"IBALIK mo sa akin iyan," sigaw ng obispo sa kaniya.
Hindi niya pinakinggan ang pagdaing nito. Pinalusot niya lamang sa kaniyang dalawang tainga. Humakbang siya nang dalawa palayo rito nang hindi nito maagaw ang kuwintas.
"Bakit? Ano bang mayroon sa kuwintas na ito?" Binuksan niya ang lawit ng kuwintas para lamang magsalubong ang kaniyang dalawang kilay.
"Hindi! Akin na iyan!" daing ng obispo.
Sa balak nitong pagtayo sinipa niya ito sa balikat kaya muli na lamang itong napaupo sa sahig.
Nilalaman ng lawit ng kuwintas ang dalawang perlas na hindi gaanong maputi ang kulay. Kung pagmamasdan ang dalawang perlas ay mistulang ordinaryo lamang ang mga iyon. Ngunit sigurado siyang ang mga perlas na hinahanap nila ang mga iyon. Naisip ng obispo mas mainam na nasa tabi nito ang mga perlas kaya nilagay nito sa lawit ng kuwintas. Ang hindi nito naisip ay malalaman nila na ito ang nag-utos na nanakawin ang mga perlas.
"Nasisiraan ka nang ulo. Naturingan ka pa namang tapaglingkod ng simbahan." Ibinalik niya ang tingin sa obispo nang isara na niya ang lawit ng kuwintas. "Hindi ko ito ibabalik sa iyo."
Nabaling ang kaniyang atensiyon sa pintuan nang bigla na lamang bumukas iyon. Pumasok doon ang limang klero na puro nakasuot ng puting robang kitang-kita sa dilim.
"Hindi ka makatatakas ngayon," ang natutuwang sabi ng obispo sa kaniya. "Ibalik mo sa akin ang kuwintas baka hayaan pa kitang umalis."
Sinalubong niya ang mga mata nito. Hindi siya isang mangmang para maniwal sa sinabi nito sa kaniya. Imbis na mayroong sabihin dito'y hinila niya na lamang sa likuran ng suot na itim na balabal si Agat patungo sa bintana. Napapahakbang na lang din ang mga klero na nakatayo sa unahan ng mga ito ang obispo. Nang tuluyan siyang makalapit sa binatana'y binasag niya ang salamin matapos niyang bitiwan ang likuran ng suot ni Agat. Inilabas niya kapagkuwan ang kaniyang kamay hawak ang kuwintas.
"Subukan niyong lumapit kung hindi niyo na gustong makita pa ang kuwintas," pagbabanta niya sa obispo.
Binigyan siya nang maakas na tawa ng obispo dahil sa kaniyang nasabi.
"Ano ang magagawa mo? Kahit itapon mo iyan makikita ko pa rin namin," saad ng obispo na puno ng kompiyansa ang boses. "Saka kung mawala iyan wala ka nang magagamit.
"Iyan ang sabi mo," wika niya't humarap sa bintanang nabasag na ang salamin.
Walang pagdadalawang-isip niyang tinapon ang kuwintas patungo sa itaas ng pader kung saan naghihintay ang mandirigma kasama sina Kalsag at Mayla.
"Lapitan niyo na!" sigaw pa ng obispo.
"Saluhin niyo't umalis na kayo! Susunod ako kaagad!" sigaw niya sa mandirigma na naintindihan naman nito.
Nang makita nga nito ang pagkislap ng kuwintas sa pagtama ng liwanag ng buwan nito, itinaas nito ang kanang kamay. Nagawa rin naman nitong masalo ang kuwintas at napatitig sa silid na kaniyang kinalalagayan. Sa hindi pagkilos ng mga ito'y isinenyas niya ang kaniyang kamay para umais na ang mga ito. Napabuntonghininga na lamang nang malaim ang mandirima. Mayroon itong sinabi kina Malaya na hindi niya nga narinig sa layo niya sa mga ito.
Ibinalik niya na lamang ang kaniyang atensiyon sa mga klero na siya ring pagbaba nina Mitos, Malaya at Kalsag ng pader. Hindi na siya nagulat na sinunod ng mga ito ang kaniyang imbis na tulungan siyang makaalis ng katedral.
Sa pagsugod sa kaniya ng mga nasa unahang klero'y sinipa niya ang mga ito kaya bumagsak ang mga ito sa sahig. Nang makita niyang itaas ng isa kanang kamay nito kung saan nabubuo ang itim na enerhiya binuhat niya na si Agat sa kaniyang balikat. Sa pagtapon ng klero sa enerhiya patungo sa kanila'y tumalon na siya ng bintana. Napasunod na lang tingin sa kanila ang obispo sa kanilang pagkahulog. Sa lakas ng hanging tumatama sa kanila ni Agat pinaglalaruan niyon ang kanilang mga suot na balabal. Sana lang ay hindi siya nagkamali sa kaniyang napansin sa itaas ng puno bago pa man sila pumasok ng katedral. Sapagkat kung nagkamali siya pihadong kamatayan ang kakahatungan nila pareho ni Agat sa taas ng kanilang tinalunan. Ilang dipa na lamang ang layo nila sa lupa ngunit hindi pa rin lumalapit sa kanila ang mga espiritung bantay. Napagtanto niyang nagkamali lang siya ng akala dahil naroon nga rin sa agat. Ngunit nang malapit na sila bumagsak sa lupa'y lumipad mula sa kaliwa ang higanteng agila't sinalo sila nito ni Agat sa likod bago pa man magkalasog-lasog ang kanilang katawan sa lupa.
Pagkaupo niya sa likuran ng agilang si Nori'y doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Hindi umangat nang lipad ang agila nang hindi mapansin ng mga tore ang kanilang pag-alis. Pumaibabaw lamang ito nang makarating sa likuran ng katedral. Hindi ito tumigil sa pagpaitaas hanggang sa lumayo na sila. Ibinaba niya na rin mula sa kaniyang likod ang wala pa ring malay-tao na si Agat. Naibaling niya ang kaniyang atensiyon sa puting tigre nang lapitan siya nito. Sa ulo nito'y nakasakay ang ahas.
"Ano ang ginawa mo? Nasaan na ang perlas?" ang naitanong ito sa kaniya. Hindi na siya nagtaka na nakilala siya nito kahit nakasuot siya ng maskarang uwak.
"Kausapin mo na lamang ang ginoo," wika niya nalaman sa puting tigre.
Mahahalata ang galit sa mga matatalim nitong mga mata. 'Dapat sa amin mo ibinigay ang mga perlas. Wala siyang karapatan para humawak niyon," wika ni Moraso sa nanggagalaiting boses.
Hindi na niya rin nagustuhan kung paano siya nito kausapin nang sandaling iyon.
"Alin ba ang hindi mo maintindihan?" hirit niya rito. "Kausapin mo na nga lang ang ginoo. Para sa ikabubuti rin naman ng lahat kaya iniipon nila ang mga perlas."
"Gaano ka naman nakakasigurado riyan? Iniwan ka nga nila," paalala nito sa kaniya.
"Dahil iyon ang sinabi ko," wika niya rito.
"Kahit anong sitwasyon hindi mo puwedeng iiwan ang kasama mo. Nagkakamali ka lang sa pagkakilala sa taong iyon. Mapagpanggap ang mga tao."
Napatayo na lamang siya nang tuwid nang mas mataas ang tingin niya rito. "Huwag ka ngang manghusga ng taong hindi mo pa naman nakakaharap. Alalaahin mo minsan ka naring naging tao. Kung ganoon ang sinasabi mo mapagpanggap ka. Nakuha niya ngang magsinungaling sa akin," ang naiinis na rin niyang sabi dahil sa lumabas sa bibig nito.
"Ginagalit mo ba ako?" paghahamon nito sa kaniya. Patuloy ang buga ng hangin sa kanila.
"Sinasabi ko lamang ang too. Kung naiinis ka problema mo na iyon."
Sa pag-uusap nilang dalawa'y sumingit ang ahas na si Soraka. "Tumigil na kayong dalawa. Sinusundan tayo," pagbibigay alam ng ahas sa kanila.
Kapwa nga sila lumingon ng puting tigre sa direksiyon kung saan naroon ang katedral. Kahit malayo pa ang sumusunod sa kanila nalaman niya na kung ano. Tatlong itim na nilalang na kawangis ng usok ang mga ito. Mabilis na lumilipad ang mga ito patungo sa kanila. Kahit na binibilisan na ng agila ang paglipad nito'y nagagawa pa rin ng mga usok na makabuntot hanggang sa naging ilang dipa na lamang ang layo ng mga ito. Dahil dito inalis niya ang maskarang pusa ni Agat at tinapik niya ang mukha nang magising ito. Magiging mahirap nga rin namang bantayan ito lalo na't nasa himpapawid sila habang susugurin ng mga nilalang. Kapag naalis ang tingin nila rito'y hindi malayong mahulog ito mula sa likura ng agila. Kahit anong tapik niya'y hindi ito nagigising kaya napabuntonghininga na lamang siya nang malalim. Isa lang ang naisip niyang gawin para tuluyan nitong imulat ang mga mata. Malakas niya itong sinampal na ikinagulat na lamang ng mga espiritung bantay. Napapatitig na lamang ang mga ito sa kaniya ngunit nang maintindihan ng mga ito kung ano ang kaniyang ginawa binalik na lamang ng dalawang espiritung bantay ang atensiyon sa mga nilalang na nariyan na sa kanilang likuran.
Nagising din naman ang binatang si Agat ngunit pagkamulat niya ng kaniyang mata'y lumayo ito kaagad sa kaniya na nanlalaki ang mga mata. Sa pag-atras nito'y hindi nito namalayang mahuhulog na ito kung kaya bago pa man mangyari iyon hinawakan niya na ito sa kaniyang suot. Hinila niya ito pabalik sa gitna ng likod ng agila kaya nagbanggaan ang kanilang mga katawan. Tinulak pa siya nito nang maging malayo sila sa isa't isa.
"Nagpapakamatay ka ba?" ang naisatinig na lamang niya rito.
Mariin siya nitong pinagmasdan matapos nitong marinig ang kaniyang tinig. Inalis niya ang pagkatabon ng maskarang uwak sa kaniyang mukh'at inilagay sa gilid ng kaniyang ulo.
"Bakit ka nagpunta sa katedral? Ano bang binabalak mo? Hindi ikaw ang sugo kaya tumigil ka na," ang sunod-sunod nitong sabi sa kaniya. Nakuha pa nitong pisilin ang batok na kaniyang nahampas na matalim ang tingin sa kaniya.
Nabuntonghinga siya nang malalim para rito. "Tumutulong lang," pagdadahilan niya rito na ikinasama ng mukha nito.
"Ang sabihin mo gusto mo talagang maging sugo kasi umasa ka." Ibinaba nito ang kamay na pinanghawak nito sa batok.
"Walang umaagaw sa pagiging sugo mo," paalala niya rito. "Huwag mo munang unahin ang galit mo. Ang mga iyon muna ang intindihin mo," dugtong niya't tinuro niya ang mga usok na padikit na sa kanila.
Hindi na nakapagsalita si Agat nang paikutan sila ng mga nilalang. Binalot sila niyon hanggang sa wala na silang makita. Naiharang niya na lamang ang kaniyang kamay sa harapan para sakaling mayroong bumangga sa kaniya'y mararamdaman niya. Katulad ng hindi niya inasahan bigla na lamang nawala ang tinatapakan niyang likuran ng agila. Pigil niya ang kaniyang hininga nang magsimulang mahulog siya na sinundan ng pagsigaw ni Agat. Sa pagkahulog niya sa kalangitan naalis na rin ang bumalot na itim na usok sa kanila. Marahas na pinaglalaruan ang suot niyang balabal. Nang hindi tuloy-tuloy ang kaniyang pagkahulog dumapas siya sa himpapawi habang hinahanap ang iba niyang mga kasama.
Tumama ang mata niya sa binatang si Agat na pumapaikot-ikot habang nahuhulog. Ngunit ang tatlong espiritung bantay ay hindi na niya makita. Pagkalingon niya sa kaliwa'y patungo sa kaniya ang dalawang nilalang habang ang isa'y hinahabol si Agat na hindi pa rin naaayos ang sarili. HIndi na niya inisip kung paano sila makakaligtas sa pagkahulog. Ang inuna niyang ginawa nagpabulusok patungo sa binatang si Agat. Sa likuran niya lang ang mga nilalang na nakabuntot. Nagawa niya namang mahawakan ang pumaikot-ikot na si Agat bago pa man ito marating ng sumunod ditong usok. Tinanggal niya ang bumalot na balabal sa mukha nito na siyang nagpapahirap dito kahit umikot-ikot na sila pareho. Nagawa niya namang maalis iyon kaya inayos na nito ang puwesto ng katawan habang bumubulusok. Napapatingin na lamang nito sa kaniya nang hawakan niya ang dalawa nitong kamay.
Isinenyas niya ang kaniyang ulo patungo sa kaliwa para makita nito ang mga nilalang na humahabol sa kanila. Hindi naman siya maririnig nito kahit na magsalita siya. Lumingon din naman ito kaya nakita nga nito ang mga nilalang. Ang sumunod niyang ginawa'y pinagmasdan niya ang kalupaan sa ibaba. Nang mapadako ang kaniyang mata sa lawa isinenya naman niya ang ulo patungo rito't bumitiw na siya rito. Hindi man siya sigurado kung makakaligtas sila sa pagbagsak nila sa tubig nagpabulusok pa rin siya patungo roon. Sa ginawa niyang iyon napasunod na lang din sa kaniya si Agat hanggang sa nakasabay na ito sa kaniya.
Nang makarating na sila sa ibaba ng lawa tinuro niya ang balabal sa kaniyang likuran. Naitindihan naman ni Agat kung ano ang kaniyang ibig sabihin. Pumuwesto nga ito sa kaniyang likuran habang patuloy sila sa pagbulusok. Nasasampal man nito ng balabal, hinawakan pa rin naman nito ang dalawang dulo niyon. Sa puntong mahawakan nito iyon hinawakan na rin niya ang dulong nakakabit sa kaniyang balikat na magkaharap silang dalawa. Sa ginawa nilang iyon nagkaroon sila ng mumunting parakayda. Nabawasan niyon ang puwersa ng kanilang pagkahulog patungo sa tubig.
Sa kasamaang-palad dahil nariyan lang sa kanilang likuran ang mga nilalang naabutan sila ng mga ito. Tumatama ang mga ito sa kanilang katawan kaya naramdaman nila ang ibayong sakit na dala niyon. Gayunman tiniis nila pareho ang naramdamang sakit. Liban pa sa pananakit ng mga nilalang sa kanila sinira rin ng mga ito ang balabal na nagsilbi nilang parakayda. Sa nangyari muli silang bumulusok paibabang dalawa ni Agat. Hindi sila makaayos sa pagkabulusok dahil sa paulit-ulit na pagtama ng mga nilalang sa kanila. Sa hindi pagtigil ng mga ito'y nagpaikot-ikot silang muli habang nahuhulog. Pakiramdam niya'y kapag nakarating na sila sa tubig pihadong mawawalan na sila ng buhay ni Agat.