CHAPTER 29

1804 Words
Narito ako sa harapan ng police station ngayon at hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa papasok ng presinto kung saan naka-detained si mama at Tiyo Bart. Naghahalo ang galit at lungkot sa akin. Galit dahil sa ginawa niya sa buhay ko. Lungkot dahil buong akala ko ay siya talaga ang mama ko. Minahal ko s'ya, walang araw no'n na hindi ko hiniling sa Diyos na sana isang araw makita niya ang halaga ko bilang anak niya. Pero kahit ano palang dasal ang gawin ko ay hinding hindi mangyayari ang hiling ko, dahil hindi naman talaga niya ako anak. Hindi niya ako kailanman itinuring na anak! Sobra sobra ba ang pagmamahal na ibinigay niya kay papa at gano'n na lang kalalim ang sugat na idinulot no'n sa puso niya? Pagmamahal na nauwi sa galit na ako ang naging kabayaran? Ayaw ko na sanang pumunta dito pero ang sabi ni Elvies ay kailangan daw iyon para sa kasong isinampa ng mga magulang ko. Sinabi ko ang lahat lahat sa pulis na nag- interrogate sa akin. Wala akong pinalampas na detalye at habang sinasabi ko ang lahat ng iyon ay nararamdaman ko ang unti unting pagluwag ng dibdib ko. Para bang nabunot ang karayom na nakatanim sa aking dibdib na kaytagal ng nakabaon doon. Balak ko sana na umalis na lang ngunit naisip ko sina Benjie at Belinda. Gusto kong ipaalam kay mama na nasa poder ko ang mga anak niya. Ipapaalam ko rin sa kanya na gusto siyang makita ng mga kapatid ko. "De Jesus, may bisita ka!" tawag ng pulis na babae kay mama matapos kalampagin ang seldang kinaroroonan nito. Nagreklamo pa nga ang ilang nakakulong doon dahil naistorbo ang kanilang tulog dahil sa ingay ng bakal nang hampasin iyon ng babaeng pulis. Walang tumayo kaya inilibot ko ang aking paningin sa loob ng selda. Nakita ko si mama na nakaupo sa sulok sa gilid ng mga rehas. Dahan dahan akong naupo para mapantayan s'ya. Magulo ang buhok at nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Sino nga ba naman ang makakatulog kung ganito kainit at kasikip ang kinalalagyan mo? Ang sabi ng pulis na nakausap ko kanina ay dadalhin na raw sa Manila City Jail si mama sa susunod na araw kasama si Tiyo Bart at ilan pang kasabwat sa tangkang pag-kidnap sa akin kamakailan. "Ma..." tawag ko sa kanya. Napakislot ako at hindi na itinuloy ang tangkang paghawak sa kanya ng iwaksi agad niya ang daliri kong dumantay sa kanyang braso. "Ano pang ginagawa mo dito? Umalis ka na!" Pagtataboy niya sa akin. "Gusto ko lang malaman mo na nasa bahay sina Belinda at Benjie," saad ko. "Bakit kinuha mo ang mga anak ko? Ano'ng balak mong gawin sa kanila?!" Nagtatagis ang kanyang mga ngipin at mahigpit ang hawak niya sa mga rehas. Tumayo siya para harapin ako. At kung may lakas lang ay nagiba na siguro niya ang mga rehas na iyon. "Sinasabi ko sa 'yo, Cindy, 'wag na 'wag mong kakantiin ang mga anak ko!" "Hindi naman ako kasing sama mo!" sumbat ko sa kanya na ikinatigil niya. "Kahit hindi tayo magkaanu ano kapatid pa rin ang turing ko kina Belinda at Benjie. Hindi ko magagawang saktan ang mga kapatid ko." "Hindi mo sila kapatid! Hindi kita anak!" sigaw niyang halos naglalabasan na ang mga ugat sa leeg. "Ibalik mo sila sa Antique at hayaan mo sila! Lumayo ka sa mga anak ko!" "Ibalik doon para maging kaawa awa at maging miserable? Sino ang mag aalaga sa kanila kung hindi ko sila kinuha, ha?! Wala na si tiya! Paano mo nagawa iyon sa sarili mong kapatid, ma! Pinatay n'yo si Tiya Emma!" Nanigas sa kanyang kinatatayuan si mama. "Si Emma?" usal niya. "Anong pinagsasabi mo?!" "Patay na si Tiya Emma, ma! Bakit kailangan mo pang idamay si tiya sa paghihiganti mo? Sarili mong kapatid!" "Hindi ko alam! Hindi ko alam!" umiiyak na sabi niya at saka muling napaupo sa sulok. "Gustung gusto kang makita nina Belinda-" "Hindi! 'Wag!" sansala ni mama sa akin na biglang tumayo upang harapin akong muli. "H'wag mo silang dadalhin dito!" "Para ano?" Sabay kaming napalingon ni mama kay Belinda nang magsalita ito. Hilam sa luha at kuyom ang mga kamao. Bakas ang galit sa kanyang mga mata. "Para manatiling maganda ang pagtingin namin sa 'yo? Sa inyo ni papa, ma?" luhaang ani Belinda kay mama. "Anak." Pilit inaabot ni mama si Belinda ngunit hindi ito lumalapit sa kanya. "Alam ko na lahat, ma. Bakit mo nagawa 'yon? Bakit mo ginawa 'yon kay Ate Cindy? Bakit nagawa mo 'yon kay tiya?!" "Anak, mag usap tayo, ha," pakiusap ni mama na nakalahad pa rin ang kamay. "Hindi na! Ayaw kong makarinig ng mga kasinungalingan mo!" "Bel!" Agad kong hinabol si Belinda ng tumakbo ito paalis. "Bel, sandali!" Agad ko siyang hinawakan nang maabutan ko para hindi na siya makalayo pa. "Bel," mahinahong tawag ko sa kanya. Humagulgol si Belinda at mahigpit na yumakap sa akin. "Ate!" palahaw pa niya. "Sorry! Sorry po!" Iniangat ko ang mukha ni Belinda para magtama ang mga mata naming dalawa. "Para saan naman ang paghingi mo ng sorry?" seryosong tanong ko. "Sa ginawa ni mama. Lagi ko namang naririnig kay mama noon ang mga salitang hindi ka n'ya anak. Hindi ko akalaing totoo pala 'yon, tapos ginawan ka pa n'ya ng masama. Galit ako kay mama! Sobra, ate," umiiyak pang saad nito. "Bel, kahit ano pang mangyari mama mo pa rin naman s'ya. Hindi magbabago 'yon," paalala ko pa sa kanya. "Hindi ka ba nagagalit sa ginawa n'ya sa 'yo?" "Nagagalit. Pero sana, 'wag mo ng tularan si ate, ha. Ngayon ka mas kailangan ni mama, ngayon niya mas kailangan ng anak," ani ko na nagpangiti sa kapatid ko. "Alam kong nabulagan lang si mama dahil sa galit. Kaya naman, ikaw ang mag aakay sa kanya sa tamang daan para mawala ang galit sa puso n'ya. Maaasahan ko ba 'yon?" nakangiting tanong ko. Tumangu-tango si Belinda at muling yumakap sa akin. "Tutulungan kita, ate, para magbago si mama. Iyon man lang ang maisukli ko sa 'yo dahil hindi mo kami pinabayaan ni Benjie." "Hindi ko kayo pababayaan dahil mga kapatid ko kayo. Hindi man sa dugo, pero dito." Hinawakan ko ang tapat ng kanyang puso. "Mahal ko kayo at hinding hindi magbabago 'yon." "Thank you, ate. Mahal din kita sobra!" aniyang mas humigpit pa ang yakap sa akin. "Gusto mo bang bumalik sa loob para magkausap kayo ni mama?" tanong ko maya maya. Mabilis itong umingil. "Hindi na, ate. Saka na lang siguro," malungkot na tugon niya sa akin. "Pero-" "Lilipas rin ang sama ng loob ko," nakangiting saad niya. "Umuwi na tayo, naghihintay sina Charity at Benjie sa Cafe." Habang sakay ng tricycle ay walang humpay ang kwentuhan namin ni Belinda tungkol sa mga nagdaang taon na hindi kami nagkasama. Masaya ako na hindi nagpapabaya sa pag aaral si Belinda. Bata pa lang ito ay bibo na at alam kung lalaki siyang matalino. Hindi nga ako nagkamali dahil lagi siyang nasa listahan ng mga honored student. "Manong, d'yan na lang po sa tabi," Para ko sa tricycle driver. "Ito po ang bayad." "Ate, paano kapag dinala na ng Maynila si mama? Hindi na ba namin s'ya makikita?" "Dadalawin pa rin naman natin s'ya syempre-" "Ate Cindy!" tili ni Belinda sabay tulak sa akin palayo. May bigla na lang kasing sumulpot na sasakyan at dire-diresto iyon patungo sa direksyon namin. Napadaing ako dahil sa sakit ng likod ko. Ganoon rin si Belinda na nakadagan sa akin nang bumagsak kami dito sa gilid ng kalsada. "Ayos ka lang, Bel?" tanong ko sa kapatid kong nakaupo na sa tabi ko at tinitingnan ang sikong may gasgas. Napatingin ako sa kotseng nakahinto sa poste. Doon bumangga ang sasakyan na sana ay kami ang masasagasaan kung hindi lang kami nakaiwas. May mga tao ng unti unting nakikiusyuso sa amin. Maya maya pa ay dumating si Marla kasama sina Elvies at papa. "Sol!" bulalas ni papa nang makita ang plaka ng sasakyan. Napatayo ako agad at inatake ng kaba dahil sa narinig mula kay papa. Mabilis na binuksan ni Elvies ang driver seats at binuhat niya palabas doon si Mrs. Velliejo na walang malay. "Let's bring to the hospital! C'mon!" nagmamadaling sabi ni papa. Palayo na ang sasakyan kung saan ay lulan sina papa nang lapitan ako ni Marla. "Hindi ka ba susunod sa kanila? Baka kung napaano ang mama mo." "Sarili niyang kagagawan 'yon, Marla. Baka nga gusto n'ya talaga kaming sagasaan kanina, eh! Mabuti na lang nakaiwas kami!" naiinis na sagot ko. "Aksidente lang siguro ang nangyari, Cindy," turan niya. "Marla, alam nating lahat na ayaw n'ya sa akin!" "Kahit na!" sansala ni Marla. "Nanay mo pa rin s'ya! Pumunta ka na sa hospital, kahit para damayan na lang ang papa mo kung masama pa rin ang loob mo sa mama mo!" pangaral pa niya sa akin. "Ate Cindy, 'di ba sabi mo sa akin kahit anong mangyari mama ko pa rin si mama sa kabila ng mga ginawa n'ya. Sana gano'n ka rin sa mama mo. Kaya tama si Ate Marla, pumunta ka na do'n dahil baka kailangan ka ng papa mo," ani Belinda pa. "See?" taas kilay na ani Marla sa akin. Wala akong nagawa kundi sumunod sa hospital dahil baka maging katakut takot pa ang sermon na makuha ko kina Marla. Tama si naman Marla, eh! Kahit para na lang kay papa. "Where's my mom?!" Humahangos na dumating si Trina kasunod si Leo. Napairap ako sa hangin at nanatili na lang sa pagkakaupo dito sa gilid. Maayos naman na si Mrs. Velliejo at nasa loob na sina papa at Elvies para tingnan siya. "You!" Napaangat ang tingin ko kay Trina nang huminto siya sa harapan ko at duruin ako. "Trina, don't make any scene here! Nakakhiya!" saway ni Leo dito. Napataas ang kilay ko nang makitang hawakan ni Leo ang braso ni Trina. "What did you do to my mom, huh?!" sita niyang muli sa akin. Napabuntong hininga ako at tumayo na. Lalagpasan ko na sana sila ng hablutin ni Trina ang braso ko at iharap ako ng pilit sa kanya. "Trina!" muling saway ni Leo sa kanya. "Stop it! Will you?" "Makinig sa asawa mo, oh!" mapanuyang saad ko. Nakita ko rin kung paano matigilan si Leo at tumingin sa akin. "Kanina pa gising ang mommy mo!" May diing bigkas ko sa salitang 'mommy'. "Puntahan mo na lang s'ya sa loob kaysa inaaksaya mo ang oras mo sa akin. And for your information, wala akong ginawa sa nanay mo! Ako pa nga ang muntik n'yang sagasaan, eh!" Natahimik si Trina kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para lumayas sa harapan nila. Sobrang sikip na ng dibdib ko at hindi na ako makahinga kaya iniwan ko na sila doon. Hindi ko kayang makasama o makita sa iisang lugar kung nasaan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD