magigign sagot niya. Naibaba ng mandirigma ang kaniyang mga braso't huming nang malalim. "Marahil nga naiinggit ako. Hindi ko rin kasing gustong makipagkasa si Talas kay Silay. Ang bilis ng mga pangyayari sa pagitan nila. Kailan lang sila nagkakilala't kasal na kaagad," ang naisatinig na lamang nito't muling napabuntong hininga. "Pero dahil kaibigan ko siya sinusuportahan ko na lang." "Gusto ko rin ng pagkakaibigan ng katulad sa inyo," ang nasabi niya na lamang. Bigla na lamang natawa si Talas dahil doon. Tumigil lamang ito sa pagtawa nang gumuhit sa mukkha niya ang pagtataka. "Huwag mong hilingin na magkaroon ng pagkakaibigan na katulad sa amin," wika ni Mitos. "Bakit?" taka niya namang tanong. "Wala naman akong nakikitang masama sa inyo? Sa tingin ko'y pinagkakatiwalaan niyo ang isa't isa. Iyon din ang gusto, taong mapagkakatiwalaan." "Basta huwag mong pangarapin. Hindi ko kayang ipaliwanag sa iyo. Sigurao kapag tumanda ka na puwede ko nang sabihin sa iyo kung bakit." Tinapik-tapik siya nito sa balikat nang makailat bago nito tinigil. Sa naging usapan nila ni Mitos sumingit naman bigla si Mada. "Nahuhulaan ko kung ano ang tinutukoy mo, Ginoo," bitiw ni Mada kaya napatitig si Mitos dito. "Hindi ko pa nasasabi sa iyo na kaya kong manghula," dugtong pa nito. Sa ganoon nitong paraan sinabi iyon nang hindi nila mahalata ang tunay nitong katauhan. "Kung ano man ang nakikita mo'y nagkakamai ka roon," pagtama na lamang ni Mitos nang maitago nito ang tunay na dahilan kun gbakit nito nasabi ang bagay na iyon. Iniba na lamang nito ang usapan patungo sa kaniya. "Paano pala ang ina mo ngayong wala na ang ama mo? Sino ang makakaasama niya sa isla?" dugtong ni Mitos. Sa pagbanggit nito sa kaniyang magulang ay hindi niya naman mapigilang makaramdama ng lungkot. Humakbang siya patungo sa harang kaya napapasunod na lamang ng tingin sa kaniya ang ginoo. Pinakatitigan niya malinaw na kalangitan na hindi nagtatapos. Huminga nang malalim nang makailang ulit bago siya muling magsalita. "Wala na rin ang ina ko," paglalahad niya sa mandirigma. Nanlaki ang mata ni Matas sa pagkabigla samantalang ang dalagang si Mada ay walang naging reaksiyon. "Nagbibiro ka lang, hindi ba?" paniniguro ni Mitos sa kaniya. Humakbang na rin ito patungo sa kaniya't tumayo sa kaniyang tabi. Inalis niya ang tingin dito't sumulyap dito. "Totoo ang sinasabi ko. Kaya nga umalis na rin ako ng isla. Wala na talaga akong rason para manatili roon. Iniwan na ako ng mga magulang ko," aniya sa mandirigma. "Paanong wala siya? Gayong nakausap ko pa nang isang araw," ang nasabi ni Mitos na nagtatakang nakatingin sa kaniya. "Nangyari na lang," pagbibigay-alam niya rito. Hindi niya naman puwedeng sabihin dito na pinatay ito ng datu. "Matagal na pala siyang mayroong tinatangong karamdaman. Hindi niya sinasabi sa amin. Hindi na niya nakayanang labanan kaya kinuha na siya," pagsisinungaling niya rito. Napapalingon pa siya kay Mada dahil iba ang tingin ntio sa kaniya. "Nakakalungkot namang marinig iyon," ang malumanay na sabi ng mandirigma. "Maganda ngang doon ka muna tumuloy sa akin. Pero sigurado ka bang ayos ka lang?" dugtong nito nang nakuha pa siya nitong hawakan sa balikat at marahang pinisil iyon. "Oo naman. Magsisimula na rin naman ako nang panibagong buhay sa Habigan. Iyon din ang hiling sa akin ng ina," pagsisingunaling niya. Aminin niya man o itanggi hindi siya maayos. Sariwang-sarawi pa ang sugat sa kaniyang dibdib gawa ng pagkawala ng kaniyang mga magulang. Hindi niya alam kung kailan hihilim iyon. Hanggang hukay niya dadalhin ang pagkawala ng mga ito. Inalis ng mandirigma ang kamay nito sa kaniyang balkat. "Mabuhay kang masaya para na rin sa kanila," ang nakuha nitong sabihin. Tumingin na rin ito sa kalangitan. "Magkikita pa rin naman kayo." Tiningnan niya ang mukha ni Mitos. "Kayo, Ginoo. Saan ang magulang niyo?" pag-usisa niya lamang dito. "Wala na rin sila. Iniwan na rin naman ako nang bata pa ako," pagkuwento naman nito sa kaniya. "Tumayo na rin sa kaliwa ni MItos ang dalaga kaya nilingon ito ng mandirigma. "Ikaw, Mada. Nasaan namana ang mga magulang mo?" pag-usisa ng mandirigma. Sa tubig ipinako ng dalaga ang tingin. Huminga ito nang malalim bago magsalita. "Iniwan na kao ng ina ko. Pero buhay pa ang ama ko. Hindi ko nga lang alam kung nasaan siya ngayon. Pero balita ko'y tumira siya minsan sa Habigan," pagkuwento ni Mada na mabibigat din ang mga salita. "Ano bang pangalan ng ama mo? Baka kilala ko," pag-usisa ni Mitos. "Iyon nga ang problem ako. Hindi ko man lang alam ang pangalan ng ama ko," paglalahad ni Mada. "Hindi rin naasabi ng ina ko ang pangalan niya bago siya mawala." Napatango-tango na lamang ang mandirigma sa narinig. "Hindi ba kayo natatawa?" ang bigla nitong nasabi kaya napatitig sila rito ni Mada kahit wala naman talagang nakakatawa. Nakaguhit sa mga mukha nila ang pagtataka kung bakit nasabi nito ang bagay na iyon. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanila't tumawa na nga ito dahil sa naging ekpresiyon nila. "Hindi ko naman sinasabi na nakatatawa talaga. Naisip ko lang puro hindi maganda ang nangyari sa ating tatlo. Sa palagay ko'y wala tayong gaanong masasayang alala kasama ang magulang natin." Sa sinabi nito napaisip na rin naman siya. Binalikan niya ang mga araw na kasama niya ang kaniyang mga magulang. Kaunti nga lang ang masasayang alala niya kasama ang kaniyang magulang dahil maging ang bagay na iyon ay pinagkakait ng datu. Hindin sila puwedeng magpakita na masaya sila sa harapan nito. Napapabuntonghininga na lamang siya nang malalim at muli tumitig sa kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD