6-Waiting Time

1592 Words
    HABANG naliligo ako ay inalala ko ang unang beses na pinatuloy ako ni Nicolai sa ginagalawan niyang mundo.   Nang iligtas ko si Nicolai sa train station at isa pang pagliligtas sa kanya nang may nagtangka muling pumatay sa kanya ay kasa-kasama na niya ako sa lahat ng lakad niya maging sa bahay. Nakuha ko ang tiwala niya dahil sa ilang beses kong pagliligtas ng buhay niya.   “Are you okay? Bakit may humahabol sa’yo?” tanong ko sa kanya noong huling beses ko siyang iligtas. Ihahatid ko na dapat siya noon sa bahay niya matapos ko siyang iligtas sa train station nang may sumugod na naman na apat na lalaking pinagtangkaan siyang patayin.   “May gusto silang mabawi sa’kin na hindi pa panahon para ibalik ko.” Naisip ko noon na hindi ang mga Montecillo ang nagpapapatay kay Nicolai dahil hindi nila alam ang totoong kinaroroonan nito. Marahil ay may iba pang taong may galit sa kanya at gusto siyang pabagsakin.   “Kailangan mo ba ng bodyguard? Kakatapos lang ng kontrata ko sa dati kong amo dito sa Singapore. Pabalik na nga sana ko ng Pilipinas. Last week ko na dapat dito sa Singapore.”   “Pag-iisipan ko muna kung kailangan ba talaga. I’ll give you a call just in case.”   “Pahiram ng phone mo.” Nakangiti kong sabi.   “Ha?” Nagtataka naman niyang tanong habang kinukuha naman ang phone mula sa kanyang bulsa.   “I’ll give you my number para siguradong hindi mo ko malimutan tawagan.”   Binuksan niya ang phone niya at iniabot sa’kin. Bago ko inilagay ang number ay binuksan ko ang camera at kinuhanan ang sarili ng isang selca. Nagulat siya at napangiti.   “Siyempre dapat may picture ang contacts,” sabi ko habang inilalagay ko ang isa kong number sa kanyang phone directory. Nilagyan ko pa ng profile picture para siguradong tatawagan niya ‘ko. Bulang lang siguro ang hindi magagwapuhan sa’kin kaya’t dinaan ko na lang sa papogian muna.   Inihatid ko siya sa apartment nila nang araw na iyon. Bago pa man ako makalayo ay nag-ring na ang phone ko.   “Zeke, you’re hired. Lumipat ka na dito sa bahay ko simula bukas. I need 24 hour security. Money is not an issue.” Iyon lang ang sinabi niya at ibinaba na niya ang tawag. Kinakabahan man sa magiging takbo ng mga susunod na kabanata ay alam kong iyon na ang tsansa ko upang malaman ang tunay na kinaroroonan ng nawawalang anak ni Pierre Montecillo.   Kinabukasan ay maagang-maaga akong nagpunta sa apartment ni Nicolai. Bago pa ko kumatok ay bumukas na ang pintuan. May surveillance camera siya sa labas ng apartment.   “Ang aga mo, good. Ipapakilala ko sa’yo ang pamangkin ko. You will be guarding him more than you’ll be guarding me. Importante na walang makalapit sa pamangkin ko, maliwanag?” It was not a question but an order. Doon ko na ba makikita ang batang hinahanap namin?   “Ilagay mo muna diyan ang bag mo, sa kusina muna tayo.”  Pagkalapag ko ng bag ko ay agad akong sumunod sa kanya. May kalakihan ang apartment na tinutuluyan niya. Pagbungad ko sa kusina ay may isang batang lalaking maputi at kulot ang buhok na nakaupo sa high chair. Naka-fasten ang seat belt nito at may kinakaing cereals ang bata. Napansin ko rin ang non-fat milk sa counter ng kusina at ang toddler cereals at prutas.   “This is my nephew. Paskie, say hi to your new friend.” Napakunot ang noo ko dahil sa magiliw na pagkausap ni Nicolai sa bata.   “Auntie, cereals” sabi ng bata na mahigit dalawang taong gulang na base sa impormasyon noong nawala siya dalawang taon na ang nakalipas.   “No, baby. Say hi to him.” Itinuro ako ni Lai at nilingon ako ng bata. Ngumiti ito at sinubukang iabot sa akin ang plastic na kutsara niyang hawak.   “Hi,” Nakangiting sabi ng bata. Kung paanong magkasundo naman ang mag-tiyahin kahit na binabantaan niyang saktan ang bata tuwing magkikita sila ni Don Pietro ang sunod kong aalamin kapag mas may tiwala na silang dalawa sa’kin.   “You take care of your nephew? Nasan ang parents niya?” I asked nonchalantly. Lumapit ako kay Pasquale at kumaway. Ginaya naman niya ako at saka pumalakpak.   “Siyempre. He’s my flesh and blood. Parents? They’re dead. I was asked to take care of him temporarily.”   “Ha? Tapos?” Napatitig siya sa’kin at kumunot ang noo.   “I see that we have to sign your contract na. Parte ng contrata na walang tanong tungkol sa personal kong buhay. All the information you will know from staying with us shall remain classified information. Give me a while. Kumain ka na ba? Cereals lang at gatas ang breakfast namin.” May pinindot na isang button si Lai na parang intercom at nagsalita in English. “Ms. Laura, I have to go to work now. Can you pick up Paskie in thirty minutes?”   “Sure. I’ll be there in thirty.”   “Baby, let’s go take a bath. Are you full already?” Tumango ang bata. Inalis niya ang seatbelt at binuhat niya ang bata na nakasando ng puti at pajama.   “Bath, bath, bath, rubber duckie,” paulit-ulit na sabi ni Pasquale. Humalik pa si Nicolai sa noo ng pamangkin at saka naglakad palabas ng kusina. Nang maalala niya na naroon pa ‘ko ay lumingon siya sa’kin bago nagbilin.   “Your room is the first door to the right. Kumain ka muna. Feel at home.” Nang tumalikod ay ibinaling ang atensiyon sa pamangkin na humagikgik ng tawa nang kilitiin niya.   Nagpunta ako sa kwartong itinuro ni Nicolai. Ang una kong ginawa ay hinanap ang mga surveillance devices na maaring nakakalat sa silid. Nang mahanap ko ang mga ito ay hindi ko sila agad tinanggal. Tinandaan ko lang kung saan nakalagay. Matapos kong mag-settle sa kwarto ay lumabas na ‘ko at hinanap muli ang mag-tiyahin. Nakarinig ako ng nagtatawanan sa may dulong silid. Dahan-dahan akong lumapit doon at nakinig.   “Auntie,auntie.”   “Yes, Paskie, Paskie? Ikaw ha binobola mo naman si Auntie,” magiliw ang boses at natatawa pa.   “No, no.”   “Alam mo na ba ang bola?”   “No.”   “Behave ka kina Ms. Laura, okay? I’ll pick you up at lunch time. May aasikasuhin lang si Auntie.” Kahit na hindi naman siguro naiintindihan pa ng bata ay nagpapaalam pa rin siya rito.   “Play?”   “No. Matagal pa ang next play natin. Do you miss riding airplanes?”   “Yes, yes, broom!”   “Ayan, gwapo na. Let’s go outside baka dumating na si Ms. Laura.”   Nang marinig ko iyon ay agad akong pumunta sa kwarto ko upang hindi niya mahalatang nakinig ako sa usapan nila ng pamangkin niya. Lumabas lang ako muli nang marinig ko ang door bell.   “Here are his things. I’ll be picking him up around lunch time.” Nakangiting sabi ni Nicolai sa isang ginang na mukhang Sinagporean base sa singkit nitong mata at maputing kutis.   “Sure thing. I’m sure my grandson would love to play with Paskie again today.”   “Thank you for your help. It’s really difficult to look for a baby sitter nowadays.”   “Yeah. I know. My son is lucky that I’m already retired and he can leave Jas with me when they go to work.”   Nag-usap pa ang dalawang babae habang inaayos ni Nicolai ang bag ni Pasquale. Nang iabot na niya ang bata sa ginang ay humalik pa ito sa pisngi ng pamangkin.   “I’ll see you later, baby.”   “Auntie,” nakangiting sagot naman ng bata.   Noong mga oras na iyon ay nagbago lahat ng paniniwala ko sa sitwasyon. Kailangan kong alamin ang buong kwento dahil base sa kinikilos ni Nicolai at ng pamangkin niya ay parang hindi totoo ang sinasabi ni Don Pietro na pinapahirapan ni Nicolai ang bata. Ang “play” kaya na nabanggit nila sa kwarto ay ang pagkikita nila ni Don Pietro na may nakatutok na baril sa bata?   “Zeke? Hindi ka pa tapos? Tara na kain na tayo.” Narinig kong may kumatok sa pintuan ng banyo.   “Patapos na. Susunod na ‘ko.”   “Okay.”   Agad akong nagsabon at nagshampoo dahil habang inaalala ko ang nakaraan namin ay napatulala lang ako sa kawalan habang nakababad ang katawan sa malamig na tubig. Matapos kong magbanlaw ay kinuha ang tuwalya at mabilisang nagtuyo ng katawan. Paglabas ng kwarto ay nakahinga ako ng maluwag na wala doon si Lai. Sa cabinet ay isang puting t-shirt na V-neck at itim na sweat pants ang isinuot ko. Pagkasuot ng tsinelas ay tinungo ko agad ang kusina kung saan ako naglagay ng table setting. Mas maliit ang lamesa doon kaya’t  naisipan kong doon na lang maghain.   Pagpasok ko ng kusina ay nakaupo na siya sa isang silya. Ngumiti siya sa’kin at sumenyas na bilisan ko.   “Hindi ka pa kumain?”   “Sabay na tayo.” Nakangiti niyang sabi. Agad naman akong naupo sa tabi niya at napangiti nang makitang nakapaglagay na siya ng pagkain namin sa mga plato at mangkok.   “Thanks for waiting for me.”   “Thanks for waiting for me, too.” When she looked at me, my heart skipped a beat. May ipinapahiwatig na kakaiba ang mga mata niya. She’s thanking me for something else. Hindi ang paghihintay sa pagkain kagaya ng ibig kong sabihin.   Alam na alam niya na hinintay ko siya na bumalik muli sa buhay ko.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD