CHAPTER 30

1772 Words
Hindi na ako muling bumalik sa hospital pagkatapos ng tagpong iyon. Ayaw kong makisalamuha sa mga taong ayaw ko nang makita pa. Pero hindi ko naman mapipigilan ang pagkakataon. Magkikita at magkikita pa rin kaming lahat dahil konektado na ako sa kanila ngayon. Sa halos ilang araw na pamamalagi ni Mrs. Velliejo sa hospital ay ganoon rin ang mga araw na kinukulit ako ni papa na dumalaw doon kahit saglit lang. Pero hindi ko ginawa. "Mrs. Velliejo pa rin?" natatawang turan ni Marla sa akin matapos kong ibaba ang tawag ni papa. "Cindy, natatawag mo na ngang papa si Sir Thirdy, bakit si Ma'am Soledad, Mrs. Velliejo pa rin?" Napasimangot lang ako at ininom na ang kape kong malapit ng lumamig. "Masama ba 'yon?" "Aba'y natural!" tugon niyang sinabayan pa ng bahagyang hampas sa lamesa. "Nanay mo 'yon! Totoong nanay mo, laman at dugo mo! For God sake, Cindy. Forget about the past okay-" "Forget?" Mapaklang tawa pa ang pinakawalan ko. "How can I forget the past? Kung s'ya lang naman ang naging dahilan kung bakit nawalan ng ama ang anak ko?" naiinis na tanong ko pa. "Cindy, 'wag mo ring kalimutan na kung hindi ginawa ni Ma'am Soledad 'yon, wala ka ring Charity ngayon sa buhay mo," pagpapaalala ni Marla sa akin. "Napapalitan ang asawa, Cindy. Pero ang anak, isa lang 'yan. Kung hindi nangyari ang nangyari noon, may kasama ka kayang anak ngayon?" Natahimik ako doon. May punto naman si Marla. Ang hindi ko lang kasi matanggap ay mas pinili niyang maging masaya si Trina. "Masakit pa rin na mas pinili n'yang paboran si Trina-" "Cut it!" putol niya sa iba ko pang sasabihin. "She did'nt know that you are her child. At kung alam lang n'ya siguro, baka hindi n'ya ginawa 'yon sa 'yo. Kung ako rin ang nasa posisyon n'ya at nakikita kong nahihirapan na ang anak ko, magiging disperada rin ako, Cindy. Kayang ko ring gawing tama ang mali." "At kung ako rin ang nasa sitwasyon n'ya. Hinding hindi ko gagawin ang mangwasak ng pamilya ng iba!" seryosong saad ko. "Alam mo kung ano ang kailangan ninyong dalawa?" seryosong saad niya. "Maayos na pag uusap. Masinsinan. Cindy, kung nagawa mong mawala agad ang sama ng loob mo kay Sir Thirdy, magagawa mo rin iyon sa mommy mo." "Pero hindi sa ngayon, Marla," nanghihinang saad ko. "Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas." Tumayo na ako at tinungo na ang hagdanan saka tuloy tuloy na umakyat sa itaas. Sariwang sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat ng mga nangyari noon. Hindi basta basta makakalimutan ng puso at isip ko 'yon. Pipiliin ko pa rin si Leo at ang buo naming pamilya kung nabigyan lang sana ako ng sapat na panahon noon. Kung nangyari 'yon magpapakalayu layo sana kaming tatlo. Iyong malayung malayo sa kanilang lahat. Kaya ko naman sanang harapin ang lahat ng pagsubok. Pero siya na rin ang kusang umiwan sa amin. Tama si Marla, kung hindi dahil kay Mrs. Velliejo ay wala na rin sana ang anak ko. Hindi naman lahat ng perang ibinigay niya sa akin ay ginasta ko. Malapit ko ng mabuo ang limang milyon at buong buo ko iyong ibabalik sa kanya. Si papa lang naman ang gusto kong makilala. Kung hindi n'ya ako matanggap ayos lang sa akin. Hindi ako maghahabol sa isang ina dahil sanay na akong binabalewala lang ni mama noon. Masaya na akong nakilala ko ang tatay ko. Sapat na sa akin na alam kong siya ang ama ko. Naging tahimik ang mga sumunod na araw ko. Tumawag lang si papa sa akin no'ng nakaraan para magpaalam dahil babalik na daw muna sila ng Manila para sa full recovery ni Mrs. Velliejo. Kahapon rin ay tumawag sa akin ang police station para ibalitang ililipat na rin sa Manila City Jail sina mama para doon na dinggin ang paglilitis sa kasong isinampa nina papa sa kanya at kina Tiyo Bart. Hiniling ni mama na makita sana sa huling pagkakataon sina Benjie at Belinda ngunit tumanggi si Belinda na pumunta doon. "Malapit na ang bakasyon dito ko na kayo pag aaralin ni Benjie, ha," kausap ko kay Belinda isang araw. "O, kung gusto mo sa Maynila ka mag college para madalaw mo si mama doon?" "Dito na lang, ate. Maganda rin naman ang university dito. Saka sabi ko naman sa 'yo, hindi pa ako ready na kausapin si mama," malungkot na tugon niya. "Bel, 'di ba sabi ko naman sa 'yo-" "Na mama ko pa rin s'ya kahit anong mangyari? Na hindi ako dapat magalit sa kanya?" sansala niya sa akin. "Ikaw, ate? Bakit hanggang ngayon ayaw mo ring makita ang mommy mo? Mommy mo pa rin s'ya kahit anong mangyari. Dapat hindi ka na rin magalit sa kanya." Para akong tinusok ng sarili kong tinik. Ang galing kong magpayo sa iba, ang dali para sa akin na sabihin iyon kay Belinda pero sa sarili ko ay hindi ko magawa. "Magkaiba naman tayo ng sitwasyon," dipensa ko na lang. "Ate, ang tagal mong pinangarap na makilala ang papa mo. Ang tagal mong pinangarap na mahalin ka ni mama, pero hindi nangyari 'di ba? Kasi, ang mommy mo ang magbibigay sa 'yo no'n. At si Tita Soledad 'yon." Paano mangyayari 'yon kung hindi niya ako matanggap na sarili niyang anak? Na para sa kanya si Trina lang ang nag iisa? Mga katanungang lalong nagpapasakit sa puso ko. Hanggang sa totoo ko bang ina manlilimos pa rin ako ng pagmamahal at atensyon? "Ate, sunduin ko na po sina Charity sa school," paalam ni Nanette sa akin. "Sige, maingat kayo pauwi," ani ko, at muling humarap sa kaha dahil sa dami ng taong nakapila para magbayad. Kumuha na ako ng tagapag alaga nina Charity at Lance dahil hindi na halos kami makaalis ni Marla dito sa shop. Araw araw kasi ay lagi kaming punuan at minsan ay umaabot pa kami ng alas dyes ng gabi dahil hindi matapus tapos ang tao sa pagdating. Kailangan ko rin talaga ng taga subaybay sa mga bata lalo na at nasa pangangalaga ko na rin sina Belinda at Benjie. "Cindy, may bisita ka," kinikilig na bulomg ni Marla sa akin nang lapitan ako. Kunut noo akong napatingin kay Marla saka bunaling sa tinitingnan niya. Nginitian ako ni Elvies at lumapit na rin sa akin. "Kung kiligin ka naman akala ko na kung sino," pairap na sabi ko. "Balak mo na bang palitan si Rio?" natatawa pang tanong ko. Lalo akong natawa ng umasim ang mukha ni Marla. "Walang papantay kay Rio sa puso ko 'no!" pairap rin niyang tugon. "S'ya maiwan ko na kayo," paalam pa nito nang nasa harapan na namin si Elvies. "Napadalaw ka?" Baling ko kay Elvies nang mapag isa kami. Simula kasi nang bumalik sa Maynila sina papa ay hindi ko na rin siya nakikita. Gusto ko ring magalit sa kanya dahil akala ko ay nagsisinungaling siya tungkol sa pamangkin niyang nasa kindergarten. Pero totoo pala iyon, kinausap pa ako ng pinsan niya tungkol sa nangyaring attempted kidnapping. "Kumusta ka na?" Balik tanong rin niya sa akin. "Wow! Para namang isang taon tayong hindi nagkita, ah!" Natawa na lang siya saka may kung anong kinuha sa loob ng kanyang body bag. "Invitation 'yan. Wedding anniversay ng parents mo," aniya pa matapos iabot sa akin ang card. Binuklat ko iyon at pinasadahan ng tingin. "Busy ako, eh," tanggi ko. "Uncle Thirdy expecting you to come. Hindi ka n'ya natatawagan dahil sunud sunod ang meetings n'ya this past few weeks. Kaya sabi n'ya sadyain kita dito." Napabuntong hininga na lang ako. "Kasi..." "Can I talk to her, Elvies?" Sabay kaming napalingon kay Mrs. Velliejo nang magsalita ito. Tinawag ni Elvies si Marla para palitan ako dito sa kaha. At ngayon nga ay narito kami ngayon sa loob ng maliit na opisina ko. "Ano na naman ang sasabihin mo? Mag-o-offer ka na naman ba ng limang milyon para layuan ko ang pamilya mo?" diretsahang tanong ko. "Hindi ako nagpunta dito para makipag away sa 'yo. I came here to explain and say sorry for what I did," seryosong sabi niya. "Thirdy, make me realized so many things. Mahal na mahal ko si Thirdy at ito lang ang alam kong paraan para mapasaya ko s'ya," pahayag pa niya. Napatawa ako ng bahagya. "Ang ano? Ang makipagbati sa akin? Makikipag plastic-an ka to makes papa happy? Is that it?" "No! Seryoso ako, Cindy. Nabigla talaga ako nang makita kita. Nabigla ako nang malaman kong ikaw ang anak ko. Simula ng araw na ipahanap ka ni Thirdy hindi ako nakialam, hindi ako nakikibalita dahil nawawalan ako ng pag asa sa bawat araw na laging negative ang naririnig ko tungkol sa paghahanap sa 'yo. Masakit mawalan ng anak-" "Masakit rin na walang magulang!" putol ko sa kanya. "Alam mo ba kung ano ang mga dinanas ko? Alam mo ba ang pakiramdam na walang nagmamahal? Na walang nag aaruga sa 'yo? Nawalan ka ng pag asa kaya kay Trina mo lahat ibinuhos ang pagmamahal mo! Kaya ba ayos lang na hindi mo ako makita!" "Hindi totoo 'yan!" mariing tanggi niya. "Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin ng mawala ka!" "At hindi mo rin alam kung gaano kasakit para sa akin ang mabuhay sa piling ng taong sa bawat araw na kasama ko sila ay isinusuka ako!" sumbat ko. "Sumuko ka! Sinukuan mo 'ko! Ayos lang sa 'yo na hindi ako mahanap dahil si Trina na ang ipinalit mo sa akin!" "Oo! Kay Trina ko ibinuhos lahat ng pangungulila ko sa pagkawala mo! Pero nag iisa ka lang! Nang muntik na kitang mabangga, akala ko mawawala ka na naman sa akin! Takot na takot ako! Kaya sorry, patawarin mo ako, anak! Kung gaano nangulila sa 'yo ang daddy mo, doble ang nararamdaman ko do'n. Dahil sa akin ka galing! Walang kapantay ang pagmamahal ko para sa 'yo." Tumayo siya at lumapit sa akin. Napaiyak ako na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Damang dama ko ang init sa yakap niyang iyon. Pakiramdam ko ay para akong nakauwi sa pinanggalingan ko. Para bang sa yakap na iyon ay napunan ang kulang sa akin. "I'm really, really sorry, Cindy. My Thaira Luna," umiiyak na anito habang yakap pa rin ako. "Pwede ba akong sumama sa yakapang 'yan?" Nakita ko si papa na nakatayo sa bukana ng pintuan ng opisina ko. Inilahad ni mama ang kanyng isang braso upang anyayahan si papa na lumapit sa amin. Nakangiting lumapit si papa at ginawaran kami ng halik sa noo ni mama saka kami niyakap nang mahigpit. "Sa wakas, kompleto na tayo. Kasama ko na ang mga prinsesa ko!" naiiyak na ani papa pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD