NAG-AAGAWAN na ang liwanag at dilim nang makarating siya sa dulo ng pamayanan kung saan nakatayo ang mga kubong tirahan ng mga katulad niyang alipin. Bago pa man siya maglakad papasok nagtago siya saglit sa likuran ng mga maliliit na puno nang mapagmasdan niya ang kalaparan ng lupang kinatitirikan ng mga kubo. Hindi nagbibigay ng kasiguraduhan ang katahimikan na nakabalot roon na walang nangyaring masama sa kaniyang ina na si Ilaya. Walang ano mang pagkilos siyang nakita sa labas ng mga kubo dahil sa mga aliping namahinga na nang maaga. Kahit pagdating sa loob ng mga kubo'y ganoon din ang nangyayari, naiwan ang mga pailaw na nag-aapoy. Mapapansin na sumisilip ang liwanag sa awang ng dingding na pawid. Bumitiw siya sa hawak na sanga kaya umugoy iyon nang bahagya sa hangin. Nang masiguradong walang lalabas sa mga aliping naroon tuluyan na siyang naglakad patungo sa kanilang kubo na hindi gumagawa ng ingay, magagaan ang naging paghakbang ng kaniyang mga paang walang balot na sapin sa malambot na lupa. Hindi siya tumigil sa paglingon sa kaliwa't kanan patungo sa kanilang kubo kung kaya nga nang makarinig siya ng nag-uusap na dalawang alipin na makasasalubong niya kaagad siyang nagtago sa pagitan ng dalawang kubong walang taong namamahinga. Sa takot na isumbong siya ng makakita sa kaniya sa mga anak ng datu nakuha niya pang dumapa sa lupa. Hindi nga siya nagkamaling mapapadaan doon ang dalawang alipin dahil mayamaya'y tumama na ang mga mata niya sa mga ito. Mabuti na lamang hindi siya pansin ng mga ito kahit na mayroong dala ang isa sa mga ito na pailaw na kabibe. Hindi rin nagawang lumingon ng mga ito sa paligid sa pagiging abala ng mga ito sa pag-uusap. Mahahalata ang katandaan ng dalawang alipin sa kulubot na mga balat ng mga ito, hindi nalalayo ang edad ng mga ito sa kaniyang mga magulang.
"Sinabi ko na nga sa iyo kampon ng kadiliman iyong si La-in na iyon," ang nasabi ng aliping mayroong hawak sa pailaw. "Kung maktia mo lang sana ang nangyari. Lumabas iyong tunay niyang pagkatao matapos siyang sunugin. Tama nga ang mga sinabi ng ating ninuno na mayroong mga tao talagang alagad ng kadiliman. Isa naroon si La-in. Mabuti nga't napigilan siya ni Silakbo bago pa siya magkalat ng lagim."
Hindi umaabot sa kinalalagyan niya ang liwanag ng pailaw. "Paano ka naman nakakasigurado diyan?" paniniguro ng ikalawang alipin.
"Nakita mismo ng mga mata ko ang nangyarig pagtataboy," ang huling nasabi ng alipin sa tuluyang paglampas ng mga ito sa kaniyang pinagtataguan.
Naikumyos niya ang kaniyang kamao sa narinig na kasinungalingang. Hindi na rin siya nagulat sa mga ito dahil nga sa mula't sapol iniiwasan ng mga nakatira roon ang kanilang pamilya. Hindi na bago sa kaniyang pandinig na makarinig ng mga hindi magandang salita mula sa mga ito. Sa paglayo nga ng dalawang alipin bumangon na siya na pinapagpag ang kumapit na lupa sa harapan ng kaniyang katawan, nakuha niya pa ngang ihatid ng tingin ang dalawa sa pagpagpag niya sa kaniyang dibdib paibaba ng kaniyang tiyan. Naging masama ang tingin niya sa likuran ng mga ito na kung nakakabutas lamang iyon pihadong humandusay na ang dalawa na nagdurugo ang mga likod.
Hindi na siya nag-aksaya ng sandali sa kinatatayuan sa pagpapatuloy niya sa paglalakad patungo sa kanilang kubo. Nilampasan niya lamang ang ibang mga kubong naroon na hindi pinagkakaabalahang tingnan ang mga ito. Hindi na niya nagugustuhan ang mga nangyayari sa kanila ng kaniyang pamilya. Nadagdagan lamang ang pagkadigusto ng mga tao sa kanila dahil sa sumanib na nilalang sa masipag niyang ama. Nagbago na ang isip niya na baguhin ang tingin ng lahat sa kanila, napagod na siyang umintindi't makisama sa bawat isa. Higit na pinili na lamang niyang lumayo sa islang iyon. Hindi naman siya maaaring magpaalam sa namumunong datu roon dahil nga siguradong hindi naman siya papayagan sa pagiging ailpin niya. Mapapahamak lamang siya kung pupunta pa siya sa tirahan ng datu. Kung magkamali siya ng gagawin matutuluyan siya sa kamay ng mga anak ng datu sa oras na tumama ang mga paningin ng mga ito sa kaniya.
Sa hindi nagbabagong bilis ng kaniyang mga paa tuluyan na nga siyang nakarating sa kanilang kubo. Hindi pa man siya nakakalapit sa pintuan narinig niya kaagad ang tahimik na paghikbi ng kaniyang ina sa labis na kalungkutang nararamdaman nito. Nasapo niya ang kaniyang dibdib nang makaramdam ng tumutusok na kirot sa kaniyang puso habang nakatitig siya sa pintuan natatabingan ng tela. Labis siyang nalulungkot kapag nakikitang nahihirapan ang kaniyang mga magulang. Nais niya lang namang maging malaya ang kanilang pamilya nang maranasan nila kung paanong magiging tunay na masaya. Ngunit dahil sa mga nangyari sa islang iyon hindi na darating pa ang araw na iyon. Hindi na siila mabibigyan ng kalayaan lalo na't mas ginusto ng mga anak na datu kitilin ang kaniyang nanahimik na buhay. Ilang sandali pa'y hinawi na niya ang tabing kapagkuwan ay una niyang pinasok ang kaniyang ulo nang masilip ang kaniyang ina sa loob. Naroon nga ang ginang na nakahiga nang nakatagilid sa higaang gawa sa dayami, nakaharap ito sa pawid na dingding. Hindi ito natigil sa pagluha na halatang-halata niya sa pabalik-balik na pagpunas nito ng kamay, nanginginig pa ang balikat nito na pinapalala lang ang sitwasyon. Nadagdagan niyon ang pananakit ng kaniyang dibdib.
Inalis niya ang pagkahawak sa tabing ng pintuan kaya tumama iyon sa kaniyang likod. "Ina," ang mahina niyang pagtawag dito sa kaniyang pagpasok ng kubo. Naging mahina ang kaniyang pagsasalita dahil sa pagod na nahaluan ng pighati.
Natigil sa paghikbi ang ginang sa pag-aakalang kaluluwa niya lamang ang naroon. Tumitig pa nga ito sa dingding sa pag-iisip kung dapat ba itong lumingon sa kaniya. Nagkaroon din naman ito ng tapang kaya dahan-dahan itong tumingin sa kaniya. Pinakatitigan siya nito sa kaniyang mukha para makasiguradong hindi ito nanaginip na nakikita siya nito sa loob ng kubo.
"Ikaw iyan, hindi ba?" nag-aalangang tanong ng ginang nang maupo ito sa higaan.
Niyakap nito ang sarili sa pag-akyat ng lamig sa katawan nito't binalot pa lalo ang balabal sa balikat. Kapansin-pansin din ang panginginig ng kamay nito dahil nga sa kabang nararamdaman. Matapos ng sinabi nito'y nanatili itong nakatingin sa kaniya na napapalunok pa ng laway.
Sa nakiktia niya sa kaniyang ina bumuntonghininga na lamang siya nang malalim. "Sinabi ba sa iyo nina Sinugyaw na wala na ako?" ang mahina niyang sabi sapat lang para marinig ng kaniyang ina. Iniiwasan niyang marinig siya ng mga katulad niyang alipin sa mga katabing kubo. "Buhay ako. Huwag kang matakot. Hindi ako multo," dugtong niya nang kumalma na ito.
"Hindi. Minumulto mo ako kasi hindi ako naging mabuting ina sa iyo," sabi nito sa kaniya.
Bumagsak na lamang ang kaniyang balikat sa narinig. "Ako nga ito," aniya sa kaniyang paglapit dito.
"Patawad. Hindi na sana kita dinala rito," ang naisatinig ng ginang sa pagpikit ng mga mata nito. Inilagay pa nito ang dalawang kamay sa mukha ng maprotektahan iyon na para bang sasaktan talaga niya ang sariling ina.
Kinuha niya na lang ang kamay nitong nanglalamig sabay inilapat niya sa kaniyang dibdib sa kaniyang pagbaluktot ng tuhod sa gilid ng kinauupuan nitong higaang gawa sa dayami. Napapamulat na lamang ng mata ang kaniyang ina matapos nitong maramdaman ang pagtibok ng kaniyang puso.
"Nararamdaman mo ba, Ina?" pinisil niya ang kamay nito kaya napatitig ito sa kaniyang mga mata. Sinalubong niya ang mga mata nitong puno ng kalungkutan, sumasalamin sa balintataw nito ang kaniyang mukha. "Buhay pa ako. Huwag kayong matakot diyan. Para niyo akong itinataboy sa ginagawa niyo."
Napahagulhol na lamang ang kaniyang ina nang mapagtanto nitong nabubuhay pa nga siya. Sa pagkawala ng takot nito niyakap siya nito nang mahigpit sabay hikbi sa kaniyang balikat.
"Ang buong akala ko ay mag-isa na lang ako," sabi ng ginang sa gitna ng paghikbi. "Sinabi sa akin nina Silakbo tumalon ka sa bangin kaya hindi na nila magawang kunin ang katawan mo. Hindi pala iyon totoo."
Hinimas niya ang likod nito nang matigil ito sa pag-iyak. "Huwag kang maniwala sa mga iyon," mariin niyang sabi. "Hinayaan nila akong mahulog. Hindi man lang ako tinulungan."
"Ano?" kumalas sa pagkayakap ang kaniyang ina.
"Gusto na rin talaga ng mga iyon na mamatay ako. Alam niyo namang galit sa akin ang mga anak ng datu lalo na iyong si Sinugyaw. Hindi na nga nakagpagtatakang hindi nila ako tinulungan. Pero huwag kayong mag-aalala dahil hindi na mauulit ang ginawa nila dahil aalis na tayo ngayon mismo."
Nagpunas ng luha ang kaniyang ina gamit ang dulo ng balabal na nakabalot sa balikat nito. "Saan naman tayo pupunta, anak?' ang naitanong nito. "Puwede ko namang kausapin ang datu para hindi ka na guluhin ng mga anak niya."
"Huwag na ina," pagtanggi niya sa balak ng gawin nito. "Wala pa rin namang mababago kahit gawin mo pa iyan. Mapupuno pa rin sila ng pagkamuhi sa akin."
"Gusto mo talagang magpakalayo-layo tayo?" Pinunasan nito ang dumi sa kaniyang mukha ng kamay lang.
Sinagot niya naman nang isang tango ang naging tanong nito. "Mas magiging maganda kung wala tayo rito baka matahimik pa ang buhay natin," aniya sa kaniyang ina.
"Kung aalis tayo rito magiging pugante tayo. Hindi pa rin tayo magkakaroon ng payapang buhay dahil madalas tayong tatakbo," ang nag-aalala nitong sabi.
Sinalubong niya ang mga mata nitong nangingilid na naman ang luha. "Mabuti na iyon ina. Kaysa naman dito tayo. Walang mangyayari kung habang-buhay tayong alipin. Tutungo tayo sa lugar na hindi nila tayo mahahabol."
"Matanda na ako anak," sabi ng kaniyang ina sa kaniya. "Ikaw na lamang ang umalis. Hindi ko na kaya ang maglakbay."
"Pero ina. Mahihirapan ka rito kung magpapaiwan ka," paalala niya rito dahil baka nakakalimutan nito ang naging sitwasyon nila.
Hinawakan nito ang kaniyang buhok. "Huwag kang mag-aalala hindi ako pababayaan ng datu," sabi nito.
Hindi naman siya naniwala sa naging salita nito kaya hindi niya maiwasang makaramdam nang kaunting inis. "Paano ka naman nakakasigurado diyan?" saad niya.
"Iyon ang pangako niya sa akin." Inayos nito ang pailaw sa paghina ng apoy niyon. Naging maingat ang mahahaba nitong daliri nang hindi mapaso.
Napapasunod siya ng tingin sa pagkilos nito dahil pakiwari niya ay mayroon pang ibang dahilan kaya hindi nito nais na umalis sa isla.
"Kung nabubuhay pa si Ama siguradong sasangayon iyon sa sinabi ko. Sinasabi ko na sa iyo walang maidudulot na maganda kung maiwan ka rito," wika niya nang sapuin niya ang likod ng kaniyang ulo. "Kahit ano pang gawin mo hindi tayo bibigyan ng halaga. Alipin lamang tayo rito. Pero kung lalabas tayo ng isla magiging malayang tao tayong dalawa. Makinig ka naman sa akin. Gagawin ko ang lahat para mabuhay tayo sa labas. Huwag lang dito."
Mahahalata ang paghinga nito nang malalim na sa pagbagsak ng mga balikat nito. Hindi na nito inalis ang atensiyon sa pailaw dahil nakatitig lamang ito roon na para bang makikita nito ang lahat ng kasagutan sa buhay nito.
"Ikaw na lang anak ang umalis. Huwag mo akong alalahaninn. Magiging pabigat lang ako sa iyo," sabi nito sa kaniya na puno nang bigat. "Umalis ka na lamang nang mag-isa. Hindi ka na rin naman nila hahanapin dahil akala nila ay patay ka na."
Bumuntonghininga naman siya nang malalim dahil sa narinig. Napaupo na lamang siya sa lupa na nakayuko ang kaniyang ulo. "Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo?" aniya na hindi ito tinitingnan habang mabilis na tumatakbo ang kaniyang isipan.
Ibinalik nito ang tingin sa kaniya nang ipangtabon nito nang maayos ang balabal sa balikat sa paglihis niyon. Naiintindihan niya rin naman kung bakit nasabi nitong magiginng pabigat ito sa kaniya. Magiging mahirap nga naman ang paglakbay nila sa dagat lalo na't maliit na bangka lang naman ang kanilang gagamitin sa pag-alis doon.
"Hindi na," ang mahina nitong sabi. "Alam din iyon ng ama mo na hindi ako aalis dito. Napag-usapan na namin ang bagay na iyon dahil balak din naman talaga namin na hayaan kang umalis. Kung kaya nga hindi siya tumitigil sa pagsilbi para mabigyan ka ng datu ng kalayaan kapalit ng aming mga kalayaan. Kaya lang hindi na matutuloy iyon kaya nga dapat patago ka na lang na umalis."
Iniangat niya ang kaniyang tingin kapagkuwan ay muling sinalubong ang mga mata nito. "Pero hindi ko talaga makakayang iwanan kayo rito," daing niya sa kaniyang ina kaya hinawakan nito ang kaniyang pisngi. Pinagkiskis nito roon ang hinlalaki na nag-iwan ng mumuting init sa kaniyang balat.
Hindi nasundan pa ang kanilang pag-uusap dahil sa paglapit ng yabag sa kubong kanilang kinalalagyan. Nagmadaling binitiwan siya ng kaniyang ina sabay pinatay ang ilaw nang magkuwaring matutulog na ito. Inakala niya pa ngang lalampas lamang ang mga yabag ngunit tumigil iyon sa labas ng pintuan. Dahil dito napatago siya sa sulok habang nag-aalalang tiningnan siya ng kaniyang ina. Napatitig pa siya rito sa gitna ng dilim ng kubo dahil sa itsura nito nang sandaling iyon inasahan na nitong mayroong bibisita sa kanilang kubo. Hindi nga siya nagkamali sa bagay na iyon sa pagkilos nito palapit sa pinto na siya ring paghinto ng mga yabag sa harapan ng pintuan.
"Lumabas ka riyan Ilaya. Huwag mo nang ituloy ang pagtulog mo," ang sabi ng isang mandirigma dala ang tulos.
Sumisilip sa awang ng tabing ang mapulang liwanag na tumatama sa mukha ng kaniyang ina. Umalis ang ginang sa pagkaupo habang nakatitig sa pintuan. Iginalaw nito ang ulo para sa sabihin sa kaniya na dapat na siyang lumakad na't huwag na itong hintaying bumalik ng kubo. Hinawi nito ang kapagkuwan ang tabi kaya mas marami ang liwanag ang pumasok sa kubo. Saglit lang naman iyong angyari dahil binaba nito kaagad ang kamay sa paghakbang nito palabas.
Naroon sa labas ang isang mandirigma na matamang pinagmasdan ang ginang. Tanging bahag lamang ang suot nito kaya lantad ang malabato nitong pangangatawan na hinalikan ng init ng araw sa pagiging kayumanggi. Makakapal ang mga kilay nitong lumilim sa malalaki nitong mga mata, hindi katangusan ang ilong nito na nakatayo sa ibabaw ng malalaki nitong mga labi.
"Ano ang kailangan niyo?" ang naitanong ng kaniyang ina sa mandirigma. Hinawakan nito ang dalawang dulo ng balabal sa harapan nang hindi iyonn dumulas sa balikat nito't hindi rin mahulog.
Nakuha niya na lamang na lumapit sa tabing kapagkuwan ay sumilip sa awang. Pinagmasdan niya ang kawal na kumausap sa kaniyang ina, nakilala niya rin naman ito kaagad na ang mandirigmang higit na pinagkakatiwalaan ng datu. Madalas itong kasama ng pinuno kahit saan man magpunta. Wala kong anong emosyon na nakaguhit sa mukha nito kaya blangko lamang iyon.
"Pinapatawag ka ng datu," pagbibigay alam nito sa ginang.
Nagsalubong ang dalawang kilay ng kaniyang ina. "Ano ang kailangan siya sa akin? Gabi na," ang nakuhang sabihin ng ginang.
"Iyan ang hindi ko alam," tugon naman ng mandirigma. "Sumunod ka na lang sa akin. Alam mong hindi gusto ng datu na pinaghihintay."
Nagpatiuna sa paglalakad ang mandirigma kaya napabuntot na lang ang kaniyang ina na nililingon siya. Itinigil lamang nito ang paglingion nang pagmasdan ito ng mandirigma. Hindi niya malaman kung dapat niya bang pakinggan ang kaniyang ina para maiwan ito sa isla niyon. Sa pag-iisip niya habang nakatitig sa paglayo ng kaniyang ina hindi siya kumilos sa kinatatayuan. Hindi huminto ang mandirigma sa paglalakad na nadagdagan ng bilis kaya ang kaniyang ina ay humabol din naman.