4-Eggs

1635 Words
    DINALA ko muna sa guestroom sa tabi ng kwarto ko ang bag ni Nicolai. Sinipat muli ang buong silid kung maayos na ba ito. Napatingin ako sa malaki at makapal na kutsong pinaghirapan kong bitbitin mula sa kwarto ko papunta roon. Dahil isang linggo pa lang ako ay wala pa halos mga gamit at kasama na doon ang kama sa tatlong kwarto na wala namang gagamit. Kung madali lang baklasin ang kama ko sa kwarto ay baka ginawa ko na rin para lang ilipat sa silid niya.   Sinubukan kong mag-order online ng queen size bed para sa guest room noong nalaman kong makikitira si Lai sa’kin ng ilang araw ngunit wala raw silang stocks. Dahil Holiday marahil kaya walang mag-asikaso sa mga warehouse. Hindi ko rin naman mahihintay ang delivery dahil nasa opisina ako. Kalahating araw lang ako sa opisina. Pinaghandaan kong mabuti ang pagdating niya. Inayos ang silid na tutuluyan maging ang ibang parte ng bahay na mukha pang tambakan. Ang hindi ko lang naasikaso ay ang grocery. Iyon ang dahilan kaya sinabi ko sa kanyang hindi ako marunong magluto kahit kasinungalingan lang ito.   I opened the closet door and placed her bag inside. Pinagisipan ko kung aalisin ko ba ang pulang maleta na nasa loob. I sighed and just left it there. Isinara ko na ang closet at lumabas ng silid. Pagdating ko sa kusina ay nasa tapat ng nakabukas na ref si Lai. Nakakunot ang noo nito at nakataas ang isang kilay.   “Anong ginagawa mo diyan?” Lumapit ako sa may likuran niya at inabot ang isang pitsel ng tubig sa pintuan ng ref na hawak niya. Hindi ko alam kung ako lang ba o sabay kaming nagpigil ng hininga. My arm brushed past her arm. Sa mabilis na contact ng mga braso namin ay para akong nakuryente. Pagkakuha ko ng tubig ay umatras namann ako upang kumuha ng baso sa ibabaw ng kitchen counter. Sumagot lang siya nang maupo na ako sa isa sa mga stool ng island counter na katapat ng pwesto niya.   “Naglilista ako ng mga bibilhin sa grocery.”   “Naglilista ka sa isip mo?” Tumingin siya sa’kin at umirap.   “Tubig at itlog lang ang laman ng ref mo? Seriously, Zeke? Plano mo bang pakainin lang ako ng scrambled eggs, sunny side up at boiled eggs? O gagawa ka ba ng meringue?” Napairap pa ito muli at ngumiwi. Hindi ko naiwasang mapangiti sa ekspresiyon ng mukha niya.   “Kailangan ko kasi ng protein, alam mo na, para rito,” I flexed my biceps for her to see ngunit imbis na maimpress ay mas umirap pa ito at pabagsak na isinara ang ref. When she approached me, walang sabi-sabing pinisil ang magkabila kong braso at saka lumakad palayo.   “Dati pang ganyan ‘yan. Wala namang improvement! Tara na nga!” Nang hindi ako sumagot at huminto siya, tumingin muli sa’kin at umirap. Nang hindi pa rin ako tumayo ay siya na ang lumapit at hinila ang kamay ko.   “Where are we going?” tanong ko kahit na alam ko naman kung ano ang puntirya niya. Lumingon pa siya at sumimangot. Mukhang gutom na nga talaga dahil mas masungit.   “Sa grocery! Come to think of it, sa 7-11 na lang siguro kasi gutom na gutom na talaga ‘ko. Hindi ako nakakain sa eroplano kanina.” Napatingin ako sa magkahawak naming kamay at saka naalalang sumagot.   “7-11? Puro instant lang ang pagkain doon. Sa iba na lang tayo kumain. Sandali kukuha lang akong susi ng kotse.” Huminto ako at pupunta sana ng kwarto kung saan ko iniwan ang susi ng sasakyan ngunit hindi ito pumayag. Mas hinila pa ‘ko papalabas ng bahay.   “Huwag na. Mahihirapan ka pa na mag-park. Sa malapit na lang tayo magpunta. For sure mayroon dito.”   Napangisi ako dahil nakipaghilahan siya sa’kin at nadala naman ako ng paghila niya.   “Akala ko ba gutom ka bakit parang ang taas ng energy mo?”   “Ikaw ba naman makakita ng dalawang dosenang itlog sa ref?!” Dahil magkatabi na kaming naglalakad ay nakita ko ang pag-irap niya. Nasa tarangkahan na kami ng pinto noon. Siya na ang nagbukas ng pintuan habang ako naman ang nagsara pagdaan namin. Naka-auto lock naman ang pintuan. Papalabas na kami ng gate nang asarin ko s’ya.   “Hanggang ngayon galit ka pa rin sa mga itlog ko?”   “Araw-araw sa isang buong linggo mo ba naman akong pinakain ng itlog mo, kung hindi ba ‘ko mapipikon?” Nakataas ang kilay niyang tanong. Pabalya niyang naisara ang gate.   “I have an idea. Bukas na lang tayo mag-grocery. Kumain na lang tayo sa hawker ngayon,” suhestiyon ko na imbis na ikatuwa niya dahil paborito niyang kumain ng hotpot sa mga hawker doon noon ay mas nainis pa siya sa’kin.     “Kasi naman dapat kanina pala kumain na lang tayo. Sabi ko kasi dumaan tayo ng grocery, eh.”   “Kasi naman, akala ko ok lang sa’yo ang itlog ko.” Nakangisi kong sagot. Naglalakad na kami sa kalsada nang huminto siya at binitiwan ang kamay ko. Humarap siya at nameywang at saka ako tinitigan ng masama.   “Ezekiel, gusto mo itlugan kita?”   “Titigil na nga. Ito naman, di mabiro.” Kinuha ko muli ang kamay niya at hinila siya papunta sa direksyon kung saan may alam akong hawker o isang open space center ng iba’t-ibang pagkain.   Habang naglalakad ay naalala ko ang pinagmulan ng asaran na iyon. Eggs will always be an inside joke between us. That was result of a bet that we made years ago.   “Sige, kapag natalo ka. You’ll cook for me for the whole week. Ano? Call?” Tanong ni Lai isang araw na nasa park kami.   “Call, pero kapag nanalo ako, I’ll still cook for you for a week.”   “Anong klaseng pustahan ba ‘to bakit parehas ng pusta?” tanong niya na nakakunot ang noo. Sumipsip ng softdrinks na nakalagay sa isang plastic na may tali. Ang sosyal na version ng coke sa mga suking tindahan na nasa supot ng yelo at may straw.   “Basta. Ano payag ka na? Wala kang talo rito. Ako lang lahat ang mapapagod.” Pambubuyo ko sa kanya.   “So kapag ako ang nanalo, I can request any kind of food, right?” Tumango ako at ngumiti. Nakuha na niya ang gusto kong sabihin.   “Yes.”   “If ever naman na ikaw ang winner, you’ll cook whatever you want and then force me to eat them tama?” Napangisi ako dahil natumbok niya ang totoong essence ng pustahan. “Oh God, I’m so scared kapag ikaw ang nanalo. Game! Sige, call na.”   Nagsimula na ang pustahan nila. Simple lang naman ang mechanics noon. Sa park na iyon kung nasaan sila ay may mga matatandang tortoise. Bumili sila ng cucumber mula sa caretaker at sinubukang pakainin ang mga ito ngunit walang lumalapit. Marahil ay maraming mga naunang namamasyal na ganoon din ang ginawa. Ang pustahan nila ay kung kaninong pipino ang unang kakagatin ng mga tortoise sa kulungan nila.   “What if walang kumagat tapos magsasara na sila?” tanong ni Lai habang nakaabang kami sa susunod na kabanata.   “We’ll think of another bet tapos same lang ang stake.”   Ilang sandali pa ay may nag-angat ng ulo at kumagat sa malaki, mahaba at mataba kong pipino. Kitang-kita ko kung gaano nanlaki ang mga mata ni Lai at sumimangot nang hindi pinansin ng tortoise ang hawak niya. Inilaglag namin sa kulungan ang mga tirang pipino.   “So, paano ba ‘yan, I’m the winner!” pagyayabang ko. Nag-make face si Lai bago ito sumagot.   “O, game na rin. Anong ipapakain mo sa’kin?” Nakapameywang niyang tanong.     “Siyempre ang mga specialties ko. Tara na sa bahay.” Itinaas baba ko pa ang kilay ko bilang pang-aasar. Napairap naman siya at hinila na ako papunta ng exit ng park.     Natunugan siguro ni Lai na naiisip ko ang araw na iyon kaya’t labag man sa napagkasunduan namin ay bigla namin itong napag-usapan.   “Alam kong naiisip mo siguro na maswerte ako dahil sa specialties mo?” Napahigpit ang hawak niya sa kamay ko nang muntikan na siyang matalisod. Dahil hindi naman siya nasaktan at nakabalanse naman agad dahil sa pagkapit sa’kin ay hindi namin ito pinansin bagkus ay itinuloy ang usapan.   “Oo naman. Bakit sa tingin mo ba may iba pa ‘kong ipinagluto?” tanong ko sa kanya.   “Malay ko ba. Hanggang ngayon ba wala ka pa ring alam na ibang lutuin bukod sa nilagang itlog, sunny side up, scrambled eggs, torta at sarciado?”   “Marunong na ‘ko mag-eggs benedict, leche flan at poached eggs.”   “Wow. Good for you.” I looked at her and she was trying not to smile.   “Marami na ngayong mga easy to follow na videos kaya mas madali na magluto.”   “Wow, ang daming kainan dito! Kakalipat mo lang ‘di ba? So alam mo na may ganitong lugar malapit sa bahay mo? Kaya ba wala kang pagkain sa fridge?” tanong niya na nagniningning pa ang mga mata. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa ilaw o sadyang masaya lang siya makakita ng bilihan ng pagkain dahil sa sobrang gutom.   “Hindi ko rin alam. Nadaanan ko lang siya noong huling beses na nag-jogging ako.” Hindi ko lang idinagdag na hindi naman ako kumakain sa bahay at laging pagdating ko ng bahay ay matutulog na lang o minsan ay maliligo at magbibihis.   “Hot pot gusto ko at chicken feet!” Halos patakbuhin na ‘ko ni Lai dahil sa pagbilis ng mga hakbang niya habang hila-hila ang kamay ko. When we reached the food stalls ay nanlaki ang mga mata niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD