“Let’s eat. Grabe ang dami kong gutom.” Nakangiti niyang sabi to break the trance. Dahil napatitig ako sa kanya sa huli niyang sinabi ay bigla niyang iniba ang usapan.
“Lumamig na ang broth kaya ininit ko kanina pagbaba ko,” sabi ni Lai habang hinahalo ang sabaw na ininit niya. Nakapatong sa induction cooker ang isang hotpot pan. Kumukulo pa rin ang sabaw nito. Maingat siyang naglagay ng isang punong scoop ng sabaw sa mangkok namin na may laman na na half cooked hotpot items. Sea food at gulay sa’kin habang mga meat at iba’t-ibang gulay din sa kanya. Dinagdagan niya ng squid balls ang mangkok ko na galing sa plato niya.
“Sige na, kain ka na. Okay na ‘ko.” Tumango siya at kumuha ng chopsticks. Sa unang pagsubo niya ng isang wrap mula sa peking duck platter ay napapikit pa siya.
“Mmmm! Grabe, ang sarap nito! Try mo.” Habang ngumunguya pa ay kumuha siya muli ng isa pang wrap gamit ang chopsticks niya at inialok sa’kin. Agad naman akong ngumanga at isinubo ang ibinigay niya.
“Masarap nga.” Hindi ko na dinagdagan na mas masarap kumain dahil kasama ko siya. Baka mag-iba pa ang mood niya.
“Siguro mas masarap kung may sauce.” Isinawsaw niya ang isang wrap sa sauce na kasama ng platter at muling nagsubo ng isa. Napapikit na naman ito dahil sa sarap.
“Mmmm. Grabe talaga. Hindi ko alam kung gutom lang ako pero ang sarap talaga!”
Bago pa man niya ‘ko subuan ay ako na mismo ang kumuha ng wrap at isinawsaw sa sauce na kulay brown. Manamis-namis ito na may halong lasa ng luya at toyo.
“Baka dito pa lang busog na tayo.”
“I doubt. Ikaw pa ba? Ang dami mo kayang kumain.” Nakangiti niyang sabi.
“Ikaw din naman. Parang laging gutom.”
“Hmm, bukas anong kakainin natin?” tanong niya habang kumukuha naman ng salad mula sa isang plato.
“Hindi pa nga tayo tapos kumain iniisip mo na agad ang kakainin natin bukas?” Napapailing at nakangiti kong tanong.
“Of course. We have to plan ahead. Bilang lang ang time ko rito. I want to do everything I want. Okay?”
Kahit na kumirot ang puso ko sa sinabi niyang bilang lang ang oras niya kasama ko ay hindi ko ito pinansin. I smiled and nodded my head.
“Swedish meatballs sa Ikea. Lunch natin ‘yon ‘di ba? Sa Dinner gusto mo i-try ang iba pang stall sa pinuntahan natin kanina o sa ibang restaurant naman tayo kumain?” I was trying to insert a formal dinner with her na hindi niya nahahalata but I guess, that’s too much to ask.
“Dinner date? Sige.” Kung may kinakain ako noon ay baka naibuga ko pa dahil sa pagkindat niya at pagbanggit ng dinner date.
“Mukhang okay na ‘to. Kain na habang mainit pero ingat ka baka ka mapaso.” Paalala ko sa kanya. Umiling lang siya at ngumiti.
“Okay lang ako mapaso. Manhid na yata ang dila ko.” She said with a smile. Hindi ko alam kung tunay ba ang ngiting ‘yon o kung anong klaseng manhid sa sakit ba talaga ang tinutukoy niya.
“Lai—”
“Zeke, I know you. Don’t try to put meaning to everything that I say. Most of the time, I just say things because I want to and not because I want you to think about something else. Just enjoy the food, okay?” Pinisil pa niya ang ilong ko at ngumiti. Tumango ako at sinubukan ding ngitian siya pabalik.
“One more thing, saan ka pala matutulog? I noticed that you transferred your bed’s mattress to my room. You shouldn’t have. Pwede naman ako sa sleeping bag lang.” Sabi niya habang sinusubuan ako ng squid ball na nakuha niya sa mangkok niya. Dahil medyo mainit pa at napaso ako ay uminom ako ng tubig na nasa baso. Si Lai marahil ang naglagay ng mga tubig dahil hindi ko ito naisip gawin noong naghain ako sa lamesa.
“May inflatable mattress na nakatago sa closet. Doon na lang ako muna. Bukas sana makabili na tayo ng isa pang mattress at kama.” Pagkasabi noon ay uminom muli ako.
“We can share the bed if you want.” Nasamid ako at napaubo dahil sa sinabi niya. Imbis na mag-alala sa’kin ay tumawa pa siya ng malakas bago nagsalitang muli. “Why do you seem so surprised? Share lang naman. Sharing is caring. Okay ka lang?” Hinimas niya pa ang likod ko habang ako naman ay umuubo pa rin.
“’Wag mo nga ‘kong binibigla ng mga gano’n.” Naiiling kong sabi sa kanya.
“Why? Affected much? Ito na kainin mo, masarap.” Kumuha siya ng isang hipon at crab meat mula sa mangkok ko at hinipan. Matapos hipan ay isinubo sa’kin gamit ang chopsticks niya.
“Sige na. Ikaw naman ang kumain. Ikaw ang nagugutom pero ako ang sinusubuan mo. Ito, o.” Unang beses kong naisipang subuan siya kahit na umpisa pa lang ay wala na siyang tigil nang pagbigay ng pagkain sa’kin. Natigilan siya at saka ngumiti bago binuksan ang bibig at isinubo ang peking duck wrap na isinawsaw ko sa sauce.
“Mmmm. Mas masarap pala ‘pag ikaw ang may bigay.” Nakangisi niyang sabi.
“Technically, bigay ko naman lahat ‘to kasi akong nagbayad.” Biro ko habang sinusubuan pa siya muli ng isang chicken slice mula sa hotpot. Pagkasubo niya noon ay sumimangot sa’kin.
“KJ.” Umirap pa ito at nagpanggap na nagtatampo.
Natawa ko ng malakas at saka kinuha ang chopsticks na hawak niya.
“Sige, ako na ang magsusubo sa’yo para mas masarap. Open your mouth, baby.” Natawa siya at hinampas ako sa braso. Muntikang tumalsik ang peking duck na nasa chopsticks dahil sa ginawa niya.
“OA naman ngayon. Kanina KJ ka lang.” Kahit na ganoon ang sagot niya ay ngumanga pa rin siya at ngumiti.
“GS or gwapong sweet lang ako hindi ako overacting at kill joy.” Nakanguso kong sabi.
“GGSS kamo.”
“Ano?” Nakangiti kong tanong. Alam ko namang gwapong gwapo ako sa sarili dahil totoo namang gwapo ako. Kahit dati pa ay pang-asar niya ‘yon sa’kin.
“Wala. Sabi ko ang sarap nito. Ikaw naman. Itong sabaw naman.” Pagkasabi niya ay kumuha siya ng kutsara at pinahigop ako ng sabaw. Matapos noon ay ako naman ang nagsubo ng sabaw ng hotpot sa kanya. Hindi namin namalayan dahil sa pag-aasaran at kulitan na naubos namin lahat ng pagkain.
“Parang wala ng space para sa shake,” bulong niya habang umiinom ng tubig.
“Nasa freezer naman. Pwedeng i-blender bukas ng umaga.” Suhestiyon ko habang nagsisimula na ‘kong magligpit ng mga pinagkainan namin. Dahil reusable containers ay inilagay ko sa lababo ang mga ito at sinimulang hugasan. Pasalamat ako na mayroong dishwashing liquid at sponge upang mahugasan ang mga pinagkainan. Ang sponge na nilagyan ko ng apat na squirt ng dishwashing liquid ay pinabula sa running water.
“Ang tanong, may blender ka?” Tanong niya sa’kin paglapit niya sa tabi ko habang sinisimulan ko nang sabunin ang mga pinagkainan namin. Napahinto ako at napatingin sa kanya.
“Ang sagot, wala nga pala.” Napakamot ako ng ulo gamit ang kamay kong may sponge habang tumawa siya ng malakas.
“Ako na nga maghuhugas nito. Ayan ang buhok mo may sabon na tuloy!” Kinuha niya ang sponge mula sa kamay ko at saka tumingkayad para maabot ang sinasabing sabon na napunta sa ulo ko. I had to hold my breath when she touched my hair. Magkatapat din ang mga mukha namin.
“You’re my guest. Ako na lang ang maghuhugas, okay?” Hindi ko naman sinasadyang maging pabulong ang pagsagot ngunit ganoon ang dating habang kinukuha ko muli ang sponge mula sa isang kamay niya. Imbis ibigay sa’kin ay nagkalapat ang mga kamay namin. We stared at each other for what seemed like eternity until she stepped back and let go of the sponge.
“Okay.” Kumuha siya ng paper towel na nakarolyo malapit sa coffee maker at binasa ito mula sa gripong tumutulo pa rin dahil nalimutan kong isara. Sinimulan niyang punasan ang lamesang ginamit namin.
“Wala ka pa ring TV? Anong ginagawa mo paguwi mo galing trabaho?” dagdag na tanong niya matapos niyang itapon ang paper towel sa trash bin at ayusin ang mga upuang ginamit namin. Dahil tapos na ‘kong maghugas at pinupunasan na ang mga basang containers para itago, si Lai ang naglinis ng sink na pinaggamitan ko. Itinapon niya rin sa basurahan ang mga mugmog at left overs na galing sa hinuhugasan kong mga containers na galing sa drain filter.
“Natutulog. Minsan naliligo na tapos papasok na ulit.” Sagot ko sa kanya na alam kong aani ng batikos. I prepared myself for her scolding.
“Nasabi nga ni Nikki na napaka-busy mong tao. She was actually worried that you wouldn’t accept this assignment, I mean with me being here dahil marami ka raw ginagawa. Si Kuya Pierre naman daw ang bahala.”
“Mukhang si Boss hindi alam na busy ako.” Natawa siya ng malakas nang sa pagkakasabi ko noon ay lumingon ako sa paligid na parang may hinahanap.
“You’re funny to think that your own house would be bugged by my brother-in-law.” Napangiti ako at ipinatas na ang containers sa isang empty cupboard sa tapat ng sink. Nang matapos kaming magligpit sa kusina ay magkasunod kaming lumabas at nagtungo sa sala na sofa lang ang laman. Ang isang mahabang puting sofa at dalawang single couch na parter nito na nakaplastic pa. May center table rin ito na hindi pa nakagitna at may nakapatong pa na mga kahon. Sa salang iyon din ay nakapatas sa likuran ng sofa ang mga kahon na hindi ko pa naayos. Ilang plato at kubyertos, mga sapatos at damit at ilang pang-display sa dati kong tinutuluyan.
“Instinct lang siguro. May gusto ka bang panoorin kaya ka naghahanap ng TV? May projector at laptop if you want to watch a movie.”
“May home theater ka ba rito sa bahay mo?” Nakataas ang kilay niyang tanong.
“May basement ‘tong bahay. Plano ko nga lagyan ng recreational room doon tapos kalahati naman office ko.” Inalis ko ang plastic na takip ng sofa bago ko siya sinensayang maupo roon.
“Man cave?” Pagtukoy niya sa gagawin ko sa basement.
“Exactly.”
“So, nakalista na ba ang mga bibilhin mong gamit?” tanong niya. Napaisip ako bago sumagot.
“Actually, no.”
“Why not?” Humarap siya sa’kin at tinaasan ako ng isang kilay.
“Kaka-sign lang ng last deal namin with new investors the past week. Plano ko na kapag finalized na lahat saka ko sisimulan ayusin ‘tong bahay.” Hindi ko na binanggit na wala naman talaga akong planong naisip. Gusto ko lang na magmukhang maayos ang bahay na naipundar ko. Natahimik siya sandali bago siya napangiti at umusog palapit sa pwesto ko. Kumapit siya sa braso ko bago nagsalitang muli.
“Wow. Sakto pala ang punta ko. Hire me.”
“Ha?”
“Hire me as your interior designer.” Bakas na bakas ang excitement sa mukha niya. How could I even say no to that? Kahit na gusto ko kaagad na umoo ay biniro ko muna siya.
“May bayad?”
“Siyempre, alangan ikaw pa ang bayaran ko.” Nakairap at nakanguso niyang sagot. Napangiti ako sa reaksiyon niya lalo na nang kinurot pa ang braso ko bago ito binitiwan.
“Magkano?”
“Pwede namang hindi monetary. Alam mo ba na binayaran ni Kuya Pierre sa’kin ang kalahati ng cost ng Rancho Saragoza? Mayaman ako, no!” Pairap niyang sagot. Kahit hindi ko alam na naayos na pala ang property na ‘yon na isa sa pinagmulan ng hidwaan ng dalawang pamilya ay tumango na lang ako. I tried to change the topic. Kung kumportable na si Lai na pagusapan ang nakaraan, ako ay hindi pa ganoon kahanda.
“Bakit nga pala Kuya Pierre ang tawag mo kay Boss? Magkasing-edad naman kayo ni Nikki.”
“Mas matanda siya sa’min ni Nikki.”
“Sabagay. So Kuya rin tatawag mo sa’kin? Mas matanda rin ako sa’yo.” Kahit biro lang iyong tanong ko ay gusto kong sabihin niyang ayaw niya.
“Gusto mo ba?” Nakataas ang kilay at nakahalukpkip ang braso niyang tanong.
“Siyempre hindi.” Mabilis kong sagot.
“Ayaw mo naman pala, eh. Anong gusto mong itawag ko sa’yo?” Natigilan ako at napanganga. Muntikan ko nang masabi ang totoong sagot.
“Zeke.”
“Buti naman. Kala ko kung anong ihihirit mo.” Nakangisi siya at nakataas ang kaliwang kilay. Lumapit ako sa kanya at itinapat ang mukha ko sa kanya.
“Papayag ka ba pag ‘yon ang pinatawag ko?” Hamon kong tanong.
“Siguro pero depende sa mood ko,” Inilapit niya rin ang mukha niya na tanda ng pagtanggap ng hamon.
“Gano’n?” Napatitig ako sa mga labi niya. Kung hindi siya tumayo at hinila ako sa braso para tumayo rin ay baka kung ano na ang nagawa ko.
“Yep. Tara na.”
“Saan?” Inalis ko ang pagkakakapit niya sa braso ko ngunit kinuha ang kamay niya.
“Get a pen and paper maglilista tayo ng mga bibilhin natin bukas.” Napatingin siya sa magkahawak naming kamay. Ngayon pa ba siya naconcious kung simula nang dumating siya ay mas madalas na magka-holding hands kaming dalawa?
“Seryoso?” tanong ko.
“Oo naman. Ikaw lang naman ang nagloloko. Hired na ‘ko di ba?” Humarap siya sa’kin at muntikan na kaming magkabanggang dalawa.
“As if naman may choice ako.”
“Alam mo naman pala. Ano? Saan tayo? Hindi pa rin naman tayo pwedeng matulog baka bangungutin tayo sa dami nating nakain.” Bibitiwan na sana niya ang kamay ko nang hinigpitan ko ang kapit dito.
“Gusto mo maglakad-lakad na lang tayo sa labas?”
“Ayoko na lumabas nakapantulog na ‘ko.”
“Oo nga naman.” Napangiti ako sa sinabi niya. Mukhang nagustuhan niya ang ibinigay ko. Sinong makakahindi sa silk pajamas na kulay peach na may lining na lavander na paborito niyang kulay.
“Thank you nga pala.” Parang huminto ang oras nang humarap siya at tumingin sa mga mata ko.
“Saan?”
“Dito at sa iba pa.” She motioned to her sleepwear. I coudn’t let go of her gaze. Hindi ko rin napigilan ang mga sunod kong sinabi.
“Lai.”
“Hmm?”
“Namiss kita ng sobra.” Parang may sariling buhay ang mga bibig ko nang sinabi iyon. I saw her falter and open her mouth to respond then she closed her eyes and when they opened ay saka lang siya sumagot.
“Buti naman. So pa’no? Saan tayo mag-conceptualize ng mga gagawin sa bahay mo?” Bumitiw siya sa kamay ko at nagsimulang maglakad kahit hindi naman alam kung saan pupunta. Nakaisip ako ng magandang gawin.
“Habang nilibot ang bahay na lang. You have full reign. Kung anong gusto mong ayos ng bahay na ‘to basta ‘wag naman pink at purple.” Nakangisi kong sabi. Nauuna siyang maglakad sa’kin kaya’t hindi niya nakita ang palihim kong pagngiti. Huminto siya at lumingon pabalik sa’kin.
“Peach at lavender pwede?” I smiled as she took the bait. Tumango ako bago sumagot.
“Pwede pero sa master’s bedroom lang as accent.”
“Bakit?”
“Kung anong gusto mo, masusunod.” I meant every word.
“Dahil?” Nakataas ang kilay niyang tanong.
“Interior designer kita ‘di ba?”
“Sabi ko nga. So saan muna tayo?”
“Sa laundry area.” Kinuha ko ang kamay niya at iginiya siya sa pinaka-safe na parte ng bahay.