GEMSTONE 2

1568 Words
GEMSTONE 2   Scarlett Astrid's Point of View Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero si Dionne kasi, nasa malayo lang siya kanina mula dito sa kinalalagyan ko pero parang hangin siya na nandito kaagad sa harapan ko. Ang bilis. Ang bilis ng kilos. Naapektuhan na yata ng makapal na usok ang utak ko. Naghahallucinate na yata ako. ''Scarlett! Ayos ka lang?! Ilalabas kana namin dito!" Si Dionne. Binuhat niya ako.  ''Bilis! Nagbabagsakan na ang mga furniture!'' sigaw ni Sandy habang nauunang lumalakad sa harap namin ni Dionne. May tubig syang nilalabas sa kamay nya. Binabasa nya yung mga dadaanan naming may nakaharang na apoy. Hindi na ako makahinga pero naidilat ko pa nang mas malaki ang mga mata ko. Tama ba ang nakikita ko? Bago kami makalabas nang tuluyan ay nalingon ko pa si Grace. Nagpanic ako. ''Si Grace! Si Grace! Balikan natin sya!'' sigaw ko sakanila. Nilingon din ito nila Dionne at Sandy pero biglang gumuho ang malaking cabinet sa daanan papunta doon. ''Di na pwede, Scarlett! Masyado nang delikado!'' natatarantang sabi ni Dionne. Nakita kong nailing din si Sandy na parang nahihirapan iwan si Grace. Naiyak ako. Pagkalabas at pagkalabas namin ng bahay ang dami ng tao sa labas. Halos manlumo rin ako sa nakita ko, yung buong bahay halos gumuho na sa sobrang laki ng apoy.  ''Scarlett, si Grace? Nasaan ang anak ko?! Sumagot ka naman, nakalabas siya diba?!"  si tita. Iyak siya ng iyak, napahagulgol ako sa harapan niya. Traumatized pa sa nangyari.  Sinampal niya ako. ''Wala kang kwenta, malas ka, walang hiya ka, pinatay mo ang anak ko—" Nagumpisa na itong humagulgol at naglupasay sa sahig. Dinaluhan ko ito pero tinulak niya lang ako. Lalo akong naiyak, lalo kong sinisi ang sarili ko. ''Tita, sorry po..." Bulong ko na nagpalingon sakanya. Sinugod niya ako at sinabunutan, umawat ang mga kaibigan ko. ''Wala kang pinagkaiba sa ama mo, malas kayo sa buhay namin ng pamilya ko! Pinatay ng mga halimaw na katulad niyo ang kapatid ko at ngayon... ngayon pati ang anak ko! Lumayas ka, papatayin kita!" Galit ito habang naiiyak. Wala akong nagawa kundi lumayo. Niyakap ako ni Sandy pagkahila nila sakin sa parke malapit sa lugar. Iyak parin ako ng iyak.  ''H-Hindi ko naman kasalanan. Maniwala kayo, wala akong ginawa.'' Pagmamakaawa ko sakanila, umiiyak. ''Sshh, oo alam namin na hindi mo kasalanan yon. Walang may gusto sa nangyari." Hinigpitan ni Sandy ang yakap.  Iniisip ko parin kung anong nangyari kanina sa amin ni Grace. Parang namulat nalang ako nang punong-puno na ng usok ang paligid. Puro apoy na.  ''Sands, sa tingin ko hindi na dapat pa nandito si Scarlett." Natingin kami kay Dionne na seryosong nakatayo sa harapan namin. "Hindi niya makontrol ang magic niya, dalhin na natin siya sa Magic Paradise."  Tumango si Sandy at nilayo ako sa yakap. Pinatahan ako sa pag iyak. "Scar, may sasabihin kami sayo. May pupuntahan tayo pero ito ang tandaan mo... pupunta tayo sa lugar kung saan talaga tayo... ang mga kagaya natin na kakaiba, dapat nakatira."   Hindi ko siya maintindihan. Tumahan ako sa pag iyak ko at sumunod sakanila nang hilahin nila ako. Nagkaroon ng liwanag bigla sa isang sulok ng parke at hinila nila ako papasok doon pagkatapos nila. Nanigas ako.  ''Welcome to our real home, bespren. Dito sa Magic Paradise.''  Hinarap ni Sandy ang palad niya sa akin. Tapos ay kinumpas iyon sa ere. Nagkaroon ng tubig sa ere at lumutang paikot sakin!  "Magic is for real in this place, I have the gem for water magic while you... I think, you have the gem for fire."  Napanganga ako. Natawa sila sa reaksyon ko saka hinila ako papasok sa isang malaking lugar! Stonegem Academy basa ko sa malalaking letra na mukhang gawa sa gold, naka display ito sa entrance. Pumasok kami at pakiramdam ko nilamig ako sa pagkamangha sa mga nakikita. Kung sasabihin niyo sakin na hindi normal ang lugar na ito, maniniwala ako agad. Obvious na obvious! "Sa mortal na mundo sinusundo ang bawat mararamdamang may kakayahan ng magic, like us! Tapos ay ihahatid sa mga schools na kagaya nito. This is Stonegem Academy, a boarding school for people like us!" Masaya si Sandy habang minumwestra ang kamay sa paligid. Tuloy tuloy lang ang lakad namin at hindi pa rin ako makapagsalita. Yung floor ay kulay makintab na asul na parang may tubig sa ilalim. Maraming kwarto sa paligid, malalaki ang pinto at malawak ang paligid. Ang mga furniture ay magagara at ang mga tao na nakakasalubong namin ay masayang naguusap habang... habang may mga bagay na lumulutang sa paligid nila. At walang nagf-freak out na parang normal ito sa paningin ng bawat isa! "Mauna kana, Dionne, kay sir Cavin. Bibili lang kami saglit ng hotdog sandwich, di ko na kaya ang gutom." Sabi ni Sandy at hinila na ako paliko sa isang corridor. "Sandy, joke ba 'to?" Dahan dahan pa ang tanong ko. Tinanong ko yon kahit na alam ko na mismo ang sagot.  Hindi, Scarlett, hindi! Nakikita mo mismo! Tumawa lang siya at pinaupo ako sa loob ng cafeteria. "Masasanay ka rin! Una palang naghihinala na akong may magic ka rin, at masaya ako na tama ang hinala ko at ikaw pa ang susunduin namin sa mortal world papunta rito!" Pumalakpak ito at nakangiting dumiretso sa counter. Hindi ako gumagalaw sa pagkakaupo ko. Feeling ko bata ako na dinala sa amusement park! Dumaan ang grupo ng mga babae habang ang isa sakanila ay may bitbit na flower pot. Hinipan niya iyon at biglang... kusang... walanf halong joke na tumubo yung sunflower! Sinampal ko ang sarili ko at sinabunutan na rin ang sariling buhok. Okay, panaginip ba to?  Biglang may pumalatak ng daliri sa harapan ko at natatawang kinalabit ako. Nilingon ko ito at seryoso ngunit parang may multo ng ngiti ang mga labi niya. "Are you okay?"  Nakanganga lang ako sakanya. Blue ang buhok ng lalaki. "You look familiar." Tumitig lang ulit ako sakanya dahil hindi ko pa rin alam ang sasabihin. Nag iwas ito ng tingin, umiling at umalis na rin. Hinila ako ni Sandy pagkatapos iabot sakin ang sandwich, marami siyang kwento pero feeling ko hindi niya naagaw ang atensyon ko sa mga nadadaanan namin. Huminto kami sa harap ng malaking pinto. Kakaiba ito at gold ang door handle. -Mr. Cavin Wastridge- -PRINCIPAL'S OFFICE- Ngumiti muna saakin si Sandy saka kumatok ng tatlong beses sa pinto. ''Come in,'' Sabi ng boses lalaki sa loob.   Kung kanina namangha ako sa labas ng office na ito dahil sa mga taglay na kakaiba ng mga estudyante, ngayon sobrang namamangha na talaga ako. Sobrang sobrang sobra! Yung kwarto sobrang laki, may waterfalls sa kaliwang parte at may malawak na halamanan naman sa kanan. "Paanong..."  ''He's a kind of illusion magician.'' bulong ni Sandy ''Goodafternoon, Mr. Cavin. This is Scarlett Astrid Sundust.'' Ngumiti lang ako ng pilit sa lalaking sa tingin ko nasa edad 45 pataas na pagkatapos ako ipakilala ni Dionne.  ''Scarlett Astrid Sundust.'' Mr. Cavin, ngumiti kaagad ito saakin.  ''Good afternoon po.''  ''Isang Sundust?'' Mukha namang naguluhan sila Sandy at Dionne sa patanong na sambit nito sa surname ko. ''Ah, sorry. Wag nyo na intindihin iyong sinabi ko awhile ago. Anyway, welcome, welcome Ms. Scarlett. Welcome dito sa Stonegem Academy. Galing ka daw sa mundo ng mga mortal?'' ''Mundo ng mga mortal? Ano po palang mundo ito?'' nagugulahan na talaga ako. Kung galing ako sa mundo ng mga mortal, nasa mundo na ba ako ng mga engkanto ngayon? Ngumisi si Mr. Cavin at kinuha ang folder sa kaniyang lamesa saka iniabot sakin.  ''This folder holds everything you'll need as a new student here in my academy. These are some guides for every newbie. You see, you have magic in your hands. Siguro ay mahirap pa paniwalaan sa ngayon, pero nandito ka sa mundo kung saan magic really do exists. Nandito ka sa paaralan kung saan aaralin mong maging mahusay sa mahikang meron ka para magamit sa tama."  Nakatulala ako sa mga narinig ko mula sa kanya. Totoo nga, hindi nga panaginip. "Ms. Sandy Hilltur and Mr. Dionne Crawk, please be her guide for the mean time until she become used to magics. Kayo na ang pagkakatiwalaan ko para kay Ms. Sundust."  ''Thank you, Mr. Cavin.'' sabay na sabi nila Dionne at Sandy. Madaldal silang nagkkwento patungkol sa kung ano ano habang nilalakad namin ang daan papunta raw sa dorms. "So ang kwarto mo ay nasa building A! Second floor, girls dormitory, room #9! Tenen!" Masayang sigaw ni Sandy pagkabukas ng pintuan ng isang kwarto, pumasok ako at namangha sa ganda ng kwarto. May sariling kusina, banyo at isang bedroom. Maganda! Di hamak na mas malaki kaysa sa bodega na kwarto ko sa bahay nila tita. "Simula ngayon dito kana uuwi pagkatapos ng mga klase natin, kapag nagutom ka may kitchen dito, pwede tayo mamili ng grocery stocks mamaya for you!" Si Sandy habang binubuksan ang maliit na refrigerator. "Ang cafeteria ay nasa ground floor naman sa building B kung nasaan din ang mga classrooms, doon naman tayo kakain after classes." "Alam ko naguguluhan ka pa. Pero kailangan ka namin dalhin dito. Yung sunog kanina ay galing sayo mismo, it's your magic." Hinawakan ni Dionne ang balikat ko saka tinapik iyon. "Pero hindi mo sinasadya ang nangyari."  Napailing ako. "Kasalanan ko..."  "Hindi. Alam kong sisisihin mo ang sarili mo, pero hindi mo yon sadya." Pag aalo ni Dionne sakin. "Right, Scar! Kaya ka nandito ngayon ay para makontrol na ang magic mo, para wala ng mangyayaring problema ulit, diba?" Nakangiti si Sandy na lumapit. "Smile kana, magiging okay ka rin!"  Hindi ko ginusto pero sisikapin kong hindi na maulit pa ang nangyari. Ngumiti ako at nagpakita ng sigla sakanila. Excited ako sa bagong paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD