MALAKI ang daungan ng Habigan kaya hindi na rin nakapagtatakang maraming bangka ang matatagpuan doon. Kahit saang dako siya tumingin iba't ibang klase ng bangka ang sumasalubong sa kaniya. Nagkalat din ang mga tao na papunta't paparito, ang iba'y naghihintay na maibaba ng mga bangka ang kargang mga kalakal, may ilang ding nag-aabang ng pagkakataon para makapagnakaw. Dumaong ang balangay na kanilang kinasasakyan sa hindi gaanong abalang daungan. Napatitig na lamang siya sa mga taong naroon na napapalingon na din sa balangay. Nanatili siya tabi ng harang sa pagbaba ng grupo ni Talas kasama ang asawa nitong si Silay sa tablang nagsilbing tulay ng mga ito para makababa. Hindi na siya nilingon pa ni Talas kahit ang kaibigan nitong mandirigmang si Mitos na nakatayo lang sa kaniyang kaliwa.
Umalis lamang sila sa kanilang kinatatayuan sa paglapit ng dalgang si Mada. Nagpatiuna sa pagbaba sa tabla ang mandirigma kasunod ang dalaga. Siya ang nasa pinakahulihan. Kamuntikan pang mahulog si Mada mula tabla nang magdulas ito. Napigilan niya lamang ito sa braso kaya hindi natuloy. Hindi pa rin naman siya makapaniwala nan isa itong diwata. Hindi na rin niya makuha itong tanungin tungkol sa bagay na iyon. Magkakahiwalay na rin naman sila sa puntong makatungtong siya sa lupa ng habigan kaya hindi na mahalagang malaman niya ang tungkol sa buhay nito. Pinakawalan niya lamang ang braso nito nang makatayo na ito nang tuwid.
Hindi rin nagtagal nakarating na sila sa dulo ng tabla kung saan patuloy ang paglalakad ng mga tao papunta't paparito. Nakukusot niya na lamang ang kaniyang ilong sa mga amoy ng taong naghalo-halo. Nabaling niya lamang ang kaniyang atensiyon sa mandirigma nang kausapin na siya nito.
"Sigurado ka ba na hindi ka sasama sa amin?" paniniguro ni Mitos nang ayusin nito ang pagkasukbit ng supot nitong naglalamang ng mga damit nito sa balikat.
Sinalubong niya ang mga mata nitong nagtatanong. "Oo, Ginoon," tugon niya rito. "Mas mabuti nang mamuha akong mag-isa na hindi umaasa sa iba. Mas magiging makabuluhan ang araw ko."
Huminga nang malalim ang mandirigma na mapapansin sa pagbagsak ng mga balikat nito.
"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" pamimilit nito sa kaniya. "Malaking lugar ang Habigan. Kung hindi ka rito sanay pihadong mahihirapan ka."
"Iyon nga ang maganda, Ginoo. Dahil sa malaking lugar nga ang Habigan marami akong puwedeng pasuking trabaho," paliwanag niya naman dito nang tigilan na nito ang pangungumbinsi sa kaniya na sumama.
"Basta kung magbago ang isip. Alam mo na kung saan ako pupuntahan," paalala nito sa kaniya.
"Tatandaan ko ang bahay mo," aniya na mayroong kasamang pagtango. "Mauna na ako," dugtong niya sabay baling ng tingin sa dalagang si Mada. "Alagaan mo rin ang sarili mo," sabi niya rito.
Hindi siya kaagad nakaalis dahil sa klase ng tinging pinupukol nito sa kaniya. Pakiramdam niya'y mayroon itong gustong sabihin sa kaniya kung kaya nga imbis na talikuran na niya ang mga ito hinintay niyang magsalita ito. Hindi nga siya nagkamai ng akala sapagkat mayroon nga itong nasabi sa kaniya.
"Kamatayan ang kakahantungan mo sa pananatili mo rito sa Habigan," ang malumanay nitong sabi sa kaniya.
Napatitig ang mandirigmang si Mitos sa dalaga dahil sa narinig. "Bakit ganoon ang sinasabi mo sa kaniya?" ang agaran nitong tanong.
"Iyong magiging kapalaran niya," ang walang buhay na sabi ng dalaga. Hindi kakikitaan ng ano mang emosyon ang tinig nito.
Hindi na nakapagsalita ang mandirigma nang unahan niya na ito. "Tatanggapin ko kung mangyayari nga ang sinasbi mo," sabi niya na lamang dahil posible rin naman talaga ang bagay na iyon. Nakikita nito marahil ang hinaharap niya bilang isa itong diwata. "Magpapasaamat pa ako kung mamatay ako. Magkakasama na kami ng mga magulang ko." Sinulyapan niya ang mandirigmang si Mitos. "Sa muli, Ginoo."
Tinaas niya ang kaniyang kamay para sa mandirigmang si Mitos. Tinalikuran na niya kapagkuwan ang mga ito, pagkaraa'y sinimulan na ang paglalakad na humahalo sa mga taong nakakalat. Umiwas pa siyang mabangga sa mga nakasasalubong niya nang makalayo na siya sa dalawa. Hindi na niya pinagkaabalahang tingnan pa ang mga ito sa kaniyang unti-unting paglayo.
"Pinahihirapan mo ang sarili mo," ang nasabi ni Soraka sa kaniyang isipan.
Bumuntonghininga siya nang malalim dahil sa narinig. "Hindi ko kailagan ng opinyon mo," ganti niya naman dito.
Sa nasabi niyang iyon napapatitig na lamang ang ibang taong nakarinig sa kaniya. Nang mapagtanto niyang naibuka niya ang kaniyang bibig nang kausapin niya ang ahas nagmadali na siyang maglakad. Sa bilis ng kaniyang paghakbang mistulang nag-uunahan ang kaniyang mga paa. Bumagal lamang siya nang makaalis na siya sa daungan. Pumasok siya sa unang kalyeng nakita niya't pinagmasdan ang mga gusaling nakatayo roon na gawa sa bato. Sa kakatingal niya'y nangalay ang kaniyang leeg, naroon naglalakad pa siya nang paatras mabalikan lang ng ting ang nadaanang mga bahay. Nang umayos siya sa paglalakad bumangga na lamang siya sa isang lalaking hindi nalalayo ang edad sa kaniya. Kalalabas lamang nito ng tahian dala ang mga damit nitong pinatahi. Dahil hindi rin ito tumitingin sa nialakaran nagkabanggaan nga sila. Nabitiwan ng lalaki ang mga pinatahi nitong damit na nababalot ng asul na tela. Nagtama ang kanilang mga noong dalawa kaya kapwa rin sila napaatras sa isa't isa hapo ang mga nasaktang noo.
Nakasuot ang lalaki ng maputing pang-itaas na mahaba ang manggas na pinaresan nito ng itim na pantalon. Malayong-malayo ang maputing kutis nito sa kulay ng balat niyang kayumanggi. Sumama kaagad ang mukha nito nang mapatitig ito sa kaniya. Naiyuko niya na lamang ang ulo niya para rito upang humingi ng paumahin. Siya na rin mismo ang pumulot ng mga nababalot nitong bagong damit. Pinagpagpa niya pa ang kumapit na buhangin sa ilalim niyon bago niya binigay dito. Marahas nitong kinuha nito iyon sa kaniyang kamay kahit hindi niya pa man nailalapit.
Walang lumabas sa bibig nito kundi sinamaan lang siya nito nang tingin. Iniwan na rin siya nito nang maglakad na ito. Naihatid niya na lamang ito ng tingin. Sa balak niyang muling paglalakad ay hindi na niya naituloy nang magsalita sa kaniyang isipan ang ahas.
"Sundan mo siya," saad nito kaya nilingon niya ang lalaking unti-unti na ngang lumayo. "Sa palagay ko siya sugong aming hinahanap. Naramdaman ko nang magtama ang mga noo niyong dalawa."
Napabuntonghininga siya nang malalim sa narinig mula rito.
"Gagawi ko ang sinasabi mo nang makaalis na rin kayo sa katawan ko," pagsuko niya na lamang.
Sinimulan niya kaniyang paglalakad nang masunda niya pa ang lalaki. Sa pagliko nito patungo sa kaliwa tumakbo na siya nang hindi ito mawala sa kaniyang paningin. Nang pasukin niya ang kalyeng tinahak nito nawala na ito sa kaniyang paningin. Gayunman pinagpatuloy niya pa rin ang paglalakad sa kalyeng iyon na lumilingon sa kaliwa't kanan, sa mga taong nakakalat sa dakong iyon. Natigil lang siya sa paglingon nang tumama ang mata niya sa lalaki na lumabas sa isang gusali. Hawak nito sa isang kamay ang pulang mansanas. Kinain nito ang prutas sa patuloy nito sa paglalakad.
Naglagay siya ng ilang dipa mula rito para makasunod siya rito. Sa tuwing lumilingon ito'y napapatago na lamang siya gilid ng mga bahay. Pinagpatuloy pa rin naman nito ang paglalakad hanggang sa makarating ito sa tahimik na daan. Pumasok ito roon na siya ring pinasok niya. Sa kaliwa ng daan ay pader na ginagapangan ng berdeng halaman at sa kanan naman ay ang pader ng isang gusali. Natigil na lamang siya simula ng daan nang hindi na niya nga makita ang lalaki na dapat ay naroon pa ito. Wala naman itong puwedeng takbuhan kaya nagtataka na lamang siyang itinuloy ang paglalakad. Nang makarating siya sa kalagitnaan ng daan bigla na lamang tumalon ang lalaki mula sa likuran ng pader. Binalak siya nitong patamaan ng tuhod sa kaniyang dibdib na kaniyang ikinaatras nang hindi siya nito masaktan. Nagawa niya naman makaiwas sa pagsugod nito. Sinundan iyon kaagad ng lalaki ng pag-ikot karugotng ang isang sipa. Bago pa man siya matamaan ng sipa nito'y yumuko siya't lumayo siya ng ilang hakbang dito na mayroong kasamang pagtalon.
"Bakit mo ako sinusundan?" ang matapang na sabi ng lalaki sa kaniya.
Napatitig siya rito dahil hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin. Sa pananahimik niya'y nagsalita na lamang sa kaniyang isipan ang ahas.
"Sabihin mo sa kaniya kung ano talaga ang pakay mo. Hindi mo kailangang mag-alangan," saad ni Soaraka.
"Paano kung hindi siya maniwala sa akin?" aniya naman na naibubuka niya ang kaniyang bibig.
Sumama pa lalo ang mukha ng lalaki sa pagsasalita niya na inakala nitong kinakausap niya lang ang kaniyang sarili. "Kinakusap kita. Siraulo ka ba? Tinatanong kita kung bakit ka nakabuntot sa akin?" ang mariing sabi ng lalaki sa kaniya.
Naibalik niya ang tingin dito. Hindi niya ito nakausap sa patuloy na pagsasaita ni Soraka. "Kami na ang bahalang kumimbinsi sa kaniya matapos mong sabihin na siya ang sugo," dugtong ni Soraka nang hindi siya malito sa mga sasabihin sa lalaki.
Sinalubong niya ang matalim nitong tingin.
"Nagbabago na ang ikot ng munod," pagsisimula niya kaya pinanliitan siya nito nang tingin. "Nagsisilabasan na ang mga masasamang nilalang. Nang mapigilan ang kadiliman kailangang maipon ang mga perlas. Ang makakagawa lamang niyon ay ang sugong sasamahan ng mga espiritung bantay."
"Ano ang pinagsasabi mo?" ang naiinis na sabi ng lalaki sa kaniya.
"Ikaw ang sugong sinasabi ko. Ipapakilala ko sa iyo ang mga espiritung bantay."
Nasapo ng lalaki ang noo nito dulot ng pagkadisyama. "Kung wala kang magawa sa buhay mo huwag mo akong dinadamay sa kalokohan mo," banat nito sa kaniya. "Sarilhin mo na lamang ang kuwentong binuo mo."
"Hindi lang basta kuwento ang sinasabi ko. Ipapakita ko sa iyo ang mga espiritung bantay," aniya't hinawakan niya ang laylayan ng suot niyang puting pang-itaas.
Nanlaki na lamang ang mata nito nang itaas niya ang suot para mahubad iyon. Hindi niya naman naituloy ang paghubad sa pagsigaw nito.
"Nasisiraan ka nga ng ulo!" Halos lumabas ang ugat sa leeg nito sa lakas ng pagsigaw nito. "Huwag na huwag kang sumunod sa akin kung masaktan!" Tinuro pa siya nito ng isang kamay na hawak ang mansanas.
"Sandali," pagpigil niya riot na itinataas pa ang kamay.
Hindi naman siya nito pinakinggan sa paglalakad nitong nang matulin. Huminga na naman siya nang malalim sa paglayo ng lalaki. Imbis na tumugil nagpatuloy siya sa pagbuntot dito. Hindi niya gusto pang tumagal ang mga espiritung bantay sa kaniyang katawan. Isa lang ang napagtanto niya habang kasama ang mga ito mapapahamak lang siya. Kung kaya nga bago pa matapos ang araw na iyon kailangang makalipat na ang mga ito sa nakita ng mga itong sugo na kanilang hinahanap. Nang hindi siya mapansin ng lalaki umakyat na lamang siya sa mga bubongan. Inakyat niya ang pader nang maabot ang bubongan ng unang bahay. Hindi naman siya nahirapan na gawin iyon kaya nakatayo nga siya sa bubongan iyon. Mula roon ay natanaw niya nga ang lalaking mabagla nang naglalakad. Nang aakma itong titingala sa kalangitan yumuko siya kaagad habang patuloy sa paghakbang.
Sa pagtuwid niya nang tayo nasundan niya pa rin nang tingin ang lalaki. Nakikipag-usap ito sa matandang tinderong nagtitinda ng mga kakanin. Inabot ng lalaki ang bayad sa matandang lalaki't pinalitan iyon ng supot na papel na naglalaman ng mga binili nitong kakanin. Matapos niyon pinagpatuloy nito ang paglalakad na lumilingon sa kahabaan ng daan. Nang makarating ito sa katapusan ng daan lumiko ito patungo sa kaliwa. Napabuntong-hininga na lamang siya nang malalim dahil para magawa niyang makasunod pa rin dito kailangan niyang lumipat sa bubong sa kabilang ibayo ng daan. Pinagmasdan niya nang maigi ang layo niyon bago siya umatras para kumuha ng buwelo. Nang makasigurado siyang magagawa niyang maabot ang kabilang bubong tumakbo na siya kapagkuwan ay tumalon. Sa pananatili niya sa ere'y pinaglaruan ng hangin ang kaniyang suot. Nanglaki pa ang mata niya nang inakala niyang mahuhulog lang siya. Mabuti na lamang nagawa niya namang nakakapit sa gilid ng bubong. Dumulas pa ang isa niyang kamay at nanatiling nakakapit ang isa. Napatitig pa siya sa ibaba kung saan hindi pansin ng mga tao ang kaniyang pagtalon. Huminga siya nang malalim para maiakyat niya ang kaniyang sarili na nangyari din naman. Pagkatayo niya'y kaagad siyang naglakad sa kalaparan ng bubong. Hinanap ng kaniyang mga mata ang lalaki. Natawa niyang pumasok ito sa bahay na napapaikutan ng pader kaya napaupo na lang siya ng bubong. Naisip niyang maghintay na lamang ng gabi dahil papalubong na rin ang araw. Pinagmasdan niya na lamang ang kalangitan na napapaliguan ng mamumula't manilawnilaw na liwanag.