5-Stalls

2267 Words
    “Wow! Grabe! Ang daming choices. Baka hindi ako makapili.” Mukha siyang bata na dinala sa isang playground o theme park. Binitiwan ang kamay ko at pinagdaop ang mga palad niya.   “It’s okay, take your time. They’re open until 2 am. Ikot tayo para makapili ka na ng gusto mo.” Kahit na hindi ko naman siya ayain ay naglalakad na siya palibot ng mga stalls habang ako ay nakamasid at nakatingin sa kanya. May mga tinderang tumatawag sa kanya na ang paninda na nila ang piliin at ngumiti lang si Lai. When we reached the stall with hot pots ay saka lang niya naalalang may kasama siya.   “Zeke, I want this and this and that!” Nakangiti niyang sabi sa’kin. Kung ngingitian niya ‘ko ng ganoon lagi ay gugustuhin ko na siyang dalhin lagi sa lugar na iyon. Nang mahimasmasan ako sa pagtitig at pagngiti niya ay saka ko sinabi sa tindera kung ano ang gusto naming kainin ni Lai. Isang special na hotpot na kumpleto ng lahat ng rekados ang itinuro niya. Isang all meat at isang all sea food na maliit na serving pa ang karagdagan. Ang all meat ay sa tingin kong gusto niya dahil paborito niya iyon habang ang sea food naman ang sa’kin dahil mahilig ako sa seafoods. Nang makapag-order na at makapagbayad ako ay nagsimula na muli siyang lumakad. Sinabihan ako ng tindera na balikan na lang ang orders namin kung may iba pa kaming bibilhin. Sa itsura ng kasama kong manghang mangha sa mga pagkain ay mukhang matatagalan pa bago kami makakain. Sa isang peking duck stall naman siya sunod na nagpunta.   “Parang gusto ko ng..” Nakakapit sa baba ang kamay na parang nag-iisip pa. Nasa tapat kami ng isang sikat na Peking Duck stall. Nakatitig siya sa mga larawan ng peking duck platter, duck salad with truffle oil sauce, salted vegetable duck soup, fried duck rice with crispy cereal, honey glazed duck wings at ang desert doon na crab with mango salad. Mukhang nahihirapan talaga siyang mag-isip dahil tumingin pa ito sa’kin at nagtanong.   “Anong masarap dito?” tanong niya na magkasalubong pa ang mga kilay.   “Hindi ko pa na-try dito. Order all of them if you want. Pwede din naman na bumalik tayo dito ulit.” I had to stop myself from saying that we can go back to that place until it’s time for her to leave. Tiningnan ko ang phone ko para mag-search kung anong popular na menu at para matulungan siyang mag-decide. Nang mahanap ko na ay agad ko itong ipinakita sa kanya.   “Ito daw ang best seller sabi sa reviews,” bulong ko sa kanya nang lumapit siya sa’kin. Sumiksik siya sa’kin upang mas makita ang image sa phone. Napapikit ako nang maamoy ko ang buhok niya. Pinigilan ang sarili na mas amuyin pa. Na-miss ko ang vanilla lavander scent ng buhok niya.   “Sige, order ka na ng platter at ng duck salad with truffle oil sauce.” Tumingala pa siya sa’kin at ngumiti. I could drown in that smile but I chose to remain afloat. Nag-iwas ako ng tingin at kinausap na ang tindera. Dahil medyo matagal na rin ako ng Singapore ay natuto na rin ako ng conversational Chinese na useful sa pang-araw-araw na pagbili ng mga pagkain at iba pang essential na gawain. Matapos kong magbayad ay binigyan din kami ng acrylic stand number ng stall para sa pagkuha ng order kapag nakahanda na ang mga ito.   “Zeke, tara! May nakita akong fruit shakes!” Hindi na ‘ko nakapalag pa nang kuhanin niya ang kamay ko at hilahin papunta sa sinasabi niyang fruit shake stand. Nang nasa tapat na kami ay hindi na siya nag-isip ng oorderin. Alam na niya kaagad kung ano ang bibilhin. Ang combination ng watermelon with apple ang shake ang itinuro niya sa’kin. Dalawang ganoon ang inorder ko dahil parehas naming paborito iyon. Napangiti ako nang mapagtanto na naalala pa niya lahat ng gusto ko.   Nag-ikot pa kami at nakakita siya ng mga naka-pre packed na mga pagkain na pwedeng initin sa microwave.   “Aside sa maraming itlog sa bahay, bumili ka na rin nito para may ibang pagkain pa bago tayo mag-grocery at mag-shopping ng mga gamit mo sa bahay.”   “Ha? Gamit sa bahay?” Nakakunot ang noo kong tanong. Ang naisip ko lang ay ang pag-grocery namin   “Yeah, wala ka pang gamit sa bahay sabi mo sa’kin kanina. Isa pa, sabi ni Kuya Pierre samahan daw kita mamili ng mga house things mo. Pinadala pa niya ang isang credit card niya. Baka sinusuhulan ka sa pagpayag mo na mag-stay ako rito. Anyways, ito at ito. Dali, bayaran mo na.” She smiled as if what she told me was just nothing for her. Binayaran ko ang dalawang klase ng soup na itinuro niya.   “Tara, balikan na natin ang unang order. Chicken feet pa ba?” Naalala ko ang sinabi niyang gusto niyang kainin nang papunta pa lang kami ng food stalls.   “Baka hindi ko na maubos. Ang dami na nating na-order. Teka nga pala, sabi mo kanina sa’kin may swedish meatballs ka sa bahay mo?” Imbis na kuhanin ang kamay kong may hawak ng ilang resibo at supot na naglalaman ng binili naming reheatable food ay umangkla siya sa braso ko. Napansin kong maraming nakatingin sa’min marahil dahil sa kulay ng buhok ni Lai o dahil nagagandahan sila na pagmasdan kaming dalawa.   “Meron pero sauce lang. Wala nga pala mismong meatballs. Sa Ikea na lang tayo magpunta bukas. Okay?” I beamed at her at mukhang umepekto naman ang nakakasilaw kong ngiti. She smiled back and nodded her head.   “Sige. Para makakain ako ng totoong Swedish meatballs. Hmmm. Grabe na-miss ko dito pati ang hangi and everything.” Pumikit siya at suminghot ng hangin kahit na amoy iba’t-ibang pagkain ang lugar na iyon at hindi naman talaga sariwa ang hangin. Iginiya ko siya papunta sa isang bakanteng lamesa ngunit hinila niya ‘ko papunta sa unang tindahan na kukuhanan namin ng order. Maraming parokyano sa lugar ngunit hindi naman punuan ang mga lamesa.   “Masyadong marami para ikaw ang magbitit mag-isa.” Paliwanag niya nang magpoprotesta na sana ako na iuupo ko muna siya sa magiging pwesto namin.   “Parang mas masaya kumain sa bahay, sa tingin mo?” She looked so cheerful when she asked and I cannot say no to that.   “Parang nga. Nag-aamoy ulam na rin tayo rito. Hindi ka pa rin nakakapagpalit ng damit from biyahe.” She smiled and nodded her head.   “Ayan. Parehas pa tayo ng naiisip. Let’s gather the food and then go home na.” Her endearing smile was infectious. Hindi ko napipigilang mapangiti rin at gumaan ang pakiramdam. Pakiramdam ko tuloy ay hindi tama na nag-alala ako ng husto sa magiging pagkikita naming muli.   “Sige,” bulong ko habang magkasabay kaming naglalakad papunta sa mga food stalls na pinagbilhan namin ng pagkain. Ang una ay sa hotspot stall na kinailangan ko pang magbayad ng extra para sa take away containers. Maging sa Peking duck stall ay may extrang bayad din ang microwaveable containers. I didn’t mind as long as Lai is happy and would remain cheerful. Sa mga shake lang kami hindi nagdagdag ng bayad dahil naka-seal na rin ang baso nito na parang sa mga milk-tea na tindahan.   Nang makumpleto na namin ang mga order naming pagkain ay naghati kami ng bitbitin. Kay Lai ang reheatable soup at ang peking duck na mas magaan kaysa sa hotpot at shake. Habang naglalakad ay tahimik lang kaming dalawa. Pagdating ng bahay ay siya na mismo ang nag-enter ng pin code ng lock ng gate at ng front door. Habang nag-aalis siya ng sapatos at nagsusuot ng tsinelas na pambahay na nakahanda roon ay lumingon siya sa’kin at ngumisi. Napailing na lang ako at napabuntonghininga. Hindi ko naman balak itanggi ngunit buking na buking na’ko na hindi ko pa rin siya nalilimutan. All the things I told myself that I’ve already accomplished when it comes to trying to forget her are now flushed down the drain. Isang tingin at ngiti lang niya ay sapat na para maalala ko muli ang lahat.   “Sa freezer ko muna ilalagay ang shake. Do you want to shower first bago kumain? Kaya pa ba ng sikmura mo?” Tumango siya at ngumiti.   “I’ll be very quick. Saan pala ang kwarto ko?” Nakataas ang isang kilay niyang tanong.   “Last door right side ng hallway. Nasa closet ang bag mo. May bathroom din doon naglagay na rin ako ng toiletries.” Sabi ko habang inilalagay sa freezer ang dalawang mataas na baso ng shake. Paglingon ko ay wala na siya sa kusina. I sighed and waited for my verdict. Hindi ko alam kung anong magiging resulta ng pag-iwan ko ng pulang maleta sa closet niya.   Naglagay ako ng asul na placemats na tela sa lamesa at inihain ang mga pinamili naming pagkain. Umuusok pa ang mga ito. Matapos kong mag-setup ng dalawang plato, mangkok, chopsticks at kutsara at tinidor ay patakbo akong nagtungo ng kwarto ko upang mabilisan ding maligo at magpalit ng pambahay na damit. Alam kong kahit na gutom na si Nicolai ay aabutin din siya ng mga sampung minuto para matapos mag-shower at magbihis.   I was already naked and under the hot shower when I heard a knock on the bathroom door.   “Paano i-turn on ang hot water? Hindi ko mabuksan.”   “Sandali lang.” Napamura ko sa isip habang inooff ang switch ng shower. Basa na ang katawan ko at buhok. Wala akong choice kung hindi kumuha ng tuwalya at magtapis muna bago siya puntahan. Pagbukas ko ng pintuan ay hindi ko napigilang mapamura, “s**t. I mean, tara. Ayusin ko. Baka hindi lang naka-on ang heater. Pero alam ko nabuksan ko na ‘yon kanina bago ko pumuntang airport.” Sigurado akong nabuksan ko ang heater ng shower niya at naayos ang mga toiletries na binili ko sa convenience store ng mabilisan. Kinailangan kong pumikit at mag-isip ng mga nakakadiri at nakakatakot na bagay upang hindi ako maapektuhan ng basa niyang buhok at nakatapis na hubad na katawan. Maiksi ang tuwalyang kinuha niya kahit na may malalaking tuwalya at robe pa akong inilagay sa banyo ng kwarto niya. Napaisip tuloy ako kung sinasadya ba niya akong tuksuhin ng ganito. When she looked at me from head to toe pagbukas ng pintuan ng banyo ko ay nanghina ang tuhod ko. Nakita ko pang napakagat siya ng labi bago siya tumalikod at naglakad ng nakatapak papunta ng kwarto niya.   Pagpasok namin ng kwarto niya ay doon ko napansin na nakalabas at nakabukas ang pulang maleta na iningatan ko ng ilang taon.   “Thanks for taking care of my things. Mukhang bagong laba pa. Ang babango.” It was not the reaction I expected. She smiled at me genuinely. Napakunot ang noo ko sa inasal niya. Totoo nga kayang okay lang sa kanya?   “I..” hindi ko alam kung anong sasabihin. Paano ko ba ipapaliwanag na umaasa akong isang araw na magkakalakas ng loob akong puntahan siya upang ibigay ang maletang iyon? Paano ko ba sasabihin sa kanya na isang beses tuwing tatlong buwan ay nilalabhan ko ang mga damit niya upang masigurong hindi ito masisira at babaho? How could I explain to her that seeing her clothes and taking care of them made me with the guilt and pain I’ve endured all those years?   “Pakiayos na ang heater nagugutom na talaga ‘ko.” Pagkasabi niya nito ay napatitig siya sa dibdib ko pababa. Agad naman akong tumalikod at dumiretso na sa banyo kung saan nakita kong naka-off nga ang switch ng heater. Mataas ito at hindi abot ni Lai kahit tumingkayad pa siya. I reached for it and froze when I felt her arms encircled my waist.   “I just wanted to try how this would feel. Your back against my face.”   “Lai—” I switched the lever of the shower on and held her arms wrapped on my waist.   “I know. Sige na, maliligo na ‘ko. Thank you for helping me.” Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap sa’kin. Pagharap ko sa kanya ay nakayuko siya at kapit ng mahigpit ang tuwalyang nakatapis sa katawan.   “I’ll see you downstairs, okay?” It only took me one step to reach her. I tilted her chin and made her look into my eyes. Tumango siya at ngumiti. I stepped out of the bathroom and closed the door. Pagdaan ko ng kama niya ay nakita ko ang damit na pantulog na nakuha niya sa maleta. It was my gift for her birthday. Sa loob ng maletang iyon ay hindi lang ang mga dati niyang gamit ang laman. Nadagdagan na rin ito ng mga damit at gamit na gusto ko sanang ipadala sa kanya habang magkahiwalay kami. Nakita ko ring nakatiklop ang giftwrapper at sulat na kalakip nito katabi ng ternong damit na pantulog. Marahil ay nabasa niya ang nilalaman ng sulat kaya’t hindi niya na nakuhang magalit nang matagpuan niya ang maleta niyang dala limang taon na ang nakalipas nang bumalik kami ng Pilipinas.   Pagbalik ko ng kwarto at sariling banyo ay malamig na tubig ang ipinaligo ko. Gusto kong ipaalala sa sarili ko kung ano na lang ang relasyon naming dalawa ngayon. We’re not even friends. Sigurado akong malalim pa rin ang hinanakit niya sa’kin dahil sa ginawa kong pagtatraydor sa kanya noon. I could have chosen another way but I chose the easiest path. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD