1-The Call

1351 Words
    “Do you take this woman as your lawfully wedded wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health till death do you part?”   Pasagot na ako ng I do nang sunod-sunod na putok ang umalingawngaw sa simbahan. Hindi ko na nabunot ang baril na nakatali sa binti ko. Wala na ring nagawa ang ilang gwardiyang nakapalibot sa amin. Napakapit ng mahigpit sa braso ko ang babaeng katabi ko sa altar. Doon ko nakita ang duguan niyang traje de boda. May umaagos na dugo mula sa kanyang leeg kung saan tumama ang bala. Sinalo ko ang kanyang pagbagsak. Bumaling ang paningin ko sa mukha niya ngunit wala akong makita.    I screamed in pain and frustration when I woke up from that dream. Basang-basa ng pawis ang noo at leeg ko hanggang sa dibdib pagkagising ko. Ilang beses ko nang napanaginipan ang tagpong iyon ngunit laging hindi ko maaninag ang mukha ng babae. Hindi ko alam kung pagpapatunay lang ba iyon na tama ang napagpasiyahan kong maging single na lang ako buong buhay. Mas mabuti na ‘yong walang kumplikasyon bunga ng mga baliw na babaeng pera at alindog ko lang ang gusto.   Napabuntonghininga ako, bumangon at tinungo ang banyo. Gaya ng nakasanayan ay una kong hinaharap ang salamin. Sa mga nakakatakot na panaginip kailangan ko ng pananggalang at iyon ay ang gwapo kong mukha. Hindi sa nag-aangat ako ng bangko o kahit ng buong bahay pa ngunit hindi lang naman ako ang nakakaalam na gwapo ako. Lahat ng taong makakita sa akin ay napapalingon hindi lang dahil sa 6 feet 2 inches tall kong height kung hindi dahil sa matangos kong ilong, mapungay na mata, mapupulang labi at perpektong hugis ng mukha. Sabi nga ng isang scientific test, nasa golden ratio ang mukha ko. Sinipat ko pang mabuti ang salamin bago ako kumuha ng shaving cream at razor. Kailangan mapanatili ang baby smooth skin kahit ako lang naman ang nakakahawak nito. Matapos maligo at magsepilyo, naghanda na ako para sa isa na namang mahabang araw. Bago tuluyang lumabas ng bahay ay ini-on ko ang security system na ako mismo ang nag-install sa buong bahay.   Napatitig ako sa modern bungalow house na pinaghirapan kong maipundar. Ang bahay na isang linggo ko pa lang natitirhan at salat pa sa mga kagamitan. Mula sa clustered houses dito sa Singapore ay sa wakas na-grant na rin ang petition kong bumili ng bahay at lupa. Mahigit pitong taon na rin naman akong naninirahan dito at isang kilalang kumpanya na rin ang pinapasukan ko. We may have started from scratch but now we are Asia’s leading information technology, security and surveillance company with Billions of dollars in net worth.   Sabi nila mahirap daw manirahan nang mag-isa sa ibang bansa ngunit iba ang kaso para sa katulad ko na walang pamilya. I come and go as I please. Walang naghihintay sa’kin at wala rin akong iniisip na ibang tao. Nang mamatay ang mga magulang ko noong pitong taong gulang ako ay nagpalipat-lipat na ‘ko ng tirahan. Ang huling umapon sa’kin ay isang matandang pulis na namatay sa pakikipagbakbakan sa drug smugglers. Kahit na trese anyos na pa lang ako noon, sinubukan kong tuntunin ang mga may sala sa pagpatay sa aking ama-amahan. Nagtagal man ang proseso, nagtagumpay naman ako na nakatulong sa imbestigasyon ng mga pulis noon. Iyon marahil ang naging susi upang mahilig ako sa linya ng mga trabahong ginawa ko at ginagawa ko ngayon. Hindi man ako nagtagal bilang pulis natutunan ko naman lahat ng kailangan ko.   Pagsakay ko ng kotse at paglabas ng garahe ay kinausap ko agad ang nag-iisang babae sa buhay ko.   “Lai, to the office please.”   Agad naman itong sumagot.   “Good morning, honey. We have 37 minutes en route to the office with light to moderate traffic congestion.”   “Good to hear. Proceed to normal route.”   Gaya ng araw-araw na pagdidikta niya ng gagawin ko, sumunod na lang ako. Ganoon siguro talaga ang role ng mga babae, manduhan ako ng kailangan kong gawin.   “Boss is calling, would you like to accept the call?” Napangiti ako. Sa mga ganitong pagkakataon ay tinatanong naman ako ni Lai kung anong gusto ko.   “Yes. Patch him through.”   Pagkonekta ng tawag ay agad na nagsalita ang amo ko.   “We just got here in Manila and our flight will be in 3 hours as scheduled. But there’s a problem, we need your help.”   “Ano ‘yon, Boss?” Sa mga ganitong pagkakataon ay kinakabahan ako. Help ang sinabi niyang salita. This means that I have the right to refuse kahit alam kong hindi ko magagawa.   “Do you remember that I have to attend a conference in Sillicon Valley? Sa isang araw na pala ‘yon. I might have missed the schedule the secretary sent. I tried to swap your name for it pero since ako ang speaker hindi sila pumayag...Lahat kami pupunta...” tumango ako kahit hindi niya nakikita. Alam ko namang sa lahat ng lugar na pinupuntahan ng Presidente ng kumpanya namin ay kasama ang buo niyang pamilya. Muli akong bumaling sa sinasabi niya.   “Kaso wala pa siyang US VISA. Gustong magpaiwan ni Nikki pero alam mo namang hindi ako mapapakali kapag wala sila sa tabi ko...”   “Boss, ang haba ng pasakalye mo. Anong kailangan kong gawin?”   “Ihahabilin muna namin siya sa’yo. Okay lang ba?”   Napapreno ako ng malakas. Kung may hawak akong cellphone ay siguradong nabitiwan ko na ito.   “Hello? Hello?”   “Boss...”   “I know. Kaso kailangan lang talaga. Ilang araw lang naman. Babalik kami kaagad. You know we can’t just leave her alone. She’s doing well now but still...”   Pinindot ko ang mute button sa dashboard ng kotse. “s**t! s**t! s**t!” Napamura ako at palo sa manibela. Sakto namang may bumusina sa likuran ko dahil napahinto ako sa gitna ng kalsada. Itinabi ko ang kotse at saka ako bumaba. Nagpalakad-lakad sa bangketa kapit ang aking sentido. Pinipigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko kahit alam kong mahirap. May limang minuto rin bago ako naging kalmado at pumasok muli ng kotse. Gaya ng inaasahan, nasa linya pa rin ang amo ko.   “Sige, Boss. Ako na ang bahala. Sa bahay ko na lang muna siya. Isasama ko na lang din sa opisina...” Napapikit ako at napamura nang may maalala akong isang bagay.   “Holiday bukas at weekend na. Mag-stay na lang muna kayo sa bahay mo o mamasyal kayo.” Isa sa mga bagay kung bakit kami magkasundo ng amo ko ay dahil magkaparehas kami ng takbo ng pag-iisip.  Pagdilat ko ay nag-focus ako sa berdeng mga dahon sa puno sa kapaligiran. Kahit na isang siyudad, maraming puno sa Singapore. I sighed. Alam kong hindi ko naman talaga ito maiiwasan.     “Salamat. We’ll board another flight pagdating namin diyan mamaya. Ikaw na ang sumundo sa kanya.”   “Sure thing, Boss.” Napakagat ako ng labi at napasabunot sa ulo. Gusto kong magsisigaw ng ayoko ngunit alam kong hindi naman talaga option iyon.   “Salamat. Mapapanatag na kami na ikaw ang titingin muna sa kanya.”  Wala talaga akong choice. Sa lahat ng lakad ay kasama ni Pierre Montecillo ang buong pamilya niya. Ang asawa naman nitong si Nikki ay hindi rin pababayaan ang kapatid niya na mag-isa.   “Yes, Boss. Kaya ko na ‘to.” Pagkababa ng tawag ay saka ako napahilamos sa mukha. Iniisip kung kaya ko nga ba ang ipinapagawa nila sa’kin? How could I even take care of someone who haunted me for years? Ilang taon ba bago ako naka-recover dahil sa babaeng ‘yon?   Kaya ko nga ba? Kaya ko na bang harapin muli si Nicolai Saragoza?   Gusto kong tanungin ang GPS system ngunit dahil magkapangalan sila baka maging biased ang sagot niya. Sariling sikap na lang muna tayo, Z.   “Ezekiel Andrada, kaya mo yan! Fighting!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD