Kabanata 38

2012 Words
SA KATAHIMIKANG nakabalot sa paligid maririnig nang malilnaw ang paghakbang ni Agat sa bakurang napalamutian ng mga mumunting bato. Nadatnan niya ang kaniyang dakilang alalay na si Episo na nagsasampay sa mahabang patpat ng mga nilabhan nitong damit. Kaagad itong napatitig sa kaniyang mukha sa kaniyang paglapit sa portiko ng bahay. "Mayroon bang nangyari sa iyo? Hindi maipinta ang itsura mo," puna ng matandang alalay. Piniga nito nang maayos ang hawak na basang damit. Hindi na nga naalisa ang sama sa kaniyang mukha kahit sa pag-uwi niya. "Mayroon lamang akong nakasalubong na siraulo," pagbibigay alam naman nito sa matandang alalay. Sa hindi niya pagtigil sa paglalakad nakarating na nga siiya sa portiko. Naupo siya roon na binabagsak ang dala niyang mga pinatahing mga damit. Tumakas pa ang malalim na buntonghininga sa kaniyang bibig. Hindi niya mapigilang isipin ang lalaking bumuntot sa kaniya. Nadagdagan lamang ang kaniyang inis para rito. Nasapo niya pa ang noong nabangga rin ng noo nito. Naibaba niya lamang ang kaniyang kamay nang pumasok sa bukas na tarangkahan ng bahay ang mga opisyal ng Habigan. Napatitig siya sa dalawang opisyal na nababalot ang suot ng mga balabal na gaw sa balat ng usa. Sa naging bisita nila nang araw na iyon natigil sa pagsampay si Episo. Sinalubong nito ang mga opisyal na nakaguhit ang pagtataka sa mukha. Huminto ang mga ito sa paglalakad nang ilang hakbang na lamang ang layo ng mga ito sa kaniyang kinauupuan na siya ring pagharang ng matandang alalay. "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" ang tanong kaagad ng matandang alalay sa mga panauhin. Sinalubong ng dalawang opisyal ang tingin ng dalawang matanda. "Inaalam namin ang mga pagkakakilanlan ng mga nagtutungo rito sa Habigan kaya kailangan namin kayong usisain," pagbibigay alam ng unang opisyal na nagsalita. Napatango-tango ang matanda sa narinig bilang naiintindihan nito ang mga nangyayari. "Naunawaan ko. Pero hindi niyo kami kailangan pang magtanong sa amin. Hindi kasi komportable ang alaga ko sa mga ganoong bagay," pagbibigay alam naman ng matandang alalay. Naglabas ito ng bilugang medalyon na mayroong mukha ng dragon sa likuran ng suot nito. "Sapat na ba ito para maniwala kayo na hindi kami gagawa nang masama?" dugtong nang matanda. Inilapit nito sa dalawang opisyal ang opisyal para makita ng mga ito ang mukha ng medalyon. Pagtingin ng dalawang opisyal sa hawak ng matandang lalaki'y nanglaki na lamang ang mata ng mga ito. "Paseniya na sa abala. Aalis na kami," kaagad na sabi ng unang opisyal. Umalis na rin ang mga ito matapos iyuko ang ulo. Inihatid pa ng matandang alalay nang tingin ang dalawa hanggang sa makalabas ang mga ito sa tarangkahan. Nang mawala na nga mga opisyal nakahinga na nang maluwag ang matanda't lumapit na ito sa bahay para maghanda ng hapunan nila. "Ano ang problema ng mga iyon?" pag-usisa niya sa matanda. Ibinaling ng matanda ang atensiyon sa kaniya. "Marahil dahil sa nangyari pagnanakaw sa templo sa dulo ng Habigan," pagbibigay alam nito. "Hindi lang kasi basta pagnanakaw ang nangyari. May mga namatay din kaya marahil inaalam ng mga opisyal ang pagkakilanlan ng mga taong narito sa Habigan." "Aabutin sila ng taon kung gagawin nila ang ganoon," puna ni Agat. "Iyon lang ang magagawa nila kasi inalis nila ang babaylan na tutulong sana sa kanila sa paghahanap," pagbibigay alam ng matandang lalaki sa kaniya. "Ano ba kasing mananakaw sa templo?" ang sumunod niyang sabi sa kaniyang dakilang alalay. "Nang matungo naman ako roon ay wala naman akong nakitang mahalagang gamit doon." "Balita ko'y perlas na nakatago sa templo ang ninakaw." Nagsalubong ang dalawa niyang kilay sa narinig mula sa matanda. "Ano'ng perlas ang sinasabi mo?" ang nagtataka niyang tanong dito. "Hindi mo nga pala alam ang kuwento tungkol sa mga perlas," ang naisatinig ng matandang lalaki sa pag-upo nio sa portiko. Minasahe nito ang nangangalay na mga paa dulot ng matagal nitong pagtayo. "Sabihin mo sa akin," utos niya rito. Huminga nang malalim ang matandang alalay bago itong muling magsalita. "Hindi ba't mayroong pitong buwan sa kalangitan," pagsisimula ng matandang lalaki. "Sa galit ng bakunaaw nilamon niya ang buwan. Natira ang isang buwan dahil naisalba ang mga iyon. Sa paglamon ng mga bakunawa sa mga buwan nahulog ang mga piraso niyon. Ang mga piraso niyon ang naging anim na perlas. Pinaniniwalaang kailangang ipunin ang mga perlas kapag nagsisimulang bumalik ang kadiliman. Kung mayroong nagnakaw sa perlas isa lang ibig sabihin niyon nagsisimula na ngang gumulo ang mundo. Kailangang hindi mapunta sa mga kama ng masamang tao ang perlas baka gamitin pa ng mga ito sa hindi magagandang bagay." Sa narinig niya sa matanda'y nagbalik sa kaniyang isipan ang pinagsasabi sa kaniya ng lalaking bumuntot sa kaniya. "Ganoon din ang sinabi niya sa akin," ang naisatinig niya habang binabalikan sa isipan ang mga naging saita ng lalaki. Sinulyapan siya ng matanda. "Sino ba ang tinutukoy mo?" nagtataka nitong tanong. "Iyong siraulong nakita ko sa daan," pagbibigay alam niya rito. "Ang sabi niya'y kailangan kong ipunin ang mga perlas sa tulong ng mga espiritung bantay dahil ako raw ang sugo." Nanglaki na lamang ang mata ng matanda sa kaniya. "Sigurado ka bang iyan ang mga sinabi niya?" paniniguro ng matanda. "Oo. Sinabi pa nga niyang kailangan kong kunin sa kaniya ang mga espiritung bantay." "Bakit hindi mo siya pinaniwalaan?" ang nakuhang sabihin ng matanda. Sumama ang mukha niya sa lumabas sa bibig ng kaniyang alalay. "Bakit ko siya papaniwalaan? Hindi naman ako nakakasiguradong totoo ang sinasabi niya. Baka nga siya iyong nagnakaw ng mga perlas." "Posible," tugon ni Episo. "Paano niya sinabi sa iyong ikaw ang sugo?" "Bigla niya lamang sinabi." "Nasaan na siya ngayon?" ang huling tanong ni Episoe sa kaniya sa pag-alis nito sa pagkaupo. "Hindi ko alam. Iniwan ko siya sa daan. Hindi na rin siya sumunod sa akin." Napahawaka ang matandang alalay sa baba nito sa pag-iisip nito. "Hindi malayong nagsasabi iyong taong bumuntot sa iyo nang toto. Alam mo kasi nang ipanganak ka sinabi ng babaylan na magkakaroon ka ng malaking papel sa hinaharap. Sa palagay ko'y ang pagiging sugo nga ang tinutukoy ng babaylan. Dapat siguro'y hanapin natin iyong sinasabi mong lalaki nang makausap pa siya natin para maipaliwanag niya ang mga nangyayari." "Wala kong balak na gawin ang sinasabi mo," sabi naman niya rito nang tumayo siya sa portiko. "Pero Agat magkakagulo ang sanlibutan kung hindi maipon ang mga perlas," paalala nito sa kaniya. "Wala akong pakailam kung magunaw man ang sanlibutan. Mas maganda nga kung ganoon." SA KAHIHINTAY ni Limong sa bubongan hindi niya namalayang nakatulog siya. Nagising na lamang siya na madilim na ang kalangitan na napalamutian ng mga tala. Hindi niya rin napigilan ang sariling pagmasdan ang bilog na buwan sapagkat mistulang tinatawag siya niyon. Nang bumalik sa kaniyang isipan kung ano ang ginagawa niya sa bubong pinagmasdan niya na lamang ang bahay na tinitirahan ng sugo. "Wala ka bang masamang nararamdaman?" ang naitanong ni Sorako sa kaniyang isipan. Nag-unat siya ng mga kamay paitaas sa kaniyang pagtayo. "Bakit mo naitanong?" wika niya naman dito. "Naisip ko lang na may epekto ang pananatili namin sa katawan mo dahil sa hindi ikaw ang sugo," ang sumunod na sabi ni Soraka sa kaniya. "Maayos naman ang pakiramdam ko. Tutulungan pa rin niyo naman ako kapag naipon niyo na ang perlas, hindi ba? Aalisin niyo ang sumpang nakuha ko." "Oo naman," tugon naman ni Soraka. Sa pag-uusap nilang iyon sumingin ang agilang si Nori. "Ano'ng sumpa ang sinasabi niya?" pag-usisa nito. "Nagtataglay siya ng kadiliman sa kaniyang sarili," pagbibigay alam naman ni Moraso. "Kung ganoon bakit pa tayo nanatili sa katawan niya?" mabilisang sabi ni Nori dahil sa nalaman. "Mapapahamak tayo niyan." "Lumalabas lang naman kapag nabalot siya ng galit," wika ni Soraka. Napapabuntonghininga siya naging usapan ng mga ito. "Huwag kayong mag-aalala. Sa oras na makababa ako rito aalis na kayo sa katawan ko," aniya kaya natahimik na lamang ang mga espiritung bantay sa kaniyang katawan bilang tatu. Hindi na niya narinig na nagsalita ang mga ito sa kaniyang isipan. Pinagmasdan niya kapagkuwana ng daan sa ibaba. Nang walang makitang taong naglalakad nagpalambitin siya sa gilid ng bubongan at nagpatihulog. Nakalapag naman siya sa lupa nang nakatayo pa rin. Sa kaniyang paghakbang ay lumingo pa rin siya sa kaliwa't kanan. Pagkaraa'y tinakbo niya ang pader ng bahay at dumaan doon para makapasok sa bakuran. Natigil pa siya sa paglapag sa bakuran dahil sa pag-ingay ng mga mumunting bato, ramdam niya ang mga iyon sa walang sapin niyang mga paa. Hinintay niyang mawala ang ingay bago siya muling nagpatuloy. Naging maingat at magaan ang kaniyang paglalakad nang hindi na umingay pa ang mga bato. Lumapit siya patungo sa bintana para itulak iyon. Ang bintana sa bahay na iyon ay walang kandado kaya tulak lang patungo sa tabi ang kailangan para mabuksan. Huminto siya sa pagbukas nang umirit iyon nang bahagya. Pinalipas niya lamang ang ilang sandali bago niya muling tinulak iyon. Nang tuluyan na nga niya iyong mabuksan humakbang na siya papasok. Naglakas siya kapagkuwan sa pasilyo na iniwang nakabukas ang bintana para kapag kailanga niyang tumakbo'y mayroon na siyang malulusotan. Dahan-dahan ang kaniyang paglalakad sa madilim na pasilyo hanggang sa makarating siya sa silid na pinagmumulan ng liwanag. Lumulusot ang liwanag ng lampara sa pinto. Binutas niya ng hintuturo ang papel na ginamit sa pinto't sinilip ang loob ng kuwarto. Naroong nakita niya ang matandang alalay na nakaupo sa mesa't mayroong binabasang libro. Dahil hindi naman ito ang kailangan niya nagpatuloy siya sa paghakbang sa pasilyo. Pagkapantay niya sa silid ng walang liwanag tinulak niya ang pinto patungo sa tabi para mabuksan iyon. Naititikom niya ang kaniyang bibig habang ginagawa niya iyon. Bahagya lamang niyang binuksan ang pinto dahil sa pag-irit nito't lumusot siya na nakatagilid. Nang pagmasdan niya ang silid nakita niya ngang nakahiga sa lapag ang lalaking magiging sugo. Naaninag niya naman ang mukha nit kaya lumuhod siya sa gilid nito. Sa pagtitig niya rito'y bigla na lamang bumukas ang mga mata nito. Napaatras na lamang siya nang kunin nito ang punyal sa ilalim ng unan nito. Sa pagsugod nito sa kaniya'y umilag siya't pinigilan niya ang kamay nito. Pinulupot niya ang kamay nitong may hawak sa punyal sa likuran. "Bitiwan mo ako! Sino ka ba?" ang mariing sabi ng lalaki sa kaniya habang pinipilit nitong kumawala. Hinigpitan niya pa ang paghakahawka niya sa kamay nito. "Kakausapin lang kita. Kailangan mong makinig sa akin," sabi niya rito imbis na sagutin ang naging tanong nito. "Wala akong gagawing masama sa iyo." "Sino'ng taong pumapasok ng bahay sa gabi na hindi gagawa ng masama?" ganti naman nito sa kaniya. Napabuntonghininga siya nang malalim para rito. Hindi na siya nakapagsalita nang hawakan nito ang suot niya binalibag siya sa sahig. Hindi pa man nakatatagal ang pagbagsak niya'y nilapitan siya nito kaagad para saksakin ng hawak na punyal. Napagulong na lamang siya palayo rito kaya hangin lang ang natamaan nito. Sumunod din naman ito kaagad sa kaniya na hinarap niya nang buong tapang. Pagkasalubong nilang dalawa'y muli niyang sinalo ang kamay nito'y pinatid niya ang paa nito. Bumagsak na lamang ito sa sahig sa ginawa niyang iyon. Nang wala na itong iba pang magawa'y dinadaganan niya kaagad ito't pinigilan niya ang mga kamay nito. Inilagay niya ang dalawa nitong kamay sa itaas ng ulo nito. Sa puntong iyon kapwa nila habol ang kanilang mga hininga kaya nagkakasabay pa. "Alin ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko? Kakausapin lang kita. Kung hindi mo papakinggan ang mga sasabihin ko, hindi naman kita pipilitan," sabi niyasa lalaki. Sa naging posisyon nilang dalawa'y tumatama ang kaniyang pang-upo sa umbok nito. Sumama ang tingin nito sa kaniya hindi dahil sa mga nasabi niya. Ibang bagay ang kinaiinisan nito. Naiinis ito na napigilan niya ito sa paggalaw sa pagdagan niya rito. "Lumayo ka sa akin!" mariin nitong sabi sa kaniya. Hindi na nasundan pa ang sinabi nito nang pumasok sa silid na iyon ang matandang alalay hawaka ang kandila sa isang kamay. Inilawan pa sila nito't napatitig ito sa posisyon nilang dalawa ng lalaki. Napatingin pa sila pareho rito nang nakuha pa nitong ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD