UPANG makapasok ng katedral kailangan nilang umakyat sa mataas na pader na napaikot dito. Napapatingal na lamang siya para tingnan ang itaas niyon na hindi niya gaanong makita dahil humahalo iyon sa dilim ng kalangitan. Wala silang ano mang dalang pailaw at ang tanging tanglaw nila ay ang liwanag ng buwan. Inalis niya lamang ang tingin sa pader nang maghanda ang mandirigmang si Mitos ng panang natatalian ang dulo ng lubid. Katabi nito sina Malaya at Kalsag na nakasunod ng tingin sa pagkilos nito. Hindi nila kasama ang dagang si Mada, iniwan ito ng mandirigma sa bahay nito. Lahat silang naroon ay nakasuot ng mga maskarang mukha ng isang uwak. Hindi makita ang kanilang mga suot dahil sa nakabalot sa kanilang mga luntiang balabal.
Umatras nang ilang hakbang ang mandirigmang si Mitos habang itinataas ang palaso. Inilagay nito ang panang natatalian ng lubid kapagkuwan ay tinutok sa itaas ng pader. Sa paghinga nito nang malalaim ay pinakawalan na nito ang pana. Sumibad paitaas ang pana sa lakas ng sipa ng palaso rito. Maririnig na lamang ang pag-ugong niyon sa hangin sa katahimikang nakapaikot sa kanila. Ang lubid na mistulang naging buntot nito'y pumaikot habang pumapaibabaw. Sa ilang saglit lamang ay umabot nga ang pana sa itaas ng pader. Hinila kapagkuan ng mandirigma ang lubid kung kaya sumabit ang pana sa pagitan ng kuwadradong harang. Sinigurado pa ni Mitos na hindi matatanggal ang pana sa pagkasabit.
"Ako na ang mauuna," pagbibigay alam ng mandirigma sa kanila nina Malaya at Kalsag. Isinukbuit nito ang palaso sa likod kasama ang sisidlan ng mga pana. Sinagot lamang nito ng isang tango ng babaylan.
Hindi na nga nag-aksaya pa ng mga sandaling ang mandirigma. Hinawakan na nito ng mahigpit ang lubid at mabilis na umakyat paitaas ng pader. Hinatid na lamang niya ito ng tingin hanggang sa makatayo ito sa tuktok. Nang kumaway ito sa kanila'y sumunod naman ang babaylan ng akyat. Sa pagpaitaas ni Malaya'y binaling niya ang tingin kay Kalsag na nakatingala sa kasamahan nito.
"Bakit hindi na lang kaya tayo lumusot sa pader katulad ng ginawa niyo sa piitan?" ang naisipan niyang itanong dahil isa nga rin namang madaling paraan iyon kaysa ang umakyat sila ng pader.
Inalis ni Kalsag ang tingin sa umaakyat na babaylan at ibinaling sa kaniya. "Nababalot ng orasyon ang paligid ng katedral kaya kahit anong salamangka'y hindi mo magagamit para makapasok," paliwanag naman nito sa kaniya na naunawaan niya rin naman kaagad. Sa huling salita nito'y nakaakyat na nga ang babaylan. "Ikaw na," sabi pa ni Kalsag sa kaniyang nang hawakan nito ang lubid.
"Ikaw na lang ang mauna," pagtanggi niya na lamang dito.
Madali namang kausap ang lalaki dahil hindi na nga siya nito pinilit. Umakyat na nga rin nito ng pader nang hindi nahihirapan. Napapatingal na lamang siya sa pag-akyat nito dahil hindi niya alam kung magiging madali sa kaniya na umakyat gamit lang lubid. Hindi pa niya nasubukan iyon kahit na minsan kaya nag-aalangan siya kung magagawa niya. Naisip niya mapuputol lang ang pagkasabit ng pana kung mabagal siyang aakyat.
Huminga siya nang malalim nang hawakan na niya ang lubid. Pinagmasdan siya ng tatlo mula sa itaas habang naghihintay sa kaniya para makaakyat. Sa ikalawang pagkakataon ay huminga siya nang malalim at umakyat na nga sa pader. Sa una tapak ng kaniyang mga paang nakasuot ng bota'y dumulas iyon. Hindi nga rin naman siya sanay na mayroong sapit sa mga paa. Inulit niya na lamang ang pagtapak at sa puntong iyon hindi na rin naman siya nadulas. Binuhat niya ang sariling bigat para umangat paitaas habang hila ang lubid na siya ring paggalaw ng kaniyang mga paa. Sa kabutihang palad hindi na rin siya muling nadulas at nagawa niya rin namang makaabot sa itaas.
Nang hahawak na siya harang bigla na lamang nabali ang pana na inasahan niya na rin kung kaya inabot ng kaniyang isang kamay ang harang bago pa man siya mahulog sa ibaba. Binalak pa siyang tulungan ng mandirigma ngunit dahil nakahawak na rin hindi na nito kailangang gawin pa ang bagay na iyon. Napapatingin na lamang sa kaniya ang tatlo nang iangat na niya ang sarili. Nakahinga siya nang maluwag pagkatayo niya sa itaas ng pader. Mula roon ay matatanaw ang laki ng katedral na matataas ang mga bintanang salamin na mayroong mga imahe. Dalawa ang tore nito na siyang pumapagitna sa pangunahing bulwagan.
Walang ano mang taong nakakalat sa hardin ng katedral na para bang sinasabing hindi magagawa ng sino man na makapasok doon ng walang permiso mula sa obispo.
"Saan diyan ang silid ng obispo?" ang naitanog ng babaylan sa mandirigman si Mitos.
Sinalubong ni Mitos ang nagtatanogn na mga mata ni Malayo. "Sa ikalawang tore," sagot naman ni Mitos na nakaturo pa sa toreng nasa gawing kaliwa.
Napapatitig na lamang siya sa tore dahil para makarating roon dalawang paraan lang ang magagawa nila. Aakyatin nila mismo ang tore mula sa labas. Hindi naman kaya ay papasok sila mismo sa loob nito't gamitin ang hagdanan na hindi malayong magiging mahirap dahil sa posibleng nagbabantay sa loob. Liban pa roon ang sabi ni Kalsay ay nababalot ng orasyon ang kabuuan ng katedral. Hindi malayong naglagay ang obispo ng mga orayson pa sa mga daraanan na siyang magiging bitag para sa mga manghihimasok.
Hindi na siya nagkamai sa naisip dahil sumunod na nabanggit niyon ng babaylan.
"Ang magigning problem lang ay ang mga orasyon na ikinalat sa loob," sabi ng babaylan sa kanila.
"Tama ka. Pero alam mo rin naman kung paanong alisin, hindi ba?" wika ng mandirigmang si Mitos.
"Magagawa ko pero magiging mahirap kung iisahin ko pa," paliwanag ni Malaya. "Saka matatagalan lang kami sa loob."
Humawak ang mandirigma sa baba nito. "Kung ganoon iwasan niyo na lang ang mga silid na mayroong orasyon," ang nasabi nito sa katapusan ng pag-iisip nito. Ibinaba na rin naman nito ang kamay mula sa pagkahawak nito sa baba.
"Mayroon pa akong isang iniisip," ang naistinig ni Malaya na nakatingin sa kaniya.
Sa paglingon ng babaylan sa kaniya'y napapatitig na lang din sa kaniya ang mandirigma. Samantalang ang lalaking si Kalsag ay pinagmamasdan ang hardin sa harapan ng katedral.
"Ano naman?" pag-usisa ng mandirigma.
Inalis ng babaylan ang atensiyon sa kaniya't ibinaling sa mandirigma. "Bakit hindi lang natin siya iwanan dito? Kaming dalawa na lamang ni Kalsa ang papasok," suhestiyon ng babaylan.
"Napag-usapan na natin nito Malaya. Hindi magiging maganda kung kayo mismo ang kakausap sa obispo," paalala naman ni Mitos.
Bumagsak ang balikat ng babaylan sa paghinga nito nang malalim.
"Pakiramdam ko talaga ipapahamak niya lang kami lalo kung papasok siya sa loob," ang nasabi pa ni Malaya.
Matamang pinagmasdan ng mandirigma ang babaylan. "Hindi iyan," pangungumbinsi nito. "Bumaba na kayo. Ako na ang bahalang magbantay dito sa labas." Inihulog nito ang dalawang lubid pa na itinali nito sa harang.
Pinukolan siya ng babaylan ng blangkong tingin bago ito pumaibaba hawak ang lubid. Nagpatihulog lamang ito paibaba kasunod ang lalaking si Kalsag kaya napapatitig na lamang siya sa mga ito.
"Nakaguhit ba sa pagmumukha ko na hindi ako dapat pagkatiwalaan?" ang naitanong sa mandirigmang si Mitos.
Sinalubong nito ang kaniyang mga mata walang ano mang emosyong nakaguhit. "Mababait naman ang dalawa. Nahihirapan lang silang magtiwala sa ibang tao dahil sa mga nangyari sa kanial. Huwag kang mag-aalala darating din ang araw na magiging magkaibigan kayo," ang nasabi nito sa kaniya.
Kinuha niya ang lubid matapos ng sinabi nito.
"Sinabi ko na sa iyo hindi ko kailangang ng kaibigan. Iyon din ba ang rason kaya isinama mo na ako?" ang naitanong niya rito.
Hindi na niya hinintay pa ang naging sagot nito sa kaniya. Pumaibaba na lamang siya ng pader gamit ang lubid bago pa mainis sa kaniya ang dalawang naghihintay sa ibaba. Naging madali rin naman ang kaniyang pagbaba kaya nakatayo siya sa lupa na hindi siya nahuhulog. Pagkabitiw niya sa lubid ay hinila iyon ng mandirigimang si Mitos. Hinarap niya ang babaylan nang mayroon itong sinabi sa kaniya.
"Lahat ng sasabihin ko sa pagpasok natin sa katedral ay dapat papakinggan mo," mariin nitong sabi. "Naiintindihan mo?"
"Oo. Malinaw na malinaw," tugon niya rin dito.
"Mabuti," ang walang buhay nitong sabi nang lumingon na ito patungo sa katedral. "Sa likuran ka lang namin. Aalis ka lang kung sinabi ko na."
Wala na siyang nasabi nang sinimulan ng mga ito ang pagtakbo sa tabi ng pader. Napasunod na lamang siya rito na nakatitig sa likuran ng mga ito. Sa bilis ng pagtakbo ng dalawa'y mistulang nag-uunahan ang paa ng mga ito. Nagawa niya namang makasunod na hindi siya naiiwanan hanggang sa makarating na sila sa gilid ng katedral. Lumapit sila sa mataas ng binatanang salamin sa kanilang pagbagal sa pagtakbo. Napapalingon pa siya sa kaliwa't kanan para tingnan kung mayroong ibang tao roon. Napatitig pa siya sa punong naroon nang makita niya ang paggalaw ng dahon.
Inalis niya ang tingin sa puno sa pagsasalita ni Kalsag ng pabulong.
"Bakit, Limong? Anong problema?" pag-usisa nito sa kaniya.
Sinalubong niya ang natatanong nitong tingin. "Wala naman," tugon niya na lamang dito dahil hindi rin naman siya sigurado kung ano nga ba ang nagpagalaw sa dahon.
Hindi na siya inusisa pa ng mandirigma. Ibinaling na lamang nilang dalawa ang kanilang atensiyon sa babaylan. Nagawang buksan ni Malaya ang bintana na hindi ito gumagawa ng tunog. Tinulak nito ang bintanang salamin na mayroong imahe ng anghel at tumigil nang bumukas na iyo sapat lang para sila'y makalusto. Una ito pumasok nang maingat kasunod si Kalsag. Siya ang pinakahuli na nakuha pa ring lumingon. Hindi na rin naman siya nakapansin ng paggalaw sa puno kaya pinagpatuloy niya ang paglusot sa binatana hanggang sa makatayo na siya sa makintab na sahig.
Ang napasukan nilang silid ay aklatan kaya kahit saang dako man siya tumingin ang sumasalubong sa kaniya't estante ng mga libre. Sa balak niyang paghakbang iniharang ni Kalsag ang kamay nito kaya napatigil siya. Napatitig na lamang siya sa mukha nito dulot ng pagtataka. Iniling nito ang ulo na sinundan ng pagpatiuna ng babalyan sa paglalakad. Maingat itong naglakad sa sahig. Nilalampasan nito ang ibang mga laryo na siyang ginawa rin ni Kalsag. Sa ginawa ng dalawa'y napasunod na lamang siya dahil nakikita niya namang mayroong inilagay na mga bitag sa sahig na kapag nagkamali sila ng tapak pihadong lalabas iyon. Hindi nagbago ang kanilang ginagawa hanggang sa makarating sila sa bandang gitna ng silid. Sa harapan nila ay pagita ng dalawang mataas na estante ng libro.
Naglabas ng makulay na abo ang babaylan na siyang hinapan nito. Naglaro ang makulay na abo sa pagitan ng dalawang estante't lumitaw ang maninipis na sinulid na umekis-ekis. Yumuko ang babaylan para makalampas siya sa unang mga lubid na sinundan ng mandirigma. Ginaya niya ang ginawa ng mga ito. Naroong gumapang pa sila makalampas lamang sa mga sinulid. Wala rin namang nangyaayaring ingay hanggang sa makarating sila katapusan estante. Pagkatayo nila ng tuwid ay nakita na nila ang hagdanang paakyat na magdadala sa kanila patungo sa itaas ng tore kung saan naroon ang silid ng obispo.
Katulad ng simula'y nagpatiuna sa paglalakad ang babaylan ngunit sa pagkakataong iyon ay nagkamali ito ng tinapakan. Napatigil na lamang ito nang gumalaw ang mga laryo kalapit ng hagdanan na parang isang tubig. Sa hindi pagtigil ng mga laryo'y lumitaw mula roon ang tatalong hugis tanong nilalang na walang mukha. Puting-puti ang mga ito't putol ang pakpak sa likuran. Humarang ang mga ito sa hagdanan na nakabaling ang atensiyon sa kanila.
Hindi siya kumilos sa kaniyang kinatatayuan samantalang ang dalawa'y tumayo sa kaniyang harapan.
"Aabalahin namin ang tatlo pagkatapos kung mayroon nang pagkakataon lumusot ka na para makaakyat sa hagdanan," ang nasabi sa kaniya ng babalyan na si Malaya.
Tumango siya rito bilang naintindihan niya ang sinabi nito. Sa marahang paghakbang ng tatlong nilalang patungo sa kanila'y naghanda na ang dalawa. Siya naman ay humakbang patungo sa gilid nang makatakbo siya sa puntong sumugod ang mga nilalang. Sa paghampas nga ng mga nilalang ng mga kamay sa dalawa'y tumakbo na siya patungo sa hagdanan. Ngunit hindi siya nakatuloy nang tumalon at humarang ang isang nilalang sa harapan niya. Itinaas nito ang kang kamay na siyang ipanghahampas nito sa kaniya.