GEMSTONE 1

1118 Words
GEMSTONE 1 ''Tita, aalis na po ako.'' paalam ko kay tita na kumakain sa dining area kasabay ang kanyang nag-iisang anak na si Grace.  ''Mabuti. Agahan mo ang uwi para matulungan mo yung maid sa paglilinis ng bahay. Aalis rin kami ni Grace mamayang hapon.'' cold na sabi ni tita. Tumango lang ako sakanya pati kay Grace na hindi nag-abalang tumingin sa akin.  Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang pakikitungo saakin nila tita at ni Grace. Hindi ko minsan naramdaman na parte ako ng pamilya. At syempre hindi ako ampon kung yon ang iniisip niyo. Masaya kami noon. Noong buhay pa si mama. Natatandaan ko pa nung pitong taong gulang lang ako. Buhay pa si mama, ang saya namin. Si tita napaka bait, maalaga at maalalahanin. Si Grace naman maliit pa sya noon. Nagsimula lang maging malamig ang pakikitungo ni tita sakin noong bawian ng buhay si mama.  Masakit yung nangyari, oo. Pero pinilit kong maging matatag. *Flashback* (7 years old Astrid) Nagluluksa ako sa nangyari kay mama ilang linggo na ang nakakalipas. Kaya naisip ko na magpunta nalang dito sa playground. Ang sabi ni mama, masaya raw lahat ng tao na makikita sa playground. Gusto ko rin sumaya kahit wala na sa tabi ko si mama kasi alam ko ayaw nya ako maging malungkot. Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno habang nakayakap sa mga tuhod ko. ''Uy, tignan nyo oh! Si Scarlett pala!'' ''Ay oo nga! Yung namatayan ng mama!" Alam kong yung mga kasing-edad ko lang yung mga nag-uusap. Sila yung laging nang-aasar saakin pero pinababayaan ko lang. At sa ilang beses kong pagtambay sa playground ay ganoon rin ang dalas ng pagpaparinig nila ng masasakit na salita. Hindi ko pinapansin. Maliban lang ngayon, nagpantig na ang tenga ko sa mga sumunod na nangyari. ''Oo. Tapos alam nyo ba? Sabi ni mommy mangkukulam daw ang mama nya?'' ''Narinig ko rin sila mom at dad na nag-uusap sabi nila kaya daw namatay ang mama nyan kasi bad at nananakit ng ibang tao kaya kinarma!'' Sumama ang timpla ko sa mga huling salita nila at biglang nag iba ang ihip ng hangin. ''Mommy! Daddy! Help!'' umiiyak na ang mga bata sa harapan ko nang dahil sa malakas na hangin na nagpapaugoy sa mga puno. End of flashback Simula nang mangyari yun, nung malaman ni tita ang pangyayari na 'yon. Ang sama na lagi ng tingin nya saakin. Pinandidirihan at itinataboy nya na ako. Pero nagpapasalamat parin ako na hindi nya ako itinatakwil. Yun nga lang, iba na ang pakikitungo. ''Hi, Scarlett. Morning!'' pagkapasok at pagkapasok ko sa classroom namin ay binati agad ako ng mga kaklase ko. Mabait naman ako sakanila kaya mabait din silang lahat saakin. ''Wow, aga natin ngayon ah.'' sabi ni Sandy. Bestfriend ko. ''Oo nga. Nakalimutan ka bang alilain ng tita at pinsan mo?'' natatawang sabi ni Dionne. Guy bestfriend din namin sya ni Sandy.  Palagi kasi talaga ako pinaglilinis ni tita ng buong bahay kahit na may kasambahay naman, basta lang kailangan may gagawin na gawaing bahay bago umalis. ''Hindi. Natapos ko kasi agad yung pinalinis nya kanina.'' Tumabi ako sa kanila at inayos ang bag ko. ''Inis talaga ako diyan sa tiyahin mo, lalo sa pinsan mo! Tignan mo minsan hindi kana makapagsuklay sa dami ng utos!" Gigil si Sandy habang nagsasalita. ''Oo nga, Scarlett. Sabi ko naman sayo tanggapin mo na offer ng mommy ni Sandy, sasaya talaga kaming lahat!" Tukoy ni Dionne sa offer nila Sandy na doon ako sakanila tumira. Huminga ako ng malalim. ''Hindi naman ako nahihiya, ano ba kayo. Ayaw ko lang talaga umalis sa bahay namin kasi syempre pamilya ko lalayasan ko? Loko talaga kayong dalawa.'' Sabi ko saka kumuha sa chichirya na hawak ni Dionne. Nang matapos ang exams ay nagmamadali na rin agad akong umuwi. Inaya pa nga ako ng mga kaibigan namin na magpunta raw sa sm gaya ng nakakagawian kapag tapos na ang exam week pero tumanggi ako. Una wala naman akong pera, sapat lang ang baon na kanin ko at fifty pesos na baon sa araw araw. Pangalawa, bawal akong malate ng uwi kahit limang minuto dahil magagalit sila tita. ''O, mabuti naman nakauwi kana. Sabi ni mommy sa mga banyo ka raw maglinis. Bukod doon sa second floor pati rin sa banyo doon malapit sa kitchen.'' utos ni Grace na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Didiretso muna sana ako sa kwarto ko para magpahinga saglit at magbihis ng pambahay pero nagsalita ulit siya pagkatapos akong batuhin ng unan na hindi naman din tumama sa akin. 1st year college na ako at highschool naman si Grace. Sanay na ako sa hindi niya pagbigay ng galang sakin dahil nasa puder nila ako. "Wala ka bang narinig? Boba ka ba? Ayusin mo ugali mo ha. Magvvlog ako sa banyo mamaya ng skincare kaya paputiin mo yon."  "Magbibihis lang ako, Grace, tapos iidlip sana ng konti—"  "Ang tamad nito! Ngayon mo gawin puro ka dahilan, nakakaimbyerna ka ng araw!" Tumango na lang ako at nilapag sa tabi ang bag. Nagsimula na akong maghanda ng panglinis at kinuha ang mga iyon sa mga cabinet sa ilalim ng sink sa kitchen. Naramdaman ko ang pagsunod nito sakin. ''Oo nga pala, may itatanong ako sayo. Maraming chismis na mangkukulam daw si tita, gaano katotoo?"  I just balled my fist. Tungkol na naman sa mama ko. Sa pagkamatay ng mama ko. Sa witch daw ang mama ko. Sa masama daw ang mama ko. Binaliwala ko lang ang sinabi nya at kinalma ang sarili. Gusto ko nang masanay sa mga taong may ganyang paninirang sinasabi kay mama. Pero hindi ko talaga magawa, napupuno ng galit ang dibdib ko. "Kung totoo man, well, mabuti nalang pala at nawala na. Parang salot lang iyan eh, para hindi na makapinsala dapat mawala na sa bayan!" Nagpantig ang tenga ko. Araw gabi kong sinasanay ang sarili ko na wag ng malungkot sa pagkawala ng mama ko pero heto ang mga taong wala naman ibang ginawa kundi paratangan ang nanay ko, tuwang tuwa na namatay siya. ''Pwede bang manahimik kana!" Galit na hinarap ko ito, nanginginig ako sa sama ng loob. Hindi ko makontrol. "Hindi kami ang salot dito kundi kayo! Ang sama ng ugali ng mga taong katulad niyo!" "Agh! Scarlett!" Daing niya bigla. Parang wala na ako sa sarili. Pakiramdam ko gusto ko siyang saktan dahil napigtas na ang pasensya ko. Gusto ko siyang turuan ng leksyon hanggang sa naupo ito sa sahig bigla at hawak ang dibdib, habol ang hininga. Nabalik ako sa sariling katinuan at nanlaki bigla ang mga mata nang mapansing tinutupok na ng apoy ang buong paligid. Hindi na rin ako makahinga sa kapal ng usok! Lumapit ako kay Grace, halos mawalan na siya ng malay. Anong nangyayari. "Halimaw ka..." aniya saka umubo. Wala akong ideya kung anong nangyari pakiramdam ko nakalimutan ko ang mga nangyari nung mga nakaraang minuto.  ''s**t! Scarlett! Okay ka lang ba!?'' naaninag ko si Dionne sa di kalayuan. ''Dionne, tulong,'' Inabot ko ito, kasama niya si Sandy. Tulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD