CHAPTER 28

1824 Words
I don't know what to do. I don't know how to react in this situation. I don't know what to feel at this moment. Nasa harapan ko lang naman ang dalawang taong ayaw ko ng makita sa buong buhay ko. Mga taong nagbigay ng sobra sobrang sakit sa puso ko. Hinigitan pa nga no'n ang sakit na ibinigay ni mama sa akin noon. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Trina nang magtagpo ang aming mga mata. Gulat na para bang nakakita siya ng multo na bumangon sa hukay. Samantalang ang kamay ni Leo na nakahawak sa baywang ni Trina ay parang nag slow motion at unti unting dumausdos pababa nang makita rin niya ako. Awang ang labi at gulat na gulat. "Cindy, pumasok ka na sa loob handa na ang-" Marla paused for a while when she saw who our visitors are."Good evening po, ma'am, sir," bati niya sa mag asawang Velliejo nang makabawi sa pagkagulat. Napatingin rin siya sa gawi nina Leo at napabaling sa akin. "Anong kailangan n'yo?" wala ng paliguy ligoy pang tanong ko. Tinabihan ako ni Marla at hinawakan ang aking braso para siguro patigilin ngunit hindi ako natinag. "Gusto ka sana naming makausap, anak," ani Mr. Velliejo. "At gusto ka ring makilala at makita ng kapatid mo," dagdag pa nitong nilingon ang kinaroroonan nina Trina at Leo. "Para saan pa?" matabang na tugon ko. "I know her well, I know them well. Kabastusan man po pero wala akong panahon para makipag plastic-an sa inyo, Mr. Velliejo, dahil marami pa akong kailangang gawin." diretsahang saad ko. "Anak-" I raised my right hand to stop Mr. Velliejo's calling me 'anak.' Masakit pakinggan lalo na't itinanggi na ako ng asawa niya no'ng nakaraan lang. "I told you, Thirdy, it's really wrong to went here and bring Trina with us. Let's go home," sabi ni Mrs. Velliejo, bakas sa mukha ang pagka disgustong pumunta dito. "But, Sol," protesta nito sa asawa. Lumapit si Trina kay Mrs. Velliejo at dinaluhan ito agad. Yumakap si Trina sa baywang nito at bahagyang humilig si Mrs. Velliejo sa balikat ng anak. Nakaramdam ako ng sakit nang makita ko iyon. Talagang mahal na mahal niya si Trina. "Listen to your wife, sir. Hindi ko rin naman kayo maaasikaso dahil pagod ako sa byahe." Hindi ko na sila pinansin at pumasok na ako sa loob. Wala akong pakialam kung sabihan man nila akong bastos. "Mom, dad, let's go home. I'm tired, hon, let's go," ani Trina sa mga ito. Pagpasok sa loob ng bahay ay naupo ako agad sa sofa dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Nanginginig ang mga kamay kong pinahid ang mga luhang ayaw paawat sa pagtulo. "Cindy," nag aalalang tawag ni Marla sa akin at tinabihan ako sa pagkakaupo. Hinagod rin niya ang likod ko. "Ngayon pa talaga!" nanginginig na ani ko habang patuloy pa rin sa pag iyak. Isa isa na namang bumabalik sa akin ang sakit ng nakalipas. Unti unti na namang natitibag ang pader ng katatagan ng loob ko. "Hindi mo maiiwasang makita sila lalo na ngayon na ang mag asawang Velliejo ang tunay mong mga magulang," wika niya habang hagod pa rin ang likod ko. "Alam ko naman 'yon, hindi ko lang inasahang makikita ko sila ng ganito kaaga. Ayaw ko silang makita, Marla, sa totoo lang. Ayos na sa akin na mag isa lang ako. Maayos na ang buhay ko kahit wala akong kilalaning pamilya!" "Pero pangarap mong makita ang papa mo 'di ba? No'ng umalis ka laging pumupunta si Sir Thirdy dito para dalawin ka," kwento niya. "Bakit kaya hindi mo s'ya kausapin?" "May magbabago ba?" luhaang tanong ko. "Kapag kinausap ko ba s'ya matatanggap na rin ba ako ng asawa n'ya? Hindi, Marla, dahil ayaw rin n'ya sa akin!" punung puno ng sakit na saad ko. "Baka kasi hindi lang kayo nagkakaintindihan ng tunay na mama mo. Sabi mo nga pangit ang unang pagkikita n'yo noon 'di ba?" "Malinaw naman sa akin lahat, Marla, eh! Ayaw n'ya sa akin. Hindi n'ya ako gustong maging anak!" "Pero hindi ka ba naaawa sa tatay mo?" No'ng bata ako kapag may nakikita akong mag ama ay inggit na inggit ako. Lagi kong sinasabi noon na sana makilala ko rin ang papa ko. Nangangarap rin ako noon na maisakay ni papa sa mga balikat niya. Ihatid at sunduin sa school kagaya ng mga kaklase kong mga tatay nila ang kasa kasama. Hindi naman bato ang puso ko. Naaawa rin naman ako kay Mr. Velliejo. Ngunit lamang ang sama ng aking loob. "Sa tingin ko mabait naman ang tatay mo, Cindy, eh. Pagbigyan mo lang kahit isang beses lang," payo pa niya sa akin. "Wala namang mawawala. Tatay mo pa rin s'ya. At nakikita ko kung gaano s'ya kasabik na mayakap ka, Cindy." Sinunod ko ang payo ni Marla nagpalipas muna ako ng ilang araw bago tawagan si Elvies para makipagkita kay Mr. Velliejo. Bumukas ang pintuan ng opisina ko at magkasunod na pumasok sina Elvies at Mr. Velliejo. "I'm staying outside, uncle. Just give me a call if you need anything," ani Elvies at tinapik ang balikat nito bago ako balingan at gawaran ng isang tipid na ngiti. "Have a seat, Mr. Velliejo," paanyaya ko nang makalabas na si Elvies. "Can you call me daddy instead?" malumanay na pakiusap nito. "Mr. Velliejo-" "I'm longing for this day to come, iha," maluha luhang ani Mr. Velliejo. "My heart is breaking right now 'cause you called me that as if I am nobody to you." "Sir, itinanggi na po ako ng asawa n'yo," giit ko. Umayos sa pagkakaupo si Mr. Velliejo at huminga ng malalim saka seryosong tumingin sa akin. "Ilang beses ka man niyang itanggi hindi maitatanggi na ikaw ang anak namin, Thiara. At ako, hinding hindi kita itatanggi dahil malinaw na ikaw ang anak ko dahil magkamukha tayo," nakangiting aniya. Napansin ko rin iyon nang gabing makita ko sila sa bahay. Magkamukha nga kaming dalawa. "When I first saw you at that night all I want is to hugged you tight. Kissed you and told you how much I really loved you. How much I really missed you. Nabigla lang din siguro ang mommy mo sa pagkikita ninyong dalawa," nahihirapang ani Mr. Velliejo. Habang pinagmamasdan ko s'ya at habang pinakikinggan ko ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay para bang tumatalon talon sa tuwa ang puso ko. Iyon ang mga bagay na pinangarap ko noon. Ang marinig kung gaano ako kamahal at ka-miss ng papa ko. Ang mga sinabi nito, iyon rin ang mga bagay na gusto kong gawin sa sandaling makita ko ang papa ko. At ngayong nasa harapan ko na s'ya ang sakit dahil hindi ko magawa ang mga iyon. Pinipigilan ako ng sarili kong gawin iyon dahil sa isiping ayaw sa akin ng asawa niya, nang nanay ko. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa mga taong may ayaw sa akin. Maayos na po ang buhay ko ngayon at nakaya kong mabuhay na kami lang ng anak ko. Kaya ayos lang po," mapait na saad ko. "Hindi ayos iyon, Thiara. Matagal naming inasam na dumating ang araw na 'to. Na makita namin ni Sol ang kaisa isang prinsesa sa buhay naming dalawa. Anak, sabik na sabik na kami sa 'yo. Lalo na ako dahil minsanan lang kita makita no'ng baby ka pa. Gustung gusto na kitang mayakap," Tuluyan ng napaiyak si Mr. Velliejo. At parang may sariling isip ang mga paa ko na tumayo na lang at lumapit sa kinaroroonan niya. Natigil siya sa pag iyak nang yakapin ko siya mula sa likod. "I'm sorry," luhaang sabi ko. Tuluyan ng nalusaw ang sama ng loob na nararamdaman ko nang yakapin ko siya. Hindi ko pala kayang nakikitang umiiyak ang papa ko sa harapan ko at ako pa ang dahilan. "Anak!" humahagulgol na aniya at saka siya tumayo upang yakapin ako ng mas mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa yakap niyang iyon. Ramdam ko ang sakit sa bawat paghagulgol niya sa mga balikat ko. "I'm sorry," luhaang sabi ko ulit habang hagod ang likuran niya. "Don't say sorry. I know that its hard for you to accept all this. Pero nandito na kami, nandito na si daddy, I'm here!" nakangiting pahayag niya habang nakakulong ang aking magkabilang pisngi sa kanyang mga palad at titig na titig siya sa akin. "Hindi ka na mag iisa, anak. Kasama mo na kami." Ang sarap pala sa pakiramdam na may magsabi sa iyo ng mga ganoong salita. At galing pa sa sarili mong ama na kay tagal mong pinangarap na makita. "Sandali lang po. Anong ibig n'yong sabihin na kaisa isang prinsesa?" naguguluhang tanong ko. "Trina is a bit older than me? She's your daughter too," sabi ko na bahagya pang kinakalkula ang edad naming dalawa ni Trina. "Trina is your mom's niece. Inampon namin s'ya matapos mamatay ng mama n'ya at isang taon ka na ring nawawala noon," kwento ni Mr. Velliejo. "Pamangkin?" sambit ko. Akala ko talaga ay magkapatid kaming dalawa. "Anak, kung ano man ang nangyari sa inyo ng mommy mo at ni Trina, please, ayusin natin lahat. We're all family, let's settle all of this, okay?" "Hindi ko po alam," nanghihinang tugon ko. "Pag iisipan ko po muna ang lahat," dagdag ko pa. "Pwede bang isa lang ang 'wag mo ng pag isipan?" Napatingin ako sa kanya. "Ano po 'yon?" "Ang tawagin akong daddy. O, kahit na anong itawag mo sa akin na komportable ka. Pwede ba 'yon?" Naroon sa kanyang mukha ang pag asa. "Sige po..." Natitigilan pa ako dahil sa kabang nararamdaman ko. "P-papa..." Sumilay ang ngiti sa labi ni papa at muli niya akong niyakap. "I love you, anak," Naghiwalay kami ni papa ng hapong iyon na masaya siya at nangako pa sa akin na babalik siya ulit na kasama ang kanyang asawa. Hindi ko man gusto ang ideyang iyon ay ayaw ko namang basagin ang kaligayahang meron siya ngayon. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Marla. "All this time, s'ya ang nagtamasa ng buhay na para sana sa 'yo?" "Pamangkin rin naman s'ya ni Mrs. Velliejo," ani ko matapos magsalin ng wine sa aking baso. "Kahit na! Inagaw n'ya na nga ang buhay na para sa 'yo. Pati asawa mo inagaw rin n'ya. Cindy, this is the perfect time para bawiin mo kung ano ang sa 'yo!" "Hindi naman ako gaganti. Saka wala akong balak bawiin si Leo," tugon ko. "Loka! What I mean is, panahon na para maging masaya ka sa piling ng totoo mong pamilya. Panahon na para maranasan mo kung paano ang mahalin at alagaan ng tunay mong mga magulang na ipinagkait sa 'yo ni Tita Anita," paliwanag niya. "Panahon na rin para makilala ng anak mo ang tatay n'ya." May punto naman si Marla doon. Pero kaya ko nga bang makita sina Leo at Trina? Ipapakilala ko ba si Charity sa kanyang ama? Naranasan kong lumaking walang kinikilalang ama. Ipararanas ko rin ba iyon sa sarili kong anak?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD