Maaga pay pumasok na si Rosana sa trabaho.Naabutan niya ang sasakyan ni Miss Claire sa kanilang labasan,nagulat ito ng makita ang babae na naghihintay sa kanya.
"Miss Claire!tawag niya sa babae.Ano at nandirito po kayo sa ganito kaaga?"
"Nais ko sanang sunduin ka Rosana,gusto kong makabawi saiyo",ani Miss Claire.
"Hindi niyo naman po dapat gawin iyon napakadami niyo na nga pong naitulong sa akin simula pa noon",hiyang sagot nito.
"Ganito talaga ako hija kaya hayaan mona ako,sumakay kana at ihahatid na kita sa trabaho mo."
"Isko sa Olivias Best" ,utos ni Miss Claire sa driver nito.Walang nagawa kundi sumakay na lamang si Rosana sa sasakyan ni Miss Claire.
Tinanong ni Miss Claire kung kumusta ang lakad niya noong Sabado.
"Kumusta ang naging lakad mo noong Sabado?"Ngumiti lang ang dalaga pero halata ni Miss Claire na hindi maayos ang naging resulta ng lakad niya.
"Okey lang naman po",iwas nito.
"May problema ba?Maaari mo naman sa akin sabihin ang lahat,ituring mo akong para mo nang isang tunay na Ina,makikinig ako hija."Sambit nito.
"Ayos lang po talaga ako Miss Claire",pilit nito.
Hindi nalang kumibo si Miss Claire,ayaw naman niyang pilitin ang dalaga pero halata niya na may iniisip ito.
Lunes....alam ni Giovanni na madadaanan uli niya si Rosana na naglalakad malapit na sa resto.Simula nang maganap ang birthday party ng Mama niya ay hindi pa nagtetext si Rosana sa kanya.Hindi naman nag text ang binata dahil baka lalong magalit ang dalaga sa kanya,gusto niya itong kausapin ng personal.
Sa harapan ng restaurant nakita ni Giovanni na pababa si Rosana sa isang white fortuner.Kumunot ang noo niya pagkakita rito.
"At may naghahatid pala sa kanya?may boyfriend na ba siya?"tanong nito sa sarili.
"Giovanni Monte Verde ngayon ka lang nainlove ng ganito ngunit sa maling babae pa ata",sita niya sa sarili.
Nakaramdam ng kirot sa puso ang binata dahil sa kanyang nakita.Hindi man niya nakita kung sino ang naghatid sa dalaga,ramdam niya na mahalaga ito sa dalaga dahil pagkababa ni Rosana sa sasakyan ay maluwang ang ngiti nito habang nagpapaalam sa naghatid sa kanya.
Pagkaalis ng sasakyan ni Miss Claire ay natanawan ni Rosana na nakahinto ang sasakyan ni Giovanni katapat ng resto sa di kalayuan.Nakita niyang nakakunot ang noo ng binata.Walang anu ano ay umalis narin ito pagkakita sa kanya.
"Ano naman ang problema ng lalaking iyon?Hindi yatat ako ang dapat magdamdam sa kanya dahil sa ginawa niya?mukhang tila siya pa yata ang galit?"pansin ng dalaga.
Hindi na inabala ni Rosana ang sarili sa pag iisip tungkol Kay Giovanni,sa halip nagpakabusy siya sa trabaho.
Pipito pito si Gerald habang siyay naglalakad papasok sa opisina,naabutan niya si Giovanni sa table nito na nakatutok sa paperwork pero malalim ang iniisip at tila hindi maipinta ang mukha.
"Sir may hindi ba kayo nagustuhan sa mga proposals natin?"bungad nito.
Nilingon niya ang sekretarya at hindi umimik.Tila napahiya si Gerald kaya dumiretso na lamang ito sa kanyang lamesa.
"Mukhang malaki ang problema ngayon nitong si Sir ah ni hindi manlang ako sinagot,buti na lamang at maganda ang mood ko ngayon dahil kay Ana my love hihi",ngiti ng LAlake.
Bago mag lunch ay may dumating na bisita si Giovanni.Bigla na lamang pumasok ito sa office ng binata.
"Hi Giovanni darling!"sabay upo sa kaharap na upuan ng table ni Giovanni si Trixie.Natulala si Gerald habang nakatingin sa bisita ng boss,manaka ba naman kasi ang suot nito ay kulang na lang nakahubad..kapirasong tela lamang ang bumabalot sa katawan nito.Naka mini skirt na red at white hanging blouse,bagay na bagay ito dito sapagkat maputi ito,kunti nalang ay labas na kaluluwa nito.
"May tinatago palang magandang babae itong si Sir",sa loob loob ni Gerald.
"Not now Trixie!bungad ng binata dito.I have so many paper works to do."
"Kahit kailan ang Kj mo Giovanni,I just want you to join lunch.Hindi naman siguro masama iyon Diba?pilit ng dalaga.Besides nagpaalam ako kay Tito Franco to disturb you,pagbigyan mona ako tutal kadarating ko lang."
Walang nagawa si Giovanni kundi magpatianod sa gusto ni Trixie,tutal nagugutom na din naman na siya.
"Okey fine let's have lunch",napipilitang wika nito.Ibinilin muna ni Giovanni kay Gerald ang naiwang trabaho.Hindi kasi niya alam kung makakabalik pa ba siya sa trabaho after mangulit ang kababata niya.Sigurado bukas na siya makakabalik.
"Gerald please check all the papers,bukas ko na lamang irereview ang mga iyan",bilin nito.
"Halfday lang kayo Sir?"usyoso nito.
"Malamang hindi pa ako agad makakabalik nito",paliwanag ng binata.
"Sa ganda ba naman ng kasama niyo malamang nga Sir",ngiti nito.
Tumingin ng masama si Giovanni sa sekretarya
"Shes only my friend okey?"sita nito.
"Sabi niyo nga po eh,bulong ni Gerald.Sige po ako na po ang bahala sa lahat."
"Giovanni let's go!"inip na aya ni Trixie habang hinihila ang braso ng binata.
"Enjoy Sir!"nakakalokong wika ni Gerald dito.Hindi na lamang pinansin ni Giovanni ang sekretarya.
Habang papalabas na ang kotse ni Giovanni,tinanong niya si Trixie kung san niya gusto kumain.
"Lets go to my friends place,masarap ang pagkain doon 5minutes andun na tayo",suhestiyon ng dalaga.Hindi pa man sumasagot ang binata ay nagbago na ang isip ni Trixie.
"Lets go eat there!Sabay turo sa madadaanan nilang resto,ang Olivias Best.I think masarap diyan?"tanong nito.
Sa totoo lang ay nakita ni Trixie si Rosana sa loob ng resto kaya bigla bigla ay doon siya nag aya.
Tumango na lamang si Giovanni bilang pagpayag.
Nasa office ni Miss Olivia si Rosana nang magulat siya sa biglang paghangos ni Leslie papasok sa loob,tila ito nakakita ng multo.
"Rosana!Rosana! "humahangos na tawag nito.
"Oh napapano ka ba Leslie at nagmamadali ka?"tanong ni Rosana sa kaibigan.
"Halika sa labas tingnan mo kung sino ang costumer natin",balita nito.
"Sino naman at ganyan ang reaksyon mo?"
"Halika silipin mo Dali!"
Lumabas nga sila mula sa office at sinilip kung sino ito.
"Oh ayan nakita mo ba?"turo ni Leslie kay Rosana gamit ang kanyang nguso.Akala ko pa naman goodboy siya,iyon pala playboy din",sita ni Leslie.
Nakita ni Rosana si Giovanni kasama kumakain si Trixie.
"At dito pa talaga naglalampungan!may pasubo subo pa,naiinis na wika ni Leslie.Tingnan mo naman ang suot kulang na lang ay maghubad",dugtong pa nito.
"Leslie ano kaba costumer natin sila buhay nila iyon wala tayong karapatan pakialaman ang mga ginagawa nila",sita nito kay Leslie.
"Hindi bat nagpapalipad hangin sayo yang lalaki na iyan?iyon pala ay may girlfriend na din.May patanong tanong pa kay Miss Olivia ang pangalan mo iyon palay manloloko din."
"Wala naman siyang niloko Leslie,hindi naman siya nanliligaw sa sakin,magkaibigan lang kami",paliwanag ni Rosana.Ngunit sa totoo lang ay hindi niya malaman kung bakit nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon.
"Hala siya balik na tayo sa trabaho,wag na natin silang pakialaman baka makita pa tayo ni Miss Olivia,"iwas ni Rosana kay Leslie.
Nagbalik sa trabaho si Leslie samantalang dumiretso si Rosana sa restroom.
Masama ang loob si Rosana dahil kahit wala naman silang relasyon ni Giovanni ay nakakramdam siya ng kirot sa dibdib.Paglabas niya ng ladies room ay nabungaran niya sa labas ng pinto si Trixie na tila inaabangan siya.
Nakita ni Trixie na nakasilip sa kanila ni Giovanni si Rosana kasama ang isang babae.Mukhang sila ang pinag uusapan kaya naisip ni Trixie na maglambing kay Giovanni,sinubuan niya ng pagkain ang binata at hindi naman ito tumanggi.Namataan niyang nagpunta ng ladies room si Rosana kaya sinundan niya ito.
"Giovanni darling!punta lang ako ng ladies room",paalam nito.
Hinihintay niya si Rosana sa paglabas nito.
"Oh Hi!bati ni Trixie sa dalaga,do you still remember me?"
"I'm Trixie",Giovannis......
Hindi natapos ng dalaga ang sinasabi dahil sinagot agad siya ni Rosana.
"Hello Trixie,yes I still rememeber you!the girl on tita Esther's birthday party right?"baling nito habang nakakunot ang noo.
"Oo ako nga!Ang mapapangasawa ni Giovanni",ganting inis nito kay Rosana.
Biglang nanlata si Rosana sa narinig ngunit hindi ito nagpahalata.
"Well congratulations to both of you!",ika na lamang niya at biglang tumalikod.Sakto naman niyang nakasalubong si Giovanni patungong mens room.
"Rosana!,gulat na bati ng lalaki dito.
"Congratulations!"ang wika na lamang ni Rosana saka niya iniwan ito.Nakatulala na lamang na nag iisip si Giovanni habang paalis ang dalaga.Nakita niyang kasunod si Trixie.
"What's happened?"tanong ni Giovanni kay Trixie.
"Wala naman nagkamustahan lang kami,"kaila ng dalaga.
"Mapapangasawa?huh ang kapal naman ng mukha,bulong ni Rosana sa sarili.Akala ko friends lang daw sila?Hay naku ayoko ma stress",anang dalaga habang pinapaypayan niya ang mukha dahil nangingilid ang luha niya,ayaw niyang makita siya ng mga kasamahan niya.
Napagpasyahan ni Rosana mag file ng leave of absence kahit 1week lang para naman mawala wala ang stress niya.Tinanong siya ni Miss Olivia kung may problema ba ito.
"May problema ba hija?magsabi ka lang gagawan natin ng paraan",tanong nito.
"Wala po Miss Olivia,gusto ko lang po muna makapagpahinga para marelax.Kailangan ko lang po muna mag isip isip."
Ayaw man payagan ni Miss Olivia ang dalaga pumayag narin ito dahil nakita niyang mukhang kailangan nga ng dalaga ang makapagpahinga.
Kinagabihan ay naisip ni Giovanni na magtext kay Rosana.Nag miss call muna siya para malaman kung hindi nakapatay ang telepono nito.
May nag miss call sa cellphone ni Rosana habang siyay nakahiga,tiningnan niya ito at nag appear ang numero ni Giovanni.Nagtataka man ay hinintay niya kung tatawag ito sa kanya.
Good evening Rosana
Kumusta ka na ba?ang basa ni Rosana sa screen ng kanyang cellphone mula kay Giovanni.
Nagdadalawang isip siya kung irereply niya ang text ni Giovanni.Binaba niya ang kanyang cellphone at binalik sa kanyang ulunan.
Muling tumunog ang kanyang cellphone,nagtxt uli si Giovanni.
"Rosana,are you mad?"
Ipinasyang magreply ni Rosana.
"For what reason?sagot niya
I dont have the right to be mad at you,okey lang ako dont worry",dagdag pa nito.
Nagmamadaling basahin ni Giovanni ang reply ng dalaga.Nalungkot siya nang mabasang napaka tipid nitong magreply.
"Can we talk Rosana?"muling text niya dito.
"Giovanni please!Ano pa ba ang dapat nating pag usapan?"
Hindi alam ni Giovanni kung bakit ganoon ang sagot sakanya ng dalaga.Iniisip niya kung ano ang nagawa niya para magalit sa kanya ang dalaga.Naging aloaf sa kanya ang dalaga matapos ang birthday party ng kanyang Mama.
Hindi na nga nagreply si Giovanni matapos sumagot ang dalaga.Ngunit hindi ibig sabihin noon ay susuko na siya.Gagawa siya ng paraan para manumbalik ang dati nilang samahan,ngayon pa na napalapit na ito sa kanya.Hindi pa nga siya nagtatapat ng pag ibig niya para dito.Bukas na bukas ay kakausapin niya ito at hihingi siya ng tawad para dito.Kung kailangang lumuhod siya para kausapin siya uli ay gagawin niya.
Nang biglang maalala ni Giovanni ang sasakyang naghatid kay Rosana noong nakaraang araw.
"Hindi kaya boyfriend niya ito kung kaya umiiwas na siya saakin?Ako lang ba itong pilit na nagsusumiksik sa buhay ni Rosana?"Napaisip tuloy siya bigla.
Muli niyang napagpasyahang mag text sa dalaga.Hindi!tatawagan na lamang pala niya ito.
Nakapikit na si Rosana nang magring ang kanyang cellphone.Bumangon siya dahil baka magising ang ate nito sa tunog nito.Giovanni is on the phone,nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya o hindi.
"Ano paba ang sasabihin nito!"Lumabas siya ng kwarto at naupo sa sala.
"Gabi na bakit kapa napatawag",tanong ng dalaga.
"Rosana kung may nagawa man akong kasalanan sayo sorry!"wika ng binata sa kabilang linya.
Bumuntong hininga lang si Rosana sa sinabi ng lalaki.
"Wala ka namang ginawang kasalanan Giovanni,ayoko lamang na mapalapit saiyo kaya sana tama na na nagkakilala tayo.Ayokong makasira ng relasyon kaya ako umiiwas."Nagtaka ang binata sa sinabi ni Rosana.
"What do you mean?"naisip ni Giovanni ang naghatid na sasakyan sa dalaga.
"Iyon kaya ang ibig niyang sabihin?ayaw niyang masira ang relasyon nila ng boyfriend niya?"
Mukhang hindi pa man siya nakaka first base ay talo na agad siya,buong akala niya ay si Rosana na ang bubuo sa mga pangarap niya.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa,si Rosana ang bumasag nito.
"Giovanni!are you still there?"tanong nito
"Oo Rosana,okey I understand pasensiya kana sa istorbo.Salamat na lang sa lahat.Good bye,lagi kang mag iingat Rosana."matamlay na wika ng binata sa kabilang linya.
Nagtataka man sa winika ng binata ay nagpaalam narin si Rosana dito.
So hanggang doon nalang talaga sila ni Rosana?malungkot na ibinaba ni Giovanni ang kanyang cellphone.Hindi siya makatulog dahil sa sinabi ni Rosana kaya lumabas siya ng kwarto at kumuha ng wine.Nagsalin siya sa baso at ininom ito,naka tatlong baso siya hanggang siyay antukin.Hindi na nagawang pumasok ng kwarto si Giovanni upang matulog.Nagsapat na sa kanya ang mahiga sa sofa.
Ngayon ang unang araw ni Rosana sa pagleleave,wala siyang ginawa maghapon kundi abalahin ang sarili sa gawaing bahay,ayaw niya magisip patungkol sa binata kaya nagbabad siya sa paglilinis.Maya maya pay tumawag sa kanya si Miss Claire.
"Hello Rosana?sagot sa kabilang linya,balita ko hindi ka pumasok?Pinuntahn kita sa restaurant ang sabi nagleave of absence ka?"tanong nito.
"Opo miss Claire,gusto ko din po kasing magpahinga muna",kaila nito.Ang totooy gusto niyang iwasan si Giovanni.
"Saktong sakto pala hija ang pagleleave of absence mo,wika nito.
Aayain sana kita sa aking resort sa Pangasinan,gusto ko din sana magpahinga okey lang ba sayo?atleast doon mapapahinga ka dahil tahimik doon."
Nag isip ang dalaga,tamang tama ang paanyaya ni Miss Claire mas makakabuti sigurong lumayo layo muna siya kahit papano para maiwasan mag isip.
"Sige po Miss Claire payag po ako,kailan po ba?"
"Gumayak ka mamaya susunduin kita mga 4pm",aya nito
"Agad agad po?
"Para masulit natin ang bakasyon",tawa nito.
"Sige po Miss Claire bye",at ibinaba ang cellphone.
Nagpaalam si Rosana sa kanyang ama wala namang magagawa si Mang Lando kahit hindi siya pumayag,matanda na ang anak niya kaya marunong na ito magdesiyon sa sarili niya.
"Mag-ingat ka na lamang anak",bilin nito habang paalis na ang dalaga.
"Salamat itay,kayo mag ingat din kayo ni ate habang wala ako,huwag puro inom",bilin nito.
"Huwag ka mag alala anak ako bahala".
"Sige po mauna na ako".
"Siya nga pala anak,kahit putong Calasiao lang saka tupig pagbalik mo",habol nito sa anak.
"Si Itay talaga hindi nakalimutan ang pasalubong,sige po uuwian ko kayo ng isang sako",biro nito at umalis na nga ang dalaga.
Sa opisina nila Giovanni...
Lunchtime na,inaya ni Gerald ang amo para kumain sa Olivias Best,madalas na kasi doon si Gerald kumain kahit siya lang mag-isa dahil kay Ana,nagkakamabutihan na kasi ang dalawa.Hindi katulad ng boss niya at Rosana hindi pa man ay naputol na agad ang magandang samahan nila.
"Sir Giovanni,halika na aba stop po muna ang work",aya ng binata.
"Ikaw nalang Gerald,wala ako gana kumain saka madami ako kailangang pirmahan".
"Sige po mauna na ako sainyo,naghihintay na ang aking labidabs",wika nito habang kinikilig at excited na umalis.
Sa resto....kanina pa inaabangan ni Ana si Gerald,nang makita itong parating ay lumuwang ang ngiti sa mga labi nito.
"Uy oras ng trabaho hindi magpacharming",tuya ni Gabby kay Ana.
"Tsee!inggit ka lang diyan",sabay irap ni Ana kay Gabby.
Si Ana ang nagsilbi kay Gerald as usual para lihim na makapag usap.
"Hindi mo ata kasama ang boss mo",tanong ni Ana.
"Busy masyado wala daw gana kumain,sagot nito.Hindi ko ata napapansin si Miss Rosana simula pa kahapon?"tanong niya.
"Nagfile ng leave of absence,gusto daw muna magpahinga"
"Ganoon ba?"takang tanong ng binata.
"Saka mukhang may iniisip simula nang huling kumain si Sir Giovanni dito kasama ung isang sexy na babae.Ang sabi ni Leslie sa akin ay girlfriend daw iyon ni Sir Giovanni dahil nagsusubuan habang kumakain",paliwanag ni Ana.
"Simula nun naisipan na ni Rosana magbakasyon.Sa tingin mo nag away ba sila ni Sir Giovanni?"bulong ng dalaga sa binata.
"Hindi ko lang sure,hayaan mo mag iimbestiga ako.At isa pa hindi girlfriend iyon ni boss,kababata lang niya iyon na habol ng habol sa kanya".
Pagkabalik na pagkabalik ni Gerald sa opisina ay nagkwento agad ito kay Giovanni.
"Sir wala pala diyan si Miss Rosana,kaya pala ihindi ko siya nakita kahapon pa sa restaurant".
Biglang nag angat ng ulo si Giovanni pagkarinig sa sinabi ni Gerald.
"Bakit anong nangyari at wala siya?"
"Nagleave of absence daw pala siya,mayroon po ba kayong hindi pagkakaunawaan?"usisa nito.
"Paano mo naman nasabi yan"?tanong ni Gerald.
"Ang sabi po kasi sa akin ni labs este ni Ana simula daw po noong kumain kayo doon ng kasama niyong sexy napagpasyahan na ni Miss Rosana mag file ng leave.Balita ko nagkaroon ng something ng araw na iyon",tsismis nito.
Nag isip isip si Giovanni dahil sa sinabi ni Gerald,hindi kaya may sinabi sa kanya si Trixie kaya siya bigla nagbago ng pakikitungo sa akin?Biglang tumayo si Giovanni at iniwan ang ginagawang trabaho,nagmamadali siyang umalis sakay ang kanyang kotse.Pupuntahan niya si Rosana sa bahay nila kaiilangan nilang mag usap kahit anong mangyari,magalit na kung magalit ang boyfriend niya basta kailangan niyang ipagtapat ang nararamdaman niya.
Pagbaba pa lamang ng fortuner ay langhap na ni Rosana ang masarap na simoy ng hangin na nagmumula sa tabing dagat.Kay ganda ng resort ni Miss Claire talagang mawawala ang problema mo sa lugar na ito.Napapalibutan ang private resort ng mga puno ng buko.Pagpasok mo sa gate ng resort ay bubungad saiyo agad ang isang mini garden,makikita mo ang bawat naggagandahang orchids na nakalagay dito,mga ilang metro ang layo ng garden ay may isang malaking pool na nakatunghay sa may baybaying dagat,kitang kita mo ang view ng dagat kapag naliligo ka sa pool.Sa bandang kanan doon mo makikita ang private lounge ng resort ni Miss Claire..Up and down ito,ang terrace nito ay nakaharap din sa dagat kaya makikita mo ang sunset at sunrise kahit nasa terrace ka.Napamangha si Rosana sa lahat ng nakita niya sa villa resort ni Miss Claire..Sa bandang tagiliran ng resort ay may gate naman patungong dagat,doon ka dadaan kung gusto mo maligo doon.Mukhang mag eenjoy si Rosana sa lugar.
"Do you like the place?"tanong ni Miss Claire.
"Ang ganda Miss Claire,parang gusto kona tuloy manirahan dito kasi tahimik,malayo sa magulong lungsod"wika nito.
"Do it if you want",ani Miss Claire na ipinagtaka naman ni Rosana.
"Pwedeng pwede ka tumira dito kung gusto mo hija",sobrang bait ni Miss Claire sa kanya sa hindi malamang dahilan.
Sa lugar ni Miss Claire ay may katabi din itong resort,mga ilang kilometro din ang layo ang nasabing public resort.Bihira lang ang mga pumupunta sa lugar dahil malayo din ito sa kabayanan,hindi pa ito masyadong nadidiscover kaya kunti pa lamang ang nakakaalam nito.Kaya pala sa may tabing dagat ay may namataan si Rosana na pailan ilang naglalakad.Magboyfriend siguro iyong nakita niya kanina o kaya bagong kasal na sa kabilang resort nag hohoneymoon.
"Manang Ising!"tawag ni Miss Claire sa matandang tumatao sa kanyang resort habang papasok sila sa villa house ng resort.Sinalubong sila ng matanda na nagmamadali.
"Naku pasensiya na po Maam nagluluto po kasi ako nang hapunan sa kusina kaya hindi ko kayo napagbuksan ng pinto",paliwang ng matanda.
"Asan po si Mang Juanito?papababa ko lang po ung mga gamit sa sasakyan".
Naku hindi pa po dumarating hanggang ngayon,pinabili ko lang po kasi muna sa bayan ng panangkap sa lulutuin ko,naubusan po kasi tayo.Maya maya ho nandiyan na iyon,mamaya nalang po maibaba mga gamit niyo".
Eto nga po pala si Rosana ang aking pamang......napalingon si Rosana,ang aking paboritong kaibigan",bawi ni Miss Rosana na muntik ng madulas.
"Rosana siya si Manang Ising",ang katiwala dito.
"Magandang hapon po Manang Ising",bati ni Rosana.
"Magandang araw naman hija".Kamukha po siya ni Ma'am....
"Ah Manang Ising mukhang nasusunog na po ata niluluto niyo?"pag iiba ni Miss Claire sa usapan.
"Ay oo nga po pala pasensiya na po maiwan ko po muna kayo dito",nagmamadaling paalam ng matanda.
"Halika na hija ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo".Iginiya ni Miss Claire si Rosana sa may second floor ng villa.Ang luwang ng kwarto,tingin niya ay singlaki na ito ng buong bahay nila.
"Magpahinga ka muna ipapatawag na lang kita maya maya kapag maghahapunan na,feel at home,wika nito.Hintayin mo nalang at iaakyat mamaya ang mga gamit mo".
"Salamat po Miss Claire".
"Isa nga pala sa ipapakiusap ko saiyo Rosana,wag mona ako tinatawag na Miss Claire,tawagin mo na lang akong tita,mas komportable ako sa ganoong twag mo sa akin",ngiti nito.
"Sige po tita Claire"sang ayon nito.
Isinara ni Claire ang pinto at hinayaang makapagpahinga si Rosana.
Binuksan ni Rosana ang sliding door papuntang terrace,sumagi sa mukha niya ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling mula sa dagat,ang sarap ng pakiramdam niya sa pagkakataong iyon.Papalubog na ang araw dahil mag aalas sais na noon ng hapon,naupo siya sa kama at pinagmamasdan ang paglubog ng araw.Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kwarto at namangha siya sa ganda nito.Biglang nahiga si Rosana sa maluwang at malambot na kama,hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya dahil sa pagod sa biyahe.Mabilis lang naman ang naging byahe nila wala pa ngang dalawang oras,ngunit pakiramdam niya ay ang layo ng binyahe nila.Nagising na lamang siya nang may kumatok sa pinto.
Napasarap ang tulog ni Rosana,tiningnan niya ang pambisig niyang orasan.Mag aalas siyete na pala,halos mag iisang oras din pala siyang nakaidlip.Napagbuksan niya sa may pintuan ang isang matandang lalake na medyo mataba at may kaliitan,marahil ito si Mang Juanito.Bitbit ang maleta niya.
"Maam Rosana ito na po ang inyong gamit halina po kayo pinapatawag na po kayo ni Maam Claire para maghapunan",bigay galang ng matanda.
"Maraming salamat po Mang Juanito?"
"Opo Juanito po Maam".
"Sige po Mang Juanito susunod na po ako".
"Sige po Ma'am."
Ipinasok ni Rosana ang kanyang maleta sa kwarto bago sumunod kay Mang Juanito.
Nadatnan ni Rosana si Miss Claire sa dining area nakaupo na ito at hinihintay siya.Ang haba ng dining table ngunit dalawa lang silang kakain,samantalang sa bahay nila ay lamesang apatan lang ang kanilang gamit kaya minsan kapag nakikikain si Jerome sa kanila ay saktong sakto lang sa kanila ang lamesa minsan pa nga ay hindi pa sila kasya.
Nalula siya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa.May bulalo ,sugpo at alimango,may inihaw na bangus din at talong.
"Naku Tita feeling ko tataba ako dito kapag laging ganito ang ulam,biro nito.Mukhang masisira po ang diet ko".
"Tingin ko naman ay hindi ka tabain hija, okey lang kumain ng kumain,ayokong magpapagutom ka".
Nagpasalamat si Rosana sa sobrang bait ni Miss Claire sa kanya.
Pagkakain ay inaya ni Miss Claire si Rosana sa may pool area para makapagpahinga at magpababa ng kinain.Nagpakuha si Claire ng wine kay Manang Ising.Habang nagkukwentuhan ay umiinom sila ng wine.
"Magkwento naman po kayo tita about sa family niyo",pag iiba ni Rosana sa usapan.
"May asawa po ba kayo?tanong nito.Nasaan po ang pamilya niyo?"
Sumipsip muna nang kaunting wine si Claire bago ito nagkwento.
"Dalawa lang kaming magkapatid na babae,ako ang bunso.Maagang nag asawa ang ate ko dahil na in love siya hindi niya inisip ang magiging sitwasyon niya kahit alam niyang mahirap lamang ang napangasawa niya.Nagtanan siya kaya galit na galit sa kanya si Mama."
"High School pa lamang ako noong nagtanan si ate habang kasalukuyan siyang nag aaral ng kolehiyo."
Nakatitig lamang si Rosana habang pinapakinggan ang kwento ni Miss Claire.
"Kaya nagalit si Mama sa kanya dahil may sakit sa puso ang ate,hindi niya ito kayang tikisin kaya sinubaybayan na lamang niya ito mula sa malayo.Construction worker lang kasi ang napangasawa ng ate kaya nag aalala ang mama na baka hindi makayanan ng ate ang hirap ng buhay.Hindi tanggap ni Mama ang napangasawa ng ate sapagkat mahirap lang ito".
"Nagkaroon sila ng dalawang magagandang anak kaya kahit papano ay natuwa si Mama pero hindi parin niya matanggap ang lalake dahil ayaw parin umuwe sa amin ni ate.Masaya daw siya sa sitwasyon niya kaya hinyaan na lamang siya ng Mama."
"Hanggang isang araw!"
Huminto sa pagkukuwento si Claire at nangingilid ang luha.Napansin ito ni Rosana kaya iniba na lamang niya ang usapan.
"Eh kayo po ba Tita may asawa at anak?"
"Hindi kona nagawang magkaroon ng sariling pamilya,masaya na ako kung ano ang misyon ko sa buhay.Masaya na ako na tinutulungan kita hija",sabay himas sa pisngi ng dalaga.