Chapter Six

4170 Words
Kilala niya ang babae na nasa harapan niya ngayon, hindi siya maaaring magkamali. Siya ang babaeng madalas magbigay sa kanya ng baon noong elementary pa lamang siya. Noong una ay ayaw niyang tanggapin ang mga binibigay nito dahil hindi naman niya ito kilala, dahil sabi nga ng mga matatanda don't talk to strangers. Pero katagalan ay kinukuha na din niya ito dahil naging magkaibigan sila bukod pa na masasarap ang mga binibigay nito. Nakwento niya minsan ito sa ate niya dahil nahuli siya nito na may masarap na kinakaing inuwe sa bahay. Pinagalitan siya nito kung kaya inilihim na lamang niya ang pakikipagkaibigan sa babae. Ang nasabing babae ay si Miss Claire, naging magkaibigan sila ni Miss Claire at itinuring niyang ina. Ngunit hindi nagtagal ay bigla na lamang nawala ito noong siya’y gagraduate na ng grade six. Pangako ni Miss Claire sa kanya noon na papanoorin siya sa kanyang pagmamartsa ngunit walang dumating na Miss Claire. Nagkaroon siya ng hinanakit dito sa hindi man lang niya pagpapaalam. Katulad din ito ng kanyang ina na bigla nalang umalis at hindi na nagpakita pa. Napayakap si Rosana sa babae habang nangingilid ang mga luha. “Do you still remember me Rosana hija?” tanong ng Babae. “Miss Claire!” yakap parin ng dalaga dito. Ngumiti ang babae at sinuklian din ng yakap ang dalaga. “Akala ko hindi mona ako kilala” wika ng babae. Kumalas sa pagkakayakap si Rosana at napangiti, “Kayo pa hindi ko makikilala samantalang hindi naman nagbago ang itsura niyo. Your still the same!” paliwanag nito. Tumawa lang si Miss Claire sa sinabi ng dalaga. Ang daming gustong itanong ni Rosana dito pero nagpigil muna siya, may panahon para dito sa ngayon kukumustahin muna niya ito. “Buti po at nahanap niyo ako? tanong ng dalaga. “Madaming paraan hija para mahanap kita, mamaya susunduin kita para makapag usap tayo, marami akong dapat sabihin sayo” wika ni Miss Claire. “Sa ngayon just go to your work hintayin mo ako dadaanan kita mamaya pagkatapos mong magtrabaho.” Natuwa si Rosana sa muling pagkikita nila ni Miss Claire. “Hihintayin kopo kayo Miss Claire,”at umalis na nga si Miss Claire sakay ang nakaabang na puting fortuner. Gusto nang hilahin ni Rosana ang oras para magkita na uli sila ni Miss Claire, parang nasabik siya sa isang ina. Maya maya ay nag text sa kanya si Giovanni. ‘Can I pick you up after your work? I'll drop you to your house’ ‘Pasensiya kana muna Giovanni may lakad kasi ako mamaya pagkatapos ng work’ reply ng dalaga. ‘Ihahatid kita sa pupuntahan mo’ ‘Nevermind may susundo kasi sa akin’ Nangunot ang noo ni Giovanni sa reply na iyon ni Rosana, hindi niya mawari kung bakit tila nagagalit siya dahil nalaman niyang may susundo sa dalaga. Hindi niya nireply si Rosana. Muling nagtext si Rosana ‘Susunduin kasi ako ni Miss Claire, my old friend mag uusap lamang kami.’ Pagkabasa sa text ni Rosana ay nagbalik ang mood ni Giovanni at mas lalo pang lumuwang ang pagkakangiti ng binata sa sumunod na text ni Rosana. ‘About nga pala sa invitation mo, yes I'm coming tell your mom.’ Muling nag reply ang binata. ‘Okay I'll pick u at your place Saturday 6pm sharp!’ At ibinaba ni Giovanni sa table ang kanyang cellphone pagkatapos ireply si Rosana, at nagpatuloy sa ginagawang trabaho. Hindi pa nagsasarado ang restaurant ay naghihintay na si Miss Claire kay Rosana sa labas. Ayaw niyang maghintay ang dalaga kaya inagahan niya. Gusto niyang bumawi sa dalaga bukod sa gusto niyang ipagtapat ang lahat. Hindi niya alam kung sa pagkakataong ito ay masasabi niya sa dalaga ang lahat lahat. Matagal na panahon din siyang nanahimik at hindi nagsalita tungkol sa ipagtatapat niya, sanay magkaroon siya ng lakas ng loob para gawin ito. Dinala ni Miss Claire si Rosana sa isang class na restaurant kumain muna sila ng hapunan bago niya ayain ito sa isang tahimik na lugar. Nagtungo sila sa may park at naglakad lakad, binasag ni Miss Claire ang katahimikan. “Kumusta ka na ba hija? Matagal na panahon din simula noong huli tayong magkita. Tingnan mo ngayon dalagang dalaga kana muntik na kitang hindi nakilala, mas lalo kang gumanda” sambit ng Babae. “Ilang taon narin po iyon, grade six pa po ako noon nang hindi kayo tumupad sa pangako niyo” balik tanaw ni Rosana na may pagdaramdam. “Patawarin mo ako Rosana dahil hindi ako nakasipot ng mga panahong iyon, nagkaroon kasi ng emergency at bigla akong napalipad patungong Amerika. Mahabang kwento” paliwanag nito. “Huwag na po natin ungkatin ang nakaraan tapos na po iyon ang mahalaga po nagkita uli tayo. Nagpapasalamat po ako dahil kayo ang nagsilbing inspirasyon ko noong nag aaral ako, napakadami niyo pong naitulong sa akin na hindi ko naman po alam na sa dinami daming estudyante ay ako pa ang naisipan niyong tulungan.” Hindi alam ni Miss Claire kung ipagtatapat na ba niya ang dahilan kung bakit ginagawa niya ito noon. Siguro hindi pa ito ang tamang pagkakataon dahil ngayon pa lamang sila muling nagkakapalagayan ng loob. May panahon para dito at sana pagdating ng araw na iyon ay hindi mamumuhi sa kanya ang dalaga. Nagpasya si Miss Claire na huwag muna ipagtapat ang lahat. Inihatid ni Miss Claire si Rosana sa may kanto ng 7 eleven. Masayang masaya ang dalawa sa muli nilang pagkikita hindi mapatid patid ang kanilang kwentuhan kaya ginabi sila. Sa pakiwari ni Rosana ay nagbalik ang kanyang ina kaya ang gaan gaan ng pakiramdam niya. Namiss niya talaga si Miss Claire. “Susunduin uli kita sa mga susunod na araw,” bilin ng babae. “Anytime po Miss Claire, basta huwag lang po sa Saturday may lakad ako,” bilin ng dalaga. “Mag ingat po kayo sa paguwi.” “Salamat Rosana, ikaw din magingat lagi.” Friday ng hapon ay nag usap si Gerald at Ana na gumimik, inaya nila ang dalawang si Giovanni at Rosana para lalong magkakilala. Noong unay ayaw pumayag ni Rosana dahil alam niyang mag iinuman lang sila, hindi kasi siya umiinom. Pinilit siya ni Ana kaya napapayag na din ito tutal wala naman pasok kinabukasan. Inaya na din nila sila Leslie, Gabby at Alfonso. Masayang nagkakantahan si Leslie at Ana. Habang nanonood lang ang iba kasama na si Rosana. Inalok ng beer ni Gerald si Rosana, “Miss Rosana heto uminom kayo,”alok nito. “Naku hindi umiinom yan,”banggit ni Gabby. “Kj yan si Rosana,”biro nito. “Hindi naman sa ganoon ayoko lang uminom dahil baka hindi ako makauwi,”biro nito. “Ano ginagawa ni Sir Giovanni?” biro ng sekretarya nito. Binalingan ni Giovanni si Rosana at tinanguan. “Dont worry ihahatid naman kita,” sambit ng binata. Noong una ay ayaw niya tanggapin ang beer pero kinuha narin niya ito kakapilit ng mga kasama niya. “Hinay hinay ka lang ha? baka hindi mo kaya,”pag aalala ni Giovanni. “Kapag feeling mo hindi mo kaya tigilan mo nalang,” dugtong pa nito. Tumango ang dalaga at ngumiti, “Salamat sa concern.” Hindi pa nangangalahati ng iniinom si Rosana ay tila umiikot na ang paningin niya. Hindi siya nagpahalata para hindi naman nila masabi na kahina hina niya uminom. Makatapos kumanta ng dalawang babae ay ibinigay nila ang mic kay Rosana, alam kasi nilang maganda ang boses nito. “Naku ayokong kumanta eh,”tanggi nito. “Baka mapauwi ko kayong lahat kapag narinig niyo boses ko,”biro nito. Kakapilit ay napakanta na din ito kahit nahihilo siya. Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob para kumanta, dahil siguro sa ininom na alak. Pinili niya ang kantang Bakit ngayon ka lang ni Ogie Alcasid. Habang kumakanta ay natahimik ang lahat, pinapakinggan nilang mabuti ang magandang boses ni Rosana. Lalo namang napahanga si Giovanni dito. Nagkasalubong ang mga mata ni Giovanni at Rosana, naunang nagbawi ng tingin ang dalaga dahil sa hiya.Pagkatapos kumanta ay nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat. More ika ng iba ngunit tumanggi si Rosana dahil nararamdaman na niya na hindi na niya kaya pa ang hilo. Pagkaupo ay muntik nang matumba ang dalaga, mabuti na lang at agad siyang naalalayan ni Giovanni. “Are you okay?” pag aalala ni Giovanni. “I'm fine don't worry,” sagot nito. Pinaupo siya ng binata sa tabi nito. Inubos ni Rosana ang natitirang beer sa bote niya, maya maya pa ay namumungay na ang mga mata nito. “Tara uwi na tayo Giovanni,” aya nito na medyo lasing na. “Ayaw mo pa ba? Sige maiwan ka nalang dito,”kulit nito. Nahalata ni Leslie at Ana na may tama na nga si Rosana kung kaya pinauna na nilang pauwiin si Rosana. “Sir Giovanni pasensiya kana pakihatid na lamang si Rosana,” paumanhin ni Ana. “Its okay, uuwi na din naman na ako at hinihintay ako kila Mama. Sa kanila kasi ako uuwi ngayon,” paliwanag nito. Nagpaalam na si Rosana at Giovanni sa iba at nauna nang umalis. “Sir ingatan niyo si Miss Rosana,” bilin ni Gerald. Inalalayan ni Giovanni si Rosana papunta sa kanyang kotse, medyo mabigat na ang pakiramdam ng dalaga kaya pumayag na siyang paalalay dito. Kahit nakainom ay Amoy parin ng binata ang mabangong hininga ng dalaga, hindi niya maiwasang tumingin sa mga mapupulang labi nito habang nakaalalay siya dito. Muntik nang magdikit ang mga mukha nila dahil sa pagkakatalisod ng dalaga, napalunok na lamang siya sa nangyari. Pinaupo ni Giovanni ang dalaga sa upuan ng kotse, hindi niya namalayan na nakapikit na pala ang dalaga. Nangiti siya sa itsura ng dalaga, para siyang batang natutulog. Inilagay ni Giovanni ang seatbelt ng dalaga saka pinaandar ang kotse. Tulog na tulog si Rosana sa kotse habang pinagmamasdan siya ni Giovanni. Ilang oras din silang nasa ganoong sitwasyon, ayaw kasing gisingin ni Giovanni si Rosana sa pagtulog kahit kanina pa sila nakarating sa kanto ng 7eleven. Natutuwa si Giovanni na pagmasdan ang dalaga, hindi siya nagsasawang pagmasdan ito. Tila natuksong lapitan ni Giovanni ang mukha ng dalaga dahil sa tila nag aanyayang mga labi nito. Tila Kay sarap itong halikan dahil sa napakaliit nitong labi na pulang pula. Habang papalapit ang mukha ng binata kay Rosana ay biglang tumunog ang cellphone ng binata. Nagtetext na pala ang kanyang ina. Sakto namang nagising si Rosana sa tunog ng cellphone. “Narito na ba tayo?” mulat ng dalaga. Medyo nawala na din ang pagkahilo nito. “Oo kadarating lang natin,” kaila ng binata. “Naku pasensiya kana Giovanni at naabala kita alam ko didiretso kapa sa bahay ninyo,” paumanhin nito. “Wala iyon, anytime basta ikaw,” wika nito. “Sige na gabi na baka hinihintay kana ng itay mo” “Oo nga tiyak nga iyon” “Salamat uli sa paghatid Giovanni” “Your welcome. Bukas susunduin kita before dinner okay?” Nagthumbs up si Rosana bilang pagsagot dito. “Maraming salamat uli,” ang wika ni Rosana bago bumaba ng kotse. Hinintay munang makaalis ang sasakyan ni Giovanni bago pumasok sa looban si Rosana. Every weekend ay Sarado ang resto sapagkat wala ding mga costumer pag weekend, mga opisina kasi ang mga nakapalibot sa lugar nila kaya kapag walang office wala ding costumer. Eto na din ang pinaka day off nila. Sabado ng umaga hindi alam ni Rosana kung ano ang isusuot niya sa dinner nila ni Giovanni. Nahihiya naman siyang magpunta sa bahay ng mga Monte Verde na hindi nag aayos kung kaya nagpasya siyang magpunta saglit sa kalapit na mall para bumili ng isusuot. Didiretso na din siya sa parlor para magpaayos ng buhok. Family dinner lang ang pupuntahan niya pero feeling niya sa isang malaking party siya pupunta kung kaya naghahanda siya. Nakapamili siya ng isang magkahalong pink and white dress, off shoulder ang yari nito. Sinukat niya ito at bagay na bagay sa kanya, lalong napansin dito ang balingkinitan niyang katawan. Pinili din niya ang isang white shoes na may kunting taas na one inch, ayaw man niyang magmataas na sapatos pero mas pinili niya itong bilhin sapagkat mas bagay dito ang binili niyang dress. Hindi naman ito kataasan kaya ayos lang. Matapos mamili ay dumaan siya sa isang parlor na nasa loob ng mall. “Anong gupit po ba madam ang nais niyo?” tanong ng baklang nag assist sa kanya habang siya’y pinapaupo. “Papabawasan ko lang sana ang buhok ko, trim lang ba,” sagot ng dalaga. “Madam masyado pong boring ang buhok niyo kapag trim lang, gusto niyo po ba ako na bahala kung ano ang bagay sainyo?” suhestiyon ng bakla. “Pagagandahin ko kayo pramis!” “Talaga ba? eh di sige bahala kana pero huwag lang maiksi hano? hindi kasi ako sanay magmaiksing buhok.” wika ng dalaga. “ Sureness ako na ang bahala madam!” Halos hindi makapaniwala si Rosana sa naging resulta ng gupit niya. Mahaba parin naman ang buhok niya pero nagkaroon lamang ito ng korte, nilagyan din siya ng bakla ng bangs na lalong nagpalitaw sa maganda niyang mukha. “Ayan madam, perfect! see the result,” pagmamalaki ng bakla. “Nagustuhan niyo po ba?” Nagustuhan ng dalaga ang resulta dahil umaliwalas ang mukha niya at nagkaroon siya ng bagong imahe sa salamin. Hindi katulad dati na panay gaoon na lamang ang gupit niya, clip lang ang nagpapabago sa dati niyang istilo. Ngayon lang kasi siya nagpabangs kaya nanibago siya, pero nagustuhan niya ito. Tumango ang dalaga at nagpasalamat sa bakla. Mag twelve pm na nang makarating si Rosana sa kanila, naabutan niyang nagluluto ng tanghalian ang kanyang itay. “Ako na po diyan itay,” agaw ni Rosana sa ama. Napalingon si Mang Lando sa anak at natulala. “Ikaw nga ba yan anak?” tanong nito. “Hindi ata kita nakilala. Lalo kang gumanda at bumata. Para kang teenager” biro ng ama. “Naku ang itay, ano ba nagbago sa itsura ko eh nagpagupit lamang ako?” balik nito. “Bagay kasi sayo anak lalo kang gumanda,” pagmamalaki ng ama. “Naalala ko tuloy sayo ang iyong Inay.” “Hayan na naman po tayo itay. Sige na ako na mahluluto diyan” “Huwag na anak hala magbihis kana doon at kakain na tayo, maluluto na din naman na ito. Tawagin mo na din ang ate mo at makakain na,” utos ng ama. “Wow! ano nakain mo sisteret?” bungad sakanya ni Nilda pagpasok pa lamang ng kwarto. “Dati kopa sinasabi saiyo na baguhin mo istilo mo sa buhok para maiba naman, buti naisipan mo?” ani Nilda. “May lakad kasi ako ate,” hiyang wika nito. “Hmmm may date ka?” tuya ng ate “Hindi ah mag didinner lang no!” “Kanino? sa poging kinukwento ng itay?” tanong ni Nilda. Tumango lang ito Saka nagpalit ng pambahay. “Halika na kain na daw sabi ng Itay,” aya nito kay Nilda. “Ako mag aayos sayo mamaya ha? alok ni Nilda sa kapatid. “Anong mag aayos?” baling nito. “ I will transform you into a princess,” biro ng ate. Natawa naman si Rosana sa inasta ng kapatid. “Mas excited Kapa ata saakin eh. Hala sige mamaya papaayos ako sayo” at sumabay na nga silang lumabas ng kwarto para magtanghalian. Five thirty na pero hindi pa siya tapos make up-an ng ate niya. Six ay susundo na si Giovanni sa may labasan hindi pwedeng malate siya kahit isang segundo dahil nakakahiya. “Ayan tapos na” wika ni Nilda sa kapatid. Light make up lang ang ginawa ni Nilda dahil kabilin bilinan sakanya ng kapatid na huwag makapal dahil hindi siya sanay. Bagay na bagay kay Rosana ang ginawang make over sakanya ng kapatid. Manipis na makeup lang na nagpaglow sa mukha niya na ibinagay sa dress niyang suot. Masaya siya sa kinalabasan ng itsura niya. Nagpaalam na ito sa kanyang ate at itay. Nagmano muna ito bago umalis ng bahay. “Huwag kang papagabi anak,” bilin ng ama. “Opo itay.” Nagtext na si Giovanni at nandoon na daw siya naghihintay sa labasan. Nakasandal sa kotse si Giovanni habang naghihintay sa dalaga. Maya maya pa ay nakita niyang palabas si Rosana. “Perfect!” bulong nito sa sarili. Para siyang isang model ng commercial sa telebisyon, tila nag slowmo ang lahat habang tinititigan ang dalaga. Pakiwari nang binata ay nahulog siya sa taglay na ganda ng dilag. Nanibago siya dito dahil nagpagupit ito at binagayan pa ng light na make up nito. Tila gustong yakapin ni Giovanni ang dalaga pagkakita nito sa kanya, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Sinalubong niya ito at inalalayan. Nakatalikod na nakasandal sa kanyang kotse si Giovanni habang papalapit si Rosana. Lumingon ang lalaki at tila natulala ito. Namula ang pisngi ng dalaga dahil sa pagkakatitig sa kanya ng binata. Gwapong gwapo ang binata sa suot nito. Navy blue na long sleeve at black necktie. Napahanga ang dalaga dahil kahit simple ang suot nito ay mukha parin siyang elegante. “Iba talaga kapag anak mayaman,” bulong niya. Inalalayan ni Giovanni ang dalaga sa pagsakay sa kotse. Habang nagmamaneho ay nagpasalamat si Giovanni sa dalaga. “Thanks for accepting our invitation,”sambit ng binata. “Walang anuman, thanks for inviting me as well,” balik nito. Ang laki ng gate na pinasukan ng kotse ni Giovanni, itinabi ng binata ang kotse kasama ng mga ibang nakapark na sasakyan. Nagtaka si Rosana dahil mukhang maingay sa loob, tila may nagkakasiyahan banda sa may garden ng pamilya ni Giovanni. Napatingin siya kay Giovanni na nagtatanong ang mga mata. Nabasa ng binata ang ibig ipahiwatig ng dalaga. “Rosana pasensiya kana at hindi kona na inform sayo, nagbago ang setting ng birthday ni Mama, pakana kasi lahat ito ng Papa. Ang buong akala namin ay dinner for family lang dahil iyon ang gusto ni Mama, hindi namin akalain na nagprepare si Papa para dito to surprise our mother. Gusto niya na maging masaya ang araw ng Mama kaya nag invite siya ng mga friends, sorry for not letting you know earlier,” paliwanag ng binata. “Its okay naiintindihan ko,” wika ng dalaga. “Ang iniisip ko lang parang hindi akma ang suot ko for this occasion,” nag aalalang sambit ng dalaga. Hinawakan ni Giovanni ang mga kamay ni Rosana to comfort her at inilagay ito sa siko niya. “Maganda ka kahit ano Pa ang suot mo okay? Just remember kasama mo ako kaya huwag kang mag aalala,” pagpapaluwag sa loob nito. “Let's go?” aya nito sa dalaga, at tumango lamang si Rosana bilang pagpayag. Pumasok ang dalawa kung nasaan ang party. Nalula si Rosana sa mga taong nakikita niya, halos lahat ng bisita ay mga sosyal, mga nkasuot ng pormal at masayang nakahawak ng baso ng wine. Tila nahiya si Rosana sa suot niya habang sila’y naglalakad patungo sa may kaarawan. Nagmukha tuloy siyang katawa tawa dahil para siyang magsisimba lamang. Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa kanya ang mga bisita, ang ilan ay nagbubulungan at tila nagtatawanan dahil sa suot niya. Kung bakit ba naman hindi man lamang ipinaalam agad ni Giovanni na party ang magaganap. Nagkaroon tuloy siya ng pagdaramdam sa binata kahit pa sinabi niyang okay lang siya. Nakita sila ni Misis Monte Verde at sinalubong. “Thank you for coming hija, masaya ako at pinaunlakan mo ang invitation ko,” wika ng ginang. “Happy birthday po Mrs. Monte Verde,” bati ni Rosana. “Tita! I told you to call me Tita okay?” “Opo Tita” nahihiyang turan ng dalaga. Inabot ni Rosana ang munting regalo niya sa ginang. “Nag abala ka pa hija, maraming salamat.” “Giovanni hijo samahan mona si Rosana to have dinner pupuntahan ko lang iba kong bisita,” utos ng ginang sa anak. “Yes Mama.” “Maiwan na muna kita hija enjoy the night,” ngiting wika ng ginang. Ngumiti at tumango ang dalaga dito. Habang ginigiya ni Giovanni si Rosana patungo sa lamesa may nakasalubong silang isang magandang babae. Matangkad, maputi at sexy ito, para siyang artista. “Giovanni darling!” Bati nito sa binata habang hinalikan si Giovanni sa pisngi malapit na sa labi nito. “Long time no see honey,” sambit pa nito. Nagulat ang binata sa bilis ng pangyayari dahil sa ginawa ng babae. “Trixie! kailan kapa dumating?” tanong nito sa babae. Si Trixie ay kababata ni Giovanni, magkapitbahay lamang ang mga ito. Matagal nang may gusto si Trixie Kay Giovanni mga bata lamang sila, ngunit walang interes sa kanya ang binata dahil kapatid lamang ang turing niya dito. Nailang si Rosana sa tagpong nakita niya kaya nagpatiuna na lamang siya para kumuha ng pagkain. Hinabol ni Giovanni ang dalaga ngunit pinigilan siya ni Trixie. “Giovanni ganyan kaba sumalubong sa bagong dating?” kunway tampo ng dalaga. “Is she your girlfriend?” tanong nito. “No. Not yet.” wika nito. “So may balak ka? hanggang ngayon ba hindi mo pa din ako natututunang mahalin? after all these years?” tampo nito. “Trixie?” saway sa dalaga. “Okay fine what ever!” ika ng dalaga. Kadarating lang ni Trixie galing Japan for vacation, nalaman niyang nakauwi na si Giovanni galing US kaya nagmamadali siyang umuwi after ng vacation niya. Buong akala niya ay mamimiss siya ng kababata niya pero hindi pala, hindi parin ito nagbago sa pakikitungo sa kanya. Ipinangako ni Trixie sa sarili na kahit anong mangyari ay paiibigin niya ang kababata by hook or by crook. Iniwan ni Giovanni si Trixie at pinuntahan si Rosana. Habang nasa table nilapitan ni Sheena si Rosana. “Hi ate Rosana,” bati nito. “Hello Sheena nice to see you again,” baling nito. Buti na lamang at nilapitan siya ni Sheena dahil mukha naman siyang ewan na walang kausap hindi na kasi siya binalikan ni Giovanni dahil magkausap parin sila ng babae. “Nasaan ba ang kuya at mag isa ka dito? tanong ng dalaga. Itinuro ni Rosana kung nasaan ang binata. “At dumating na pala ang dikya!” wika ni Sheena na ang tinuyukoy ay si Trixie. Natawa si Rosana sa tinuran ng dalaga. “Bakit mo naman nasabing dikya?” tanong nito kay Sheena. “Naku eh wala nang ginawa yan si ate Trixie kundi dumikit ng dumikit kay kuya, samantalang sinabihan na siya na kapatid lang turing ni Kuya sa kanya.” Parang gumaan ang dibdib ni Rosana pagkarinig sa tinuran ni Sheena. “Ewan koba ang kulit ng babae na yan, samantalang kaganda ganda naman, madaming nanliligaw kung bakit kay kuya siya nahumaling,” paliwanag ni Sheena. Habang nagsasalita pa si Sheena ay dumating na sa kinaroroonan nila si Giovanni, “Are you enjoying the night?” tanong nito kay Rosana. “Enjoying?” sabad ni Sheena. “Sino ang mag eenjoy kapag nag iisa kuya?” sita sa kapatid. “Pasensiya kana Rosana makulit lang talaga si Trixie.” paliwanag nito. Hindi nagtagal ay nag aya ng umuwi si Rosana ayaw din niya kasing magpagabi dahil mag aalala ang kanyng Itay, nagpaalam si Rosana sa mag asawang Monte Verde at kay Sheena saka siya hinatid pauwi ni Giovanni. Walang imikan ang dalawa habang nasa sasakyan, wala din naman kasing sasabihin si Rosana samantalang si Giovanni ay hindi malaman ang sasabihin. Nakarating sila sa kanto ng 7eleven na walang salitang lumabas sa kanilang mga bibig. Habang pababa si Rosana sa kotse ay pinigilan ni Giovanni ang mga kamay ng dalaga. Tila may umakyat na kuryente sa mga kamay ni Rosana pagkahawak sa kanya ng binata kaya napabitiw siya dito. “Salamat sa paghatid Giovanni,” wika nito sabay baba at walang lingon likod na naglakad papasok sa kanilang looban. Hindi makatulog si Rosana, napakadaming naganap sa buong gabi, hindi pa niya halos kilala si Giovanni pero tinanggap niya agad ang imbitasyon nito. Ayaw niyang matulad sa kanyang itay na sa bandang huli ay nasaktan kung kaya umiwas siya sa mga lalaki noon pa at nangako sa sarili na hindi kailanman magmamahal. Pero asan na ang pangako niyang iyon? tila masisira ito ng dahil kay Giovanni. Napag isip isip ni Rosana na iwasan na si Giovanni habang hindi pa huli ang lahat, baka humantong pa kasi na siyay mapaibig dito at baka bandang huli ay iiyak lamang siya. Sa hitsura ng binata ay hindi malabong mangyari iyon, may itsura ito at madami ang nagkakagusto at isa na ang babae kaninang nagngangalang Trixie. Isa pa hindi sila bagay dahil magkaiba sila ng mundong ginagalawan. Nakatulog si Rosana na buo na ang kanyang desisyon. Iiwasan na niya si Giovanni habang hindi pa huli ang lahat, at habang wala pang aminang nagaganap. Magfo-focus muna siya sa kanyang trabaho at balak niyang mag leave of absence para iwasan ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD