Kabanata 28

1367 Words
Hinawi niya ang sanga ng bakhawan para hindi tumama sa kaniyang mukha na siya ring ginawa ng lalaki. Bumabaon nang bahagya ang kanilang mga paa sa malambot na buhanging basa. Naglakad sila roon na hindi nag-uusap dahil wala rin naman siyang dapat sabihin dito, maging ang lalaki ay hindi maibuka ang bibig. Hindi siya natatakot na maligaw sa bakhawan kahit nababalot iyon ng kababalaghan. Sapagakat alam niya kung ano ang gagawin kung sakaling nagkaroon ng reaksiyon ang mga ito sa kanilang paglalakad doon. Hindi pa man sila nakakatagal sa paglalakad nakasalubong nila ang dalawang taong dapat niyang iwasan. Pumasok doon ang dalawang magkapatid na sina Sinag at Sinugyaw. Natigalgalan ang mga ito pagkatitig sa kaniya. Kahit ang kasama niyang si Ulay ay nanlaki ang mga mata dahil sa takot. Kapwa mayroong dalang kampilan, palaso't pana ang magkapatid. Hindi nagsalita ang nakatatandang si Sinag nang mabilis nitong inihanda ang palaso. Sa pagpapakawala nito sa pana hinila niya sa suot si Ulay para tumakbo papalayo sa mga ito. Kamuntikang matamaan ang lalaki sa ulo nito mabuti na lamang naitulak niya payuko ang ulo nito. Sumunod din naman ito nang takbo dala na rin ng takot kaya nakapagtago sila sa likuran mga bakhawan kung saan hindi sila kita ng dalawang magkapatid. Tumigil siya saglit paggalaw ng mga bakhawan kaya bumangga sa likuran niya ang lalaki. Nagtataka itong tumingin sa kaniya na lalong nadagdagan nang makita nito ang nangyayari sa mga bakhawan na kanilang daraanan. Napalingon na lamang sila sa kanilang pinanggalingan sa pagsigaw ni Sinugyaw. "Akalain mo iyon nabuhay ka pa!" malakas na sigaw ni Sinugyaw na malinaw niyang naririnig. "Tama nga ang babaylan na pupunta ka rito! Huwag ka nang tumakbo! Dahil kahit saan ka pupunta susundan ka namin! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aming ama! Papatayin din kita!" Sa narinig ng lalaking si Ulay napatitig ito sa kaniyang mukha.."Tama ba ang narinig ko? Pinatay mo ang datu? Bakit?" ang sunod-sunod nitong sabi sa kaniya. "Hindi ko sinasadya. Nangyari na lang. Pinatay ng datu ng ina ko kaya wala akong dapat pagbayaran sa kanila," aniya sa lalaki nang ibalik niya ang atensiyon sa paggalaw ng mga bakhawan. Nang tumigil ang mga bakhawan sa paggalaw sumipol siya nang mahina. Nangyari rin namang huminto ang mga ito kaya nagkaroon ng daan na kanilang nilakad kaagad bago pa sila maabutan ng dalawang magkapatid. Nilakad nila ang daan na iyon na gumagawa ng tunog ang kanilang mga paang walang sapin sa basang buhangin. Hindi naman sila nakatuloy nang tumalon na lamang sa harapan nila si Sinugyaw galing sa likuran ng isang bakhawan na nakahanda ang kampilang ihahampas sa kaniya. Tinulak niya sa dibdib si Ulay na ikinaatras nito nang hindi ito madamay sa pagsugod ni Sinugyaw. Nagawa rin naman nitong humakbang patalikod kaya nakalayo ito na siya ring pag-iwas niya sa kampilan. Dumaan lamang ang talim ng kampilan sa kaniyang mukha na gahibla lamang ang naging layo. Hindi rin naman doon natigil ang kampilan sapagkat sinundan iyon kaagad ni Sinugyaw ng pagwasiwas patungo sa kaniya sa paglapag ng mga paa nito sa malambot na basang buhangin. Sa kabutihang palad nagawa niya pa rin namang ilagan iyon sa kaniya namang pagyuko. Nang hindi muli ito makasugod sa kaniya sinikmuraan niya ito nang malakas mula sa kaliwa. Dahil doon napaatras nga si Sinugyaw nang ilang mga hakbang sapo ang nasaktan nitong tiyan. "Marunong ka rin naman talagang makipaglaban," ang nasabi nito nang alisin nito ang kamay sa tiyan. Kapansin-pansin pa rin ang sakit na nararamdaman nito sa pagngiwi ng mukha nito. "Isa lang ang ipagkahulugan niyon. Isa kang mamamatay tao na pinadala rito para paslangin ang aking ama. Sino ang nag-utos sa iyo? Sabihin mo nang mapugutan ko rin ng ulo katulad nang gagawin ko sa iyo." "Nagkakamali ka sa naiisip mo," pagtama niya sa mga naging salita nito. "Hindi ako isang mangmang para maniwala sa iyo," matigas na turan ni Sinugyaw. Humigpit pa lalo ang kapit ng kamay nito sa hawakang ginintuan ang kulay ng kampilan. "Wala na akong magagawa kung hindi nga. Pero huwag niyong isisi sa akin ang nangyari dahil mayroon din namang kasalanan ang datu. Pinatay niya ang ina ko." Lalong sumama ang tingin nito sa kaniya na kung nakakapatay lamang iyon humandusay na siya sa buhangin. "Hindi iyon gagawin ng aking ama kung wala kayong ginawang mali!" bulyaw ni Sinugyaw. "Naging mabuti siya sa inyo pagkatapos papatayin mo lang pala." Magiging mahirap nga rin naman sa kaniya na paniwalain ito dahil na rin sa hindi pa man namamatay ang datu puno na ng galit ang mga ito sa kaniya na siya ring dahilan kaya hinayaan siyang mahulog sa bangin. Sarado ang isip nito para sa katulad niyang isang alipin lamang na naninilbihan sa mga ito na walang kalayaan. Hindi na ito nag-aksaya pa ng mga sandali sapagkat sumugod naman ito sa kaniya. Sa pagkakataong iyon siya naman ang napaatras palayo rito nang mag-iwan ng layo rito. Nang malapit na ito sa kaniya mabilisan niyang ibinaon ang unahan ng kaniyang paa sa malambot na buhangin. Sa paggalaw ng kamay nito hawak ang espada mula sa ibaba sumipa siya sa buhangin pasalubong sa mukha nito. Dahil doon natigil si Sinugyaw sa pagsangga ng kamay nito nang mapangalagaan ang mga mata. Nasangga naman nito ang malaking bahagi ng buhangin, ngunit tumama pa rin sa mga mata nito ang lumampas na buhangin sa kamay nito kaya tuluyan itong napuwing. Napasigaw na lamang ito nang maramdaman nito ang gaspang ng buhagin sa mga mata. Labis na dumikit ang buhangin sa mga mata nito dahil sa basa nga iyon. Sa galit ni Sinugyaw winasiwas nito ang kampilan sa harapan kahit nahihirapang makakita. Nailayo niya ang kaniyang mukha nang kamuntikan na siyang maabot ng dulo ng kampilan. Huminto rin naman ito sa pagwasiwas sa kampilan sa pagbigay nito ng atensiyon sa napuruhang mga mata. Pinabayaan na lamang niya si Sinugyaw na pilit inaalis ang buhangin sa mata kasabay ng pagsigaw nito. Tiningnan niya kapagkuwan si Ulay sabay sabing, "Tumuloy na tayo." Hindi pa man sila nakakabalik sa paglalakad tinawag ni Sinugyaw ang kaniyang atensiyon. "Bumalik ka rito!" singhal nito kahit hindi pa naman sila nakakaalis. "Pagbabayaran mo itong ginawa mo!" "Ikaw ang naglagay ng sarili mo sa sitwasyon na iyan kaya sisihin mo ang sarili mo," ang naisipan niyang sabihin dito. Hindi na nasundan pa ang sasabihin niya sa pagtapon nito sa kampilan patungo sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis na umikot ang kampilan kaya sumasagi sa isipan niya ang pagpatay niya sa datu. Mabilisan niyang sinundan ng tingin ang kampilan kaya nagawa niyang mailagan iyon sa kaniyang pagtagilid. Sa ginawa niyang iyon lumampas sa kaniya ang kampilan ngunit kamuntikan namang matama si Ulay, humaging lamang sa leeg nito ang sandatang iyon. Napahawak na lamanng tio sa dibdib sa hindi paglaho ng nararamdamang takot nito. Nagulat na lamang siya sa sunod na nangyari dahil bigla na lamang tumama ang kampilan sa dibdib ng nakatatandang kapatid ni Sinugyaw na si Sinag sa paglabas nito sa likuran ng bakhawan. Napaluhod na lamang sa malambot na buhangin si Sinag na mayroong kasamang pagsuka ng dugo, lumalabas na rin ang dugo sa dibdib nito na kitang-kita dahil sa kawalan ng pang-itaas na suot. Hindi siya nakaramdam ng ano mang awa para sa dalawa dahil pakiramdam niya ay nararapat lamang na nangyari ang mga iyon sa mga ito dahil sa madalas siyang pagdiskitahan ng mga ito. Sa nangyari nanigas si Sinugyaw matapos makarinig nang malalim na pagdaing galing sa kapatid nito. Napatitig na lamang ito sa kapatid nang makuha na nitong buksan ang isang matang namumula. Sa panghihina ng katawan ni Sinag tuluyan na itong tumumba mula sa pagkaluhod nito na ikinasigaw nang malala ng nakababatang kapatid. Pagkabalik ng tingin ni Sinugyaw sa kaniya lalo pang sumama ang pagkatitig nito na siyang pagkuha ng bakhawan sa walang buhay na katawan ni Sinag. Hindi na niya hinintay na muli itong makasugod sa kaniya sa pagtakbo niya papalapit dito. Umikot siya ere karugtong nang malakas na sipa sa ulo nito na ikinabagsak nito sa malambot na buhangin. Namamanghang napapatingin na lamang sa kaniya ang lalaking si Ulay. Isinenyas niya ang ulo rito para sabihin ditong tutuloy na sila habang wala pang malay tao si Sinugyaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD