HINDI pa man nakararating ang balangay sa karagatan ng Habigan dumating naman ang sungit ng panahon. Napalitan ng madilim na mga ulap ang kalangitan kaya nagmumukhang gabi ang paligid kahit umaga pa lamang. Saang dako man siya tumingin ang sumasalubong sa kaniyang mga mata'y ang hindi matapos-tapos na pagkidlat. Sinasabayan iyon ng pagtaas ng alon na siyang marahas na dumuduyan sa kinasasakyan nilang balangay. Sa paghampas ng alon napapaliguan siya niyon. Naging mabigat na rin ang pagbuhos ng ulan na pinapalakas ng ihip ng hangin. Hindi na sila umalis ng dalagang si Mada sa hulihan ng balangay dahil nga sa wala rin naman silang ibang mapuntahan. Hindi nga rin naman sila pinapahintulutan na pumasok sa pangunahing kubyerta kung saan sila puwedeng magtago sa sungit ng panahon.
"Hindi mo ba mapapatigil?" ang naisatinig niya para sa dalagang si Mada nang sumagi sa kaniya ang pagpatigil nito sa sama ng panahon nang makaalis sila ng Malayo.
Kumapit siya sa dingding ng kubyerta nang hindi siya matumba. Ganoon din naman ang ginawa ni Mada. Basang-basa na naman silang dalawa ng mga sandaling iyon.
Napatitig sa kaniya si Mada dahil sa lumabas sa kaniyang bibig. "Bakit mo naman naisip na kaya kung patigilin ang sama ng panahon?" taka nitong tanong sa kaniya.
Hindi niya naman ito direktang sinagot. "Hindi mo ba talaga kaya? Akala ko'y magagawa mo katulad nang nangyari nang malayo na tayo sa isla," paglalahad niya rito.
Naintindihan din naman nito kung ano ang tinutukoy niya. Hindi rin naman ito nagtaka na nalaman niyang nagawa nitong patigil ang bagyo.
"Iba ang sama ng panahon na ito," paliwanag ng dalaga sa kaniya. "Hindi lang ito gawa basta-basta ng kalikasan. Mayroong nagmamanipula sa sama ng panahon."
Pinagmasdan niya nang maigi ang dalaga habang iniintindi niya ang sinabi nito.
"Sino naman?" wika niya rito. Tumatalsik sa kaniyang bibig ang tubig sa kaniyang pagsasalita. "Huwag mong sabihing ang mga diyos? Galit ba sila sa mga taong naglalayag sa karagatanag ito?"
Iniling ng dalaga ang ulo nito. "Hindi. Kampon ng kadiliman ang nagpapasama sa panahon. Tingnan mo ang ulap." Tumuro ito sa kalangitan na naroon lang sa kanilang harapan. Sinundan din naman ng kaniyang mga mata ang bahagi ng ulap na tinuturo nito. "Kung titingnan mo nang maigi makikita mo ang sinasabi ko," dutong nito bago nito binaba ang nakaturong kamay.
Pinakatitigan nga niya ang ulap na pinagmumulan ng hindi matigil na pagkidlat. Sa bawat pagpunit ng kidlat sa hangin naaaninag niya sa likuran ng liwanag niyon ang kung anong nilalang na nagtatago sa madilim na mga ulap. Matapos nga niyang makita iyon ibinaik niya ang atensiyon sa dalaga.
"Paaano natin mapapatigil iyan?" sambit niya nang mapagtanto niya ang isang bagay. "Sa lagay natin pihadong hindi na tayo makaalis dito. Hindi mo ba napapansin. Hindi gumagalaw ang balangay. Pinaglalaruan lang ng dagat."
"Paano mo naman nasabi?" taka naman nitong tanong sa kaniya.
"Alam ko lang," ang sagot niya rito. 'Kung madalas kang manatili sa dagat matutunan mo ang bawat hampas ng alon at daluyong."
"Kung ganoon wala na tayong magagawa kundi ang maghintay na lamunin tayo ng katapusan."
"Mayroon pa tayong magagawa. Kailangan lang nating mag-isip kung paano," ang nasabi niya sa dalaga. "HIndi mo magamit ang kakayahan mo?"
"Sino ang may nagsabi sa iyo ng bagay na iyan?" pag-usisa nito.
"Nahulaan ko lang. Ano? Magagamit mo ba?"
"Puwede kong subukan. Pero hindi ako sigurado kung magagawa kung patigiln," ang nag-aalangang sabi ng dalaga sa kaniya.
"Mas mabuti na iyong ganoon kaysa naman manatili tayong walang ginagawa."
Napuno ng pag-aalangan ang mukha nito. Ngunit dahil wala na itong panahon pa para mag-isip nang matagal nagdesisyun na rin ito.
"Tama ka," pagsangayon nito sa kaniya. "Magbantay ka. Hindi puwedeng makita ng ibang tao ang gagawin ko."
Sa sinabi nito'y lumingon siya sa kaliwa nang malaman kung mayroong ibang taong kalapit. Wala naman siyang nakita dahil nga sa sama ng panahon kung kaya nga binalik niya na lamang ang atensiyon sa dalagang si Mada. Bumitiw ito sa dingding ng kubyerta't tumayo lamang na nakatingala sa kalangitan. Ipinikit nito kapagkuwan ang mga mata na hindi natutumba sa kabila ng marahas ng paggalaw ng bangka. Hindi rin tumagal ito sa pagkapikit sapagkat binuksan na rin naman ito. Sa puntong iminulat nito ang mga mata namuti ang mga mata nito't nawala ang itim ng balintataw. Nagsimula na ring umikot ang hangin sa kinatatayuan nito.
Naihaharang niya ang kaniyang kamay sa harapan ng kaniyang mga mata nang hindi siya mapuwing ng tumatamang pinaghalong tubig-alat at ulan. Tumagal lamang ng ilang sandali ang dalaga sa posisyon na iyon. Sapagkat mayamaya'y bigla na lamang kumidlat patungo sa kinatatayuan nito. Nanlaki na lamang ang kaniyang mata lalo na't hindi kumikilos ang dalaga para umiwas sa kidlat. Sa direksiyong tinatahak ng kidlat pihadong tatama iyon sa dalaga. Sa bilis ng kidlat pinunit lang niyon ang hangin. Dahil sa bagay na iyon hindi siya nag-aksaya pa mga sandali. Umalis siya sa kaniyang kinatatayuan at tinakbo ang dalagang si Mada.
Tinalon niya ito nang maitulak ito bago pa man tumama ang kidlat. Sa kabutihang palad hindi nga sila nasaktan. Gumulong silang dalawa patungo sa harang na siyang pumigil sa kanila para mahulog sa masungit na tubig. Tumama lamang ang kidlat sa sahig na ikanawasak niyon. Nang sandaling din iyon nagtungo na rin ang mandirigmang si Mitos. Natigalgalan ito nang mapagtanto nito kung ano ang nangyari sa kanila ng dalaga. Pinagmasdan nito ang sahig na sinira ng kidlat. Nang tinginan niya ang mga mata ng dalaga'y mabilis na nagbalik ang dating kulay ng mga mata nito.
"Ano pa ang ginagawa niyo rito? Hindi ba sabi ko'y pumasok na lang kayo sa kubyerta," sabi ng mandirigmang si Mitos sa paglapit nito sa kanilang kinalalagyan.
Tinulungan pa nitong makatayo ang dalaga. Nang siya na ang papatayo'y bigla na lamang tumabingi ang balangay kaya napaatras siya patungo sa harang. Hindi niya nakontrol ang kaniyang balanse kaya bumangga siya sa harang at nahulog paibaba sa tubig. Sinubukan pa siyang habulin ng mandirigmang si Mitos. Ngunit hindi na nga siya nito nahawakan pa at tuluyan na nga siyang bumagsak sa tubig. Kitang-kita niya pa ang pagkagulat sa mukha ng mandirigma nang lamunin siya ng tubig. Binalot siya ng lamig na nanunuot sa kaniyang mga balat. Hindi pa man siya nakatatagal sa tubig nagsalita sa kaniyang isipan si Moraso.
"Bumalik ka kaagad sa balangay," ang mabilis nitong sabi. "Umakyat na ngayon na."
"Bakit?" ang tanong niya sa kaniyang isipan nang imulat niya ang kaniyang mga mata sa ilalim ng tubig. Pinagmasdan niya ang ilalim ng bangka kapagkuwan ay iniikot niya nang maramdaman niyang mayroong nakatingin sa kaniya mula sa malayo.
"Hindi makakabuti sa iyo kung manatili ka sa tubig. Hindi ka namin matutulungan dito," ang nasabi naman ni Soraka sa kaniya.
"Ano bang mayroon?" ang sumunod niyang tanong.
Hindi na rin naman siya nasagot ng dalawa sapagkat bigla na lamang mayroong humila sa kaniyang mga paa palayo sa balangay at pailalim nang pailalim. Nang tingnan niya kung ano nalaman niyang walang hugis na nilalang kawangis ng sumanib sa kaniyang amang pumanaw na. Sinubukan niya pang sipain ang nilalang ng isa niyang paa ngunit hindi rin naman iyon nakatulong sa kaniya. Wala siyang tinatamaan na kung ano. lumulusot lamang sa mistulang usok na katawan ng nilalang ang kaniyang bawat sipa. Sa hindi pagitigl ng humihila sa kaniyang nilalang lalo siyang lumalayo sa balangay. Nagsisimula na ring maubusan siya ng hangin.
Narinig niya na lamang nag pag-uusap ng dalawa sa loob ng kaniyang isipan.
"Moraso, dapat nating siyang tulungan. Hindi rin magiging maganda sa atin kung mamatay siya rito," saad ni Soraka sa kasamahan nito. "Wala nang ibang makatutulong sa ating kung maiwan ang katawan niya rito. Hindi tayo makakaalis."
"Ano ang magagawa natin? Hindi naman tayo makakapaglaban sa ilalim ng tubig," ang paalala naman ng puting tigre.
"Kung hindi mo gusto ako na ang gagawa," ang huling nasabi ni Soraka siya naman ang kinausap sa kaniyang isipan. "Limong, tawagin mo ako."
Nanlalabo na ang kaniyang paningin ng mga sandaling iyon. Maging ang kaniyang isipan ay napupuno na rin ng ulap kaya hindi niya narinig nang malinaw ang sinabi ni Soraka.
"Limong!" pag-ulit ni Soraka. "Bilisan mo bago pa ang mahuli ang lahat! Limong!
Sa pagsigaw nito sa kaniyang isipan doon niya na ito narinig. Pinilit niya ngang ibuka ang bibig sa kabila ng nakabalot na tubig sa kaniya. Inusal niya ang pangalan ni Soraka na walang tunog. Sinundan nga kaagad niyon ng paglitaw ni Soraka na walang hugis mula sa kaniyang katawan. Unti-unti itong naging malalking itim na ahas na gumagapang patungo sa kaniyang paa na hila ng nilalang na walang hugis. Pinaikutan nito ang nilalang kaya lumayo kumalas nga ito sa kaniyang mga paa. Bago pa siya muling mahawakan ng nilalang pumaikot sa kaniya ang ahas na si Soraka nang maprotektahan siya sa pagsugod ng nilalang.
Hindi naman nangyari ang inasahan nito sa paglitaw ng mga ipo-ipo sa tubig. Nilamon sila ng umiikot na tubig kaya nagpaikot-ikot na rin sila paitaas. Dinala sila ng ipo-ipo hanggang sa ibabaw ng tubig. Hindi natigil ang ipo-ipo sa pagpaikot sa kanila sapagkat nadala pa sila niyon paitaas pa ng kalangitan kung saan patuloy ang pagkidlat. Sa ibaba'y napaikutan na rin ang balangay ng mga kumalat na ipo-ipo. Sa pananatili nila sa loob ng ipo-ipo pumulupot sa kaniya si Soraka pinilipit nitong lumabas. Nagawa naman nitong makalayo sa puwersa ng ipo-ipo ngunit nahulog lang sila sa kalangitan. Naimulat niya na lamang nang maayos ang kaniyang mata sa paghihintay niya na bumagsak siya sa tubig. Sa taas ng kanilang pinaghulugan pihadong mararamdaman niya pa rin ang pagbagsak kahit tubig ang babagsakan. Iyon na rin ang pagkakataon na pagbalik ni Soraka sa kaniyang katawan bilang tatu.
Hindi naman siya tuluyang nahulog nang bigla na lamang sinalo siya ng likuran ng isang ibon. Nang bumangon siya'y nalaman niya na lamang na gahiganteng agila kayumangging agila iyon.
"Paano mo kami nahanap, Nori?" ang kaagad na tanong ni Moraso sa kaniyang isipan sa bagong dating.
Nanatili lamang ito sa kalangitan na pinagmamasdan ang sama ng panahong nakapaikot sa kanila. Nagsalita rin naman ang malumanay at magaang lalaking tinig na narinig niya mismo mula sa tuka ng agila.
"Ang totoo niyan. Hindi ko alam na narito talaga kayo. Napansin ko lang mayroong kakaibang nangyayari kaya pinuntahan ko ito. Saka ko lang nalaman na narito kayo nang makapasok na ako," pagbibigay alam naman ng agilang si Nori. "Sino naman itong batang ito?" dugtong nitong.
"Siya ang tutulong sa atin," saad naman ni Moraso.
"Sigurado ba kayo? Wala naman akong maramdamang kakaiba sa kaniya," sabi naman ni Nori.
"Ngayon mo lang siya nakita kaya wala," paliwanag naman ni Soraka.
"Marahil nga," sabi na lamang ni Nori. "Ano ang gagawin niyo ngayon?"
Hindi na niya pinagtakhan ang naging usapan ng mga ito. Nakikita niya namang ang agila ay isa sa mga kasamahan nina Moraso. Ang hindi lang nakatakas sa kaniyang tainga'y ang sinabi nitong wala itong nararamdaman sa kaniya. Pakiramdam niya'y mayroong hindi sinasabi sa kaniya si Moraso.
"Kaya mo bang pumasok sa loob ng mga ulap?" ang naitanong iya kay Nori.
Pinagapas ng agila ang pakpak nang hindi ito mahulog paibaba. "Ano ang gagawin ko sa ulap?" pag-usisa naman ni Nori.
"Kailangan mong pigilan ang nilalang na kumokontrol sa panahon," pagbibigay alam niya rito.
"Paano mo nalaman na naroon iyong nilalang? Hindi ko nga nararamdaman," nagtataka namang sabi ng agila sa kaniya.
"Hindi ako ang nakaalam. Iyong kasama ko sa ibaba ang nagsabi sa akin," pagtama niya rito nang tingnan niya rin ang balangay na patuloy na dinuduyan ng masungit na dagat.
Napapatitig na rin higateng agila sa balangay. "Kaya naman mayroon akong nararamdaman pamilyar sa akin sa balangay," wika ng agila't binalik ang usapan sa kaniya. "Kaya mo bang makipaglaban sa mga nilalang?" tanong nito sa kaniya.
"Kung gamit ang kamao ang sinasabi mong pakikipaglaban, oo ang magiging sagot ko," wika niya na lamang dito.
"Hindi ganoon ang tinutukoy ko." Pumaibaba ito nang kaunti sa paglipad. "Dapat siguro'y bumaik ka sa balangay. Ako na lamang ang papasok sa ulap."
"Isama mo na ako. Huwag mo akong alalahanin," sabi niya na lamang sa agila.
"Hindi puwede. Hindi ko gustong mayroong mamatay dahil lang sinama ko," pagbibigay diin ni Nori.
Sa pag-uusap nilang iyon ng agila, sumingit na lamang si Moraso. "Gawin mo na lang ang sinasabi niya, Nori. Para na rin makatulong na kami," ang mariing sabi ng tigre sa kaniyang isipan.
Hindi na nagkaroon pa ng maraming tanong ang higanteng agila. Iniba na lamang nito ang direksiyon ng nililiparan patungo sa ulap kung saan nakita ni Mada ang nilalang na siyang kumokontrol sa sama ng panahon. Sa lakas ng bugso ng hanging umiikot sa paligid isinasayaw niyon ang kaniyang usot. Umiwas ang agila sa mga ipo-ipo na pagkahanggang sa mga sandaling iyon ay namiminsala pa rin. Sa hindi pagtigil ng agila nakarating na nga ito sa harapan ng makapal na ulap. Huminto ito saglit para pagmasdan ang ulap at mag-isip kung paano makakapasok na walang nasasaktan sa kanila. Sa lapit na nga nila sa ulap lalo niyang nakita kung gaano kakapal ang ulap.
"Ihanda mo na ang sarili mo," ang sabi nito sa kaniya nang matapos nitong obserbahan ang ulam.
Sa narinig mula sa agila kumapit na lamang siya nang mahigpit sa balahibo nito sa likuran. Wala na ngang inaksayang sandali ang agila't tuluyan na itong pumasok sa makapal na ulap. HIndi pa man ito nakakadikit sa ulap kumidlat na lamang pasalubong sa kanila. Mabuti na lamang nakaiwas ang agila patungo sa kaliwa kaya hindi sila natamaan niyon. Hindi lang isang beses nangyari ang pagkidlat sapagkat makailang ulit pa iyong nangyari bago ito nakapasok na sa makapal na ulap. Panandaliang nagdilim ang kaniyang paningin sa kapal ng ulap at bumalik din sa daitng linaw niyon. Naiharang pa nga niya ang kaniyang kamay nang mapangalagaan niya ang kaniyang mga mata.
Nang maibaba niya ang kaniyang mga kamay nasaksihan na nga niya ang loob ng ulap. Sa pinakagitna nga niyon ang itim na nilalang na naghihintay lamang sa kanila. Higit na mas malaki ang walang hugis na katawan nito sa higanteng agila.
"Moraso. Soraka," pagtawag niya sa mga ito kahit wala pang sinasabi ang mga ito sa kaniya.
Matapos nga ng kaniyang sinabi nagsilabasan nga ang dalawang magiting na mga bantay. Umais ang mga itoi sa katawan niya bilang tatu, lumabas na walang hugis at nabuo ang katawan sa likas na sukat. Tumayo ang mga ito sa kaniyang kaliwas't kanan sa likuran ng higanteng agila.
"Saluhin mo na lang kami kung mahuhulo kami," ang nasabi kaagad ni Moraso sa anyong tigre sa kasamahan nitong agila.
"Sige," sagot naman ni Nori na hindi nagtatanong.
Lumipad kapagkuwan paitaas ang higanteng agila hanbang naghahanda ang tigre't ahas. Napapatitig na lamang siya sa dalawa. Laman pa rin ng kaniyang isipan ang naging usapan ng mga ito nang kararating pa lang ng agila. Pakiramdam niya'y hindi siya talaga ang kailangan ng mga ito para magawa ng mga ito ang misyon sa mundong ibabaw sa paghahanap sa mga perlas. Sadyang ginamit lang siya ng mga ito na makaalis ng isla. Natigil na lamang ang pagtakbo ng kaniyang isipan nang bumulusok paibaba nang lipad ang agila patungo sa walang hugis na nilalang. Umiwas ito sa bawat pagkidlat na siyang pinangsusugod sa kanila ng nilalang.
Nang malapit na sila nilalang sumalubong na rin sa kanila ang walang hugis na katawan nito. Bago pa sila malamon ng buong katawa nito tumalon na sina Moraso at Soraka. Sumisid ang mga itio papasok sa katawang walang hugis ng nilalang hanggang sa hindi na niya nakita ang mga ito sa dilim ng nilalang. Ang ginawa naman ng agila'y lumipad ito patungo sa ilalim ng nilalang kaya napapatingala na lamang siya. Naghintay ang agila sa mga kasamahan nito. Nakikita niya ilalim ang paglbas ng mga liwanag sa loob ng katawan ng nilalang na gawa ng dalawang espiritung bantay. Naririnig niya rin mula rito ang pag-atungal ng nilalang na siyang lalong nagpapasama sa panahon. Sa simula'y kaunting liwanag lamang ang lumalabas ngunit sa paglipas ng mga sandali'y lalong lumaki pa iyon.
Mayamaya'y nahulog na lamang ang dalawang espiritung bantay mula sa loob ng nilalang. Dahil dito mabilisan lumipad ang agila patungo sa pinaghulugan ng mga ito. Nagawa naman ng agilang saluhin ang dalawa kaya hindi tuluyang nahulog ang mga ito sa masungit na tubig. Pagkabalik niya ng tingin sa nilalang mabilis na binalot ito na yelo mula sa gitna't sumabog sa mumunting liwanag.
"Ibaba mo na siya bago pa mawala nang tuluyan ang sama ng panahon nang hindii tayo mapansin ng ibang mga sakay sa balangay," pagbibigay-alam ng tigreng si Moraso. Sa tono ng pagsasalita nito nang mga sandaling iyon nasasabi niyang nagsisilbing lider ito ng mga espiritung bantay.
Atubiling sumunod ang agila sa sinabi ni Moraso. Pumaibaba nga ito nang lipad na nagtatago sa likuran ng makakapal na ulap na unti-unting nawawala.
Hinarap siya ng tigre habang nakasakay sa likura nito ang ahas sa maliit na sukat ng katawan nito. Sinalubong niya ang mapanuri nitong mga mata nang buong tapang. Bago pa man makabalik ang mga ito sa kaniyang kinausap na niya ang mga ito.
"Mayroon ka ba kayong hindi nasasabi sa akin?" pagsisimula niya sa malumanay na boses lamang.
Nagkatingin ang puting tigre at ang ahas bago binalik ni Moraso ang tingin sa kaniya. "Ano'ng gusto mong sabihin namin sa iyo?" tanong pabalik ni Moraso sa kaniya imbis sagutin ng direkta ang kaniyang naging tanong dito.
Bumuntonghininga siya nang malalim.
"Na hindi ako ang sugong hinahanap niyo," pagappatuloy niya sa kanilang usapan. "Hindi ako mangmang. Sa iilang salita niyo lamang naintindihan ko kung ano ang tinutukoy niyo."
Natigalgalan na lamang ahas sa kaniyang mga nasabi samantalang ang tigre'y walang naging reaksiyon.
"Hindi namin intensiyon na magsinungaling sa iyo," ang nakuhang sabihin ni Soraka sa kaniya.
Tinaas niya ang kamay para pigilan pa ang iba pang mga sasabihin nito sa kaniya. "Huwag kayong mag-alala ipapagamit ko sa inyo ang katawan ko hanggang sa makarating sa habigan. Pagdating natin doon puwede na akong humiwalay sa inyo," paglalahad niya sa mga ito sa gusto niyang mangyari matapos nilang makaalis sa karagatan.
"Pagpasensiyahn mo na lang kami," ang sumunod ng sabi sa kaniya ni Soraka.
"Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya sa kaniya. Narinig mo na mismo sa bibig niya na walang problema sa kaniya," ang walang buhay na sabi ni puting tigre. "Dumikit ka na rin sa katawan niya Nori nang hindi tayo mahirapan makapasok sa Habigan matapos mo siyang mailapit sa balangay," dugtong nito't nagbago kapagkuwan ng ang hugis ng katawan patungo sa walang hugis.
Sumundo na rin kaagad ang ahas at magkasabay pa ang mga ito ang dumikit sa kaniyang katawan bilang tatu. Sa puntong iyon pumantay ang agila sa kumakalmang karagatan at isang direksiyon na lamang ang kinuha. Sa hindi nito pagtigil napagmasdan niya na ang balangay sa likuran ng bumalot na hamog. Nang ilang dipa na lamang ang layo ng agila sa balangay nagbago ito ng anyo na walang sinasabi sa kaniya. Nanatili ito sa walang hugis na katawan at sumama na rin sa kaniyang katawan. Nanatili ang tatu na agila sa likuran niya. Sa pagkawala nga ng agila nahulog na siya sa tubig.
HIndi na rin siya nag-aksaya ng sandali't lumangoy na siya patungo sa balangay. Sa paglangoy niya'y siya pagtungo ng mandirigmang si Mitos na patuloy siyang hinahanap. Nagliwanag na lamang ang mata nito nang makita siya nitong lumalangoy sa kumalmang tubig. Nakuha niya pang itaas ang kamay para rito sa pagtigil niya sandali't nagpatuloy na sa paglangoy. Nang makarating na siya sa gilid ng balangay naibaba na ng mandirigma ang sagawa na kaniyang kakapitan para makaakyat. Hindi na nga siya nag-aksaya ng mga sandaling umakyat na nga siya sa balangay habang hininila ni Mitos ang kinakapitan niyang sagwan.
"Akala ko'y tuluyan ka na talagang mawawala," ang nasabi ni Mitos nang makatayo na siya sa balangay.
Bumitiw siya sa sagwan kaya itinabi na rin nito iyon. "Mahusay ako sa paglangoy, Ginoo. Hindi problema sa akina ng sungit ng panahon," pagdadahilan niya kahit imposible ngang mangyari iyon.
"Mabuti na lang talaga." Ginulo nito ang kaniyang buhok. "Basang-basa ka na naman."
"Matutuyo naman ito. Nagbabalik na ang init ng araw," aniya sa mandigirma na totoo rin naman. Lumilinaw na nga ang kalangitan sa paglipas ng mga sandali kaya nagbabalik na rin ang init ng araw. "Nasaan ni Mada?" dugtong niya nang hindi niya makita ang dalaga.
"Naroon sa loob ng ginagamit kong silid. Nakahiga," pagbibigay alam nito sa kaniya.
"Ano bang nangyari sa kaniya?" pag-usisa niya rito.
"Nawalan nang malay tao," sagot naman nito.
Naisip niyang marahil kaya nawalan nito ng malay-tao dahil sa paggamit nito sa tinatago nitong kakayahan. "Gusto ko siyang makita," sabi niya na lamang sa mandirigma.
Naputol ang kanilang pag-uusap nang lumapit sa kanilang kinatatayuan ang may-ari ng balangay na si Talas. Kaagad na pinagmasdan siya nito nang tuwid mula ulo hanggang paa.
"Sa palagay ko'y nangyayari ang sama ng panahon dahil sa inyong dalawa ng dalaga," ang nakuha nitong sabihin kaya napatitig ang mandirigmang si MItos dito. "Hindi ko na dapat kayo hinayaang makasakay ng balangay."
Naikumyos na lamang niya ang kaniyang kanang kamao dahil hindi niya nagugustuhan ang tono ng pagsasait nito. Sila nga talaga ni Mada ang sinisisi nito sa mga nangyari.
Sa lumabas sa bibig ni Talas hindi na napigilan ng mandirigmang si Mitos na magsalita.
"Huwag ka ngang ganiyan, Talas," mariing sabi ni Mitos.
"Sinasabi ko lang kung ano ang totoo," pagtatanggol naman ni Talas sa kaniyang sarili. "Iyon naman talaga ang nangyari. Sigurado akong kamalasan lang ang dala nilang dalawa rito."
"Nagkakamali ka sa bagay na iyan. Naiiba na talaga ang takbo ng sansinukob ngayon."
"Iyon ay dahil sa kanila," pagbibigay diin nito. "Sa palagay ko'y mayroon kung anong mali sa kanila. Hindi ko lang talaga matukoy kung ano."
"Tumigil ka na," pagbibigay diin ni Mitos.
Sumama ang mukha ni Talas sa sinabi ng mandirigma. "Bakit ba mas kinakampihan mo ang mga iyan? Gayong hindi mo naman sila gaanong kilala. Maraming itinatago ang mga iyan," paratang ni Talas.
Sa mga narinig niya mula kay Talas nasabi niyang hindi nga ito nagkakamali na mayroon siyang tinatago. Sa katawan niya nga rin naman ay nakadikit ang espiritung mga bantay. Marahil ang mga ito nga ang dahilan kaya nagsisilabasan na rin ang mga masasamang nilalang sa paglalayag ng balaganay sa karagatan.
"Makinig ka sa akin bago pa ako magalit sa iyo. Bakit mo ba kinukuwestiyon ang pagtulong ko sa kanila?" mariing sabi ni Mitos sa kaibigan. "Wala naman akong makitang mali sa kanila malayo sa akala mo. Nang piliin mo nga si Silay hindi kita kinukuwestiyon kaya sana suportahan mo na lang ako sa gusto kong gawin ngayon." Nilingon siya ng mandirigma. "Halika ka na. Doon na lang muna tayo sa ginagamit kong silid," dugtong nito patungo sa kaniya.
Iniyuko niya ang kaniyang ulo para kay Talas na hinid nakapagsalita. Sumunod nga siya kay Mitos sa paglalakad nito't nilampasan lamang nilang dalawang ang kaibigan nito. Hindi lang ang hulihan ng balangay ang tinamaan ng kidlat sapagkat saang bahagi man ay makikita ang pinsala. Naroong nabali ang harang, nabutas ang bubong ng kubyerta't napunit ang mga layag. Nakaupo lamang ang mga tauhan ni Talas na nanginginig ang mga katawan sa tabi. Nakaguhit sa mukha ng mga ito ang takot. Sa pagpapatuloy nila sa paglalakad ay nakarating na nga sila sa silid na kinahihigaan ng dalagang si Mada. Maging ang bubong ng silid na iyon ay nabutas din ng kidlat. Hindi naman napako ang tingin niya sa butas pagkapasok nila roon kundi sa walang malay taong si Mada.
Lumapit siya sa kinahihigaan nito't pinagmasdan niya ang maputi nitong mukha. Nagtatanong ang kaniyang isipan kung sino nga ba talaga ang dalaga dahil sa nasaksihan niyang ginawa nito.
Sa pag-iisip niya sa tunay na katauhan ni Mada bigla na lamang nagsalita ang agil sa kaniyang isipan. "Isa siyang diwata," pagbibigay alam nito sa kaniya. "Ngayong mas malapit ako sa kaniya masasabi kong isa nga talaga siyang diwata."
"Kaya naman nakokontrol niya ang paligid," ang nasabi niya rin sa agila sa loob ng kaniyang isipan. "Ano ang ginagawa ng isang diwatang katulad niya sa Isla ng Malayo?"
"Bakit hindi mo siya tanungin pagkagising niya?" ang nasabi naman ni Soraka sa kaniya.
"Huwag na. Hintayin ko na lang siya na sabihin niya sa akin na isa nga siyang diwata. Doon na lamang ako mag-usisa sa kaniya."