Kabanata 45

2051 Words
BAGO pa man siya matamaan ng kamay ng nilalang nagpadulas siya sa ilalim nito nang makalusot siya rito. Pagtayo niya'y kaagad siyang tumakbo't nagtungo sa hagdanan. Nakailang hakbang lamang siya nang abutin siya ng nilalang. Hindi naman siya nahawakan ng nilalang nang pumupulupot sa kamay nito ang itim na tela na inilabas ng babaylan. Sa ginawa pagtulong ni Malaya sa kaniya'y nagawa na nga niyang makarating sa hagdanan. Sa putong tumapak ang kaniyang paa sa unang baitang hindi siya nag-aksaya ng sandali't tumakbo na nga siya paitaas. Mabigat man ang kaniyang pagtabko pinagpatuloy niya pa rin. Maririnig sa katahimikan ng hagdanan ang kaniyang bawat yaabag at paghinga. Mistulang nag-uunahan ang kaniyang paa habang nilampasan niya ang mga matataas na bintana sa bahaging iyon ng katedral. Hindi katagala'y nakarating siya sa katapusan ng hagdanan na wala nang iba pang pumipigil sa kaniya na mga nilalang. Sa pagpahinga niya'y pinagmasdan niya ang pinto na puno ng pagtataka ang kaniyang mga mata. Hindi niya mapigillang sabihin sa kaniyang sarili na masyadong naging madali ang kaniyang pag-akyat. Wala man lang ibang nagbabantay doon na ibang tao. Pakiwari niya'y mayroong naghihintay na bitag sa kaniya. Gayunman ang nilalaman ng kaniyang isipan lumapit na lamang siya sa pinto ng silid ng obispo na siya ring pagbalik sa normal ang kaniyang paghinga. Sinubukan niyang buksan ang busol kaya nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay dahil sa bukas iyon. Hindi niya maunawaan kung bakit iniwan ng obispo ang pinto na hindi nakandado. Napuno man ng bagabag ang kaniyang sairli mas pinili niyang tumuloy sa silid. Marahan niyang hinila ang pinto nang hindi iyon gumawa ng ingay kahit na pag-irit. Nagawa niya namang buksan kaya pumanhik na siya papasok na magagaan ang paghakbang. Pinagmasdan niya ang lawak ng silid sa ilalim ng pumapasok na liwanag na buwan. Sa gawing gitna kadikit ng dingding ay naroon ang kama. Ipinako niya ang tingin dito hanggang sa maaninag niya ang natutulog na obispo. Matapos niyang huminga nang malalim humakbang na siya patungo sa kama. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang bigla na lamang mayroong tumalon patungo sa kaniya mula sa ibabaw ng kisame. Nababalot ang kasuotan ng estranhero ng itim na balabal at natatakpan ang mukha ng maskarang pusa. Nang iangat niya ang kaniyang paningin tumama kaagad ang mga mata niya sa hawak nitong espada. Kung kaya nga hinimpas nito ang espada pagkababa nito'y tumalon siya paatras nang hindi siya nito masaktan. Sa pag-iwas niya rito nakarating siya sa mataas na bintana. Tumatama sa kaniyang likod ang liwanag ng buwan na lumulusot sa salamin. Humakbang patungo sa kaniya ang estranghero na nakatutok ang hawak nitong espada. Puno na kasiguraduhan ang bawat hakbang nito. Nalalaman niyang subukan man niyang umiwas sa bawat pagsugod nito'y magagawa pa rin siya nitong patamaan. Huminto lamang ito sa paglalakad nang ilang hakbang ang layo nito sa kaniya. Hinid nagawang ibaba ang espada na pumantay ang dulo sa kaniyang leeg. Kuminang pa ang talim niyon nang tumama ang sinag ng buwan dito. Napatitig na lamang siya sa suot nitong nasisilip niya sa likuran ng suot nitong itim na balabal sapagkat pamilyar sa kaniya ang pang-itaas nitong suot na mayroong burdang ginto ang dulo ng manggas. Hindi nga siya nagkamali ng akala nang magsalita ito. "Sino ka? At anong ginagawa mo rito?" mariing tanong sa kaniya ni Agat. Pinili niyang huwag na lamang itong sagutin nang hindi nito siya makilala sa kaniyang tinig kahit dalawang beses pa lang naman silang nagkita. Sa pananatiling tikom ng kaniyang bibig sumugod ito patungo sa kaniya na nakahanda ang espada. Nang makaiwas siya rito tumakbo siya patungo sa kama't dumaan sa ibabaw ng natutulog na obispo. Pinagmasdan siya ni Agat mula sa kabilang ibayo. Hindi na ito nakakakilos sa kinatatayuan para habulin siya nang makita nilang kumilos ang obispong manipis ang buhok sa ulo. Bumangon ito nang paupo habang kinukusot ang mga mata. Nang mabaling ang tingin nito sa kaniya'y hinila niya ito sa kamay. Pinulupot niya ang kamay nito sa likuran hanggang sa mahulog na ito sa kinahihigaan. Dumulas lamang ang suot nitong robang pangtulog. "Papakawalan kita kaagad. Sagutin mo langl ang tanong ko," ang bulong niya sa obispo nang ito lamang ang makarinig. "Naiintindihan mo?" Sinagot siya ng tango ng obispo. "Ano bang kailangan niyo?" ang naitanong pa nito sa kaniya sa pag-aakalang magkasama sila ni Agat na nagtungo roon. "HIndi ko siya kasama. Nagkasabay lang kami. Pero sa palagay ko'y pareho lang kami ng pakay," pabulong niya pa ring sabi sa obispo. Dinala niya sa sulok ng silid ang obispo sa paghakbang ni Agat nang marahan patungo sa kanila. Pinagpahinga lang nito ang espada sa tagiliran na hindi inaalis ang atensiyon sa kaniya. "Pakawalan mo siya. Kailangan ko siyang kausapin," sabi ni Agat na puno ng kompiyansa sa sarili. Mahahalata sa tinig nito ang pagmamataas. Pinagmasdan niya lamang nito na walang lumalabas sa bibig na ikinainis laman gnito. "Pipi ka ba?" hirit nito na pinalusot niya lang sa dalawa niyang tainga. Sa hindi nga niya pagsasalita'y tumakbo na naman ito patungo sa kaniya. Itinaas nito ang espada para ihampas sa kaniya. Nang makaligtas na makasugatan. Iniharan niya ang obispo na siyang nagtulak dito para patigil ang espada harapan ng leeg ng tagapagsilbi ng simbhan, gahibla na lamang layo ng dulo niyon sa leeg. Nanginig na lamang sa takot ang obispo na mahahalata sa mga kamay nito't mga labing namumutla. "Isa kang duwag. Nagtatago ka sa likuran ng isang tao. Bakit hindi mo na lang ako harapin nang matapos na ito't nang mausisa ko na ang obispo?"" ang nasabi nito sa kaniya na pinalusot niya pa rin sa kaniyang dalawang tainga. Hindi na nga ito nakatiis at muli siya nitong sinugod. Tinusok nito ang espada sa bahagi ng kaniyang katawan na sumisilip sa nakahrang na katawan ng obispo. Humakbang siya patungo sa kaliwa hila pa rin ang tagapagsilbi ng simbahan. Napapaungol na lamang ito sa sakit nararamdaman dahil sa pinulupot niyang kamay nito. Hindi siya nito tinigilan kaya nahirapan siyang hilahin ang obispo. Nang ihampas nito ang espada mula sa itaas doon na niya tinulak ang obispo patungo rito. Hindi nito naituloy ang pagsugod sa kaniya dahil bumangga ang obispo rito. Ibinaba na lamang nito ang espada nang mahawakan nito ang obispo. Tinulak din nito ang obispo kaya nadapa ito sa sahig. Sinundan siya nito kapagkuwan sa muli niyang pag-akyat sa higaan. Nang paibaba na siya ng kama'y tinalon siya nito na nakahanda na naman ang espada. Nagpagulong siya patungo sa bintana kung saan nasilip niya ang naghihintay na mandirigma. Pinag-isipan niya pa kung ano tamang gawin sa sitwasyong iyon. Hinid naman niya makakausap nang maayos ang obispo kung hindi siya tinitigilan ni Agat. Nais niya na lamang tuloy na magpakilala rito ngunit kung gagawin niya iyon mahihirapan na namang siyang ipaliwanag kung bakit iniipon niya ang perlas gayong hindi na siya kasama ang mga espiritung bantay. Baka mapahamak lang ang mandirigma kung gagawin niya iyon lalo na't nakikita niyang maipluwensiya ang pamilyang pinagmulan ni Agat. Naalis na lamang ni Aga ang atensiyon sa kaniya nang tumakbo patungo sa pinto ang obispo matapos nitong bumangon. Hindi nmaan ito nakalapit sa pinto nang magpakawala ng punyal mula sa likuran ng suot na balabal si Agad. Sumibad nang libpad ang punyal patungo sa obispo tinamaan ang suot nito na siyang nagpako sa pintong kahoy. Inalis saglit ni Agat ang tingin sa kaniya nang mapigilan nito ang pagtakas ang obispo. Nagawa din naman nitong lapitan ang matanda. Inalis na rin nito ang punayal at ibinalik sa likurang ng balabal. Nang hilahin nito pabalik ng kama ang obispo kumuha siya ng dalawang pares ng unan. Tinapon niya iyon kay Agat na walang kahirap-hirap na tinagpas ng espada. Sa nangyari'y kumalat at nagsiliparan ang malalalambot na balahibong ginamit sa unan. Sa dami ng balahibo'y natatakpan niyon nang bahagya na tingin nila. Dahil alam niya na rin kung saan nakatayo ang dalawa mabilisan siyang humakbang padikit sa mga ito't hinila sa pulsuhan ang obsipo. Dinala niya ito sa binata't iniwan doon. Muli niyang hinarap ang papalapit na si Agat. Pagtagpo nilang dalawang nagsilaparan paitaas pabalik ang mga balahibo. Sa paghampas nito sa espada sinalo niya iyon ng isang kamay kasunod ng isang sipa sa tagiliran. Nasangga naman ni Agat ang kaniyang sipa kaya sinuntok niya na lamang ito sa tiyan. Napaatras na lamang itio na hapo ang nasaktang tiyan. Mahahalata ang galit ng naramdaman nito sa paghigpit ng kapit nito sa espada. Hindi pa rin ito nagdalawang isip ng sumugod sa kaniya. Itinusok nito patungo sa kaniyang ang espada na nagawa niya rin namang iwasan. Ngunit naging gahibla na lamang ang layo ng talim niyon sa kaniyang mukha. Nang mabitiwan nito ang espada'y sinuntok niya ang pulsuhan nito mula sa ilalim siyang naging dahilan kaya nabitiwan na nito ang espada. Kumalatong pa iyon nang bumagsak sa sahig. Naalis man ang espada nito'y nakipagtagisan pa rin ito sa kaniya. Nagkawala ito nang magkasunod-sunod ng sunaok na naiilagan niya rin naman. Tinakbo siya nito't binangga na kaniyang ikinahiga sa kama. Tumalon pa ito kapakuwan sa ere na mayroong kasunod na sipa sa kaniyang tiyan. Mabuti na lamang nakagapang siya sa kama nang makalayo rito. Inalis niya na rin ang iba pang unan sa kama't pinagtatapon niya iyon kaya Agat. "Punong-puno na talaga ako sa iyo," ang mariing sabi ni Agat sa kaniya. Sa pagsabog ng emosyon ni Agat tuluyan na itong nagalit sa kaniya. Kaya binilisan pa nito paggalaw palapit sa kaniya. Sa panibagong liksi nito'y nahawakan siya nito kaagad sa kaniyang leeg. Idiniin nito ang daliri sa kaniyang balikat kayar ramdam niya ang pagkabaoon ng kuko nito. Hindi siya nito pinakawalan hangagng bumangga ang kaniyang likod sa sa matigas na pader. "Sino ka bang talaga? Sinusundan mo ba ako?" ang magkasunod na tanong sa kaniya ni Agat. Imbis na magsalita hinawakan niya ang kamay nitong nakasakal sa kaniya. Sa hindi nito pagputol sa pagkasakal unti-unti nang nanunubig ang kaniyang mga mata. Nagisismula na rin siyang mawalan ng hangin. "Magsalita ka kung tinatanong kita!" dugtong nito na mayroong mga diin. Itinaas na lamang nito ang kamay para alisin ang maskara ng kaniyang suot dahil sa hindi niya pagsasalita. Bago pa nito maalis ang maskara niya'y ubod lakas niya itong sinipa sa dibdib. Nabitiwan na lamang siya nito sa pag-atras nito. Hindi niya na hinintay na muli siya nitong mahawakan. Mabilisan siyang lumapit rito't nang kapwa sila nagkaharap ulit pumaikot siya sa katawan nito. Kumiskis lamang ang kanilang mga suot na balabal sa isa't isa. Pagkaraa'y tumayo sa likuran nito binayo ang kamay sa ulo nito na siyang pagpwalang malay tao rito. Nakuha niya pa itong hawakang nang hindi maging malakas ang pagbagsak nito sa sahig. Inilalayan niya itong makahiga. Inalis niya ang atenisyon sa walang malay-tao na si Agat nang hawakan ng obispo ang epada. Tinapakan niya kaagad iyon kaya bumitiw na laman gito sa sandata. "Narito na ang tanong ko," aniya sa obispo kaya napatiitig na lamang sa kaniya. "Simple lang ang tanong ko." "Ano naman?" ang naginginig ng saad ng obispo. "Nasaan na ang mga perlas na pinanakaw mo?" aniya na ikinalaki ng mata nito sa dahil pagkabilga. "Huwag kang magsisingunaling kung ayaw mong maputulan ng dila," dugtong niya na mayroong babalat. "Wala akong ninanakaw," sagot naman sa kaniya ng obispo. Pinadyakan niya ang espada kaya umangat ito't sinalo niya ang hawakan nito bago pa iyong muling bumagsak sa sahig. "Uulitin ko. Nasaan na ang mga perlas?" Inilapit niya ang espada sa obispo't tinutok sa leeg nito. Bumagsak na lamang sa sahig ang obispo sa panginginig ng tuhod nito. "Bakit ko naman sasabihin sa iyo?" hirit naman nito. Kumunot na lamang ang noo niya sa narinig mula. "Dapat lang na mawala na ang mga marurumi't masasamang tao rito sa sansinukob nang walang iba pang iisipin ang mga diyos." Hinid niya naiwasang makaramdam ng inis sa lumabas sa bibig nito. Itinahas niya na lamang ang hawak na espada na siyang pinagtagpoas sa leeg ng obispo. HInarang na lamang nito ang dalawang kamay. Tumigil siya hindi dahil sa iniharang nitong kamay kundi dahil sa kuwintas na mayroong malaking bilog na medalyon na kulay ginto. Naibaba niya na lamang ang espada't pinagmasdan nang maigi ang kuwiintas. Walang pagdadalawang-isip na hibalot niya iyon na ikinagulat pa rin ng obispo. Nagkamali na rin nama itong bantyan ang perlas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD