Chapter 2:
“Naku itay hala tama na ‘yan itulog niyo nalang yan at bukas ipagluluto ko kayo ng masarap na almusal, gabi na masyado halika na matulog na tayo”, aya ni Rosana sa ama upang hindi na ito magdrama pa. Sumunod narin si Mang Lando dahil hindi din naman niya kaya ang bunso niya pag ito ang nagsalita.
Alas singko palang nangangamoy na sa ilong ni Mang Lando ang pangako ni Rosana na masarap na almusal kung kaya kahit masakit pa ang ulo sa ininom na alak ay tumayo na ito.
“Itay aga niyo namang bumangon wala naba ang pagkalasing niyo?” tanong ni Rosana.
“Naku eh naamoy ko lang ang niluluto mo anak, nawala na ang sakit ng ulo ko at bigla ako nagutom” ngiti ni Mang Lando.
“Nambola pa ang itay eh ako naman talaga ang cook dito, di nman maasahan si ate at walang alam sa pagluluto.”
“Kaya nga swerte namin ng ate mo anak dahil may Rosana kaming magaling magluto.” Patutsada ni itay
Habang nagluluto pa si Rosana ay pinagtimpla muna niya ang kanyang ama ng kape, maya maya pa’y lumabas narin si Nilda sa kwarto.
“Breakfast time naba? gutom na ako sis! hmmmmm ang bango mukhang masarap yan ah!” bungad ni Nilda sa niluluto ni Rosana.
“Siyempre naman masarap. Kelan ba ako nagluto ng di nyo nagustuhan ni Itay?” biro ni Rosana.
“Naks yun ohh! bwelta ni Nilda.” At kumain na nga ang mag aama pagkatapos maluto ang almusal.
Pumasok na ang magkapatid sa trabaho at naiwan na sa bahay si Mang Lando.
Pagkababa ng jeep ni Rosana papunta sa kanyang pinagtatrabahuhan, may nakita siyang isang babaeng nakaputi na nakatalukbong ng mukha at sisilip silip sa sliding door ng resto. Nagmamadaling nilapitan ni Rosana ang babae ngunit nakita siya nito kaya agad umalis; hahabulin sana ito ni Rosana nang lumabas ng pinto si Miss Olivia at tinawag siya. Andiyan ka na pala Rosana kanina ka pa ba?” tanong ni Miss Olivia dito.
“Kadarating ko lang ho, may nakita po kasi akong babae kanina baka kako hinahanap kayo kaya nilapitan ko eh bigla naman pong umalis.”
“Ah ganun ba? eh baka naligaw lang iyon,” ani Miss Olivia
“Halika na sa loob at maya maya lang siguradong may mga costumer na tayo” wika ni Miss Olivia.
“Sige po” sang ayon naman ni Rosana.
Isang maghapon na naman ang lumipas at pagod na pagod si Rosana sa dami ng costumer. Maliit lamang ang kanilang resto pero mabenta ang mga pagkain nila dito, dahil masasarap ang kanilang putahe na niluluto ng kanilang chef na si Chef Magno.
Ilan lang din silang empleyado ni Miss Olivia kung kaya halos lahat sila’y magkakaibigan. Dalawang waiter na puro may mga itsura: si Alfonso at Gabby, at dalawang waitress na si Ana at Leslie. Lahat sila’y malalapit sa isat-isa bukod pa sa dalawang lalakeng dishwasher nila. Lalo pang madami ang kanilang customer dahil ang restaurant nila ay katapat lamang ng isang private company at madalas ang mga empleyado dito ay sakanila kumakain.
Nakatutok sa kanyang cellphone si Rosana nang marinig ang dalawang si Ana at Leslie na nag uusap,wala na kasi silang customer kung kaya nakakapagkwentuhan na ang dalawa.
“Hay naku sana kumain dito sa atin iyong pinaguusapan ng mga empleyado diyan sa tapat na anak ng boss nila.” sabay hagikgik ni Ana.
“Ay oo nga balita ko saksakan ng gwapo. Kamukha daw ni Dingdong Dantes.” ang sabi naman ni Leslie na kinikilig pa.
Narinig naman ni Alfonso ang usapan ng dalawa at nagyabang, “Naku may tatalo pa ba sa kapogihan ko?”
“Maghahanap pa kayo ng gwapo eh andito naman ako,”yabang ni Alfonso.
“Tumigil ka nga sa kayabangan mo Alfonso” iritang sagot ni Leslie ditto.
“Kaya ayaw kita sagutin dahil ayoko magkaboyfriend ng hambog!” kakamot kamot nalang sa ulo na lumayo si Alfonso.
“Rosana narinig mo na ba ang usap usapan ng mga kerengkeng na empleyado diyan sa tapat?” tanong ni Ana.
“Hindi pa, saka wala naman ako oras makinig sa mga usapan nila.” sagot nito.
“Balita kasi ‘yong anak ng may ari ng kumpanya ang papalit na CEO, kadarating lang daw nito galing sa ibang bansa. Gusto agad isalang ng may ari ang anak sa kumpanya” ani Ana.
“Wala naman tayo mapapala kahit pa magbago sila ng boss, buti sana kung araw-araw ililibre niya ang kanyang mga empleyado na pakainin dito ayun may mapapala tayo.” biro ni Rosana.
“Korek ka diyan Rosana” ang singit naman ni Miss Olivia na kanina pa pala nakikinig sa usapan nila.
“Siya nga pala, agahan niyo lahat bukas sa pagpasok at may kliyente tayong nagpareserve ng ating resto.Dito daw sila magsasalo-salong mag-anak dahil darating bukas ang kanilang anak. Pinili nila ang ating lugar dahil subok na nila ito bukod pa sa katapat lang ng opisina nila ang ating lugar.” At nagkatinginan ang lahat.
“Oo tama kayo ang pinag uusapan ninyo kanina lang ay ang costumer natin bukas dahil gusto nila magsalu-salo sa isang simpleng lugar lang pero masasabing class naman, at ito’y dito sa atin.Ang kaibigan kong si Esther ang nagpareserve sa atin,iyong asawa ni Mr. Monte Verde na madalas kumain dito sa atin,naaalala niyo ba?” ang sabi ni Miss Olivia.
“Siguradong paghahandaan ito ng ating CHEF kung kaya maghanda din kayo bukas.” dagdag pa ng may ari ng restaurant.
“Opo Miss Olivia” sabay-sabay na tugon ng lahat. Di pa man ay kinikilig na ang dalawang waitress dahil sa narinig nila mula sa kanilang amo.
“Ana paghahandaan ko talaga ito bukas, magpapaganda ako ng husto para mapansin ako ng gwapong anak ng may ari ng kumpanya.” sabik na sambit ni Leslie.
“Aruuu! Kapag nagselos sa’yo si Alfonso lagot ka!” biro naman ni Ana sa kaibigan.
“Ay oo nga!” dugtong pa ni Rosana at sabay nagkatawanan. Pairap namang bumuntong hininga si Leslie dahil sa biro ng dalawa.
Pauwi na si Rosana sa kanilang bahay, habang naglalakad sa eskinita papasok sa kanila ay naglalaro sa isipan niya kung ano nga kaya ang itsura ng lalakeng pinag uusapan nila Ana at Leslie kanina. Pero kahit ano pa ang itsura niya wala pa sa isip ni Rosana ang mga ganong kilig kilig, dahil wala pa sa bokabolaryo niya iyon. Mas iniintindi niya sa ngayon ang kanyang itay; kung paano niya ito mapapasaya para hindi laging nag iisip tungkol sa kanilang inay.
Hanggang sa makarating sa kanilang bahay ay iyon parin ang nasa kanyang isipan. Nadatnan niya sa bahay ang kanyang ate na kasama ang boyfriend na si Jerome na nanonood ng tv habang nagmemerienda.
"Andiyan kana pala Rosana bungad ni Nilda" halika magmerienda ka muna.
“Magandang hapon Rosana bati naman ni Jerome” tumango lang si Rosana Kay Jerome at ngumiti.
“Sige lang ate busog pa ako, iwan ko muna kayo diyan at magpapahinga lang muna ako sandali bago magluto ng hapunan.” sabay talikod ni Rosana at pumasok sa kwarto.
Matagal nang magkasintahan ang ate Nilda ni Rosana at si Jerome, highschool palang sila ay nililigawan na ni Jerome si Nilda. Kanto lang ang pagitan ng mga bahay nila kung kaya matiyaga si Jerome na manligaw kay Nilda. At dahil sa tiyaga, napasagot naman ni Jerome si Nilda at magpahanggang ngayon ay sila parin. Going strong ika nga, bukod sa magkalapit lang ng bahay eh magkasama pa sa trabaho.
Samantalang si Rosana ay kahit isang boyfriend ay hindi siya nagkaroon, ewan nga ba niya hindi lang talaga siguro siya ligawin. Maganda naman siya, mas maganda nga siya kaysa sa ate niya dahil kamukha nga daw siya ng inay niya. Namana niya ang mga mahahabang pilikmata ng kanyang ina at ang kanyang maliliit na labi. Yun nga lang, morena ang kanyang kulay kaya siguro hindi siya ligawin at ito naman ang namana niya sa kanyang ama. Hindi tulad ng kanyang ate na talagang maputi gaya ng kanyang ina. Kaya siya lapitin ng mga lalake. Madami nga ang nagsasabi na parang hindi sila magkapatid kung kaya madalas siyang asarin dati ng kanyang mga kalaro na baluga.
Lagi siyang umuuwi dati galing sa labasan na umiiyak dahil inaasar siya sa kanyang kulay pero laging pinauunawa sa kanya ng itay niya na maganda siya kung ano man siya. At napatunayan nga niya iyon habang siya ay nagdadalaga dahil nakita niya na maganda talaga siya kahit morena siya. Marami ang artistang kulay morena na bukod sa magaganda ay sexy pa, at itoy tinatangkilik at niyayakap ng madla.
Morena si Rosana pero maganda ang mukha nito lalo na kung siya’y titingnan ng matagal lalo itong gumaganda, pwede nga siyang isali sa mga beauty contest dahil bukod sa balingkinitan ang katawan nito eh may height na maipagmamalaki at iyon ang wala sa ate Nilda niya.
Kinabukasan, nagmamadaling pumasok sa trabaho si Rosana dahil sa reservation ng kliyente nila. Siguradong magbubunganga na naman si Chef Magno kapag kahit isa man sa kanila ay nalate ngayong umaga.
“Ano ba naman ito kung kelan nagmamadali saka naman minamalas.” ang wika ni Rosana habang natatrapik sa daan.
Kung pwede nga lang niyang paliparin ang taxi na sinasakyan niya eh ginawa na niya. "Manong ano ho ba ang nangyari at sobrang trapik ngayon? Hindi naman ganito ka trapik kapag ganitong oras palang ah?” tanong ni Rosana sa driver.
“Naku ma'am may banggaan ho ata sa may unahan kaya trapik”,sagot ng driver.
“Malapit naman na ho ako lakarin ko nalang po kaya?”
“ Naku Ma'am medyo malayo layo pa po kayo siguradong mapapagod lang kayo sa paglakad” ang sambit ng driver.
“Eh manong kung hihintayin kopa po ang pag usad ng sasakyan eh baka sa isang taon pa po ako makarating. Importante po kasing makarating ako agad sa trabaho ko.” Wika ng nagmamadaling si Rosana.
“Bahala po kayo Ma'am kung maglalakad na kayo” wika ng driver.
“Eto po bayad manong sainyo na ang sukli.” abot nito sa pamasahe.
“Salamat po Ma'am.”
Saktong pagbukas ni Rosana sa pinto ng taxi ay may isang lalaking dumaan sa tagiliran upang tingnan kung ano ang sanhi ng trapik. Sa pagmamadaling pagbukas ni Rosana sa pinto at lakas nito, natamaan ang lalake at muntik ng mapasubsob sa simyento. Buti nalang at malaki itong lalake at nabalanse niya ang kanyang katawan. Galit na galit ang lalake sa muntikan niyang pagkakasubsob kung kaya nilapitan niya kung sino man ang taong nagbukas ng pinto ng taxi. Kinakabahan si Rosana dahil kitang kita niya ang lalake kung paanong muntikan nang mapasubsob dahil sa ginawa niya. Dahil sa tindi ng takot sa lalake, dahil alam niyang matangkad ito sinara niya uli ang pinto at yumuko sa taxi.
“Manong manong pakilock ang pinto, pahatid na po uli ako sa trabaho ko.” utos ni Rosana sa taxi driver habang kinakabahan dahil papalapit na ang lalaki sa taxi.
“Manong kahit ano mangyari huwag na huwag niyong bubuksan ang pintuan niyo ah! Pati ang bintana po huwag niyo bubuksan.” Kinakabahang saad ni Rosana.
“Naku Maam muntik na iyong mamang pogi sa ginawa niyo ah!” pabiro ng driver.
“Kung napasubsob mukha nun sa semento ay naku sayang ang mukha kapogi pa naman.” Hindi malaman ni Rosana kung matatawa siya o ano sa biro ng driver.
Ngunit habang papalapit ang lalake sa taxi napagmasdan ito ni Rosana at kaganda nga ng mukha ng lalakeng nadisgrasya niya.Matangkad ito at maganda ang katawan,halata ang hubog ng kanyang mga masel kahit sabihin mo pang nakasuit ito,halatang may kaya ito dahil sa kanyang pananamit. Natulala si Rosana sa kagwapuhan nito at nagulantang nalang siya ng kumakatok ang lalake sa bintana ng taxi.
Tinago ni Rosana ang mukha niya sa pagtakip niya dito ng kanyang bag, sakto namang umandar na ang daloy ng trapik kung kaya agad nang pinasibad ng taxi driver ang sasakyan nito. Kahit anong katok ng lalake ang gawin niya sa bintana ng taxi ay hindi ito pinagbuksan ni Rosana dahil sa kaba kung kaya pinaandar nalang ito ng driver paalis ng makitang maluwag na ang daloy ng trapik.
Gustuhin mang habulin ng lalake ang taxi para masita ang may gawa nito sa kanya hindi na niya nagawa dahil nasa dulo pa ang kotse nito.
“Naku salamat manong iniligtas niyo ako sa lalakeng iyon, Hindi ko po Alam ang gagawin ko kanina.” pasalamat ni Rosana.
“Wala po iyon ma'am nakita kopo kasing takot na takot kayo kaya nang makakita ako ng pagkakataon eh pinaandar kona ang taxi.” Laking pasalamat ni Rosana at hindi sila hinabol ng lalaki.
Paglapag na paglapag palang ni Giovanni sa airport ay dumiretso na siya agad sa opisina ng kanyang pamilya, bilin kasi ng kanyang papa na sa opisina na siya dumeretso para maipakilala siya sa opisina bilang bagong CEO ng kumpanya nila. Pinasundo siya ng kanyang papa kay Mang Julio para dumeretso na sila sa opisina. Napakaaga pa pero nagkaroon na agad ng trapik sa daan papunta sa opisina nila.
“Mang Julio bat trapik ata ngayon? Ganito naba ngayon sa lugar natin?” tanong ni Giovanni.
“Ay hindi po Sir maaga pa po para magkatrapik ng ganito. Malamang ho kung hindi ay may aksidenteng nangyari kaya nagkatrapik” sagot ng matanda.
“Sandali lang po at matingnan.” paalam ni Mang Julio.
“Naku huwag na po, ako nalang po titingin kung ano nangyari sa unahan kung bakit trapik.” ani Giovanni.
Lumabas nga ng kotse ang binata at tiningnan kung bakit nagkaroon ng matinding trapik sa daan. Habang papalapit na siya sa mismong dahilan ng pagiging trapik ay biglang may nagbukas ng pinto sa taxi at siya’y nahagip nito. Sa tindi ng pagkakabukas, muntik na siyang napasubsub sa semento kung hindi lamang siya nakabalanse. Sa tindi ng galit niya dahil sa nangyari, nilapitan niya ang nagbukas ng pinto at sisitahin sana nang biglang pumasok uli ito sa taxi at naglock. Itinago ang mukha gamit ang bag niya upang hindi siya makita ng binata. Lalong nainis si Giovanni dahil sa ginawa ng babae, kinatok niya ang bintana ng taxi at tinatawag ang babae.
“Miss! Miss! baka gusto niyo humingi ng pasensiya dahil sa ginawa niyo?” ani Giovanni ngunit parang walang naririnig ang babae sa sinasabi ng binata.
Palakas ng palakas ang katok ni Giovanni sa bintana ng biglang paandarin ng driver ang taxi dahil nawala na ang trapik. Gusto mang habulin ni Giovanni ang taxi pero nasa dulo pa ang kotse na minamaneho ni Mang Julian. Hindi manlang nakita ng binata kung ano itsura ng babae dahil itinago agad ang mukha nito sa likod ng kanyang bag. Sa ganun ay masisita niya sana ito kung sakaling magkita uli sila. Pero kahit paano ay nakilala niya ang bag nito at ang suot na damit ng babae kaya kung sakaling magkita man sila nitong maghapon na ito ay makikilala niya.
Pagpasok palang ng kotse ay napansin na agad ni Mang Julian na naiirita si Giovanni.
“Oh anak anong nangyari saiyo at naka sambakol ang mukha mo? Lumabas kalang saglit at tiningnan kung bakit trapik ganyan na itsura mo pagbalik” sita ni Mang Julian kay Giovanni.
“Naku Mang Julian sana ay kayo na nga lang ang lumabas kanina para hindi kona sinapit ang kahiya hiyang nangyari sa akin kanina” kwento ng binata.
“Abay may isang magaling na babae lumabas ng taxi at muntik ako isubsob sa semento sa pagkakalakas ng pagbukas niya sa pinto. Hindi kaya niya ako nakita at bigla ang pagbukas niya?” paliwanag nito.
“Eh makulit karin kasing bata ka, manong naghintay ka nalang kasi dito sa sasakyan ayan tuloy ang sinapit mo. Huwag mo na intindihin iyon wala na ang trapik makakarating kana sa opisina dun ka nalang magpahinga, sigurado may jetlag kappa.” sabi ni Mang Julian.
Dumating sa opisina si Giovanni sa kanilang kumpanya at nadatnan na niya doon ang kanyang mga magulang, ang mag asawang Franco at Esther Monte Verde kasama ang bunso nilang si Sheena. Sinalubong ng mag asawa si Giovanni at niyakap ito ng mahigpit ng ina nito.
“Welcome home anak.” nasasabik na yakap ni Misis Monte Verde.
“Sa wakas kapiling kana namin uli.” Yumakap si Giovanni sa ina gayon din sa kanyang ama’t kapatid.
“Masaya ako na muli ko kayong nakita Mama, Papa at Sheena.” wika ng binata.
Ipinakilala ni Franco ang kanilang anak sa kanilang mga empleyado bilang kanilang bagong CEO. Tuwang tuwa ang mga empleyado sa kanilang bagong boss lalo na ang mga dalagang empleyada nila, lahat ay kinikilig dahil sa kaguwapuhan ng kanilang bagong boss. Matapos maipakilala ng mag asawa ang kanilang anak ay pinagpahinga muna nila ito sa kanyang opisina.
“Papa, tutal bukas pa naman ako mag-uumpisa magtrabaho dito sa kumpanya at naipakilala niyo naman na ako sa mga empleyado natin baka pwedeng makauwi na at ako’y magpapahinga lang muna?” wika ni Giovanni.
“Mamaya kana umalis anak at nagpareserved ako diyan sa katapat nating restaurant. Maglunch muna tayo, alam ko namang sabik ka na sa mga lutong pinoy kaya kakain muna tayo. Siguradong magugustuhan mo dahil masarap ang mga pagkain diyan sa katapat nating restaurant.” banggit ng kanyang ama.
“Siya nga naman anak, sabik narin kami na muli kang makasalo sa pagkain.” ani Ginang Esther. Tumango lang ang binata sa sinabi ng magulang.
Pagpasok palang ni Rosana sa pinto ng pinagtatrabahuhan niya ay napansin na agad siya ni Miss Olivia dahil siya’y namumutla. Nilapitan siya agad nito at tinanong.
“Napano ka hija? Mukha kang namumutla may sakit kaba?” pag aalalang tanong ng amo sa dalaga.
“Hindi po Miss Olivia, wala po ito napagod lang po siguro ako kakamadaling pagpasok kanina” paliwanag ni Rosana.
Hindi sinabi ng dalaga ang tunay na dahilan ng nangyari sa kanya kanina at baka mag alala pa ito, parang ina narin kasi ang turing niya dito. Nang paupo na ang dalaga sa pwesto niya nakita na naman niya ang babaeng nakatalukbong sa mukha na sisilip-silip na naman sa may pintuan ng resto. Hindi niya alam pero parang pamilyar sa kanya ang mukha ng babae, tatayo na sana siya para lapitan ito nang bigla na naman itong umalis.
Mag aalas onse na nang tanghali nang magpunta ang pamilyang Monte Verde sa pinareserved nilang resto ni Miss Olivia. Pagpasok palang nila ay nakaabang na si Miss Olivia sa may pintuan at binati na ang mag anak. Welcome po Maam/Sir sa “Olivia's Best". Naging pormal ang trato ni Miss Olivia sa kliyente nila pero sa totoo ay magkaibigang matalik sila ni Ginang Monte Verde. Naging magkaibigan ang dalawa nang madalas kumain ang Ginang sa restaurant ni Miss Olivia dahil nga sa katapat lang ito ng opisina ng asawa niya.
“Naku Olivia huwag ka na ngang masyado pormal diyan! Tratuhin mo kaming parang nasa bahay lang para naman hindi tayo masyadong seryoso.” sita ng Ginang sa kaibigan.
Ngumiti lang si Miss Olivia sabay inalalayan ang pamilya patungo sa lamesang kanilang pupuwestuhan.
“Olive eto nga pala ang aking panganay na si Giovanni, kadarating lang galing US. Siya iyong madalas kung ikwento sayo na pogi kong anak.” pagpapakilala ng Ginang sa kaibigan. Nagkamayan ang dalawa bilang pagkilala.
“At ito naman ang aming prinsesa si Sheena.” dagdag nito.
“Hello po tita!” ang bati ni Sheena dito sabay beso-beso sa matandang dalaga.
“Kagandang bata naman nito! Manang-mana sayo Esther.”puna ni Olivia.
“Ehem ehem” sabay kunwaring ubo ng mister ni Esther
“Ako bay di mo ipakikilala aking ginang?” ang wika ng asawa ni Esther.
“Naku magkakilala na nga kayo kailangan paba?” ang birong wika ng ginang sabay nagkatawanan ang lahat.
“Maupo na kayo at ipapahanda kona ang mga order ni Esther.” pag iiba ni Olivia sa usapan. Sinabi na kasi lahat ni Esther ang mga putaheng gusto nilang kainin nang nagpareserve palang siya kung kaya hindi na nila kailangang umorder sa menu book.
Habang naghihintay ng mga pagkain, napansin ni Giovanni ang lugar at nagustuhan ito. Dahil kahit maliit lamang ito ay maganda at maayos ang nasabing restaurant. Bukod sa malinis ay maganda ang ambiance nito, makakapagrelax ka kahit galing ka sa stress na trabaho.
“What a nice place Mama, alam na alam mo talaga ang mga lugar na narerelax ako.” sambit ni Giovanni.
“Ano pa at naging ina mo ako kung hindi ko din alam ang mga gusto mo.” sagot ng Ina.
“Yeah! nice place Kuya, a simple but cozy place pwede ko din I recommend ito sa mga friends ko” sang ayon naman ni Sheena.
“Mas lalo kong ire-recommend itong place na to kung lalong magustuhan ko ang mga food ditto, diba Ma?” dugtong pa nito.
“Sisiguraduhin ko sayo anak na babalik at babalik ka dito kasama mga friends mo kapag natikman mo mga dishes nila diba Honey?” baling sa mister.
“Oo naman, kaya madalas magpunta sa opisina ang Mama nyo akala ko ako ang dinadalaw lagi. Iyon pala ay ang kanyang kaibigang si Olivia at ang mga pagkain ditto” sabay tawa nito.
Habang nagkukuwentuhan ang mag asawa at si Sheena nagpaalam muna si Giovanni para magpunta ng restroom. Saktong papalapit siya sa pintuan ng restroom ng may nakabangga siyang babae palabas ng pinto galing sa ladies room.