Chapter 1

1874 Words
Hindi malaman ni Rossana kung iiyak sya o matutulala nalang sa nakikita niya ngayon. Lahat ng pinaghirapan nilang magkapatid ay nawala ng isang iglap lang dahil sa nangyaring sunog kahapon. Nasa trabaho silang pareho ng ate niya ng mangyari ang sunog kung kaya kahit isang gamit wala manlang silang nailigtas. Salamat sa tatay nilang lasinggero dahil wala na siyang inatupag kundi maglasing kasama ang mga barkada niya sa kanto. Nakatira lamang kasi sila sa isang squatters area kung kaya pag nagkasunog damay lahat. Nagpapasalamat nalang sila at hindi nakauwi ang tatay nila ng mga oras na iyon ng lasing kundi kasama pa itong naabo sa sunog. " Hoy Rosana ano tutunganga ka nlang ba diyan? Tulungan mo naman ako dito", utos ng ate ni Rosana na si Nilda habang nagtitingin tingin ng mga mapapakinabangan pang gamit sa nasunog nilang bahay. Hindi malaman ni Rosana kung ano ang dapat niyang gawin dahil kahit gusto man niyang tumulong ay nanlalambot siya dahil sa sinapit nila. "Ate Nilda paano na tayo niyan? Lahat ng pundar natin natupok. Ano pa mapapakinabangan natin ngayon?" "Naku tumigil tigil ka nga diyan Rosana tatagan mo loob mo gamit lang yan kaya pa natin bilhin ang mga nawala saatin. Magsikap lang tayo uli at maibabalik din yan" saad ni Nilda. "Kung bakit kasi hindi na nagbalik si Nanay, dapat sumama na tayo sakanya noon pang nilayasan niya si tatay." reklamo ni Nilda. "Ate wag ka ngang magsalita nang ganyan ikaw lang din ang nagsabi na tatagan natin ang loob natin, tapos nakakapagsalita ka ng ganyan? Paano naman si itay kung sumama tayo noon kay nanay?" sagot ni Rosana. "Oh siya tulungan mo na ako maglinis dito at nang maayos ni tatay ang bahay. Kung hihintayin pa natin ang tulong ng munisipyo ay baka sa isang buwan pa tayo may matutuluyan" ani Nilda. Parehas nakapagtapos ng kolehiyo si Nilda at Rosana kung kaya kahit papaano ay hindi nila problema ang gastusin sa bahay nila.Nakapagtapos si Nilda ng Commerce at napasok siya sa isang opisina samantalang si Rosana ay tapos ng HRM (Hotel and Restaurant Management). Ngunit mas pinili niyang mamasukan sa isang maliit na restaurant bilang pagkuha daw muna ng experience. Kahera siya dito at pinagkakatiwalaan siya ng may ari ng restaurant na si Miss Olivia kaya kahit gusto niyang maghanap ng Ibang trabaho para sa mas malaking sahod ay hindi niya maiwan iwan ito dahil bukod sa pinagkakatiwalaan siya ay talaga nga namang napakabait ng matandang dalaga na ito. Madami na rin ang naitulong nito sa pamilya ni Rosana lalo na nung nagkasakit ang itay nitong si Mang Lando. Isang linggo din ang nakalipas bago maayos ang bahay nila Rossana, naayos ito sa tulong din ng mga kaibigan ni Mang Lando. Sama-sama silang gumawa. Masisipag naman silang magtrabaho basta may kapalit na alak. Ganon na talaga ang epekto ng alak DA kanila.Tuwang-tuwa sila nang matapos na ang bahay nila Mang Lando. "Paano ba yan Lando tapos na natin ang bahay niyo. Mamaya happy happy na naman tayo" Sambit ni Mang Kanor na kaibigan ni Mang Lando. "Wag kang mag alala Kanor at maya maya lang ay andiyan na ang anak kong si Nilda para sa sahod natin" at nagkatawanan ang magkakaibigan. Sakto namang parating si Rosana galing trabaho nung makitang tapos na pala ang bahay nila at nagkakatuwaan nalang ang mga kaibigan ng itay niya. "Aba itay tapos na pala ang bahay natin pwede na pala tayong matulog ngayong gabi dito." natutuwang sambit ni Rosana. Pansamantala muna kasing nagrenta ng isang maliit na bahay sila Rosana sa malapit na kanto habang inaayos pa nila ang kanilang bahay. "Oo naman anak pwedeng pwede na tayo lumipat dito.Mamaya sabihan mo ang ate mo at umuwi agad at huwag na muna silang maglakwatsa ng nobyo niyang si Jerome sabihan mong lilipat na tayo saka hinihintay kamo ng mga kaibigan ko ang bayad sa paggagawa. Nauuhaw na daw sila." sabay tawanan ang magkakaibigan. "Naku ang itay wala nang inatupag kundi mag lasing." napapailing na saad ji Rosana "Wag kana nga kumontra anak, 'yan nalang ang libangan ng itay mo eh. Tapos kona kayong pag- aralin ng ate mo kaya nagpapahinga naman nalang ako ngayon." alam mo naman yun,kunwang nagpapaawa si Mang Lando kay Rosana. "O siya sige na itay wala na akong sinabi. Ti-next ko na si ate, mamaya nandiyan na 'yon. Punta muna ako sa apartment at ililigpit kona ang mga ililipat nating mga gamit." Baling ng baling sa higaan si Rosana dahil hndi siya makatulog samantalang ang ate Nilda niya ay kanina pa naghihilik. Dalawa ang kwarto nilang pinagawa sa munting bahay nila ngunit binigay nila sa itay nila ang isa para naman hindi sa sala ito natutulog kung kaya magkasama sila sa kwarto ng ate niya. Dahil hindi makatulog ay lumabas ng kwarto si Rosana upang magtimpla ng gatas. Paglabas ng pinto, nakita niya ang kanyang itay na nasa lamesa na may nakaharap paring bote ng alak at umiinom mag isa. Akala niya tulog ito dahil maaga namang nagsiuwian ang mga kaibigan niya kanina. Nakatulala ang itay niya habang tinititigan ang isang larawang hawak hawak niya at nakita ni Rosana kung sino ito. "Namimiss nyo ba siya itay?" lapit ni Rosana sa ama. Napalingon si Mang Lando habang malamlam ang mga mata at tumango. "Miss na miss kona siya anak kahit sabihin mong iniwan niya tayo, hindi parin mawawala ang pagmamahal ko sa kanya" ang tinutukoy nito ay ang kanilang ina. "Kumusta na kaya siya itay?Hindi ba kayo nagkaroon ng hinanakit manlang sa inay nung iniwan niya tayo?" kuryosong tanong no Rosana. "Naiintindihan ko ang nanay mo anak, ginawa lang niya iyon dahil sa hirap ng buhay kaya't hindi ko siya masisisi." Muling nagbalik tanaw si Mang Lando sa nakaraan. "Lando ano ang gagawin natin inaapoy ng lagnat si Nilda! Paano natin siya dadalhin sa ospital? Wala manlang tayong pera" wika ni Susan sa asawa. "Huwag kang mag alala Susan magdedelihensya ako ng pera" at umalis nga si Lando para maghanap ng pera. Pagdating ni Lando sa bahay, nakita niyang umiiyak si Rosana dahil siya lang mag isa sa bahay. Wala ang kanyang ina pati ang may lagnat na si Nilda. "Asan ang inay mo at ang ate mo anak?" tanong ni Lando. "S-sundo nanay..ate sakyan." humihikbi at pautal-utal na kwento ng batang si Rosana. Maya-maya dumating ang kapitbahay nilang si Aling Pasing at kinuwento kung sino ang sumundo sa mag ina niya. "Lando biyenan mo pala yung sumundo sa mag ina mo? Malihim pala kayong mag asawa ha! May kaya pala ang napangasawa mo! Pinabilin nga pala ni Susan na huwag mona daw siyang hanapin at magpapahatid nalang daw siya pauwi. Hindi naman daw siya pababayaan ng Mama niya." Hindi nalang umimik si Lando sa mga sinabi ni Aling Pasing. Dalawang araw ang lumipas hinatid nga si Susan ng kanyang ina at magaling na si Nilda. Limang taon na noon si Nilda at tatlong taon naman si Rosana; kung kaya malinaw na sa isip ni Nilda ang mga nangyari nung mga panahong iyon. Pagbaba palang ni Susan at Nilda sa kotseng puti ay sinalubong na agad sila ni Lando. Hindi na bumaba ng sasakyan ang ina ni Susan dahil ayaw niyang makita si Lando. Dati pa'y ayaw na ng ina ni Susan kay Lando dahil siya'y mahirap lamang at isa lamang itong construction worker, kaya galit na galit ito nang itanan si Susan. Bago umalis ang sasakyan ay binaba muna ng Doña ang bintana ng kotse at tinawag si Susan at sinabi," Pag isipan mong mabuti ang sinasabi ko sayo anak" at tumango lamang si Susan bago pinaalis ang sasakyan. Naguguluhan man si Lando ngunit hindi niya ito pinansin dahil sa sabik sa mag ina. Kinarga agad bi Lando ang anak na si Nilda. "Kumusta naba ang panganay ko magaling kana ba?" ang tanong ng ama. "Magaling na po ako itay kasi masarap ang mga pagkain at ang laki ng hospital na pinagdalhan sakin ni lola,"wika ng bata. "Halika na anak pasok na tayo sa loob." bigla namang bawi ni Susan sa anak. "Anak, puntahan mo na ang kapatid mo at maglaro na kayo." utos kay Nilda. Nagkatinginan ang mag asawa at tila nangungusap ang mga mata ni Lando, "Pwede ba tayo magusap Susan?" "Oo kailangan talaga nating mag usap Lando. Tara sa loob at wag dito, pinagtitinginan tayo ng mga kapitbahay." at pumasok nga sa loob ng bahay ang mag asawa at nagusap ng sarilinan. " Anong ibig mong sabihin Susan? sawa kana sa hirap? Kaunting pagsubok palang pero sumusuko kana? Anong ibig mong sabihing makikipaghiwalay kana saakin? Hindi mo naba ako mahal?" mangiyak ngiyak na sambit ni Lando. "Mahal kita Lando, pero hindi sapat ang pagmamahal para mabuhay tayo. Hindi sapat ang kakarampot mo lang na kinikita sa construction. Kung hindi pa tumulong si Mama ay hindi ko maipapagamot si Nilda." "At sinusumbat mona sakin ngayon ang ginawa ng Mama mo Susan?" napalakas nang boses si Lando "Binigyan moba ako ng pagkakataong gumawa ng paraan para maidala siya sa ospital? diba sinabi ko hinatayin nyo ako at gagawa ako ng paraan? ano ang ginawa mo? hindi mo ako hinintay at nagpatulong ka agad sa Mama mo. Lalo mo akong ginawang walang kwenta Susan!" galit na si Lando habang humihikbi naman si Susan. "Kaunting problema takbo ka agad sa Mama mo? akala ko hanggang sa huli kakayanin natin?" "Lando intindihin mo naman ako! ayoko na lumaki ang mga anak natin sa hirap!Gusto ko kung ano ang nakasanayan ko ay ganun din ang maranasan nila." paliwanag ni Susan. "Ang sabihin mo ikaw! hindi mo kayang mawala sayo kung ano ang nakasanayan mo! sige kung yan ang gusto mo sige umalis ka! bumalik ka sa Mama mo pero wag na wag mo isasama ang mga anak ko!" nagpupuyos sa galit na sambit ni Lando. "Pero Lando!", sigaw ni Susan. "Anak ko din sila!" "Kung gusto mong sumama sa Mama mo pinapalaya na kita. Pero wag na wag mo sila isasama, magkakamatayan na kung gagawin mong isama sila." pagbabanta ni Lando. Walang nagawa si Susan kundi umalis mag-isa kinabukasan na hindi kasama ang mga bata. Sinundo uli siya ng kanyang Mama. Pero bago umalis, nangako si Susan kay Nilda at Rosana na babalikan niya ang mga ito at kukuhanin. Yakap yakap ni Nilda si Susan at ayaw bumitiw sa ina habang umiiyak, samantalang umiiyak din si Rosana habang karga ng kanyang ama. Walang nagawa si Nilda kundi mag-iiyak na lamang. Lumipas ang mga taon na walang balita kay Susan. Samantalang kumayod naman ng doble si Lando para lamang matustusan ang pangangailangan ng mga anak lalo na sa pag aaral. Si Nilda ang higit sa lahat ang umasa sa kanyang ina na babalikan sila kung kaya magpahanggang ngayon ay umaasa parin ito na babalik ang ina. Nakatapos ang magkapatid dahil sa sipag at tiyaga ni Lando. Ginagawang araw ni Lando ang gabi masuportahan lamang ang pag aaral ng magkapatid, lalo na nang tumuntong sila sa kolehiyo. Nagugulat naman si Lando na kada magbabayaran ng tuition ang magkapatid sa Unibersidad na kanilang pinasukan laging mayroon na daw nagbayad dito. Binayaran na daw ito nang isang organisasyong tumutulong sa mga kapos sa pambayad, kung kaya laking pasasalamat niya at may mga ganoong organisasyong tumutulong sa pamantasan. Kaya nakatapos ang magkapatid dahil narin sa sipag nilang mag aral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD