8-Interior Design

2533 Words
    SHE looked excited as she explained to me her plans for the interior design of the house. Nasa sala kami muli matapos naming mag-ikot sa buong bahay kasama ang mga kwarto at basement. Maging ang front porch at garahe ay sinilip niya.   “Kung gusto mo ng monochromatic theme sa bahay, anong hue ang naisip mo?”   Gusto ko sanang isagot ang Only You ngunit baka bigwasan ako ni Lai. She looked so endearing as she bit the tip of the pen that she’s using. May nakuha siyang pen at notepad mula sa kwarto ko noong dumaan kami doon habang nag-iikot.   “I need your input. Ano ba ang gusto mo? Per room ang theme o isang buong bahay isang theme lang?” Tanong ko sa kanya. Ngayon na magkausap kami, napagtanto ko na mas importante para sa’kin ang opinyon niya. Kung tutuusin ay wala naman talaga akong ibang gusto kung hindi ang gawin kung anong suggestion niya. Bukod sa ideya niyang tumulong magdecorate ng bahay ay may tiwala talaga ako sa taste niya. She’s very artistic and has a good eye at everything gorgeous. Kaya nga nagustuhan niya ako noon.   “Modern kasi ang style ng bahay mo sa labas so mas maganda na modern din sa loob para mag-jive sila. Minimalist sa sala na black grey and white hues para pumartner na sa white na couch mo. Mas malaki ring tingnan kapag dominant ang light colors.” Tumango ako sa habang isinusulat niya sa notepad ang mga nabanggit.   “Okay. Mas magmumukha ring maluwag.”   “True. Sa basement, monochromatic red or blue o pwede nating hatiin kalahating red tapos kalahating blue para angat ang kulay ng recreation room. Pwede rin na lighter shade ang rendering ng mga kulya para mas magaan sa mata. Gusto mo rin naman ng red at blue so kung magbababad ka sa basement, mas enjoy ka.” Tumango ako bilang pagsang-ayon. She’s on a roll. Tuloy-tuloy ang mga ideyang sinasabi niya tuwing magtatanong ako.   “Sa kitchen and dining?”   “May naisip na ‘kong gawin, I’ll sketch them later para mapakita sa’yo. Pero sige, ieexplain ko na rin. Malawak kasi ang space magkadugtong ang Dining area mo at Kitchen tapos walang structure. Maganda mag-install ng wall tapos swinging saloon door o kahit doorway lang in between. Kung gusto mo divider pwede rin. Balak mo bang lagyan ng bar dito sa may living room o sa baba na lang rin?” Habang nagsasalita ay nakatingin ang mga mata sa itaas at kapag nakapagsalita na at tumango ako ay saka yuyuko at muling magsusulat sa notepad.   Tumango ako at ngumiti.   “Anong tinatanguan mo? Color tones pala for the kitchen and Dining area?” tanong niya na nakakunot ang noo.   “Yes sa idea mo. Sketch mo later titingnan ko na lang alin mas bagay sa choices. Ang bar pwede naman sa baba na lang. Colors, whatever you think would suit the overall design of the house since connected sa Living room.” Nakangiti kong sagot.   “Good point. Sige I think cream and white hues would look elegant tapos maglagay tayo ng mga brick like accents para mas stylish tingnan.” Habang pinagmamasdan ko si Lai ay mas napapahanga ako sa kanya. She doesn’t run out of ideas.   “Anong gusto mong gawin natin sa kwarto?” Napatulala ako sa tanong niya bago ko napagtanto kung ano talaga ang sinasabi niyang gagawin namin sa kwarto.    “Oh, yeah. Color scheme. Sa Master’s bedroom wala pa ‘kong maisip pero sa ibang kwarto siguro pastel colors para malamig sa mata.” Napakunot ang noo niya sa sagot ko.   “Sa Master’s pa naman dapat ang focus mo kasi doon ka matutulog.” I shrugged and she sighed. Nahalata siguro niyang wala naman talaga akong naiambag sa usapan namin.     “Ibig mo ba sabihin, nabili mo ‘tong bahay na wala kang idea kung paano aayusin?” Inipit niya ang ballpen sa notepad at saka tumingin muli sa’kin.   “Ang gagawin ko lang sana ay—” Natahimik ako dahil hindi ko na alam kung anong kasunod.   Tinaasan ako ng isang kilay at saka siya bumuntonghininga.   “Wala? Mukhang plano mo na matengga ang bahay mo at ang kwarto lang na tinutulugan mo ang maayos? I know you, Zeke. Uunti-untiin mo ang pamimili ng mga gamit then you will try to do the job of renovating on your own during your free time until such time na wala ka nang matapos kasi busy ka. Tama ba?” Napaawang ang bibig ko dahil kahit na wala naman talaga akong plano ay nakita na niya ang kahihinatnan ng lahat.   “Wow. Manghuhula ka ba?”   “I just know you’ll be busy at alam kong sanay kang hindi humihingi ng tulong sa iba. You’re the most independent and dependable person in the whole galaxy. Kahit nga Boss mo dependeng sa’yo.” Umirap pa ito sa’kin at saka tumayo bitbit ang notepad at ballpen.   “O, saan ka na pupunta?” Huminto siya sa paglakad, humarap sa’kin at nameywang.   “Matulog na tayo. Ako na lang ang bahala. Lahat naman ng sinabi ko umoo ka. Since I have free reign, I’ll try to do as much as I can habang nandito pa ‘ko. Okay? Kahit planning ang shopping lang. Tara na, matulog na tayo maaga tayo gumising bukas para marami tayong magawa.” Pagkasabi noon ay tumalikod na siya muli at naglakad na papuntang kwarto. Habang ako naman ay  natitig lang sa likuran niya.   “Ezekiel, kung wala ka naman talagang tutulugang inflatable sleeping bag at ayaw mong madumihan itong couch mo, tabi na lang tayo matulog. Maglagay ka ng harang sa gitna para hindi kita gapangin.” Sabi niya habang hindi man lang lumingon sa’kin. Hindi niya nakita kung paano nalaglag ang panga ko sa sahig. Tumayo ako at humabol sa kanya.   “Tabi tayo matutulog?” nauutal kong tanong. I scolded myself mentally for acting like an innocent school boy. Kung kailan pa ‘ko nag treinta’y dos anyos ay saka pa ‘ko mukhang kinikilig na teen ager.   “Oo tabi lang naman hindi naman magse-“ Bago pa siya nakapagsabi ng salitang balak sabihin ay natakpan ko na ang bibig niya. Nagpalinga-linga ako sa paligid. I sighed and removed my hand from her lips.   “Sa sobrang kakatrabaho mo ‘yan. Praning ka na. Walang ibang taong nakakakita at nakakarinig. Imposibleng hindi mo na-scan for bugs ang sarili mong bahay. Kaloka ka parang bata. Tara na! Gusto mo ilipat na natin ulit sa kwarto mo para nakapatong sa kama. Ayoko rin matulog sa sahig kahit makapal pa ang kutson.” Our nearness added to the tension that I was feeling. Para kong pinagpapawisan ng malamig kahit na parang naiinitan naman talaga ako.   Nang nakatitig pa rin siya sa’kin na may iritableng reaksiyon ay saka lang ako nagtanong para sigurado.   “Sure ka ba? Hindi ka naiilang kung tabi tayo?” Tinulak ako at saka siya umirap.   “Ano, high school? We’ve done this before kaya hindi mo na dapat tinatanong. Tara na, Ezekiel. Kapag tanghali ka nagising bukas iiwanan kita. Dadalhin ko ang kotse mo kahit wala ‘kong lisensiya.” Pasunod na dapat ako nang bigla akong natigilan. Nalimutan kong palitan ang program ng kotse! Napakapit ako sa sentido at napabuntonghininga ng malakas.   “Ayaw mo? Sige pwede namang sa sala na lang ako matulog.”   “No! Oo na. Tara, ilipat na natin. May naalala lang ako tungkol sa kotse.” Sa isip ko ay nagmumura na ‘ko at humahanap ng paraan upang maireprogram ko ang setup ng automated system ng sasakyan.   “Ezekiel? Okay ka lang? Bakit pinagpapawisan ka?” Nakangisi niyang tanong nang nasa tapat na kami ng silid na dapat ay tutulugan niya.   “Oo okay lang. Tara na para makarami.”   “Ha?”   “I mean para makatulog na.” Napakamot ako sa ulo at saka pumasok sa loob ng silid at sinimulang buhatin ang mga unan na inilagay ko roon. Dinala ko sa kwarto ko ang mga unan at ipinatong sa side table. Doon ko na-realize na kahit ang kwarto ko ay wala kahit lampshade o frame man lang. Nasalubong ko si Lai na dala ang inalis na bedsheet at comforter mula sa kama. Ipinatong niya rin ito sa ibabaw ng unan. Magkasunod kaming bumalik sa kabilang silid upang magkatulong na buhatin ang kutson.   Kahit nailipat ko namang mag-isa ang kutson ay parang mabigat pa rin habang binubuhat namin ito pabalik. We were both panting heavily when we finally managed to transfer the mattress from point a to point b.   “Grabe, ang bigat. Nabuhat mo mag-isa ‘yang ganyan kalaki at kabigat kanina? Tama ‘di ba? Kanina mo lang nalaman na pupunta ‘ko?” Tumango ako at sinimulan nang ilatag ang bedsheet. Nagtulong kami upang ilatag ang puting kubrekama sa California King sized mattress na iyon. Ang apat na unan na inilagay ko sa silid ni Lai lang talaga ang unan na mayroon ako. Hindi pa ko nakabili ng mga unan kaya’t plano ko noon ay nirolyong tuwalya ang gagamitin ko dahil iyon ang marami ako.   “Oo. Kung alam ko lang sana pala hindi ko na nilipat.” I answered honestly. Hindi ko naman dapat i-assume na gugustuhin niyang magtabi kami sa higaan pero knowing her alam kong hindi rin naman talaga siya papayag na ako lang ang mahirapan. That was one misconcepcion I had about her before. I thought she was selfish.   “Nag-effort ka pa kasi alam mo namang hindi ako paalaga.” Umiling ako habang ginagamit ang remote para iadjust ang thermostat ng aircon na binuksan ko pagdating namin ng bahay. Mas binabaan ko ang temperatura dahil mas uminit ang paligid.   “May dala kang toothbrush?” Pag-iba ko ng usapan. Tumango siya at ngumisi.   “Kinuha ko sa eroplano. Dalawa nga ‘yon, eh humingi pa ko sa flight attendant ng isa pa. Gusto mo?” Natawa ko sa pilyang ngiti niya.   “May soft bristles dito na stock alam ko dalawa ang nabili kong bago. Nasa banyo.”   “Sige pala, ‘yang sa’yo na lang matigas kasi ang free.” Sagot niya habang pinagmamasdan ang malaking kamang nababalot ng puti. Dahil kulay light blue ang pintura ng kwarto ay angat na angat ang itim na frame ng kama at ang puting kutsong nababalot ng bagong-bagong puting bedsheets at comforter. May apat na malalaking unan na nakapatas sa may headboard na nakalapat sa dingding. Sa tabi ng kama ay may dalawang side table na may drawer at cabinet na kapartner ng kama.   “May lukot?” tanong ko habang tinitingnan siya.   “Apat lang ang unan mo?” Napangisi ako sa tanong niya. Kaya ko inilagay ang apat na unan sa silid niya dahil natutulog siya na nakapatong ang legs at paa sa unan. May yapos pa ito at isang unan sa ulo. Kung tutuusin ay sapat lang sa kanya ang apat na malalaking unan na iyon.   “Unfortunately, yes. Puro bago kasi ang gamit dito. Lahat ng luma either idinonate ko na o iniwan ko sa dating apartment para itapon. Mga ilang appliances lang ang dinala ko like coffee maker and microwave oven. Ang ref nga bago din. Don’t worry. You can have all the pillows. Ano? Tara na. Toothbrush.” Pagharap niya sa’kin ay magkasalubong pa rin ang mga kilay niya na parang nag-iisip.   “Ezekiel, you mean, you gave me your bed except the frame dahil obviously hindi mo mababaklas at mabubuhat, you let me use the four pillows that you have and then what? Saan mo planong matulog? For sure wala ka naman talagang inflatable mattress kasi aanhin mo naman ‘yon. Hindi ka nga mahilig mag-shopping. Sumasakit ang ulo ko sa’yo. Pa-hero ka na naman. Sa susunod na magpakabayani ka na naman, ipapalit na kita sa rebulto ni Rizal sa Luneta!” Naiiritang sabi niya. Nang dumaan siya sa’kin ay itinulak pa ‘ko pagilid. Hindi naman ako natumba pero sa lakas ng pagkakatulak niya ay napahakbang ako para bumalanse. Diretso naman siyang nagtungo sa banyo. I scratched my head and followed her. Totoo namang hindi ko napagisipan masyado kung saan ako matutulog. Naisip ko na baka sa sala o sa matigas na kama na lang pero dahil sa mga kaganapan ng araw ay hindi ko na talaga ito naalala.   Pagdating ko ng banyo ay binubuksan na ni Lai lahat ng cabinet at sinisilip ang laman. May linen closet sa banyo sa magkabilang gilid ng pagpasok ng pintuan. Sa tabi ng isang side ng closet ang lababo na green marble ang tiles katerno ng dingding at sahig. Ang water closet naman o toilet ay kulay puti at ilang hakbang mula sa lababo. Malaki ang banyo na iyon. May bathtub at shower closet. Nakapatas ang mga tuwalyang nakarolyo na puti. May angat sa lahat na dark blue at red na maliit na tuwalya roon na siguradong maaalala niya. Tama nga ako dahil hinugot niya ang pula at asul na tuwalya. Iniabot ang asul sa’kin at sa kanya naman ang natira.   “Ayan, maghilamos ka ulit at magpunas ng mukha para mahimasmasan ka. Gamitin mo ‘yan.” I took the towel from her hand and my fingers brushed hers. Sinadya ko ‘yon para ma-divert ang atensiyon niya. Nakakunot pa rin ang noo at salubong ang kilay. Nang buksan ang niya ang kabilang closet ay doon niya nakita ang toothbrush at toothpaste na spare, blower, after shave at shaving cream. Kumuha siya ng isa at isinara na muli ang cabinet dahil wala naman na itong ibang laman.   “Remind me to buy some—ah, nevermind. I think I have to buy everything for you. Walang gamit dito, Ezekiel.” Kahit naiinis siya ay nakangiti pa rin ako sa kanya. Para kong kinikilig na school boy dahil naiinis siya kasi nag-aalala siya para sa’kin. It’s true that I’m used to living independently but lately, sa dami ng trabaho ko ay nalilihis ako ng landas minsan ng pag-aalaga sa sarili.   “Grabe naman sa walang gamit. May spare nga na toothpaste at toothbrush, o.”   “’Wag ka magpa-cute.” Dahil nakanguso ako sa kanya habang inaabutan siya ng toothpaste ay inirapan pa ‘ko. She took the toothpaste I was offering and placed a pea size amount on her new brush. Ibinalik sa’kin at saka binuksan ang gripo. Nakakita ng isang baso at nilagyan ng tap water. She was already brushing her teeth nang maka-recover ako. Seeing her in silk sleepwear kahit na pajamas pa ito, brushing her teeth in my bathroom beside me tickled something in my chest. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang titigan ang sandaling iyon dahil baka hindi na ito maulit muli. When she noticed that I was still staring at her, she playfully bumped my hips with hers at sinenyasan akong mag-sepilyo na rin. When I started brushing my teeth ay tapos na siya at nakapagmumog na. Nilagyan niya muli ng tubig ang baso at iniabot sa’kin. While I was brushing my teeth, akala ko ay maghihilamos na siya o lalabas papuntang silid ngunit nabigla ako sa sunod niyang ginawa. I almost dropped my toothbrush in astonishment.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD