Tinatawagan ni Giovanni ang number ni Rosana ngunit walang sumasagot sa kabilang linya.
Nang makarating siya sa may labasan nila Rosana ay tinawagan niya uli ito ngunit unaattended na ang numero.
Gumawi ang binata sa looban nila Rosana,pupuntahan na lamang niya ito sa bahay nila.
Sarado ang bahay nila Rosana ngunit tumawag parin si Giovanni.
"Tao po"?tawag ng binata ngunit walang sumasagot.
Nang wala paring lumalabas ng bahay para pagbuksan siya ay napagpasyahan na lamang umuwe ni Giovanni.
Pahakbang na sana siya ng makasalubong niya si Mang Lando,may dalang supot ng pandesal habang pauwe.
"Hijo ikaw pala,gulat nito,bakit ka naparito?"tanong nito.
"Halika pasok ka muna",aya niya sa binata.
Sumunod si Giovanni.
"Maupo ka muna Hijo at ipagtitimpla muna kita ng kape".
"Naku huwag na po kayong mag abala Mang Lando".
"Sus anong huwag,hintayin mo ako at magtitimpla ako ng para sa atin".
Habang inaabot ni Mang Lando ang kape ay palinga linga si Giovanni.
"Hinahanap mo ba si Rosana Hijo?"tumango ang binata.
"Abay hindi ba sinabi saiyo na nagbabaksyon siya ngayon?"paliwanag nito.
"Ganoon po ba?hindi po ba nasabi sainyo kung saan siya magbabaksyon?"
"Eh ang pagkakaalam ko Hijo sa isang private resort sa Bolinao Pangasinan siya pumunta kasama ang kaibigan niya."
"Hindi ko lang alam ang eksaktong lugar.Bakit may kailangan kaba sa anak ko Hijo?"tanong nito habang nagsasawsaw ng pandesal sa kape nito.
"May importante po sana akong kailangan sabihin sa kanya".
"Pasensiya kana anak at hindi kita masasagot,baka pwede mo nalang tanungin ang mga kasamahan niya sa trabaho baka sakali nalalaman nila".
"Wala pa naman ang aking panganay para mapagtanungan natin."
"Okey lang po Mang Lando salamat nalang po sa abala,mauna narin po ako."
"Salamat po sa kape."
"Walang anuman Hijo bumalik ka kahit anong oras."
At nagpaalam na nga ang binata.
Plano ni Giovanni na kausapin si Gerald para magpatulong makausap si Ana baka sakali kasing alam niya kung saan mismo lugar nagbakasyon si Rosana.
Pahiga na si Rosana nang magtext sakanya si Ana.
"Kumusta kana girl?kumusta ang bakasyon mo".
"Heto gumagaan ang pakiramdam sa ganda ng paligid".
"Aba at talagamg nag bakasyon engrande nga ang gaga!"kunway walang alam na si Ana.
"Bakit nasaan ka ba ngayon?ang daya mo hindi ka manlang nag aya."
"Inaya lang din ako ni Tita Claire dito sa kanilang resort dito banda sa Pangasinan",text nito.
"Naku kainggit ka naman girl,maganda ba talaga diyan?"
"Ay sobra mukhang ayoko na nga umuwe eh hehe",sabay may kalakip na happy face na emoticon sa text message.
"Talaga ba?Saan ba mismo yang lugar na yan, wala bang public resort na malapit diyan?"
"Meron katabi lang ng resort ni Miss Claire ang Heavens Resort."
"Ano ba ang exact location ng Heavens Resort sis?"kunway tanong ni Ana
"Minsan nga makapunta diyan sa Heavens Resort na yan,ayain ko si Gerald."
"I smell something fishy ah,tudyo ni Rosana.Google map mo lang sis makikita mo exact location."
At hindi na nga nagreply si Ana matapos makuha ang saktong location ni Rosana,iyon pala ay magkatext din si Ana at Gerald nagbabalitaan.
Pinakiusapan kasi siya ni Gerald na tanungin kung nasaan si Rosana para kay Giovanni.
Tinext ni Ana ang buong detalye kay Gerald,samantalang tinext naman ni Gerald si Giovanni.
Sa wakas nalaman na ni Giovanni kung saan niya mahahanap si Rosana.
Bukas na bukas ay bibyahe siya patungong Bolinao Pangasinan para makausap ang dalaga.
Madaling araw pa lamang ay gumayak na si Giovanni patungong Bolinao Pangasinan,sa Heavens Resort.
Maaga pa ay nakarating na ang binata sa Heavens Resort,at nagcheck in ito.
Bago makarating ng Heavens Resort ay nadaanan niya ang isang maliit na Villa Resort,marahil ito ang resort na kinaroroonan ni Rosana sapagkat natanawan niya ang puting fortuner na naghatid kay Rosana noon.
Nahihiwagaan si Giovanni kung sino ang may ari noon baka makagulo lang siya sa relasyon ng dalawa kung boyfriend nga niya ito.
Hindi siya nawalan ng pag asa basta ipagtatapat niya ang nararamdaman niya para sa dalaga.Bahala na kung irereject siya nito.
Pinili ni Giovanni pumuwesto sa kwartong nakaharap sa dagat.
Nagshower muna siya bago siya nagpasyang maglakad lakad sa tabing dagat,maaga pa naman kaya hindi pa masakit ang tama ng araw sa balat.Magbabakasakali siyang makikita niya sa tabing dagat si Rosana.
Nakarating sa tapat ng Villa si Giovanni ngunit hindi niya nakita roon ang pakay niya,marahil ay tulog pa ito.
Tinanghali ngang bumangon si Rosana sa kama,ang sarap ng naging tulog niya matapos silang magkuwentuhan ni Miss Claire.
Napabalikwas siya ng tayo,alas otso na pala ng umaga.Hindi siya ginising ni Miss Claire para makapagpahinga ito ng mabuti.
"Naku nakakahiya tinanghali ako ng gising."
Bago bumaba ay naligo muna ito.Pagbaba niya ay naabutan niya si Miss Claire sa may veranda nagbabasa ng diyaryo.
"Oh Hija gising kana pala,mukhang napasarap ang tulog mo."
"Oo nga po tita,akala ko nasa bahay ako nakalimutan ko nasa ibang bahay pala ako,"kamot nito sa ulo.
Natawa tuloy ng bahagya si Claire sa inasta ni Rosana
"Anong oras na mag almusal kana muna Hija",alok nito
"Sandali at tawagin ko si Buena"
Si Buena ay apo ni Manang Ising at Mang Juanito na nag aaral ng kolehiyo sa bayan.Wala itong pasok ngayon.Pinag aaral siya ni Miss Claire ng kolehiyo bilang tulong narin sa matagal nang serbisyo ng mag asawang matanda sa resort.
Ulilang lubos na ang apo ni Manang Ising,si Belinda ang ina nito kaisa isang anak nina Manang Ising at Mang Juanito.Namatay ito pagkapanganak kay Buena.Nabuntis sa pagkadalaga si Belinda kaya walang kinilalang ama si Buena.Mabuti na lamang at mabait si Miss Claire sa pamilya nila.
"Buena!"twag ni Claire sa dalaga.
"Ano po iyon Tita Claire?" humahangos na tanong ni Buena palapit sa amo.
"Pakidalhan nga si Rosana dito ng almusal",utos sa dalaga.
"Naku huwag na po tita ako na lang po ang pupunta sa kusina",tanggi ni Rosana.
"Buena siya nga pala si Rosana,ang bisita natin".
"Rosana siya naman si Buena apo ng dalawang matanda".
Nginitian ni Buena si Rosana ganun din naman ito.
"Dalhan na kita ng almusal mo Miss Rosana",alok ng dalaga
"Naku huwag kana mag abala Buena,ako nalang gagawi mamaya sa kusina,wika nito.
"Saka Rosana nalang huwag mo na lagyan ng Miss,masyado namang formal saka mukhang hindi naman tayo nagkakalayo ng edad",sabay ngiti dito
"Kape nalang Mis...este Rosana pala",sabay bawi sa pagtawag ng Miss
"Sige Buena kape nalang,Salamat"
At kumuha na nga ng kape si Buena.Nang madala ni Buena ang kape ng dalaga ay kinausap siya ni Claire.
"Buena Hija maari mo bang ipasyal mamayang hapon itong si Rosana sa dalampasigan?"pakiusap ni Claire.
"Sige po tita wala pong problema."
"Salamat Hija"..Tumango si Buena sa amo
"Oo nga po pala tita pinapatanong ni Lola kung ano daw po gusto niyong tanghalian para mamaya?para daw po maigayak ni lola at makabili sa bayan",tanong ni Buena.
"Pakisabi ipagluto niya ako ng paborito ko",pahayag ni Claire.
"Makakarating po", at tumalikod na nga ang dalaga.
Kinahapunan ay inaya nga ni Buena si Rosana sa tabing dagat para maglakad lakad.
Nagsuot si Rosana ng White shorts at red tshirt na loose saka siya nag tsinelas.
Pagkababa sa hagdan ay tuwang tuwa sa kanya si Buena.
"Napakaganda mo talaga Rosana",puri nito.
"Naku hindi naman masyado,hiyang tanggi nito.
Kahit babae ang pumuri sa kanya ay hindi parin maiwasan ni Rosana ang mahiya dahil sa pagkakatitig ni Buena sa kanya.
"Halika na nga,ikaw din naman maganda eh",bawi nito.
"Ikaw pa lang ang pang apat na nagsabi sa akin niyan bukod kila Lola,lolo at Tita Claire,"tawa nito.
Maputi si Buena pero hindi siya kagandahan hindi katulad ni Rosana na kahit morena ang kulay ay angat at pansin ang ganda nito.Ang mga tipo ng itsura ni Buena ay pwedeng ipanlaban sa boxing.Medyo may pagkalalake ang datingan pero hindi naman tomboy.
Nagpaalam na nga ang dalawa kay Miss Claire para mamasyal.
"Huwag kayong masyadong lalayo sa paglalakad ha,maya maya lang ay maghahapunan na tayo",bilin nito.
"Opo tita!"sabay pang sagot ng dalawa.
Habang naglalakad ay panay ang sulyap ni Buena kay Rosana na pinagtaka naman ng isa.
"Ano ba nangyayari saiyo Buena",pansin nito.
"Ah eh wala lang Rosana,sabay bawi sa sulyap at tila nahiya.
"Bakit nga?"kulit nito,may dumi ba ako sa mukha?
"Iniisip ko lang kasi medyo hawig kayo ni Tita Claire"Maputi lang si Tita Claire pero may pagkakahawig kayo,paliwanag nito.
Hindi naman pinansin ni Rosana ang sinabi ng dalaga.
"Eh kasi parehas kaming maganda",biro nito.
"Siguro nga",segunda nalang ni Buena.
"Bihira lang kasi ako makakita ng magaganda eh",tawa ng dalaga.
Napapasarap ang kwentuhan ng dalawa ay narating na pala nila ang kabilang resort,may pailan ilang mga batang naglalaro sa dagat at namumulot ng shells.
Sa tuwa ni Rosana ay namulot din ito habang si Buena ay naupo muna sa isang puno ng bukong nakabuwal.
Hapon na ay nakatanaw si Giovanni sa tabing dagat,iniisip niya kailan niya kaya matatanawan si Rosana.
Habang siyay nagmamasid sa dagat ay may nakita siyang babae na namumulot ng mga shells kasama ng mga bata,nakasuot ito ng puting shorts at red tshirts.
Hindi siya maaaring magkamali si Rosana ito...Nagpasya siyang puntahan ang dalaga at kausapin,nag aalangan man ay nilakasan niya ang kanyang loob.
Dahil nakatampisaw ang paa ni Rosana sa tubig ay naramdaman niya ang lamig ng tubig dagat,nais tuloy niyang maligo.Kinawayan niya si Buena habang nakaupo parin at nagpapahinga.
"Buena tara ligo tayo",aya ng dalaga.
"Ayoko mangingitim ako",biro ng dalaga.
"Ikaw na lang babantayan na lang kita",wika nito.
"Bahala ka basta maliligo ako".
Walang anu ano ay tumakbo si Rosana patungong tubig para maligo,sarap na sarap siya magtampisaw sa dagat.Kaway siya ng kaway kay Buena habang naliligo,samantalang si Buena ay panay naman ang paglalaro ng ML sa kanyang cellphone.
Habang naglalakad si Giovanni papalapit sa dagat ay nakita niyang naligo si Rosana sa dagat.Alam niyang may kasama ito dahil may kinakawayan siya banda sa may mga puno ng buko.
"Ang sarap maligo sa dagat ang linaw ng tubig",bulong ni Rosana.
Lumangoy si Rosana papalalim hanggang leeg na pala niya ang tubig.Napansin niya parang lumalayo ang tingin niya kay Buena habang patuloy parin ang pagkalikot nito sa kanyang cellphone.
Wala nang tao sa paligid kundi sila nalang ni Buena,umalis narin ang mga batang namumulot ng shells.
Pabalik na sana si Rosana sa pampang ng biglang bumigat ang paa niya,pinupulikat siya..bigla siyang kinabahan at hindi malaman ang gagawin.Patuloy ang pagsakit ng kanyang paa.
"Buena! Buena!" pilit na sigaw nito ngunit tila hindi siya naririnig dahil sa layo na nito at patuloy na nakahawak sa cellphone.
Hindi na niya kaya kaway nalang siya ng kaway kay Buena pero hindi parin ito umaangat ng tingin.
"Diyos ko tulungan niyo po ako",ang nawika na lamang niya.
Nanghihina na siya at unti unti na siyang lumulubog.
Kanina lamang ay nakikita pa ni Giovanni ang pagtampisaw ni Rosana sa tubig pero ngayon ay bakit bigla na lamang nawala,kinabahan si Giovanni at patakbo na ang ginawa palapit sa dagat.Nakita niyang kakaway kaway si Rosana na lulubog lilitaw.
"Rosana!!" sigaw ni Giovanni na nagpalikwas kay Buena.
"Rosana asan ka", nag aalalang tawag naman ni Buena.
Bigla uling umangat ang kamay ni Rosana at nakita ni Giovanni.Walang kabod kabod nagdive ang binata para sagipin ang dalaga.
Hindi na kaya ni Rosana,lulubog lilitaw nalang ang ginagawa niya baka sakaling may makakita sa kanya at sagipin siya.Huling pag angat ng kamay niya hindi na talaga niya kaya sapagkat kinapos na siya ng hininga.Tuluyan nang lumubog ang dalaga at nawalan ng malay,ngunit bago pa mangyari iyon ay naramdaman niya ang isang kamay na biglang humila sa kanya.
Walang malay na inahon sa pampang ni Giovanni si Rosana
Nag aalala si Buena habang karga karga ni Giovanni ang dalaga at inihiga sa dalampasigan.Napaiyak na ito sa labis na pag aalala.
"Rosana!", sigaw nito
"Ano nangyari saiyo?",,hindi niya malaman ang gagawin kung uuwe tatawagin sila Miss Claire o bubuhatin si Rosana pauwe.
"Please dont panic just calm down",ang wika ni Giovanni.
Binigyan ng first aid ni Giovanni ang dalaga.Inihiga niya ito saka niya pinump ang dibdib,nag aalangan man pero binigyan niya ng mouth to mouth resuscitation ang dalaga.Paulit ulit ang ginawang cpr ng binata,habang bumubulong naman sa pagdarasal si Buena na tila takot na takot.
"Lord please please,let her survive",usal ni Giovanni.
Maya maya pa ay biglang naubo si Rosana at ibinuga ang nainom na tubig dagat.Pinaupo ito ni Giovanni habang binabawi pa nito ang hininga niya.
Sa sobrang tuwa ay napayakap si Giovanni kay Rosana parehas silang hinihingal.
"Giovanni?" takang tanong ni Rosana sa binata.
"Paanong?" takang tanong ng dalaga na nahihiwagaan kung paanong nasa harapan niya ang lalake.
"Huwag kanang magsalita Rosana halika na ihatid kona kayo at papadilim na kailangan mong magpahinga",wika ng binata habang itinatayo ang dalaga.
Nagtataka man si Buena dahil paanong magkakilala ang dalawa subalit tumahimik na lamang ito,nagpasalamat nalang siya at may nagligtas kay Rosana.Sinisi tuloy niya ang sarili sa nangyari sa dalaga.
Habang papalapit na sa villa ay ibinilin ni Rosana kay Buena na huwag na huwag sasabihin kay Miss Claire ang nangyari.Bago sila pumasok ng gate ay pinauna na ni Rosana si Buena para makapag usap sila ni Giovanni.
"Thank you", nahihiyang wika ng dalaga,
"Kung hindi dahil saiyo malamang patay na ako".
"Dont say that!" kahit anong mangyari ililigtas kita",paliwanag ng binata.
"Sige na pumasok kana at maligo baka matuyuan kapa at magkasakit",pag aalala ng binata.
"Okey lang ba if I will be back tomorrow para dalawin ka?gusto sana kitang kausapin",nangungusap na wika ni Giovanni.
Hindi na nakatanggi si Rosana,pumayag ito bilang pagtanaw ng utang na loob sa binata.Nang makaalis ang binata ay saka naman pumasok sa gate si Rosana.
Hindi pa man nakakahakbang ng isang hakbang si Rosana ay humahangos na si Claire palapit kay Rosana kasunod si Buena at ang matandang mag asawa.
Biglang niyakap ni Claire si Rosana.
"Hija THANk God your safe",mahigpit na yakap ni Claire.
"Tita Claire", bulong ng dalaga.
Nagugulumihanan man si Rosana ay tanto niyang alam na ni Claire ang nangyari sa kanya.
"Its my fault hija",mahigpit paring yakap sa dalaga habang umiiyak.
Napatingin si Rosana sa gawi ni Buena nagbabanta ang mata sapagkat ipinaalam nito ang nangyari sa kanya,napayuko lang si Buena bilang paghingi ng paumanhin sa kanya.
"Im okey Tita Claire dont worry,im still alive and kicking",biro pa nito.
Kumalas sa pagkakayakap si Claire at pinagalitan si Rosana.
"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan Rosana.Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama saiyo!Lagut ako sa ate kapag napahamak ka."
"Po?" nagugulumihanang tanong ng dalaga.
"Halika na maligo kana at magbihis baka magkasakit kapa",pag iiba nito sa usapan.
Sumunod na lamang ang dalaga para matapos na ang diskusyon.
"Humanda ka mamaya Buena!" nagbabantang tingin ni Rosana sa dalaga.
Nagpapatuyo ng basang buhok si Rosana sa kwarto nang maalala niya ang nangyari sa kanya kanina.Mabuti na lamang at nasagip siya ni Giovanni.
Ang ipinagtataka niya ay kung paanong napunta ang binata sa kinaroroonan niya,sinusundan ba siya nito?
"Hay what ever",untag nito.
Maya maya pa ay nagtext agad sa kanya si Giovanni.
"Rosana are you okey now?"
"Okey na ako Giovanni salamat",reply nito sa kanya.
"Hindi na kita aabalahin magpahinga ka nalang muna."text muli ng binata
Isa pang ipinagtataka ni Rosana ay bakit ganoon na lamang ang pag aalala ni Tita Claire sa kanya,daig pa niya ang kanyang ina kung umasta at mag alala.Sabagay siya ang nag aya sa kanya sa resort nito kaya responsibilidad siya nito.Nagkibit balikat nalang siya sa isiping iyon.
Palabas na sana nang kwarto si Rosana nang may kumatok sa kanyang silid.Binuksan niya ang pinto at nakita niya si Buena,mukha palang nito ay alam mo nang nakikiusap ito.Pinapasok niya ang dalaga sa loob,nang bigla ng lumuhod sa harapan niya ito.
"Rosana patawarin mo ako!"hingi ng paumanhin nito habang hawak hawak ang kamay ni Rosana.
"Patawarin mo ako at hindi kita nabantayan,gawin mo na ang lahat ng gusto mo sa akin mapatawad mo lamang ako",tuloy tuloy na samo nito.
"Tumayo ka nga diyan Buena",pilit na itinatayo ni Rosana ang dalaga.
"Sabihin mo munang pinapatawad mona ako".
"Ano kaba wala ka namang kasalanan",untag nito.
Itinayo ang dalaga at pinaupo sa gilid ng kama.
"Hindi mo kasalanan kaya nangyari sa akin iyon okey?"
"Kasalanan ko kasi nagpumilit akong maligo kahit ako lamang mag isa",ani Rosana.
"Pero may pagkukulang parin ako ni hindi ko man lamang nakita na nalulunod kana pala,kundi pa dahil sa pagsigaw ng binatang iyon hindi ko malalaman na may nangyayari na saiyo!" pag aalala ni Buena.
"Hayaan mona iyon okey na ako kaya wag kana mag alala,pero inis ako saiyo!" kunwa'y tampo ni Rosana.
"Ha?akala ko ba okey na hindi ka galit sa akin".
"Naiinis ako saiyo dahil sinabihan kita na huwag mo ipapaalam kay Tita Claire ang nangyari".
"Pasensiya kana Rosana hindi ko napigilang sabihin kay Tita dahil sa sobrang pag aalala ko saiyo."
Natuwa si Rosana sa pagiging sincere ni Buena sa kanya.
"Okey sige hindi na ako galit",nagkatinginan ang dalawa at nagyakapan.
Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng matalik na kaibigan sa resort sa katauhan ni Buena.
Dahil sa pagiging likas na madaldal ay naikwento lahat ni Buena kay Miss Claire ang buong detalye tungkol sa nangyari kay Rosana.Maging ang pagsagip ng kung sinong lalaki sa kanya.
May pag aalala man ay tuwang tuwa si Claire sa pagkukuwento ni Buena habang silay nag aalmusal.
"Sa uulitin Buena ay huwag mong ilalayo ang mata mo dito kay Rosana",bilin ni Claire.
"Si Tita naman ginawa akong bata",wika ni Rosana.
"Babantayan kona pong maigi si Rosana Tita".
"Maiba nga pala tayo,sino ang lalaking sumagip saiyo Rosana?"tanong ni Claire
Nagkatinginan ang dalawang dalaga.
"Kaibigan kopo tita naka check in sa kabilang resort,hindi ko din po alam kung paanong nakita niya ako kahapon at bakit nasa kabilang resort".
"Bakit hindi mo ayain magpunta dito at makapagpasalamat man lamang tayo",
"Babalik nga daw po siya dito ngayong araw",sagot ni Rosana
"Sabihan mo hija magpunta siya mamaya dinner para makilala at makapagpasalamat sa iyong kaibigan".
"Okey po tita sasabihin ko po"
Bago itext si Giovanni ay tinext muna ni Rosana ang kanyang ate,kinumusta niya ang kanyang itay at kapatid.
"Ate kumusta ang itay?"text nito.
"Maayos naman bunso huwag mo intindihin si itay hayun at nandun na naman kila Mang Kanor,alam mona.Ikaw musta kana?"mukhang napapasarap ang bakasyon mo ah mag iisang linggo kana diyan".
Hindi sinabi ni Rosana ang nangyari sa kanya dahil mag aaalala lamang ang ate niya.
"Maayos naman ako ate nag eenjoy sa ganda ng beach",tugon nito
"Mabuti kapa,siya ingat ka nalang bunso may nirurush lang akong trabaho ingat ka lagi diyan mwahhh..."NAGMAMAdaling text ng kanyang ate.
"Hay talaga naman ang ate,laging magmamadali,hindi makatext ng maayos".
Isinunod naman niyang itinext si Giovanni.
"Hi Giovanni Good morning!"text nito sa binata
"Good morning Rosana", reply agad ng binata.
"Akala ko babalik ka dito at sabi mo may pag uusapan tayo?
Kakagising pa lamang ni Giovanni,hindi siya makatulog kagabi dahil sa pag aalala kay Rosana.
"Paano kung hindi ako nagpunta dito?malamang may nagyari nang masama kay Rosana",isip isip nito.
Madaling araw na siya nakatulog kakaisip at pag aalala sa dalaga.Nagising lamang siya sa tunog ng cellphone niya,napabalikwas siya ng upo ng makitang galing kay Rosana ang text message.Nagmamadali niyang buksan ang cellphone at binasa.
"Hi Giovanni Good morning".
Nagreply agad siya.
"Gusto ka daw makilala ni Tita Claire at bilang pasasalamat sa pagliligtas mo sa akin inaanyayahan ka mamaya magdinner daw sana dito".
"Is it okey to you?",tanong ng dalaga
Lumuwang ang pagkakangiti ng binata.
"Sure",dali daling sagot ni Giovanni
" Pakisabi sa Tita Claire mo pupunta ako".
"Okey see you!"sagot ng dalaga
Umaga pa lang ay gusto nang hilahin ni Giovanni ang oras para gumabi na,gusto na niya kasing makita si Rosana.
Samantalang si Rosana naman ay abala sa pamimili ng isusuot niya mamayang dinner,gusto niya magmukha siyang maganda sa paningin ni Giovanni.
Binitawan niya ang hawak hawak na damit
"What for?kakain lang naman!saka kaya ako nagbakasyon dito ay dahil sa kanya para makalimutan at iwasan siya bakit heto na naman ako?" inis niya nang maisip na galit nga pala siya sa binata.
Pero isinantabi muna niya ang nararamdaman niyang galit dahil sinagip siya nito.Magiging mabait muna siya ngayon sa binata dahil niligtas niya ang buhay niya.Nawalan tuloy siya ng gana pumili ng isusuot.Nakuntento na lamang ito sa pagsuot ng simpleng short at blouse.