Sa office habang nag tatype sa desktop ang sekretaryang si Gerald ay bigla siyang nilapitan ng kanyang boss.Magtatanghalian na noon.
"Gerald let's go for lunch!"Napalingon bigla si Gerald sa sinabi ng kanilang CEO.
"Sir hindi po ba oorder na lang tayo for delivery?"sagot niya.
"Minamadali po natin ang mga projects dahil ngayon na po ang deadline",wika nito.
"Huwag kang mag alala matatapos natin yan hanggang mamaya,sagot ni Giovanni.Come on let's go".
Wala naman magagawa ang sekretarya kundi sumunod na lamang,binaba ang desktop at tumayo.
"Sir may meeting pa po kayo sa ABC channel mga 1pm about sa finalization ng kanilang endorsement",pagpapaalala ng sekretarya.
"Don't worry Gerald I remember that,anang binata.Ang totoo ay gusto lamang makita ni Giovanni si Rosana kung kaya kahit busy sila ay isiningit sa schedule niya ang pagkain nila sa Olivias Best.
Nakita agad ni Giovanni ang pakay na dalaga kausap ang may ari ng resto.Nakita siya ng may ari kaya napalingon si Rosana.Nagkasalubong ang mata ng dalawa,tila huminto ang paligid ng mga oras na iyon.Napakalakas ng pintig ng puso ni Rosana na tila sasabog ito,dinig na dinig niya ang pagtibok nito na tila nasa tabi lang ng tenga niya.Bigla siyang namula dahil dito.Kinawayan siya ni Giovanni na nakangiti.Nagbalik din ng ngiti si Rosana.
"Ehemmmmmm!tikhim ni Gerald,Sir tatayo na lang ba tayo?nangangawit na kasi ako.Lunch po ba ang sadya natin o si Miss Rosana",biro nito sa amo.Tila napahiya si Giovanni sa tinuran nito kung kaya naupo na sila at umorder.
Si Ana ang Nagbigay ng menu sa kanila.Umorder si Giovanni ng paborito niyang ulam ang Kare Kare,ito din ang specialty ng Olivias Best bukod sa kalderetang baka nila.Ang Olivias Best ay mga lutong bahay.Filipino dish ang kanilang mga menu.
"Ngayon ko lang ata napansin na may mga magaganda palang empleyado dito bukod kay Miss Rosana?"tanong ni Gerald kay Giovanni habang nakatingin kay Ana.Noong kumain kasi sila ni Giovanni ay si Alfonso ang nagserve sa kanila kaya ngayon lang niya nakita si Ana.Nangiti lang si Ana sa sinabi ni Gerald.
"Mukhang mapapadalas akong sumama sayo dito Sir kumain ah,wika pa nito.Pwede ka bang makilala Miss?"tanong nito kay Ana.
"Naku Sir working hours po bawal po sa ngayon",sagot nito sa binata.
"Ibig sabihin pwede mamaya kapag hindi na working hours?"biro nito.Ngumiti ang dalaga at tumango.
"Sure Sir why not".
Umorder na nga si Gerald at ibinalik ang menu book.
"Sir feeling ko magkakagirlfriend na ako,mukhang mauunahan ko pa kayo",biro ni Gerald kay Giovanni.Natawa lang si Giovanni sa inasta ng sekretarya.
"Go ahead pagbutihan mo",anya nito.
Nahuling umuwe si Rosana dahil inayos pa nila ni Miss Olivia ang sales ng Olivias Best sa buwan na ito.Matapos ang kanilang ginagawa ay nagpaalam na ito sa kanyang amo.Paglabas ng pinto ay may tumapat sa kanyang isang pulang kotse.Kilala niya ang may ari nito.Nang ibinaba ang salamin ng kotse ng nagmamaneho hindi nga siya nagkamali sa hinala nito.Si Giovanni!
" Hi Rosana",bungad nito.
"Hello Sir" sagot niya.
"Wont you mind ihahatid na kita?"alok ng binata.
"Po?gulat na tanong nito."Naku huwag na Sir maaabala pa kayo",wika nito.
" Don't worry hindi ka abala halika na hop in",wika ni Giovanni.Luminga linga si Rosana sa paligid dahil baka may makakita sa kanya,nakauwe na ang mga empleyado noon kaya wala nang mga tao,mga alas sais na din kasi ng hapon pero maliwanag pa naman.Paglingon niya sa resto ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Miss Olivia,nahiya ang dalaga sa boss niya.Nakangiti ang may ari ng restaurant at sinenyasan siyang sumakay na.Tila naiinip si Giovanni sa tagal ng sagot ni Rosana kung kaya pumayag na ring sumakay ito.
Sa sasakyan ay nagkakahiyaan ang dalawa walang umiimik man lang sa kanila hanggang sa binasag ng binata ang katahimikan.
"Hows work?"tanong niya.
"Okey lang naman Sir",sagot ng dalaga
"Hindi ba sabi ko sayo Giovanni na lang?lalo ngayon at wala naman na tayo sa work".
"Okey lang naman Giovanni", hiyang sagot nito.
"Saan ka nga pala umuuwe?Hatid na kita hanggang sainyo",alok ng binata.
"Naku Sir sa may kanto lang po ako sa may 7 eleven kasi looban po ang sa amin hindi po maipapasok ang sasakyan niyo",sagot ni Rosana.
"Ayan kana naman si Sir, I told you Giovanni nalang."
"Pasensiya kana hindi kasi ako sanay,sa kanto lang ako",ulit nito.
"Its okey sige hanggang sa kanto kita ihahatid".
Hindi alam ni Giovanni kung paano niya hihingin ang number ng cellphone ng dalaga kung kaya nilakasan na lng niya ang loob niya.
""Rosana can I get your phone number?"biglang tanong ng binata. Napalingon ang dalaga sa bilis ng mga pangyayari.Hindi niya malaman kung ibibigay niya ba ito o hindi,baka kasi isipin nito na phone number lang eh ayaw pa ibigay.
"Nagpapatulong kasi si Gerald na mapalapit sa kasamahan mong si Ana,nahulog ata dito ang mokong na iyon.Tutal naman daw magkaibigan tayo baka daw pwedeng tulungan natin siya",alibi ng binata dito.
"Bakit number ko ang kailangan,hindi ba dapat number ni Ana?"Hindi tuloy masagot ni Giovanni ang tanong ng dalaga.Dahil ang totoo ay siya talaga ang may balak kuhanin ang number ni Rosana.
"Ang tanga tanga mo naman Giovanni,bulong nito.Mag aalibi ka nalang hindi mopa ginalingan",isip isip nito. "Kukuhanin ko ang phone number mo para tanungin mo muna si Ana kung papayag siyang ipamigay number niya kay Gerald kung hindi naman atleast makokontak mo ako masasabi mo kung papayag siya o hindi,paliwanag nito.At isa pa para makumusta din kita minsan",dugtong pa nito.Sa wakas nasabi din niya ang tunay na dahilan. Walang nagawa si Rosana kundi ibigay ang phone number niya sa binata,wala namang masama dito dahil magkaibigan na sila.
Nakarating na sila ng 7 eleven at doon ibinaba si Rosana.Pagkababa ng sasakyan ay nagsalita ang binata.
"Hindi mo ba ako aalukin magkape?"wika ng binata.
"Baka madisgrasya kotse mo kapag iniwan mo dito,madami luko loko dito sa lugar namin,sagot ni Rosana.Baka pagbalik mo wala na ang isang gulong mo o kaya side mirror mo",panakot nito.Pero hindi niya natakot si Giovanni,mas iginiit pa nga niyang gustong makarating sa kanila kahit magulo sa lugar nila.Dahil nahihiya naman si Rosana na tanggihan ang binata dahil inihatid siya nito,pinagbigyan niyang makapagkape manlng ito sa kanilang bahay.
Pagpasok pa lamang sa looban ay pinagtitinginan na ang kasama ni Rosana habang naglalakad.May mga tsismosang nagbubulungan at mga batang naglalaro sa daanan.Hindi sanay si Giovanni sa ganoong lugar pero patuloy parin siyang sumunod sa paglalakad kay Rosana.Walang anu ano ay may nadaanan silang kumpol ng nag iinuman,napahinto si Rosana at may kinausap.
"Naku ang itay gabi na andito parin kayo",wika ng dalaga.
"Kakaumpisa pa lamang naman namin anak,nag aya kasi itong si pareng Dodong hindi ko naman matanggihan saka naiinip ako sa bahay anak wala pa din kasi ang ate mo",paliwanag ng matanda.
Napansin ni Mang Lando ang kasama ng anak,isang matangkad na lalaki,gwapo at maputi.Para siyang nakakita ng artista ng mapagmasdan ito.
"Anak sino ba ang gwapong kasama mo, boyfriend mo ba yan"?tanong ng ama.
"Ano ba kayo itay kaibigan ko lamang po si Giovanni",pahayag ng dalaga.Lumapit si Giovanni at nagpakilala kay Mang Lando.
"Giovanni Monte Verde po kaibigan po ako ni Rosana,"pakilala niya sa sarili.
"Siya nga?tanong ng ama ng dalaga,kainam naman at nagkaroon ng poging manliligaw itong anak ko,akala koy magmamatandang dalaga gaya ng lagi niyang sinasabi".
Itay ano ba kayo hindi ko po siya manliligaw!kaibigan ko lamang po",diin ng dalaga.
"Abay saan pa ba hahantong yan kundi sa ligawan lang din,"tudyo ng ama.Nagkatawanan ang barkada ni Mang Lando.
"Pasensiya kana Giovanni sadyang makulit ang itay kapag nakakainom".Tumango ang binata bilang pag intindi dito.
"Mabuti naman at napadalaw ka dito sa amin",tanong ng matanda.
"Hinatid lang po niya ako Itay",sabad ni Rosana.
"Shot muna bago mo padaanin Lando",singit ni Mang Kanor habang nagsasalin ng alak sa may baso.
"Pano ba yan tagay daw muna bago ka makadaan hijo", biro ni Mang Lando sa binata.
"Itay naman pati ba naman sa bisita ko hindi niyo pinatawad?"wika ni Rosana.
"Ayos lang Rosana",ang sabi ni Giovanni.Kinuha ang inabot na baso ni Mang Lando at tinungga.Nagpalakpakan ang mga barkada ng ama ni Rosana.Sa halip na makakarating ng bahay sila Rosana ay inihatid nalang uli ng dalaga ang binatang si Giovanni sa may kanto ng 7 eleven.Hindi na niya ito pinatuloy dahil baka lalo lamang siyang kulitin ng ama nito dahil nakainom na.
"Pasensiya kana Giovanni sa nangyari,makulit talaga si itay kapag nakainom pero mabait naman iyon",paghingi ng pasensiya ng dalaga.
"Ayos lang nakakatuwa nga sila eh",ngiti nito.
"Sa susunod nalang ako dadalaw sainyo", dugtong pa ng binata.
"Ano kamo?gulat ni Rosana. At may balak kapa palang bumalik kahit ganun ang nangyari?hindi ka pa nadala?"gulat nito.
"Oo naman! bakit hindi na ba pwede dumalaw?"wika ng binata.
"Bahala ka kung yan ang gusto mo",sagot ng dalaga.Sumakay na nga sa kotse ang binata at nagpaalam na.
"Ingat ka",bilin ni Rosana.
"I'll txt you", habol ng binata.Iiling iling nalang ang dalaga sa sinabi ni Giovanni.
Katatapos lang maglinis ng katawan si Rosana at nagsusuklay ng buhok nang biglang mag ring ang kanyang cellphone.Tiningnan niya ito at nakita niyang unknown number.Hindi niya ito pinansin,kinancel lamang niya ang tumatawag dahil wala naman siyang alam na tatawag sa kanya.Maya maya pa ay nag text ang unknown number.
"Good evening Rosana,naistorbo ba kita?its me Giovanni,please save my number" basa niya sa text message.
Si Giovanni pala ang may ari ng unknown number,sinaved nga ni Rosana ang number nang binata at nireplayan ito.
"Pasensiya kana Giovanni hindi ko kasi sinasagot mga phonecalls ko kapag hindi ko kilala ang tumatawag",reply ng dalaga.
"Its okey naiintindihan ko,kumusta ba ang itay mo?nakauwi na ba?"
"Naku hayun at tulog na tulog na sa kanyang kwarto".
"Salamat nga pala Giovanni".
"For what?"
"Sa paghatid mo sa akin kanina".
"Wala iyon ikaw pa,sana nga lang nextym patuluyin mona ako diyan sa bahay niyo hehe".
"Naku pasensiya kana hindi na kita pinatuloy kanina kasi nga lasing si itay,kukulitin ka lang kasi niyon.
"Busy kaba this weekend?pwede ba kita ayain for dinner?"text ng binata sa dalaga.
Habang magkatext ay nahiga na si Rosana sa kanilang kama.Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog na pala siya dahil sa pagod kaya hindi na niya nareplayan ang huling text ni Giovanni.
Nagtataka si Giovanni kung bakit hindi na nagreply si Rosana sa huling text nito.Iniisip niya kung nagalit ba ito sa tanong niya kaya hindi siya nag reply.
"Masyado ata ako mabilis mag aya?"kibit balikat ng binata.Pinaring niya ang cellphone ng dalaga ngunit walang sumasagot.Nag text siya uli at humingi ng pasensiya pero wala paring reply ang dalaga.Hanggang makatulog si Giovanni ay walang text message na dumating galing kay Rosana.
Kinabukasan na nabasa ni Rosana ang mga text messages ni Giovanni sa kanya,nagulat ito ng makitang napakadaming messages ng binata.Akala pala nito ay nagalit ang dalaga kaya hindi na siya nagreply.Magrereply sana siya sa binata nang biglang naabutan ng expiration ang kanyang load,hindi tuloy niya nasagot ang text ng binata.
Naabutan uli ni Giovanni si Rosana sa daan habang naglalakad ang dalaga malapit na sa restaurant.Katulad noong una na hindi pa sila magkaibigan binusinahan uli ng binata ang dalaga ngunit hindi na ito malakas kagaya ng dati.Binuksan uli niya ang bintana ng kotse at hinintuan si Rosana.Nag alangan man dahil akala ng binata ay galit sa kanya ang dalaga pero binati parin niya ito.
"Good morning Rosana",lumingon ang dalaga at nginitian si Giovanni.
"Goodmorning Giovanni", bati din nito.
"Hindi ka galit sa akin?"tanong ng binata.
"Bakit naman ako magagalit sayo?"takang tanong ng dalaga.
"Akala ko kasi nagalit ka dahil sa tanong ko saiyo kagabi,hindi kana kasi nagreply".
"Ah iyon ba?Pasensiya kana nakatulugan ko kagabi ang pagtetext,magrereply sana ako kanina kaso sakto namang naubusan ako ng load",sambit nito.Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Giovanni ng marinig ang paliwanag ni Rosana,buong akala niya ay nagalit ito sa kanya.
"Mabuti naman akala ko ay galit ka saakin.Umiling ang dalaga kay Giovanni.
"So paano iyong tanong ko sayo kagabi?are you free this weekend for dinner?Saturday night?"tanong ng binata.Hindi makapagdesisyon si Rosana sa imbita ni Giovanni,parang ang bilis kasi ng pangyayari.Kakakilala pa lang nila pero heto at mukhang nagpapahiwatig na ito sa kanya.Hindi naman niya maiwasan ito dahil magkalapit lang kung saan sila nagtatrabaho,pwede itong mayat maya pumunta sa trabaho nito.Naghihintay ng sagot si Giovanni habang nag iisip si Rosana.Pangako kasi niya sa sarili niya ay hindi siya magboboyfriend,pero sa sitwasyon niya ngayon ay hindi niya alam kung matutupad niya iyon.Sabagay ay magkaibigan lang naman sila ng lalaki,hanggat hindi ito nanliligaw sa kanya ay hindi siya mag aalala sa sitwasyon nila.Ayaw kasi niyang lumalim pa ang ugnayan nilang dalawa.Ienjoy muna nila ang pagiging magkaibigan nila.
"Pwede bang pag isipan ko muna?sagot ng dalaga,I'll text you when I decide.Hindi ko kasi alam kung may gagawin ako ng Saturday?is it OK?"
"Sige just inform me kung nakapagdecide kana,birthday kasi ni Mama sa Saturday gusto niya dinner lang for us,ayaw niya ng maraming bisita kaya I decided to invite you",paliwanag ni Giovanni.
"Ganoon ba?hindi ba nakakahiya kung ako lang makikijoin sa inyo samantalang family gathering pala ang magaganap",nahihiyang wika ng dalaga.
"No bakit ka naman mahihiya?alam na ni Mama na iimbitahin kita,beside siya pa nga ang nagsuggest na invite kita for dinner,kaya sana mapagbigyan mo si Mama?"
"Okey I'll text you na lang Giovanni para sa sagot ko".
"Okey Rosana I'll wait for your decision",nagpaalam na nga si Giovanni para magtuloy sa office.
Hindi naman malaman ni Rosana bakit hindi siya marunong tumanggi sa lahat ng pag aaya sa kanya ni Giovanni.Bagong magkaibigan lamang sila at hindi pa masyadong kilala ang isat isa,siguro paraan narin ni Giovanni na lalo silang magkakilala kung kaya inaaya siya nito.Nagkibit balikat na lamang siya habang palapit sa trabaho niya.
Samantalang papalapit na sa may pintuan ng restaurant si Rosana ay nakita na naman niya ang babae na madalas nakamasid sa resto nila,pero sa pagkakataong iyon ay naghihintay na ang babae at mukhang siya ang hinihintay nito.Pagkalapit ng dalaga ay nagtanggal ng talukbong sa ulo at shades ang naturang babae.Nagulat si Rosana pagkakita ng mukha ng nito.