3 – Lock

2247 Words
    NAPANGANGA ako at muntikan kong mabitiwan ang cellphone dahil sa sinabi niya. She looked at me and then laughed out loud. Namula pa ang mukha niya sa katatawa.   “Bakit parang gulat na gulat ka? I’m not kidding. I’ll let you have my body if you win the Deal.” Kumindat pa si Lai at sinubukang kuhanin sa’kin ang hawak kong cellphone sabay tanong, “wala ka pa bang na-book?”   Nakatayo lang ako at hindi gumagalaw. Alam kong hindi siya magbibiro ng ganoon kung ang dating Lai ang kausap ko. Dahil sa nangyari sa kanya noon ay hindi ko tinangkang hawakan siya o yakapin man lang. Laging siya ang nauunang humawak sa kamay ko o kumapit sa braso ko. Because of that past, I wanted to protect her now more than ever.   “Zeke, galaw-galaw! Okay ka lang? Sigurado naman akong mananalo ‘ko. Isa pa, I’m sure you won’t lose, too. You never wanted to touch me, remember? O, hindi ako nagbanggit ng past. I was just merely stating a fact. Ayan, may na-book na!” Lumakad si Lai palayo na parang normal na usapan lang ang naganap.   “Lai, you know that’s not true, I...” Natigilan ako nang humarap siya sa’kin. She stared at me as if she was really anticipating my answer. Nakataas ang isang kilay at nakapameywang.   “Last na to. I don’t need your explanation. I know you knew about what happened to me. When I was doing my therapy, I realized that you pitied me more than you cared for me kaya don’t worry. I’m fine now. Nakarecover na ‘ko. I accepted everything that happened in the past. Nandito pa nga ako ngayon kahit na ikaw mismo ang nagsuplong sa’kin sa mga pulis. I’m really thankful that you intervened. Siguro kung hindi ka dumating, I would still be caught in my web of lies and pain. Ayan, ito na yata ang taxi na na-book mo.”   Sumakay si Lai sa loob ng Taxi at naiwan akong mukhang binagsakan ng langit at lupa sa may bangketa. How could she just say all those words as if it was nothing? Paano niya nasabi ang mga bagay na kahit sa panaginip hindi ko inisip na masasabi niya sa’kin nang harapan? Totoo nga kayang okay na siya?   “Zeke! Ano?! Tara na, gutom na ‘ko!” Sumilip siya mula sa Taxi at kinawayan pa ako. Tinitigan ko ang nakanguso niyang mukha pagkatapos ay ngumit at umakto na parang humihila ng lubid upang lumapit ako sa kanya. Kung ibang pagkakataon siguro ay natuwa pa ako sa pagiging masiyahin niya ngunit hindi ko alam kung totoo ba ang lahat o pagpapanggap na naman. Matagal bago ako nakabangon sa bangungot na dala ng huling araw naming magkasama. Pumikit ako at pinilit burahin ang tagpong iyon sa isipan. Hindi pa nasiyahan si Nicolai, sumipol pa siya upang mapatingin akong muli sa kanya.   Lumapit na ‘ko sa Taxi at tumabi sa kanya sa backseat. Isinara ko ang pinto at umandar na ang sasakyan. Hindi ko na kailangang sabihin ang direksiyon sa drayber dahil alam na niya ang pupuntahan dahil sa booking pa lang ay nakalagay na ang destinasyon.   “May kanin ka ba sa bahay? Mas gusto ko ang kanin kasya mashed potatoes, ha. Kina Nikki kasi kadalasan, mashed potatoes o di kaya naman brown rice. Grabe maging health conscious ng mga tao doon. Buti na lang nauso na ang baked na mga chichirya, nakakakain pa rin ako ng maalat.”   “Bakit health freaks ba sina Boss?” Nagustuhan ko ang pag-iba niya ng topic. Mas safe kung ibang tao ang pag-uusapan namin.   “You know, heart condition something something. They’re trying to avoid illnesses. Sabi ko nga maganda ‘yon para laging healthy ang mga pamangkin ko.” Natigilan siya at napakapit sa sentido.   Agad naman akong umakbay at iniharap siya sa’kin.   “Are you okay?” She seemed startled with my sudden movement. Inalis ko kaagad ang pagkakaakbay ko sa kanya bago siya sumagot.   “Yes. Okay lang ako. Sumakit ng kaunti ang ulo ko. Baka sobrang gutom lang talaga.” Tumingin siya sa bintana at napangiti. Marahil ay natutuwa siyang makita muli ang ganda ng mga puno sa Singapore. Kahit na isang mayamang siyudad ay marami pa ring halaman at puno doon.   “Can we go to the park tomorrow? Walang pasok bukas kasi Lunar New Year? Gusto kong manood ng fireworks. Ang tagal ko na hindi nakakita ng fireworks.”   “Sige. Gumising ka ng maaga para marami tayong mapasyalan,” agad kong sagot sa kaniya. Ngumiti siya sa’kin at isinandal ang ulo sa bintana.    Sa mga oras na iyon, kahit saan niya ‘ko ayain ay papayag ako basta huwag lang niyang banggitin ang mga bagay na hindi niya nagawa dahil naipit siya sa mental institution nang limang taon. I always reasoned out with myself whenever I would remember that day. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na tama ang ginawa ko at para sa ikabubuti niya iyon. Ngunit bakit mabigat na naman sa pakiramdam? Sumandal ako sa pintuan ng Taxi at bumaling sa kaliwa upang mas masilayan siya. I would rather see her in this cheerful and happy state than see her writhing in pain.   Humahangos akong bumaba ng tren sa Newton Station, patay na oras iyon at wala masyadong tao sa istasyon. Sa dulong hagdanan ako nagtungo upang masigurong walang makasbay. I was trying to trace a signal and I’m having no luck. Nakarinig ako ng impit na sigaw. Tumakbo ako papunta sa pinanggalingan ng tunog at doon nakita ko ang isang lalaking naka-turban na susuntukin ang isang babaeng nakasandal sa dingding. Nakukublihan sila ng poste at hindi rin kita ng CCTV ang lugar na iyon. Alam ko dahil kinabisado ko ang mga blind spots sa mga pampublikong lugar doon. Nakatulala ang babae at nakakapit sa bibig. Siya mismo ang pumigil sa sarili niya upang sumigaw. I acted out of instinct. Sumugod ako at sinipa ang lalaki. Doon ko napansing may hawak siyang patalim. Hinila ko ang babae papunta sa likuran ko upang masigurong hindi na siya masasaktan muli ng lalaki.   Sumugod ito gamit ang dalang patalim na naiwasan ko naman kaagad. Tumalsik ang patalim kaya’t mano-mano na ang laban. Sinangga ko ng braso at kamay ang mga pag-atake niya. Para saan pa at nag-aral ako ng martial arts at nag-train sa pagkapulis kung isang naka-turban lang ang magpapatumba sa’kin? Ilang sandali pa ay napatumba ko na siya. Sinipa ko pa ang dibdib upang masigurong hindi na makakabangon pa. Napansin ko ang pulang wallet na nasa sahig at marahil iyon ang ninakaw ng lalaki sa natulalang babae. Doon ko naalala ang biktima. Paglingon ko ay doon ko napansing matutumba na ito. I ran towards her and caught her before she hit her head on the concrete floor.   “Miss? Miss?” Doon ko natitigan ang babae. Maputla man siya ay hindi maipagkakailang napakaganda niya. Maliit ang mukha at matangos ang ilong. Makipot din ang labi niya at malantik ang pilik-mata. Maging ang korte at arko ng kilay nito ay mganda rin at bagay sa hugis pusong hubog ng kanyang mukha. Umiling ako at huminga ng malalim. Pinagalitan ang sarili na nakuha ko pang humanga sa ganda ng babae gayong wala na nga itong malay. Ibinulsa ko ang wallet niya at ang cellphone na nakita kong hawak niya. Upang hindi pagdudahan, isinampa ko sa likod ko ang babae at saka bumaba ng istasyon at sumakay ng Taxi pauwi ng bahay.   “Boss, I found her. She’s right here with me. It was sheer luck,” bulong ko sa amo ko habang sumisilip sa pintuan ng apartment kung saan ko dinala ang babaeng nahimatay sa may istasyon ng tren.   “How did you find her?”   “Nakita kong nanakawan ng wallet. Tinulungan ko. Nahimatay siya siguro out of shock noong susuntukin siya dapat ng magnanakaw. I searched her wallet for a clue who she is and I saw an old ID inside. Nicolai Ramona Saragoza was the name. Sakto sa pangalang hinahanap natin. Nakita ko rin ang cellphone at ang simcard na ginagamit niya pantawag sa inyo tungkol kay Pasquale.”   “Good job, Z. Maasahan ka talaga. Now you have to convince her to let you in her life. Bahala ka na kung anong gimik ang gagawin mo, basta kailangan mo mapasok ang buhay niya para mahanap natin ang anak ko. Maliwanag ba?”   “Kahit naman hindi mo sabihin, gagawin ko naman talaga ‘yan. Gumagalaw na siya. Tatawag na lang ako kapag may update na.” Ibinaba ko kaagad ang tawag at isinuksok ang cellphone ko sa likurang bulsa ng pantalon. Lumapit ako ng dahan-dahan sa babaeng nakahiga sa kama ko. Unti-unti nang nagkakakulay ang mukha niya. She looked very pale a while ago.   Marahan niyang idinilat ang mga mata niya. She squinted and covered her eyes with her arm. Nasilaw siya sa liwanag ng silid. Nang maka-adjust siya ay luminga-linga naman sa paligid. Napabalikwas siya ng bangon nang mapagtantong nasa ibang lugar siya.   “Nasaan ako?” Dahil nag-Tagalog na siya ay hindi na ‘ko mahihirapang magpanggap na hindi ko alam na Pilipino siya.   “Are you okay? You fainted so I brought you here. Bahay ko ‘to. Don’t worry, I won’t harm you. Iniwan ko ring nakabukas ang pintuan. See?" Itinuro ko ang main door ng apartment na nakabukas. Maliwanag pa noon kaya’t nakatulong siguro iyon para mapaupo siyang muli at hindi na siya matakot.   “I’m Zeke. I saw you at the train station. I hope you remembered that I helped you.” Lumapit ako sa kanya at inilahad ang kanang kamay ko. Tumingin siya roon at kumunot ang noo. Dahil hindi siya nakipagkamay ay ibinulsa ko ang dalawa kong kamay.   “Naalala ko na. Nabawi mo ba ang wallet ko?” Kinapa niya ang likod ng ulo niya.   “Masakit ba ang ulo mo?” Nagtataka akong tanong dahil hindi naman siya tumama sa sahig. Nasalo ko siya bago siya masaktan.   “Hindi. Nahihilo lang ako.”   “Sandali, baka nagugutom ka na. Maghahapon na baka hindi ka pa kumakain?”   “Aalis na ‘ko. Salamat sa tulong.” Tatayo na sana siya nang napaupo siyang muli at napakapit sa noo.   “Stay here for a while. Ipapagluto kita. Walang instant na pagkain hindi pa ko nakapag-grocery. Mahiga ka muna. Sa kusina lang ako.” Napapayag ko siya dahil siguro mukhang anghel naman ako at iniligtas ko siya dalawang oras na ang nakalipas. Ngumiti siya sa’kin. Pakiramdam ko noon ay napatulala ako dahil sa ganda ng ngiti niya. Kung maganda siya nang nakapikit at walang malay, ilang libong beses na mas nagliwanag at gumanda ang mukha niya nang maningkit ang mata niya at masilayan ko ang mapuputi niyang ngipin.   “Zeke!” Napabalikwas ako nang may pumitik sa ilong ko. Kung hindi ko siya nabosesan ay baka nasaktan ko siya. Isang factor din marahil na si Nicolai lang naman ang pumipitik sa ilong ko.   “Nakatulog ba ‘ko?” I asked the obvious dahil nasa tapat na kami ng bahay ko. Napabuntonghininga ko nang maalala kung anong panaginip ko. Sa dami ng mapapanaginipan ay parang flashback pa ng nakaraan.   “Mukhang nanaginip ka pa nga. Sabi mo ipapagluto mo ko.” Ngumiti siya at napatulala ako. Mula sa itsura niya sa panaginip ko na unang beses niyang pagngiti ay parang nag-morph lang ang imahe mula sa pagkakaroon niya ng itim at mahabang buhok patungong maiksi at kulay green niyang buhok ngayon.   “Titigan mo lang ba ‘ko o bababa na tayo? Tumatakbo ang metro. Sayang ang Sing Dollar mo.” Pinitik niya muli ang ilong ko sabay bukas ng pintuan ng Taxi sa gilid niya. Kumaway siya mula sa may gate. Kinuha ko ang bag niyang iniwan sa upuan at binayaran ang Taxi. Pagbaba ko ay agad siyang umangkla sa braso ko.   “I love your house. Mukhang bagong-bago.”   “Yes. Bago lang. Wala pa masyadong gamit sa loob.” I entered the pin and cursed in my mind. Doon ko naalalang kailangan kong ibigay sa kanya ang password sa bahay maging sa gate.   “Why? May problema ka?” Napansin niyang nakakunot ang noo ko.   “Wala naman. Papalitan ko muna ang password mauna ka na sa loob,” Mahina kong sabi matapos kong buksan din ang pintuan ng bahay. Imbis na sumunod ay hinila niya na ako papasok. Binitiwan niya ako at diretsong naglakad na parang sa kanya ang lugar. Pagharap niya sa’kin ay bigla siyang ngumisi. Ang pilyang ngiting iyon ang papatay sa’kin.   “Huwag mo na lang palitan. Alam ko naman na birthday ko ang pin. Kabisado ko ang tunog ng code kasi ‘yan din ang code ng lock ko dati. Don’t bother changing it para hindi ko makalimutan. Okay?” Nag-okay sign pa siya at dumiretso sa kusina. Kung paano niya nalaman na kusina iyon ay kailangan ko pang itanong. Knowing Nicolai Saragoza, lahat ng bagay na ginagawa niya ay pinag-iisipan at pinagpaplanuhan.   Pasunod na ko sa kanya nang natigilan ako. Inaral ba niya ang bahay ko bago siya pumayag na manatili rito?      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD