Kabanata 39

2881 Words
PINAGMASDAN siya ng matandang alalay na nagtatanong ang mga mata. Hindi ito kumikilos sa kinatatayuan nito para alisin siya sa ibaba ng amo nito. "Ano bang kailangan mo bata?" ang malumanay na tanong sa kaniya ng matanda. "Balak mo bang magnakaw? Kung ganoon hindi mo na dapat ginawa. Ibibigay namin sa iyo kung ano ang kailangan mo." Sumama ang mukha ng binatang nagngangalang Agat sa narinig mula sa alalay nito. "Bakit mo naman siya bibigyan gayong hindi mo naman siya kilala?" mariing sabi ni Agat. "Kasi mayroon tayo kaya dapat tayong magbigay sa mga walang-wala," paliwanag naman ng matandang alalay. Pinilit na kumawala ni Agat sa kaniyang mga kamay kung kaya umalis na lamang siya sa ibabaw nito. Binitiwan niya ang mga kamay nito't umatras siya nang makailang hakbang palayo sa binata. "Hindi ako nagpunta rito para magnakaw o ano pa man," aniya sa matandang alalay. "Kailangan ko lang siyang kausapin." Tinuro niya ang binatang bumangon na mula pagkahiga sa sahig. Pinagpagpag pa nito ang suot kahit wala namang kumapit na dumi roon dahil sa nahawakan niya iyon. "Bakit naman?" takang tanong ni Episoe. Nagsalubong ang dalawang kilay nito sa pag-iisip nito saglit. Nang tumimo ang isang bagay dito doon pa lamang itong muling nagsalita. "Sandali. Ikaw iyong nakausap ni Agat sa daan?" "Ako nga," aniya na mayroong kasamang pagtango. Naunawaan din naman ni Episoe ang sinabi niya kahit wala pa siyang ibang nasasabi. "Saan na iyong mga espiritung bantay na kasama mo?" ang sumunod nitong tanong. Hindi na niya pinagtakhan ang bagay na iyon dahil sigurado rin namang naikuwento ni Agat ang mga nasabi niya rito sa daan. "Narito," tugon niya na inilalagay ang kanang kamay sa dibdib. Kumunot ang mukha ni Agat sa kilos niyang iyon. Samantalang ang matandang alalay ay lalo namang nadadagan ang pagtataka sa mukha. Sa paglalahad niyang iyon nagsaita na lamang ang isa sa espiritung bantay na nasa kaniyang katawan sa pamamagitan ng kaniyang isipan. "Bakit mo sinabi sa kaniya? Hindi puwedeng maraming tao ang makakaalam tungkol sa amin," ang mabilisang sabi ni Moraso nang wala na siyang masabi pa sa matanda. "Wala rin namang mawawala sa inyo kung malaman ng matanda," ganit niya sa puting kaya narinig niya na lamang umungol ito dulot ng pagkadismaya. "Mukha namang mapagkakatiwalaan siya." "Sino ba ang kausap mo?" ang takang tanong ni Episoe sa kaniya. Hindi siya kaagad nakasagot dahil naunahan siya nito Agat. "Sinabi ko na sa iyo. Nasisiraan siya ng ulo. Palabasin mo na iyan bago pa tayo mahawaan ng pagkabaliw niya," saad ni Agat na mayroong bigat ang bawat salita. Pinagmasdan niya ang binata dahil hindi niya nagugustuhan kung ano ang lumabas sa bibig nito. "Hindi nakakahawa ang kabailwan. Saka hindi naman ako baliw," pagtama niya rito. "Kausap ko ang espiritung bantay. Naririnig ko sila sa loob ng isipan ko." Nadagdagan ang sama ng tingin ni Agat sa kaniya dahil sa pinagsasabi niya rito. Hindi na rin ito nakapagsalita sa paglaki ng galit nito. "Tawagin mo na kami nang hindi na siya masyadong magtanong pa," ang sumunod na sabi sa kaniya ni Moraso. Huminga siya nang malalim. "Paano naman kayo nakakasigurado siya ang sugong hinahanap niya?" paniniguro niya sa espiritung bantay. "Mayroon siyang balat na hugis gasuklay na buwan likuran sa ibaba lamang ng kaniyang kaliwang balikat," pagbibigay alam ni Soraka sa kaniya. "Itanong mo sa kaniya nang maniwala siya sa mga sinasabi mo." Sa narinig niya mula kay Soraka'y ibinalik niya ang atensiyon sa binatang si Agat. "Ikaw talaga ang sugong hinahanap ng mga espiritung bantay. Ang balat mo sa likod mo ang patunay," pagbibigay alam niya rito. "Paano mo nalaman ang tungkol sa balat ko? Samantalang ang pamilya ko lang ang nakakaalam sa bagay na iyon. Binabantayan mo ba ako?" ang mariin nitong sabi. "Sinabi sa akin ng mga espiritung bantay," aniya sa binata. "Hindi ako naniniwala sa iyo," pagbibigay nito ng diin. "Paano ko malalaman kung hindi nanggaling sa kanila? Gayong sabi mo nga'y wala nang iba pang nakaaalm sa balat mo," paalala niya sa mga binitiwan nitong salita. "Ngayong alam mo na kung paano naging sugo, puwede bang tanggapin mo na ang mga espiritung bantay nang makaalis na ako." "Hindi ko gagawin ang sinasabi mo," ganti naman nito sa kaniya. "Umalis ka na kung gusto mo. Pero wala kang iiwan dito." "Iiwan ko pa rin ang mga espiritung bantay sa iyo sa ayaw at gusto mo," ang malumanay niyang sabi. Huminga siya nang malalim na hindi inaalis ang tingin sa binata. Nanatili namang nakatitig sa kanila ang matandang alalay habang naghihintay ng mga gagawin niya. "Soraka," aniya sa unang espiritung bantay. "Moraso," pagtawag niya sa ikalawa. "Nori," sambit niya sa pinakahuli. Matapos nga niyang mabanggit ang pangalan ng tatlong espiritung bantay nagsialis na ang mga ito sa kaniyang katawan tatu. Mababatid ang pagkamangha sa mukha ng matandang alalay samantalang ang binata'y hindi pa rin maipinta ang mukha. Mula sa pagiging walang hugis lumipat sa anyong hayop ang mga espiritung bantay na likas na laki ng mga ito. Unang lumapag sa sahig ang puting tigre't sumunod ang ahas na lumapag naman sa likuran ng puting tihre. Ang panghuling naging anyong hayop ay ang agila na pinagaspas pa ang pakpak bago lumapag. "Totoo nga," ang naibulalas na lamang ng matandang alalay dahil sa nasaksihan. Muli niyang sinalubong ang mapanuring mga mata ni Agat. "Sila na lamang ang tanungin mo kung naguguluhan ka pa," saad niya't naglakad na siya patungo sa pinto. Tumigil lamang siya paglalakad nang magsalita ang ahas. "Maraming salamat, Limong," wika ng ahas. "Pasensiya ka na't nagsinungaling kami na ikaw ang sugo." Nilingon niya si Soraka dahil sa sinabi nito. "Walang problema. Alam ko rin namang walang espesyal sa akin kaya hindi na ako nagulat," aniya naman sa ahas. "Iligtas niyo na lang ang sanlibutan sa kapahamakan nang makaganti kayo sa pagtulong ko sa inyo." "Paano ka? Wala kang makakasama sa pananaitli mo rito?" ang sumunod na sinabi ni Soraka. "Hindi ko kailangan ng makakasama. Nasa hustong gulang na lako para tumayo sa sarili kong mga paa," ang huli niyang nasabi sa has na si Soraka. Tinalikuran niya ito't sinulyapan niya sa huling pagkakataon ang binatang si Agat. Hindi na nga naaalis ang sama ng tingin nito sa kaniya. Dinaanan niya lang ang nakatayong matandang alalaly sa kaniyang paglalakad patungo sa pinto. Nang makalabas na siya sa pasilyo hinabol siya ng matandang alalay. "Bakit hindi ka na lang magpalipas ng gabi rito? Sa naging usapan niyo'y mukhang wala kang matutuluyan," ang naisatinig ni Episo habang isinasara ang pinto ang silid ni Agat. Sa narinig niilingon niya nga ang matandang alalay. "Huwag na. Nakakagulo lang ako," pagtanggi niya rito. "Saka hindi ko na gustong manatili sa isang lugar kung saan naroon ang mga espiritung bantay. Sabihan mo na lang ang alaga mo. Kapalit ng kapangyarihang makukuha niya sa mga espiritung bantay ay kapahamakan sa kaniyang buhay. Kung saan naroon ang mga espiritung bantay naroon din ang mga masasamang nilalang. Dapat kayong mag-ingat." Napatitig na lamang sa kaniyang mga sinabi ang matandang alalay. Hindi na niya hinintay na mayroon pa itong masabi sa kaniya't pinagpatuloy niya na lamang ang paglalakad na hindi nililingon. Sa pasilyo pa rin siya dumaan hanggang makalabas siya sa bintang siya rin niyang pinasukan. Humakbang siya roon nang makatayo siya portiko. Pagbaba niya sa bakuran ay nakahinga siya nang maluwag. Naging magaan ang kaniyang pakiramdam. Hinampas niya ang kaniyang sariling mukha para magkaroon siya ng tapang na harapin ang bawat araw niya sa lugar na iyon. DINALA siya ng kaniyang mga paa sa kalyeng kinalalagyan ng mga aliwan. Papunta't paparito ang mga taong naghahanap ng panandaliang mga saya. Napatitig na lamang siya sa makukulay na suot ng mga babaeng naglalakad. Ibinaba niya lamang ang kaniyang tingin nang makaramdam ng gutom. Malinaw niyang narinig ang pag-ungol ng kaniyang tiyan na walang kalaman-laman kahit na tubig. Dahil nga nararamdamang gutom naghanap na lamang siya ng puwede niyang hingan ng makakain kapalit ng kaniyang pagsisilbi. Naisip niyang sa dami ng mga aliwan naghahanap ang mga may-ari niyon ng katulong sa paglilinis. Sa paglalakad niya'y nakarating siya sa dalawang palapag na aliwan. Huminto siya sa haparan niyon dahil sa pag-aalangan. Pinagmasdan niya ang mga taong naroon sa loob na natatanaw niya mula sa labas. Nagtatawanan ang mga nakaupo sa mesa habang umiikot ang mga serbedor dala ang mga alak na nakalagay sa mataas na baso. Sa huli'y naalis din naman sa kaniya ang pag-aalangan. Pumasok na lamang siya na hindi binibigyang pansin ang tinging ng mga taong kaniyang nadadaanan. Mapapalingon nga rin naman sa kaniya ang mga tao dahil wala siyang ano mang suot na sapin sa paa. Pagkapasok niya nga'y naghanap siya ng taong maari niyang makausap. Sumuksok sa kaniyang tainga ang tugtog na naglalaro sa hangin. Imbis natagapagsilbi ng aliwan ang makita niya, mesang walang tao ang kaniyang napansin. Ang mesang iyon ay nakalagay sa sulok na aliwan. Naiwan sa ibabaw niyon ang mga itrang pagkain ng mga huling naupo roon. Napalunok na lamang siya ng laway nang maisip niyang makakain na rin siya kahit papaano. Hindi na rin bago sa kaniyang kumain ng mga tira dahil iyon din nama ang madalas nilang kainan sa isla sa tahanan ng datu. Hindi na nga siya nagdalawang-isip pa na lumapit sa mesa. Patuloy lamang sa pag-uusap at tawanan ang mga parokyanong naroon sa loob na hindi siya binibigyang pansin. Nakarating nga siya sa mesa na walang pumupuna sa kaniya. Napalunok siya ng laway sa ikalawang pagkakataon pagtama ng mga mata niya sa natirang manok. Lumingon siya nang makasiguradong walang makakapansin sa kaniya. Patuloy pa rin naman ang paggalaw ng aliwan kaya kinuha na nga niya ang natitirang manok. Pagkakuha niya rito'y tumayo siya sa pinakatabi sa likuran ng pahabang watawat na kulay pula. Binilisan niya ang pagkain sa manok bago mayroon sumita sa kaniya. Sa liit ng manok madali niya ngang naubos iyon. Kung kaya nga bumaik siya sa mesa na inilalapag ang buto ng paa ng manok. Kinuha niya ang ilang piraso ng berdeng ubas. Sa pagsubo niya ng isa sa kaniyang bibig lumapit sa mesa ang sebedor. Nagsalubong kaagad ang dalawang mga kilay nito pagkakit nito sa kaniyang itsura. Pinagmasdan pa siya nito mula ulo hanggang paa. Sa hindi nito pagsasalita'y tuluyan niyang kinain ang ubas nang sunod-sunod kaya lumubo ang kaniyang pisngi. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" mariing tanong sa kaniya ng serbedora. Nilunok niya ang laman ng kaniyang bibig bago magsalita. "Nakikain lang ako. Itatapon niya na lang din kaya kinain ko na," ang malumanay niyang sabi sa serbedora. "Wala nang libre ngayon. Kahit tira pa iyan kailangan mo pa ring magbayad," saad ng serbedor na mayroong diin sa bawat mga saita. "Tutulong ako sa paglilinis bilang bayad," paglalahad niya rito. Nadagdagan ang sama ng mukha nito dahil sa mga sinabi niya. "Ibig sabihin wala kang salapi?" paniniguro nito na kaniyang sinagot ng pagtango. "Kailangan mong magbayad ng salapi hindi ang pagtulong dito." "Iyon lang talaga ang magagawa ko sa ngayon," paliwanag niya sa serbedor. "Ano bang iuutos mo? Gusto mo bang linisin ko itong buong mesa?" Hindi niya na hinintay ang naging sagot nito't sinimulanniyang linisin ang mesa. Pinigilan naman siya ng sebedor. "Bitiwan mo iyan," saad nito na tiim ang bagang nang hawakan niya ang pinggan. "Mababasag lang iyan sa ginagawa mo. Sa itsura mo'y wala kang magagawang matino. Lumabas ka na bago pa ako magtawag ng mga opisyal." Sa pinagsasabi ng serbedor sa kaniya ibinalik niya na lamang ang pinggan sa mesa. Inalis niya na rin ang tingin sa serbedor at naglakad na lamang para lumabas ng aliwan. Napadaan pa siya sa mesang kinauupuasn ng isang dalaga't binata. Huminto pa nga siya dahil nakatitig talaga ang mga ito sa kaniya. Kapwa nakasuot ng kayumangging balabal ang dalawa kaya natatakpan ang damit ng mga ito. Sinulyapan niya lang saglit ang mga ito't pinagpatuloy niya ang kaiyang paglalakad. Napapalingon pa sa mga ito sa kaiyang paglapit sa pinto sapagkat mayroon siyang kung anong nararamdamang kakaiba sa mga ito. Maging ang mga ito'y hinatid siya ng tingin hanggang sa makalabas nga siya ng aliwan. Napabuntonghininga na lamang siya nang malalim nang mapagtanto niyang bumalik na naman siya sa kalye. Pinagpatuloy pa rin niya naman ang paglalakad nang maisip niyang kailangan niyang maghanap ng lugar na maari niyang tulugan. Natigil lang siya sa paglalakad nang makasalubong niya ang dalawang opisyal na nakaputing-balabal. Napahinto talaga dahil sa humarang ang mga ito sa kaniyang daraanan. "Akin na ang pagkakakilanlan mo," saad ng isa mga opisyal. Inilahad pa nito ang kamay para ilagay niya roon ang hinihingi nito. Napatitig na lamang siya sa palad ng opisyal dahil wala siyang maibibigay dito. Isa nga lang naman siyang bagong salta sa Habigan. "Kararating ko lang ng Habigan kaya wala akong maipapakita sa inyo," paliwanag niya naman dito. "Hayaan niyo't bukas na bukas din ay kukuha ako kaagad ng pagkakakilanlan ko." Hindi naman siya pinakinggang ng dalawa na mahahalata sa pagsama ng mukha ng mga ito. Hinawakan siya ng mga ito sa kaniyang dalawang braso. Sa balak niyang kumawala rito'y nagsalita ang unang opisyal sa kaniya. "Sumama ka na lang nang matiwasay sa amin nang hindi madagdagan pa ang kasalanan mo," paalala ng opisyal sa kaniya. Napabuntonghininga na lamang siya nang malalim sa narinig. Hindi niya akalain na mayroong mga ganoong patakaran sa Habigan. Inalam niya sana iyon bago nagtungo roon. Ngunit dahil sa nga biglaan nawalan siya ng panahon para magawa iyon. Hinayaan niya na lamang na dalhin siya ng dalawang opisyal sa kung saan siya dadalhin ng mga ito para maging malinaw ang kaniyang pagkakakilanlan. NAGKAMALI siya ng akala na tatanungin lamang siya ng mga opisyal. Sapagkat pinasok siya ng mga ito sa piitang walang ano mang tulos sa loob. Ang tanging liwanag na umaabot sa rehas na bakal niyon ay nagmumula sa tulas sa nakasabit sa pader sa pagitan ng bawat selda. Napaupo na lamang siya sa malamig sa sahig nang itulak siya ng dalawa. Hindi pa man siya nakababangon ikinandado ng mga ito ang selda. "Ilabas niya ako rito. Wala ako naman akong ginagawang masama," daing niya sa dalawang opisyal nang ibalik niya ang atensiyon sa mga ito. Nakuha niya pang lumapit sa rehas at humawak sa malamig na bakal. Pinagmasdan lamang siya nang tuwid ng mga ito. "Makakalabas ka lang dito kung malaman namin kung sino ka talaga," paglilinaw ng unang opisyal sa kaniya kung bakit siya nahantong sa sitwasyon na iyon. "Sinabi ko na nga sa inyo kung sino ako," paalala niya rito. "Mula lang ako sa isla ng Malayo. Nagpunta lang ako rito para maghanap ng mapagkikitaan." Makatotohanan din naman ang nasabi niyang dahilan sa mga ito sapagkat kailangan niya nga rin naman talagang kumita ng salapi nang mabuhay niya ang kaniyang sarili. Hindi niya lang binanggit sa mga ito ang nangyari sa kaniya sa isla bago siya mapunta sa lugar na iyon. Lalo lamang siyang hindi makalalabas kung malaman ng mga ito na napatay niya ang isang datu. Baka pati siya'y mahantong din sa kamatayan. "Huwag kang maniwala sa kaniya," pagbibigay diin ng ikalawang opisyal. "Hindi tayo nakakasigurado kung nagsasabi siya nang totoo. Baka isa siya sa mga nagnakaw sa templo. Naglakad-lakad lang siya sa lansangan para magmanman sa atin." Pinagmasdan ng unang opisyal ang kasamahan nito. "Tama ka," pagsangayon naman nito. Isang senyales na mawawalan siya ng pag-asang makalabas doon na hindi sumasama ang kaniyang pangalan. Humigpit ang kapit niya sa rehas na bakal. Sa sobrang dikit niya'y para bang nais na niyang ilabas ang kaniyang mukha sa pagitan ng mga bakal. "Nagkakamali kayo," pagtama niya sa mga ito. "Hindi ko nga magagawang magnakaw." Sumama ang mukha ng ikalawang opisyal sa kaniya. Naging matatalim ang tinging pinupukol nito. "Sabihin mo na lang ang totoo nang hindi ka na mahirapan," wika nito. "Sinabi ko nga sa inyo ang totoo," pag-ulit niya sa mga salitang kanina niya pa nababanggit. Nag-isip siya kung paano niya papaniwalain ang mga ito na hindi siya kasali sa mga nagnakaw sa templo. Nang sumagi sa kaniya kung paano siya napunta sa habigan napagtanto niya ang isang bagay. "Papatunayan ni Ginoong MItos na mabuti akong tao," dugtong niya kaagad bago pa umais ang mga ito. "Maaari niyo siyang puntahan. Kasama niya akong nagpunta rito." Pinanliitan siya ng tingin ng ikalawang opisyal. "Tigilan mo na kami," saad nito. "Dinadamay mo pa ang mga taong wala namang kinalaman sa pinaggagawa mo." "Kausapin na lang din natin baka makatulong talaga siya na makilala natin ang batang ito," suhestiyon naman ng unang opisyal. "Ikaw ang bahala," pagsuko na lamang ng ikalawang opisyal. Nagpatiunan na lamang ito sa paglalakad na malalaki ang paghakbang. Pinukolan siya nang huling tingin ng unang opisyal bago ito sumunod sa kasamahan nito. Huminga na lamang siya nang malalim habang hinahatid niya ang paglayo ng mga ito. Malinaw na maririnig ang paghakabang ng mga ito sa katahimikang nakabalot sa kahabaan ng piitan na iyon. Napaluhod na lamang siya sa sahig dulot ng pagkadismaya. Nakuha niya pang iumpog ang kaniyang ulo sa matigas na rehas na bakal habang nag-iisip ng paraan kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon. Pinagpalagay niya na lang din na matutulugan siya ni Mitos kung balakl ngang pumunta ng dalawang opisyal dito. Sa nakikita niyang pag-uugali ng dalawa'y pakiramdam niya'y sa kaniya ibubunton ang nangyaring pagnanakaw nang magkunwaring nalutas na ang problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD