Mabilis na lumipas ang araw.Dahil sa palagiang ginagabi si Giovanni sa paguwe dahil sa tambak nilang trabaho nagdesisyon siya na kumuha ng sariling condo unit malapit lamang sa opisina para kahit gabihin siya ay hindi niya problema ang paguwe.
Masyado kasing malayo ang bahay nila mula sa opisina kaya nagdesisyon siyang kumuha ng condo.Mga limang kilo metro lang naman ang layo ng condo niya sa opisina kumpara naman sa bahay nila na 20 kilometro ang layo.Noong una ay ayaw siyang payagan nang kanyang ina dahil ngayon palang sila uli nagkakasama sama,ngunit pumayag din ito nang ipinaliwanag niya ang dahilan niya at sinabi naman na every weekends ay sa bahay nila siya uuwe.
Its Sunday morning!,maagang bumangon si Rosana kahit walang pasok upang makapagluto ng almusal.Balak kasi niyang magpunta ng simbahan.Napakadami niyang dapat ipagpasalamat sa Diyos kaya naisipan niyang magsimba.Habang lumalaki kasi sila ng ate Nilda niya ay tinuruan sila ng kanilang itay na magsimba kada linggo.Kailangan daw magpasalamat sa Diyos sa lahat ng nangyayari sa buhay natin masaya man ito o malungkot.Isa din iyon sa pinagpapasalamat niya sa Diyos,ang nagkaroon sila ng mabuting itay kahit na lumaki silang walang inang kasama.Palainum man ito ngunit kailanman ay hindi sila nito pinabayaan.
Lagi ding pinagdarasal ni Rosana ang kanyang ina na kahit iniwan sila nito ay sana nasa maayos siyang kalagayan.
Hindi na nag abala pang gisingin ni Rosana ang kapatid nito upang ayain sa pagsisimba sapagkat hapon ito madalas magsimba kasama ang boyfriend nitong si Jerome.Nagsuot ng simpleng dress si Rosana,pinili niya ang regalo sa kanya ng kanyang ate noong nakaraan niyang birthday.Bulaklakin ito, Kulay puti at above the knee ang haba nito.Tinernuhan niya ito ng kulay beige na flat shoes.Hanggat maari ay ayaw niyang magsuot ng mga highheels dahil lalo siyang tumatangkad.
Pagkatapos maglagay ng polbo at liptint ay nagpaikot ikot sa harap ng salamin ang dalaga.Nilugay lang niya ang mahabang buhok nito at naglagay ng clip.Nang makuntento na siya sa kanyang ayos ay kinuha na niya ang kanyang kulay itim niyang sling bag at nagpaalam na ito sa kanyang ama.
"Tay alis na na po ako",sabay mano kay Mang Lando.
"Mag ingat ka anak,palagi mong tinitingnan ang mga dinadaanan mo madami luko loko sa panahon ngayon",bilin ng ama.
"Bakit ayaw mo pa kasi sumabay sa ate mo mamayang hapon para may kasama ka".
"Si itay talaga hindi na po ako bata,kaya kona po alagaan ang sarili ko.At isa pa,ano iyon gagawin niyo akong chaperon nila ate"?biro nito.
"Ay naku talaga naman ang bata na to,hala sige lumakad kana at tanghali na,inaalala lamang kita anak",wika ng ama.
"Siya lakad na".
At lumakad na nga si Rosana.Biro lang naman niya sa itay niya na ayaw niyang maging chaperon ng magkasintahan,ang totoo kasi nito ay mas gusto niya magsimba sa umaga dahil hindi masyadong marami ang tao sa simbahan.Hindi katulad sa hapon na siksikan.
Wala pang gaanong tao nang makarating si Rosana sa simbahan.Hindi pa nag uumpisa ang misa kung kaya nagdasal muna ito.
Dumating ang pari at mag uumpisa na itong magmisa.Sa kinauupuan ni Rosana ay may bakante pa para sa apat na katao.Narinig niya ang pabulong na wika ng isang babae na naghahanap ng mauupuan.
"Mama,Papa here oh may bakante pa,kuya ikaw na mauna dali at mag uumpisa na," ang utos ng dalagang babae sa kasama niyang lalake.
Hindi man lumingon si Rosana pero kita ng gilid ng mata niya na ang kuya ng babae ang makakatabi niya.Walang anu ano ay tumikhim ang lalake at nagexcuse sa dalaga.Napalingon si Rosana at nagkagulatan sila ng lalake.Si Giovanni pala ito at kasama ang kanyang pamilya.
"Rosana ikaw pala, gulat na sambit ni Giovanni,glad to see you here,"mahinang wika ng binata.
"Ikaw pala Giovanni" sabay ngiti lang dito.
Nahihiya siya dahil magkatabi sila.
"Do you know each other Kuya?"usisa ni Sheena kay Giovanni habang nililingon si Rosana.
"Pssssst"mahinang saway ni Mr Monte Verde ng marinig si Sheena.
"Anak mag uumpisa na huwag kana maingay diyan",utos naman ng kanilang ina.
Nanahimik na nga ang dalaga habang patuloy paring sinusulyapan si Rosana.
Nag umpisa ang misa ngunit tila hindi pumapasok sa utak ni Rosana ang mga sinasabi ng pari.Hindi siya makapagconcentrate dahil katabi niya si Giovanni.Naamoy nito ang pabango ng binata,para tuloy gusto niya itong yakapin sa sobrang bango.Sinaway niya ang sarili sapagkat kung anu ano ang pumapasok sa isip nito samantalang nasa loob siya ng simbahan.
Napapikit na lamang siya."Forgive me Lord",usal nito.
Nag aalala si Rosana na baka amoy pawis na siya dahil kanina pa feeling niya nanlalagkit siya dahil sa kaba.Kung pwede nga lang umalis na sa upuan niya kaso mag uumpisa pa lamang ang misa.
Tahimik lang si Giovanni at hindi nagsasalita,tuwing napapalingon siya sa dalaga ay nginingitian niya ito.Para siyang sira dahil kinakabahan siya nang magkadikit ang mga braso at hita nila sa pagkakaupo.Naninibago siya sa ganoong pakiramdam dahil para siyang highschool kung umasta.Tila ba hindi siya makahinga habang katabi si Rosana.
"Mas lalo siyang maganda ngayon",ani Giovanni.
Ilang araw din kasi silang hindi nagkita buhat nang magkaayos sila.Sobrang busy nila sa trabaho kung kaya nagpapaorder na lamang si Giovanni ng lunch nila,hindi na kasi nila magawang lumabas pa para kumain dahil madami silang kailangang tapusing trabaho.
Malapit nang matapos ang misa at pinatayo sila ng pari para sa pag awit ng Ama namin.Nahihiya man ang dalawa pero naghawak kamay sila bilang paggalang sa Ama namin.Muntik nang mabitawan ni Rosana ang kamay ni Giovanni dahil parang tila nakuryente siya pagkakuha ng binata sa kamay niya.Pinagpapawisan ang mga kamay ng dalaga dahil sa tension.
Bumulong sa kanya si Giovanni na nagpabalikwas sa kanya.Ang bango ng hininga nito at tumagos ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga.
"Nanlalamig ang mga kamay mo,bulong ni Giovanni.Just relax okey!"
Umawit sila ng Ama namin pagkatapos ay nakipagkamay si Giovanni sa kanya at nag peace be with you.Nagtama ang kanilang mga mata na tila sila lang ang tao sa loob ng simbahan.
"Eherrmmmm,peace be with you"tila nagulantang si Rosana dahil sa pagbati sa kanya ni Sheena.Namula tuloy siya dahil sa pangyayari.
Bago maghiwahiwalay sa simbahan ay nakipagkilala muna si Sheena kay Rosana."Kuya pakilala naman sa magandang katabi mo",wika ng kapatid.
Ipinakilala nga ni Giovanni si Rosana sa kanyang pamilya.Nahihiya man si Rosana ay nakipagkilala siya sa mga ito.
"Secretary siya ni Tita Olive Mama", ani Giovanni.
"Siya nga?tila gulat na sambit ng ina ng binata.Bakit mukhang hindi ata kita nakikita sa resto hija?"
"Madalas po kasi ako sa office ni Miss Olivia Maam kaya hindi niyo po siguro ako nakikita."
"Napakapormal mo naman hija,just call me Tita Esther"
"Naku nakakahiya naman po ata Maam",sambit ni Rosana
"Huwag kang mahiya hija kaibigan ko si Olive kaya okey lang tawagin mo akong Tita,tutal naman magkaibigan kayo ng anak ko,ang pormal naman kung lagi mo akong tatawaging Maam kada magkikita tayo diba?"paliwanag ng matanda.
Tila nawala ang hiya ni Rosana dahil mabait ang pamilya ni Giovanni.Hindi pala lahat ng mayayaman ay matapobre,meron din pa lang mababait na kagaya ng pamilya ng binata.Hindi katulad ng kanyang Lola na Mama ng kanyang inay, ni minsan ay hindi pa niya ito nakilala mabuti pa nga ang ate Nilda niya kahit papaano ay nakasama niya ito nang kahit sa maikling panahon.
Nagkahiwahiwalay sila sa simbahan matapos magkakilanlan.Natutuwa si Giovanni dahil magaan ang loob ng pamilya niya sa dalaga.Wala pa man sa isip niya na ligawan ang dalaga dahil masyado pang maaga para rito pero mukhang mapapaaga ang plano niyang manligaw.Paniguradong aasarin siya ng kanyang sekreatarya once na malaman ang binabalak nito.Sa ngayon ay tatapusin muna niya ang kanilang ginagawang proyekto upang hindi ito maging sagabal sa gagawin niyang mga plano.
Habang nasa sasakyan ang mag anak pauwe ay hindi maiwasan ni Sheena mag usisa sa kanyang kapatid habang itoy nagmamaneho."
Kuya ang ganda niya no?"sambit sa kapatid.Hindi alam ni Giovanni kung ano ang tinutukoy nito.
"Si Rosana ang ganda niya no?hindi ba Ma?"baling sa ina.Tumango lang ang matanda.
"Mukha pang mabait",wika naman ng kanilang ama.Nangiti lang ang binata sa kanilang usapan.
"Balak mo ba siyang ligawan Kuya?"kulit ng kapatid.
Natawa na lamang ang binata sa tanong ng dalaga.
"Naku kapag naunahan ka ng iba magsisisi kapa."
Parang kinabahan ang binata sa tinuran ng kapatid.
"Type mo siya kuya?hindi ba hindi ka kamo attracted sa mga dalagang Filipina?mas gusto mo iyong mga makabagong dalaga iyong mapuputi at palaging labas ang kaluluwa kung manamit",tuya niya sa kapatid.
"Hindi ba nagbabago ang taste ng tao sister?im matured enough para malaman ko ang mga gusto ko".
"Siguro nga nagbago ang taste ko sa babae o baka nakita ko lang talaga sa kanya ang katangiang talagang hinahanap ko sa isang babae",paliwanag ni Giovanni.
"Naks naman talaga ang kuya ko matured na nga"
"Huwag kang mag alala kuya tutulungan kita",pagmamayabang ni Sheena.
"Atupagin mo muna ang pag aaral mo hija bago ang mga ganyang baga",sabad ng kanilang ama.
"Hayaan mo na ang kuya mo ang dumiskarte sa mga ganyang bagay",dugtong pa nito.
Nakahiga na nang kama si Giovanni ay hindi parin niya makalimutan si Rosana.Mas lalo siyang gumanda kanina dahil sa simpleng ayos niya.Tama nga si Sheena mukhang nagbago ang gusto niya ngayon sa isang babae.Isang simpleng Filipina ang katangiang nakikita niya kay Rosana.Nabuo ang isang desisyon bago ito matulog,at si Gerald ang nakikita niyang paraan para magawa niya ito.