2-History

1718 Words
      “Boss, I’m already here at Changi. Boss? Bakit naman voicemail? One hour late lang naman ako.” Napahilamos ako ng mukha dahil kung tama ang hinala ko, nakalipat na sa sunod na flight ang amo ko at pamilya niya. Kundangan naman kasing kung kailan may importante akong lakad ay saka pa nagloko ang tiyan ko. Hindi ko malaman kung stressed ba dahil sa trabaho o dahil sa nalalapit kong wakas sa pagdating ng babaeng siguradong sisira na naman sa maayos na buhay ko. Nagpalinga-linga ako at tiningnan ang mga naglalakad sa paligid na may mga dalang maleta. Nakapameywang na kinausap ko muli ang hawak kong telepono.   “Boss, hindi mo naman ibinigay ang number niya, paano ko naman hahanapin ang hipag mo sa laki ng The World’s Best Changi Airport?” Kahit hindi naman ako naririnig ng amo ko ay tuloy pa rin ang daldal ko sa telepono. Ibinaba ko na kaagad ang tawag nang marinig ko ang voice mail prompt. Napamura ako sa isip habang nagpaplano ng susunod na gagawin.   “Zeke, I’m already here. Nahanap na kita.” Nanigas at nanlamig ang buo kong katawang pagkarinig ng mga salitang iyon mula sa babaeng dapat ay hinahanap ko ngayon. Kahit anong pilit kong itanggi, boses pa lang ng babaeng iyon ay malakas na ang epekto sa buong sistema ko.  Bumilang ako ng tatlo at saka bumaling sa pinanggalingan ng tinig.   “Nicolai.” Pagharap ko sa kanya ay hindi ko napigilang mapanganga. She looked different but gorgeous. Hindi kagaya noong huli kaming nagkita na hindi ko na gusto pang maalala.   “Baka mapasukan ng langaw ‘yang bibig mo.” Pabiro niyang sabi kaya’t agad ko namang itinikom ang mga labi ko habang patuloy pa rin sa paglakad palapit sa kanya. I couldn’t help but sigh at the sight in front of me. Her 5’8 height seemed taller because of her boots. Nakasuot siya ng ripped blue skinny jeans at isang loose na puting t-shirt na hanggang beywang. May scarf siya sa leeg at nakasuot ng grey aviator shades. Ang pinakamapapansin sa kaniya ay ang kulay ng kaniyang buhok, mint green ito na may highlights na asul. Mas nagmukhang maliit ang mukha niya dahil sa gupit ng buhok niyang hanggang balikat.   “Walang langaw dito sa airport. Where are your bags?” Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya habang sinisipat ko ang tagiliran niya para sa kanyang maleta.   “Ito lang.” Iniangat niya ang isang itim na backpack na mukhang siksik ng mga damit. Napaisip ako kung gaano kadaming laman na damit ang bag na iyon. Kung kukulangin, pwede namang maglaba kami o bumili ng iba pang gamit. Mas lumalim ang kunot ng noo ko sa naisip kong iyon.   “Let’s go. Nag-taxi lang ako.” Kukunin ko dapat ang bag niyang dala ngunit inilayo niya ito sa akin. She took my hand and pulled me towards the exit. Napailing ako kahit na hindi naman niya nakikita.   “Grabe it’s been so long since I’ve been here! I guess five years is really a long time ago. Mas maganda na ngayon! Buti na lang na-late ka ng dating at nakapag-ikot ako. Ito nga pala pinapabigay ni Kuya. Pero pwede namang sa akin na muna para mahahanap kita kaagad kahit saan ka magpunta.” May itinaas siyang maliit na tablet at gaya ng ang una kong hinala ay lumabas ang pusod niya at makipot na beywang nang iangat niya ang kanyang kamay. Sa inis dahil sa suot niyang damit, hinablot ko ang tracing device na hawak niya. Kilala ko ito dahil ako mismo ang nagdisenyo noon. Pagkakuha ko ng maliit na tablet ay mas binilisan niya ang lakad papuntang Shuttle area na magdadala sa amin sa sakayan ng mga taxi. Nang papunta na kami sa taxi bay, nagbago ang isip niya.   “Pwede ba tayong mag-MRT? Na-miss ko na kasi ang amoy ng tren dito pati mag top up. Please?”   “Hindi pa ko nakabili ng EZ Link mo.” Hindi ko gustong mag-tren sa pagkakatong ito. Gusto ko lang ay makauwi na ng bahay. Ngunit iba ang plano ng babaeng kasama ko.   “Then buy me one. Come on!” Inalis niya ang suot niyang shades at isinuksok ito sa harapan ng tshirt. Nang tuluyan nang nawala ang suot na salamin ay mas lalo pang nagmukhang maaliwalas ang kanyang mukha. She smiled her gummy and cute smile at me. Her smile was contagious. Mukha siyang batang nasa Toy store. Her eyes shone with excitement at the thought of riding the metro train again after a long time. I humored her into giving in to what she wanted. Ito rin naman ang ipinangako ko sa bayaw niya na amo ko, ang alagaan at bantayan siya.   Simula Changi Airport station ay mahigit isang oras din papuntang Balmoral Road kung saan ako nakatira. Mula nang bumili kami ng card na gagamitin ni Nicolai ay tahimik na itong nagmamasid sa paligid. Hindi siya nagsasalita ngunit bakas ang kakaibang ekspresiyon sa kanyang maamong mukha. She looked carefree. Para siyang isang turistang namamasyal sa bagong lugar. Against my better judgment, I let her hold my hands whenever she wants. Hindi na rin niya napigilan nang kuhanin kong pilit ang dala niyang bag. Ayaw ko mang maalala, sa tren din ng Singapore kami unang nagkakilala limang taon na ang nakalipas. It was sheer luck that I was able to track her down that time.   “Naalala mo, dito mo ko niligtas,” mahina niyang sabi habang pababa kami ng hagdanan sa Newton station kung saan kami magsisimulang mag-taxi.   “I don’t remember. Aren’t you hungry? Gusto mo bang kumain ng dinner muna bago umuwi?” Mas mabuti nang baguhin ang usapan kaysa magpunta pa sa nakaraan.   “Will you cook for me?”  I was caught off guard.   “Hindi ako marunong.” Tinaasan niya ako ng kilay ngunit hindi siya kumontra.   “I’ll do it then. Daan tayo sa grocery. I’ll cook your favorite...” Kapwa kami natigilan dahil sa sinabi niya.   “Nicolai. You don’t have to do anything while you’re here. You’re a guest.”   “Just let me repay you for letting me stay. I don’t want to be a free loader, lalo na sa’yo.” I sighed as I listened to the tremor in her voice. Hindi ko alam kung nagpipigil siya ng galit o ng anong emosyon dahil nakahawak ang magkabila niyang kamay sa kanyang mga balikat. The Butterfly technique of calming down.   “Nicolai.”    “Zeke. Just let me be. Pabayaan mo na lang ako sa gusto kong gawin.”   “The last time na pinabayaan kita...”   “Wow! Tingnan mo! Ang ganda ng mga bus stations! Ang daming bagong ads, ha at mas mailaw sila ngayon.” Halatang iniba ni Nicolai ang usapan kaya’t sinang-ayunan ko na lang ito.   “Maganda na talaga lalo dito. Technology is also booming.”   “Which is a very good thing for you and your business. Sino palang kasama mo sa bahay? Hindi ba magagalit ang girlfriend mo na may ibang babaeng pupunta...” I know she was teasing but I hated it.   “Lai. Don’t do that.”   “Ang alin?” Her eyes looked innocent but I know there’s something else there.   “Hindi ka naman siguro papayag na tumira sa bahay ko kung alam mong may girlfriend ako, hindi ba?”   “Who knows? You know how much I loved pain.”   “You know how much I hated seeing you in pain.” Hindi ko napigilang sumagot. I regretted those words as much as I hated her response.   “Kaya ba iniwan mo ko at pinabayaang...”   “Do you really want to talk about this right now? Right here?” She looked at our surroundings. May ilang taong naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin. Hindi pa ganoon kadilim ang paligid kahit na ala-siete na ng gabi.   “Actually, no. I don’t ever want to talk about the past. Let’s make a deal, I know you’re good with deals.” May pinapatamaan ang huling kataga niyang iyon.   “Lai.”   “Ikaw lang ang tumatawag sa’kin ng pangalang ‘yan. Just call me Nicolai. Don’t make it seem like we’re still close enough to call each other pet names.” I saw her fiery temper flared even if she tried to control her emotions. Kailangan ko nang pahapuin ang apoy bago pa ito lumala.   “Anong gusto mong kainin?”   “Swedish Meatballs sa IKEA.”   “Meron sa bahay. I’ll cook for you para mawala ang init ng ulo mo.”   “I need a long shower.” She whispered as she tossed her hair. Napatitig ako sa buhok niya. Totoong kulay kaya ‘yon?   “Pagdating ng bahay doon ka magshower. Napakarandom naman ng usapang ‘to.”   “But still, we’re doing it.”   “Which one? Taking a shower?” I tried to add humor but she didn’t take the bait. “No. We’re still talking like nothing bad happened between us.”   “I thought you want us to make a deal?” Ipinaalala ko ang nauna niyang plano.   “Oh, right. Let’s make a deal during my stay here with you.”   “Okay. Anong gagawin?” I sighed and tried to book a taxi using my phone.   “Bawal mag-usap o magbanggit tungkol sa nakaraan. Kahit ano. Pero mukhang mahirap at this rate na halos dalawang oras pa lang tayong magkasama may mga nabanggit na tayo. So, let’s give each other three strikes.” Nakatitig siya sa’kin at seryoso ang mukha.   “Okay, let’s recap. 3 strikes before losing this deal. And the deal runs through during your stay with me.” Bumaling muli ako sa cellphone at hinihintay na may kumagat sa booking ko ng Taxi.   “Yes.”   “Call. What’s at stake?” tanong ko.    “My body.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD