Ang sabi ni Miss Olivia dumating na daw ang kliyente nilang kaibigan niya kung kaya nagmamadali ang dalawa niyang kasamahan na si Leslie at Ana mag retouch upang maging presentable naman daw silang magserve sa bago nilang costumer. Sa hindi malamang dahilan ay nakigaya narin si Rosana sa mga kasamahan niya pero kung tutuusin ay hindi naman siya mahilig sa make up. Simple lang ang dalaga, tamang pahid lang ng polbo at lipstick ay okay na sa kanya. Kuntento na siya kung ano ang ganda niya, ayaw niyang naglalagay ng make up dahil hindi naman siya sanay dito at isa pa nangangati lang ang mukha niya dito. Gumawi siya ng wash room to freshen up. Paglabas ng washroom ay biglang nagring ang cellphone nito, habang dinudukot niya ang cellphone sa kanyang bag hindi niya namalayan ang pagsalubong ng isang lalake. Nagkabanggaan sila at napayakap siya sa lalaki, matangkad ang lalake kung kaya sa dibdib ng lalake siya napasubsob. Ang amoy ng lalake ay nanunuot sa ilong ni Rosana, ang bango nito kung kaya napapikit ang dalaga sa pagsamyo nito.
Natauhan lang siya ng biglang nagsalita ang lalake na may pagkairita.
“Can you please watch your step Miss?” untag nito. “Ang luwang luwang ng pasilyo pero nakakabangga kapa ng tao” dagdag nito.
Nagpantig ang mga tenga ng dalaga dahil sa kapreskuhang sinabi ng binata. Nag angat ito ng mukha at sakto sanang sasagutin niya ang lalaki nang namukhaan niya ito.
“Oh my gosh!Siya yun,siya yung lalake kaninang umaga” bulong ni Rosana.
At dahil ayaw niyang mabisto, humingi nalang ng paumanhin si Rosana sa lalake.
“I'm sorry sir hindi ko po sinasadya”
“Sa susunod Miss tingnan tingnan mo lang ang nilalakaran mo at nang hindi ka nakakabunggo,inis ng lalake sabay talikod kay Rosana.
“Hmmmmp antipatiko akala mo naman gwapo”,bulong ni Rosana sa sarili.
Hindi alam ni Rosana na napalingon ang binata sa kanya dahil narinig niya ang sinabi nito. Iiling iling nalang si Giovanni habang papunta ng restroom.
Pagbalik ni Giovanni sa kanilang lamesa ay nakahanda na ang kanilang pagkain.
“Time to eat na Kuya halika na.” aya ng kapatid sa kanya. Hindi maiwasan ni Giovanni mapangiti dahil sa kanyang kapatid.
Hindi parin mawaglit sa isipan ni Giovanni ang babaeng nakabangga niya sa may Restroom. Medyo pamilyar kasi ito sa kanya ngunit hindi lang niya malaman kung saan niya ito nakita. Sa dami nga namang babaeng nakakasalamuha ng binata ay hindi na niya maalala ang mga ito baka isa lamang ito sa mga naging fling niya noon.
"Pero hindi!" iiling iling na nag iisip ang lalake. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng babae sa buhay niya na hindi mestiza, lahat ng mga ito ay pawang mapuputi at sexy,samantalang ang babaeng iyon ay Morena.
Oo ngat sexy ito,may itsura na kaakit-akit pero hindi niya type ang mga Morena. Mas gusto ni Giovanni ang mga mapuputi na kalimitang gusto talaga ng mga lalake.
Kesa mag isip ay kumain na lamang ang binata dahil nagustuhan niya ang mga putahe sa restaurant. Napadami tuloy siya ng kain ng araw na iyon at naisip niyang babalik siya dito.
Tuwang tuwa naman si Ginang Monte Verde dahil nagustuhan ng panganay niya ang mga pagkain sa Olivia's Best. Buong pagmamalaki tuloy ang ginang na kaibigan niya ang may ari nito.
Kinabukasan ay maagang pumasok ng trabaho si Giovanni, unang araw niya sa trabaho at ayaw niyang may masabi ang kanyang mga empleyado sa bago nilang CEO. Mahal ng kanyang ama ang kumpanya nila kaya mamahalin din niya ito at papahalagahan.
Advertising company ang negosyo ng mga Monte Verde. Kilala ito at pinagkakatiwalaan ng kanilang mga kliyente dahil sa mahusay nilang trabaho. Dumarami at dumarami ang kanilang mga project dahil lahat ng mga gawa nila ay patok sa masa.Sila lang naman ang mga gumagawa ng mga advertisement sa mga radyo at telebisyon, pati na din sa mga billboards. Mahuhusay ang kanilang mga empleyado mag isip ng mga konsepto tungkol sa ads kaya naman sikat ang advertising company nila.
Ang Monte Verde advertising company ay pamana pa ng lolo ni Giovanni kung kaya matagal na ito sa industriya.
Nagmamaneho siya ng kanyang kotse ng madaanan niya ang babaeng nakabangga niya kahapon sa resto ni Miss Olivia. Naisip niyang empleyado siguro ito dito kung kaya maaga din siya patungong resto.
Bigla niyang naisip na inisin ito bilang ganti sa ginawa kahapon. Binusinahan niya ito ng pagkalakas lakas. Muntik ng mapatalon ang dalaga sa tindi ng gulat. Natawa si Giovanni sa naging itsura ng dalaga. Walang anu ano ay binabaan niya ito ng bintana.
“Hey Miss its you again?” kunwang sita ng binata. “Lagi kang nakaharang sa daan, ingat ingat lang at baka ka madisgrasya, sige ka baka mabiyudo agad ang boyfriend mo.” sabay kindat pa dito.
Naiwan ang dalaga sa daan na bubulong bulong sa inis sa binata.
“Walanghiya talaga ang lalaki na iyon ah akala mo kung sinong gwapo!” inis na sambit ni Rosana. “Kulang na lang ay sagasaan ako ah.
Pasalamat ka may atraso ako saiyo kung hindi ewan ko nalang” nanlalaki pang matang wika ng dalaga.
“Ang aga aga mukhang mainit ang ulo mo ah, bungad ni Miss Olivia kay Rosana.
“Naku Miss Olivia pagkadating palang niyan nakasimangot na” segunda ni Ana sa kanilang amo.
“Baka may period” biro naman ni Gabby dito.
“Naku lubayan mo nga ako Gabby mag umpisa ka na nga lang magtrabaho” utos ni Rosana dito.
“Si Leslie ba at Alfonso wala pa?” pag iiba ni Miss Olivia sa usapan.
“Naku wala pa po pero siguradong magkasabay papasok iyong dalawa na yun” ang wika ni Ana.
“Kunwa’y hindi magkasundo pero mukhang sila naman na ata.”
“Bakit inggit kaba?” tudyo ni Gabby kay Ana. “Gusto mo tayo narin eh” dagdag pa nito.
“Naku kung ikaw lang din huwag nalang uy! mas nanaisin ko nalang maging matandang dalaga kagaya ni Miss Olivia kaysa mapunta saiyo” ang sagot ni Ana.
“Aba at nadamay pa ako sa usapan niyo” ani Miss Olivia.
Dahil sa kanilang mga biruan ay nawala sa isip ni Rosana ang pangyayari kanina na labis niyang kinaiinisan. Bumalik ang ngiti nito sa mukha dahil sa bangayan ng dalawa niyang kasama.
Palangiti si Rosana, hindi iyon mawawala sa mukha niya. Maliban na lang kung may mga iniisip siyang problema at kinaiinisan nagiging sambakol ang mukha nito.
Maaga pa kaya wala pa masyadong costumer, naalala niya ang lalake. Pagbaba ng bintana ng kotse ng binata kanina ay kinindatan siya. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang diddib.
Pinakaunang dumating ang binata sa opisina, wala pang mga empleyado ay nandoon na ito. Ganito kadedicated si Giovanni sa kanyang trabaho.
Maya maya pa ay kasunod niya sa elevator ang sekretarya niyang si Gerald. Nagkasabay sila sa elevator patungong 18th floor dahil naroon ang opisina nila. Ipinakilala na ito ng kanyang ama kahapon; bago palang si Gerald sa kumpanya, pinalitan niya ang dating sekretary ni Mr Franco dahil magreretiro narin ito. Si Miss Hilda ang dati nitong sekretarya at tiyahin ni Gerald. Palangiti itong si Gerald at mukhang mabait, tipong hindi marunong manakit ng babae dahil sa maamo nitong mukha.
“Good morning Mr. Monte Verde” pagbibigay galang ni Gerald. Tumango ang binata at nginitian ito.
“Good morning Gerald.”
“Aga natin Sir ah!” biro ni Gerald sa amo sabay ngiti. Ngumiti lang ito at tumango.
“Early bird catches more worms” saad ni Giovanni.
“Tama po Sir” sang ayon ng sekretarya. Mas madami nga namang magagawang trabaho kung maaga pumapasok. Pagkapasok sa opisina ay pinagtimpla agad ng sekretary ang kanyang boss.
“Sir coffee para sa’yo.” alok ni Gerald kay Giovanni.
“Salamat Gerald” tugon nito.
Hindi alam ni Giovanni na palabiro pala itong si Gerald kahit nasa trabaho ay hindi nito maiwasan ang magbigay ng kasiyahan sa amo niya. Unang araw palang nilang magkasama ay akala mo matagal na silang magkasama. Naging magaan ang loob ni Giovanni kay Gerald dahil kahit papaano ay napapagaan nito ang bigat ng kanilang trabaho. Habang may pinapipirmahang papeles si Gerald kay Giovanni ay hindi talaga nito maiwasang magsalita. Hindi katulad ng ibang sekretarya na takot sa kanilang mga boss. Si Gerald ay laging positibo ang pananaw at nagustuhan iyon ni Giovanni.
“Sir matanong ko lang may girlfriend na po ba kayo?” curious na tanong ng binata.”Kasi sa sobrang pogi niyo imposibleng wala kayong girlfriend?” dagdag nito. Napasulyap na lamang si Giovanni sa sekretarya habang pumipirma.
“Kapag oras ng trabaho walang dapat pag usapan kundi about sa work lang okay? wika nito.
Napakamot na lamang ng ulo si Gerald sa sinabi ng amo.
“Sir yes sir” sagot nito na parang military habang pabalik sa kanyang lamesa.
Napaisip tuloy si Giovanni sa tanong ng kanyang sekretarya, walang anu ano ay bigla niyang naalala ang babaeng nakabangga sa kanya kahapon sa Olivia's Best. Pamilyar talaga sa kanya ang mukha ng babae, at napaisip ito dahil napansin niya ang suot na damit ng dalaga.
“Tumpak!” palatak nito sabay senyas ng daliri sa hangin. Dahil sa ginawa ni Giovanni ay napatayo tuloy si Gerald sa table nito at akala tinatawag siya.
“Yes sir? Anything I can do for you?” tanong ni Gerald.
“Oh im sorry, I'm not talking to you Gerald. Never mind.” paliwanag ng binata.
“Ah ok Sir akala ko tinatawag niyo ako eh” sabay balik na uli sa table niya. Nang bigla siyang tawagin ni Giovanni.
“Gerald?” tawag nito. Napabalikwas uli ito ng lingon at nagbalik sa amo.
“Samahan mo ako mamaya maglunch sa Olivia's Best” wika nito.
“Sure sir why not basta ba ililibre niyo ako eh, baka mamaya ako pa pagbayarin niyo wala pa po ako sweldo” biro ng binata sa boss niya.
“Dont worry its my treat” ang sabi ni Giovanni
“Yun oh! Ang bait talaga ng bosing ko, mukhang magtatagal ako sa kumpanya na ito kapag laging ganito” nangingiting wika ni Gerald.
“Huwag kang mag alala ngayon lang naman ito” biro naman ni Giovanni. Kakamot kamot nalang na bumalik si Gerald sa kanyang pwesto.
Sa wakas ay naalala na ni Giovanni kung saan niya nakita ang babae. Hindi man niya masyadong nakita ang mukha nito dahil nagtakip agad ito ng mukha pamilyar sa kanya ang suot nito. Kaya din siguro umurong ang dila ng babae nang magkabanggaan kami banda sa may restroom ay dahil kilala niya ako, sa isip ng binata.
“Mamaya ko makukumpirma kung tama nga ang hinala ko” bulong nito.
Nasa labas palang ay natanaw na ni Rosana ang mga papasok na costumer, ang hambog na lalake at may kasamang isang may itsura ding lalaki, naisip ni Rosana na kaibigan siguro nito o sekretarya niya. Nakangiti parehas ang lalaki habang masayang nagkukuwentuhan papasok ng resto. Hindi malaman ng dalaga kung tatalikod siya o ngingiti nang pumasok ang mga ito sapagkat nasulyapan siya ni Giovanni at nginitian. Namula ang mga pisngi ng dalaga sa hindi malamang kadahilanan.
Bumilis ang t***k ng kanyang dibdib dahil sa pagngiti nito sa kanya. Hindi niya mawari kung bakit kahit naiinis siya dito ay hindi niya maiwasang tumingin sa gwapo nitong mukha. Madami naman siyang naging crush pero hindi siya nakaramdam ng ganoon.Yung akala mo lagi kang mawawalan ng hininga kapag nakatitig siya sa iyo.
Hindi niya alam kung kinikilig siya oh gusto niyang magpunta ng restroom.
“Hoy gaga lubayan mo mga ganyang pakiramdam” sita nito sa sarili. Sinaway niya ang sarili sapagkat nangako siya sa sarili niya na hinding hindi siya magboboyfriend ever! Kaya ang paghanga niya sa binata ay pinalitan niya ng inis at galit dahil sa ginawa niyang pang aasar sa kanya.
Bukod dito ay may atraso pa si Rosana dito na malamang kapag nalaman ng lalaki ay mas lalo itong magagalit sa kanya. Panalangin nalang ng dalaga na huwag na silang magkita, pero maaari ba iyon? Samantalang katapat lang ng pinagtatrabahuhan niya ang opisina nito.
Pagkapasok nila Giovanni at Gerald sa resto ay napansin agad ni Giovanni si Rosana sa pwesto nito.
"At siya pala ang kahera dito"sa isip-isip ng binata.
Hindi niya mapigilang muling sulyapan ito dahil parang kung anong may pilit na humahatak dito na tingnan ang babae. Sa totoo lang ay hindi naman siya attractive sa mga gaya niyang morena mas naaakit siya sa mga mestisahin ang itsura kaya hindi niya alam kung bakit sa babaeng ito ay nais niyang laging lingunin ito. Ang ganda pala nito lalo kapag tinititigan lalo ngayon dahil nakangiti ito sa mga costumer na pumapasok, siya lang ata ang bukod tanging sinimangutan niya pagpasok.
Nakita ni Miss Olivia si Giovanni sa upuan nito at binati.
“Kumusta hijo? Mabuti naman at nabalik ka dito.” bati ng matandang dalaga.
“Hello po Tita Olivia, nagustuhan ko po ang mga pagkain niyo kaya po nabalik ako” sagot ng binata.
"Mabuti naman kung ganoon hijo, sige maiwan kona muna kayo umorder na kayo at nang makakain na kayo,enjoy your lunch!”
Tatalikod na sana si Miss Olivia nang tawagin siya ni Giovanni. “Wait lang po tita” tawag ni Giovanni.
“Ano iyon hijo” tanong ng matanda.
“Kung hindi niyo po mamasamain sino po iyong babae sa may table sa sulok?” tanong nito.
“Ah si Rosana? Siya ang kahera/sekretarya dito hijo, mabait yang bata na yan tahimik lang pero matulungin sa pamilya niya. Bakit mo naitanong hijo?”
“Ah wala po napansin ko lang po kasi siya kanina pagpasok ko” paliwanag ng binata. Hindi niya sinabi na siya ang babaeng madalas makabunggo sa kanya.
“Mabait ang bata na yan, maganda pa sabay ngiti ni Miss Olivia, hayaan mo hijo pagkatapos niyong maglunch ay ipapakilala ko siya sainyo” wika ni Miss Olivia saka nagpaalam na.
“Sir!” sabad ni Gerald sa kanyang boss.”Type nyo?” nakakalokong tanong nito.
“May atraso sa akin ang babae na yan kaya ko tinatanong” paliwanag ni Giovanni.
“Weh di nga po? sabihin niyo lang kung kailangan niyo ng tulong ko magaling ako sa mga babae” yabang ni Gerald pero nagbibiro lamang ito.
“Umorder kana nga at alam kong gutom kana” pag iiba ni Giovanni sa usapan.
Habang kumakain ay pasulyap sulyap ang binata kay Rosana, busy ang dalaga ngunit hindi parin nawawala ang mga ngiti sa labi nito habang siya’y nagtatrabaho, maliban lang kung napapasulyap siya kay Giovanni at nakitang nakatingin ito nag iiba ang timpla ng kanyang mukha.
Napakasimple ang taglay na ganda ng dalaga, simple at hindi nakakasawa. At doon nagtataka ang binata kung bakit ngayon lang siya nagkainteres sa isang babaeng katulad niya na salungat sa mga katangiang pisikal na gusto niya sa isang babae.
Hindi din maiwasan ni Rosana ang lumingon sa gawi ng dalawang binata. Busy sa pagkain ang kasamang binata samantalang napansin niya na pasulyap sulyap sa kanya si Giovanni.
“Bakit ba dito na naman kumain ang mokong na ‘to?” bulong ni Rosana sa sarili. “Di yata’t namukhaan niya ako na ako ang may atraso sa kanya? Sigurado nakilala niya ako kaya ganun na lang makatingin dito.
"Hmmmmmp tumingin ka hanggat gusto mo!” bulong ng dalaga pero sa kaibuturan niya ay kinikilig siya sa bawat pagsulyap nito. Para siyang teenager na ngayon pa lamang kinikilig.
Tapos nang kumain ang dalawang binata nang lapitan ni Miss Olivia si Rosana at nakiusap.
“Hija pwede ka bang maabala sandali?” ang tanong nito.
“Ano po iyon Miss Olivia? Okay lang po ano po ba iyon?” tanong nito sa may ari.
“Halika sandali at ipapakilala lang kita sa anak ni Esther, iyong costumer natin kahapon.”
“Po?” gulat at napalakas na boses si Rosana. “Bakit po? may kasalanan po ba ako? ipapupulis niya po ba ako?” sunod sunod na tanong ni Rosana. Natawa na lamang ang matanda sa reaksyon ng dalaga.
“Naku hindi gusto ka lamang niyang makilala.”
“Eh bakit po?” tanggi parin nito.
“Basta halika na nakakahiya kung hindi ka lalapit sinabi ko pa naman na mabait ka” pangongonsensiya ni Miss Olivia dito.
“Sige po” ang sabi na lamang ni Rosana na napipilitang sumunod. Kinakabahan si Rosana habang papalapit sila sa binata sapagkat iniisip nito na baka nabuking na siya nito. Marahil ay makikipag usap ito para pagsabihan siya. Lumapit si Miss Olivia kasama si Rosana sa lamesa nila Giovanni. Pinakilala ni Miss Olivia si Rosana kay Giovanni. Tumayo ang binata pati si Gerald.
“Hijo siya nga pala si Rosana… Rosana Pascual.”
“Rosana siya naman ang anak ni Mr and Mrs Monte Verde si Giovanni Monte Verde.”
“Nnnnnice to meet you Sir Giovanni” nangingiming bati ng dalaga habang nagkakamayan.
“Its my pleasure Miss Pascual.”
“Ako naman si Gerald, Gerald Maniquis” singit ni Gerald sa usapan.
“Nice to meet you too Gerald” bati ng dalaga dito. Hindi alam ni Giovanni kung paano siya mag uumpisa dahil nakatingin ang dalaga sa kanya na tila siya matutunaw. Madami na siyang babaeng nakilala, minsan pa nga sila ang mismong lumalapit dito. Ngunit dito kay Rosana ay si Giovanni mismo ang gumawa ng paraan para makalapit dito.
‘Nais ko lamang sanang humingi ng pasensiya sa nangyari kahapon” pag uumpisa ng binata.
“Naku! ako nga po ang dapat mag sorry sa nangyari Sir” nahihiyang wika ng dalaga.
“Don't call me Sir just call me Giovanni” giit ng binata.
“Huwag mo din ako pinopo bata pa naman ako” pagbibiro ng binata upang mawala ang tensyon sa pagitan ng dalawa."
“Ako nga po ang dapat humingi ng pasensiya Sir este Giovanni sa nangyari kahapon saka noong isang araw” nadulas na banggit ni Rosana. Napatakip na lamang ng bibig ang dalaga dahil sa pagkadulas nito. Namumula tuloy ang pisngi niya dahil sa pangyayari.
Napaisip tuloy si Giovanni, “so ikaw nga iyon? ikaw iyong babaeng tumulak sa akin ng pinto ng taxi?” tanong nito.
Nahihiya man pero inamin ni Rosana na siya nga iyong babaeng tumulak sa kanya at tinakbuhan siya, namumula tuloy ito dahil sa hiya sa pag amin.
“Sabi kona nga ba eh ikaw iyon. Mahilig ka pala talagang makipag banggaan?” biro ng binata.
Napapalingon na lamang si Miss Olivia at Gerald sa dalawa habang nag uusap dahil wala naman silang kaalam alam dito.
“Mabuti na lamang at inamin mong ikaw yon atleast hindi kona hahanapin pa ang may atraso sa akin” sabay tawa ng binata.
“Naku sorry talaga sir Giovanni dahil sa nangyari hindi ko naman sinasadya” paliwanag ng dalaga.
“Nagmamadali lang talaga ako noong mga araw na iyon”
“Its okay, may jetlag din kasi ako nun kaya medyo masungit ako noong araw na iyon."
Well ngayong okay na ang lahat can we just be friends? anya ng binata dito.
“Abay dapat oo na yan” singit uli ni Gerald.“Di po ba Miss Rosana?” udyok nito.
Nahihiya man at nagdadalawang isip ay tumango na lamang ang dalaga.
“Sure why not, wala namang dahilan para hindi maging pwede.” ani Rosana.
“Salamat Rosana" ang wika ni Giovanni.
"Thanks to you tita okay na ang lahat wala na akong iniintinding kagalit” biro ng binata. Nangiti na lamang si Miss Olivia sa tuwa. Pati si Gerald ay tuwang tuwa din.
Masayang masayang umuwe ng bahay si Rosana, hanggang sila’y naghahapunan ay sagad parin ang ngiti nito. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib sapagkat hindi na siya laging kakaba kaba na malaman ni Giovanni na siya ang nakadisgrasya sa kanya sa may kalsada. Hindi na siya natatakot na baka isang araw ay damputin nalang siya ng pulis dahil sa ginawa niya. Mabait naman pala ang binata, mali lang talaga ang first impression niya dito dahil nagsungit ito.
“Mukhang masaya ang anak ko ah” pansin ng ama kay Rosana.
“Naku baka inlove ‘yan tay” puna ni Nilda.
“Ate naman porke masaya inlove na agad? hindi ba pwedeng masaya lang ako dahil nagkaroon ako ng bagong Kaibigan?” paliwanag nito.
“Oo nga naman Nilda anak Hindi porke masaya ang isang tao ay inlove na agad” pagtatanggol ng ama sa kanyang bunso.
“Basta lagi ko lang kayong pinapaalalahan mga anak, okey lang na magmahal kayo pero magtitira kayo para sa sarili ninyo. Mahalin ninyo muna ang sarili ninyo upang sa ganoon hindi kayo masyadong masaktan kung sakaling magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan at maghiwalay."
" Ngunit mas maganda kung ang mamahalin niyo ay isang lalakeng mamahalin talaga kayo at hindi kayo sasaktan” payo ng ama nila.
“Naku tay basta ako ikaw lamang ang nag iisang lalake sa buhay ko” wika ni Rosana. “Hindi po ako magboboyfriend ni mag aasawa” dugtong pa nito.
“Hindi naman pwedeng ganoon anak, mas masaya parin kung kayo’y mag aasawa para maranasan niyo naman ang magmahal at mahalin” paliwanag ng ama.
“Bakit itay andiyan naman kayo ni ate nagmamahal sa akin, saka ayokong maranasan iyong nangyari sainyo ni Inay” malungkot na wika ni Rosana.
“Ayan na naman tayo” untag ni Nilda kumain na nga lang kayo ang dadrama ninyo.
“Basta ako mahal na mahal namin ni Jerome ang isat isa! sigurado na ako sa kanya na siya na ang makakasama ko habang buhay” ani Nilda.
“Kaya ikaw Rosana bahala ka sa buhay mo kung magpapakatandang dalaga ka kagaya ng amo mo” sabay hagikgik na wika ng panganay.
“Hindi ninyo kailanman matitikman ang luto ng Diyos” sabay biro nito.
At nagkatawanan nga ang mag aama habang kumakain.
Napapansin Ni Rosana na tumataba ang ate niya dahil napapalakas itong Kumain. Nagkibit balikat na lamang ito at nagpatuloy sa pagkain.