Kabanata 40

1204 Words
NAPAGOD ang kaniyang isipan sa pag-iisip kaya napahiga na lamang siya sa sahig. Hindi niya alintana ang lamig dahil nga sa kinalakihan niya na ang humiga sa malamig na lupa. Pinikit niya ang kaniyang mga mata habang inaalala ang kaniyang mga magulang. Minsan pa'y naitanong niya sa kaniyang sarili kung tama nga bang nabuhay pa siya. Gusto niya na lamang samahan ang mga ito sa kabilang buhay. Ngunit dahil nga sa hiling na kaniyang ina mukhang matatagalan pa siya sa mundong ibabaw. Mas maganda nga sana kung matapos na rin ang kaniyang buhay. Naputol lang ang kaniyang pag-iisip nang makarinig siya ng paggalaw ng mga bato sa pader. Naimulat niya na lamang ang kaniyang mga mata't pinakatitigan ang malayong pader kung saan nagmumula ang ingay. Naaninag naman niya ang paglitaw ng dalawang pares ng mga kamay na sinundan ng buong katawan. Nanlaki ng lamang ang kaniyang mga mata nang mapagtantong dalawang tao ang lumitaw sa pader. Napabalikwas na lamang siya nang bangon at napaatras hanggang sa bumangga ang kaniyang likod sa rehas na bakal. Kapwa nakasuot ang dalawa ng dalandang balabalt. Sumagi sa isipan niya kaagad na nakita niya ang mga ito sa aliwan. Sa pagpikit-bukas niya ng mga mata'y bigla na lamang nasa harapan niya ang lalaki. Hinawakan siya nito sa kaniyang suot sabay inikot habang pinipilit ang kaniyang kanang kamay. Nang matigil ito'y hawak na siya nito mula sa likuran. "Pakawalan mo nga ako!" mariin niyang sabi sa lalaki. "Sino ba kayo?!" Sinubukan niya pang kumawala sa kamay ng lalaki. Hindi naman niya nagawa nang maramdaman niya ang ibayong sakit na bumabaon sa kaniyang kamay mula sa palad ng lalaki. Natigil na lamang siya nang mawala iyon. Humakbang palapit sa kaniya ang babaeng nakabalabal para harapin siya nito. Tuwid na tuwid ang mahaba nitong itim na buhok na sumunod sa paggalaw nito. "Papakawalan ka lang namin kung ibibigay mo sa amin ang ninakaw mong perlas," paglalahad nito sa kaniya. Sumalubong ang dalawa niyang kilay na ikinakunot ng kaniyang noo dulot ng pagtataka. Hindi lang isang tao ang pinagkakamalan siyang magnanakaw. Pakiwari niya tuloy makikita sa itsura niya ang bagay na iyon. "Nahihibang na ba kayo? Wala kong ninakaw na perlas," pagtama niya sa maling akala ng mga ito. "Huwag kang magsinungalinga," mariing sabi ng babae sa kaniya. "Kabilang sa mga naghimasok sa templo, hindi ba? Ibigay mo sa amin ang perlas. Hindi puwedeng maipapasakamay mo iyon. Papabayaan ka rin namin magsabi ka lang nang totoo. Malalaman ko pa rin naman kung nagsisinungalin ka o hindi." "Wala nga akong ninanakaw," pagbibigay niya nang diin. "Bakit ba ang mga tao rito sa Habigan ay hindi makaintindi?" dugtong niya dahil na rin sa pagkadismaya sa mga ito. Sa mga binitiwan niyang salita'y nagsaita na lamang ang lalaking mayroong hawak sa kaniya. "Mukhang nagsasabi naman siya nang totoo," anang lalaki sa malalim at buong-buo nitong tinig na malamig sa tainga. Mahahalata ang pagbuntong hiningga ng babae sa pagbagsak ng mga balikat nito. Bigla na lamang siya nitong hinawakan sa kaniyang noo. Naramdaman niya na lamang ang enerhiyang nagmula sa mga palad nito kasabay ng pagpikit nito. Saglit lang din naman siya nitong hinawakan sapagkat makalipas lang ng ilang sandali'y inalis na rin nito ang kamay sa kaniyang noo. "Sige. Pakawalan mo na," ang nasabi ng babae sa kasamahan nito. Hindi nito inalis ang tingin sa kaniya. "Ano ang ginagawa mor ito sa kulungan kung hindi ka ang nagnakaw sa perlas?" Binitiwan na nga siya ng lalaki kaya minasahe niya ang kaniyang pulsuhan na namumula. Umalis ito kapagkuwan sa kaniyang likuran at tumayo sa kaliwa ng babae. Sinalubong niya ang tingin ng babae dahil sa naging tanong nito sa kaniya. "Pinaghinalaan nga ako na ako ang nagnakaw sa perlas dahil lang sa wala akong maipakitang pagkakakilanlan sa kanila," paliwanag niya sa mga ito. "Bakit? Hindi ka ba taga-rito?" sumunod na tanong ng babae sa kaniya. "Hindi," tugon niya sa mga ito dahil wala rin namang dahilan para magsinungaling siya sa bagay na iyon. "Kararating ko lang ngayong araw sa Habigan." "Wala ba talaga sa iyo ang mga perlas?" paniniguro pa rin ng babae sa kaniya. Bumungtonghininga siya nang malalim dahil pakiramdam niya'y hindi siya titigaln ng mga ito. "Wala nga," pagbibigay niya ng diin. "Bakit nararamdaman ko sa iyo ang parehong enerhiya ng mga perlas?" ang sumunod na sabi ng babae na pinagtaka niya rin naman. Napaisip siya sa narinig. Wala naman siyang maisip na sagot kundi dahil marahil sa pagdikit ng mga espiritung bantay sa kaniyang balat. Nabuhay nga rin naman ang mga ito dahil sa biyaya ng buwan na naiwan ng mga nawasak na buwan na siyang pinanggalingan ng mga perlas. "Hindi ko alam. Ipaliwanag mo rin sa akin kung bakit dahil ikaw ang nakararamdam," ang nasabi niya na lamang sa mga ito. Nagtataka man kung bakit alam ng mga ito ang tungkol sa perlas mas pinili niya na lamang sabihin sa mga ito ang tungkol sa mga sugo't mga espiritung bantay. Sinabi nga rin naman nina Moraso na hindi kailangang malaman ng ibang ang tao ang tungkol sa kanila. Marahil dahil magiging mahirap nga rin naman sa mga itong maipon ang perlas kung marami na ngang naghahanap dito katulad na lamang dalawang estrangherong pumasok sa selda na iyon. "Nagkamali ka marahil. Hindi ba sabi mo'y hindi gaanong maganda ang takbo ng sarili mo ngayon?" ang naistinig ng lalaki. "Posible," tipid na tugon ng babae. Pinagmasdan niya ang mukha ng dalawa'. "Ano bang kailanga niyo sa mga perlas? Gagamitin niyo sa kasamaan?" aniya nang sumagi sa kaniyang isipan ang bagay na iyon. Sumama ang mukha ng babae indikasyon na hindi nito nagustuhan ang lumabas sa kaniyang bibig. "Para ikabubuti ng sansinukob ang ginagawa namin," sabi nito't bahagyang nag-isip. "Mukhang mayroon kang alam tungkol sa mga perlas. Sabihin mo sa amin kung saan mo narinig ang tungkol sa mga perlas?" "Bakit niyo pa pinagtatakhan na alam ko ang tungkol sa perlas? Gayong madalas na ikuwento iyon ng mga matatanda," pagpapanggap niya na lamang. "Saan ka ba galing at naikukuwento sa inyo?" pag-usisa nito sa kaniya. "Sa Malayo ako nanggaling," pagbibigay alam niya sa mga ito. Nagkatinginan naman ang dalawa sa narinig mula sa kaniyang bibig. Nag-usap ang mga ito sa pamamagitan nang tingin at ibinalik sa kaniyang ang atensiyon. "Papaniwalaan namin ang sinabi mo dahil alam namin kung anong klase isla ang malayo," saad ng babae. Nahahalata niya namang hindi talaga ito naniniwala sa naging dahilan niya sa mga ito. "Kung hindi niyo mamasamain tulungan niyo akong makalabas dito," ang naisip niyang sabihin nang makaalis siya sa piitan na iyon. "Iyan ang hindi namin magagawa," sabi naman ng babae sa kaniya sa pag-atras ng mga ito. Wala na siyang nasabi sa mga ito nang lamunin ng pader ang mga ito't tuluyang nawalan. Inakala niyang matutulungan siya ng mga ito. Napaupo na lamang siya sa sahig at inilapit ang dalawang tuhod sa kaniyang dibdib dulot ng pagkadismaya. Nanatili siya na nakatalikod sa rehas ng bakal kahit na mayroon siyang naririnig na yabag na papalapit. Naalis din naman kaagad sa kaniya ang pakiramdam na iyon nang magsaita ang mandirigman si Mitos. "Tumayo ka na riyan Limong," saad nito sa kaniya na bumuhay sa kaniyang dugo. "Puwede ka nang lumabas."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD