PROLOGUE

248 Words
HIGHEST RANKING REACHED ON w*****d: Fantasy Category Top 1 (2016) Wattpad Reads (As of 2021): 5 MILLION READS. NOTE: Hindi po ito inedit o nirevise nang todo kaya kung paano ko siya isinulat noong highschool student pa lang ako at first time o BAGUHAN sa pagsusulat sa w*****d ay ganoon pa rin siya hanggang ngayon dito sa Dreame kaya bawal po ang judgmental at feeling expert in writing dito kasi marami itong flaws since sinulat ko 'to noong nagtatry pa lang ako sa mga bagay-bagay (at wala na ako timeeee mag-edit). Thank you! STONEGEM ACADEMY PROLOGUE Mabigat, mapait at madilim ang naging hitsura ng buhay para kay Scarlett Astrid Sundust, mula pa noong bata ito ay puno na ng pagpapahirap ang naranasan niya sa kamay ng itinuturing na pamilya. Mabuti na lang at hindi siya iniiwan ng mga kaibigan na sa kalagitnaan ay magdadala sa kaniya sa mundo kung saan talaga siya nababagay. Ang akala niyang magiging normal na at magaan na pamumuhay sa mundong ipinangako sa kaniyang wala ng mang-aapi pa gaya ng nakasanayan niya ay kabaliktaran pala. Sa panibagong mundo na papasukin mas mabigat at mas malaking responsibilidad ang ibibigay kay Scarlett, kasama na roon ang iba't ibang uri ng sikretong maaaring dumurog sa kaniyang pagkatao. Isa na roon ang sikretong matagal nang pinanghahawakan ni Trey Wastridge, ang taong matagal na ring naghihintay sa pagbabalik niya sa buhay nito. Alamin at samahan si Scarlett Astrid na isa-isahing buksan ang mga nakasaradong nakaraan na naghihintay lang matuklasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD