CHAPTER 31

1807 Words
Kasama ang aking anak, ang mag inang Marla at Lance, saka sina Belinda at Benjie ay dinala kami ni Elvies sa Maynila. Siya na ang sumundo sa amin dahil busy na ang mga magulang ko para sa wedding anniversay party nila para bukas. Gusto ni papa na sa mansyon na kami tumuloy pagdating namin dito sa Maynila ngunit tumanggi ako. Hindi naman linggid sa kanila ang tungkol sa aming tatlo nina Trina at Leo kaya hinayaan na ako ni papa na magdesisyon. Kaya naman dito kami sa Byahe de Velliejo Hotel pinatuloy ni papa at mama ngayon. Ang kwento ni Elvies sa akin ay hindi lang daw casino at mga hotels ang pag aari ng pamilya ko. May constraction firm at mga resorts din na nasa iba't ibang panig na ng bansa. May real estate pa! Ganoon daw ka-yaman ang pamilya ko ayon kay Elvies. Ang mga negosyong iyon ay pag aari pa ng mga grand parents ni papa at habang lumilipas ang panahon ay mas lalo pang lumalago dahil sa magandang pamamahala ni papa. Isang kilalang architect si papa, si mama naman ay dating teacher at simula ng mawala ako ay hindi na muling bumalik pa sa pagtuturo. Sobrang namangha ako nang makita ko ang engrandeng pagkakaayos ng malawak na garden pagpasok namin sa entrada. Sa mga palabas lang kasi ako nakakakita ng ganito. Na-consious ako dahil pagpasok namin ay nasa amin agad ang atensyon ng lahat. Hindi ko naman sila masisisi dahil para kaming naligaw sa handaan na ngayon lang nila nakita. Maraming bulung-bulungan ang aking naririnig habang naglalakad kami sa gitna ng red carpet patungo sa kinaroroonan nina mama at papa. Tumayo sina mama at papa para salubungin kami sa gitna. Nakita ko sina Trina at Leo sa mahabang lamesa. Nakatingin sila sa amin kaya ako na ang nagkusang umiwas ng tingin. "You look gorgeous, iha!" Papuri ni mama sa akin at saka ako hinagkan sa pisngi. Off the shoulder baby pink cocktail dress ang suot ko. Pareho kami ni Charity ng kulay at design ng damit na ikinatuwa ni mama. Niyakap rin ako ni papa at pagkatapos ay kay Charity na napunta ang atensyon nilang dalawa. Bibong bibo namang nakipag usap ang anak ko sa kanyang lolo at lola. Palihim ulit akong napatingin sa kinaroroonan nina Leo, nakita ko ang isang bata na nasa gitna nila ni Trina. Iyon na marahil ang anak nilang dalawa. Nag uusap si Leo at ang batang babae samantalang si Trina ay hindi maipinta ang mukha at panay ang simsim sa kopitang kanyang hawak. May sinabi sa kanya si Leo ngunit sinamaan lang ito ni Trina ng tingin at umalis sa lamesang iyon. Bumalik lang ang atensyon ko kina mama nang hilahin na niya ang kamay ko at papunta na nga kami sa lamesang kinauupuan nila kanina. Malawak ang lamesang iyon. Sa kaliwang side na lang ang bakante kaya doon kami naupo. Sadyang itinira yata talaga para sa aming dalawa ni Charity ang mga upuang iyon. Hinanap ng aking mga mata sina Marla at nakita kong kasama nila si Elvies na nasa kabilang table lang. Kumaway pa si Marla akin nang makitang nakatingin ako sa kanila. Hindi ako komportable dahil nasa harapan ko si Leo at ang anak nito. Lalo pa akong nailang nang bumalik si Trina sa lamesa. Nakaramdam ako ng kaba dahil titig na titig si Leo sa anak ko. Hindi ko nga pala naisip agad ang bagay na ito. Nilingon ko si Charity at nakikipagngitian na siya sa anak ni Trina. "Mom?" nakasimangot na ani ng bata at tiningala pa ang kanyang ina. Yumuko ito at hindi na muling tiningnan pa si Charity. Tumikhim ako at umayos sa pagkakaupo. Tumingin si Charity sa akin kaya nginitian ko siya at bahagyang hinawi ang nagulong bangs. "Okay ka lang ba, anak?" nakangiting tanong ko. "Yes, ma," sweet na sagot nito at humilig sa aking braso. "Pwede ba, Lianne! Ang init init 'wag ka ngang dikit nang dikit sa akin!" ani Trina sa anak at bahagyang itinulak ang ulo nitong nakahilig sa braso niya. "Trina!" mariin ngunit mahinang saway ni Leo sa kanyang asawa. Papaiyak na ang anak nila kaya naman binuhat ito ni Leo at iniupo sa kandungan niya. "Tss!" Pairap na inalis ni Trina ang tingin sa kanyang mag ama. "Kaya umaarte ng ganyan 'yan dahil sino-spoiled mo palagi, eh!" "Can you shut up! Nakakahiya sa mga taong makakarinig!" muling saway ni Leo sa kanya. 'Mga tao,' iyon na lang pala ako sa kanya. What do I expect? Maya maya pa ay may umakyat na sa stage at nagsimula na rin ang party na pinakihihintay ng lahat. Tinawag na rin sa stage sina mama at papa. "Thank you for spending time with us tonight, ladies and gentlemen. Hindi lang po ito celebration ng aming kasal ni Thirdy. Dahil selebrasyon rin po ito ng pagbabalik ng aming kaisa isang anak," mama said infront of us. Nagkaroon muli ng bulung-bulungan dahil sa sinabing iyon ni mama. At ngayon nga ay nasa lamesa na namin nakatingin ang lahat. Kung kanina ay hindi na maipinta ang mukha ni Trina ngayon ay mas sumama pa iyon. "Please be with us here on stage, my daughter, Cindy," tawag pa ni mama sa pangalan ko. Nagkaingay muli ang mga tao. Tumayo si Elvies at lumapit sa akin para dalhin ako sa stage. Kinuha naman ni Marla si Charity. "The twenty-four years of searching is over. And now, we found her and she's with us. We've been looking forward for this time for a long time. We want you all to meet our long lost daughter. Thiara Luna Velliejo!" Buong pagmamalaking ani papa at pinagitnaan nila ako ni mama. Kasabay ng mg bulung-bulungan ay ang pagpuno ng mga palakpakan. Nagkislapan rin ang mga camera na nagkalat kung saan saan. Maya maya pa ay umakyat sa stage si Charity na inalalayan ni Elvies. Muling nagkislapan ang mga camera nang tumabi na sa amin ang anak ko. Samu't saring komento ang aking naririnig mula sa mga tao. At sa gitna ng mga taong nagsasaya kasama namin ay hindi napansin ng mga ito ang pag alis ni Trina. Tumayo na rin si Leo at inakay na paalis ang anak nilang si Lianne. Pagbaba ng stage ay inikot nina mama at papa ang mga lamesa ng kanilang mga bisita. Bawat hintuan namin ay ipinakikilala ako ng mga magulang ko. Ang sarap sa pakiramdam na proud na proud ang mga magulang ko na ipakilala ako sa mga tao. Ang sarap sa pandinig na marinig mula sa kanila na pinupuri ang pamilya namin. "Ma, pa, asikasuhin ko lang po sandali si Charity," paalam ko kina mama nang huminto kami malapit sa table nina Marla. Matapos akong tanguan nina papa ay lumapit na ako kina Marla at naupo sa tabi ng upuan na ukupado kanina ni Elvies. Busy na kasi sa pakikipag usap si Elvies. "Naku! Ang dungis mo na, anak!" ani ko nang makita ang mukha at kamay ng anak ko. "Tapos ka na bang kumain? Halika at lilinisan kita." "Ako na lang ang sasama kay Charity, Ate Cindy. Naiihi na rin kasi ako, eh!" wika ni Belinda. "Sige. Ito ang mga gamit n'ya." Sabay abot ko ng maliit na bag ni Charity. "Bilisan n'yo, ha," bilin ko pa sa kapatid ko. "Ang bongga talaga ng party ng mga mayayaman 'no?" namamanghang sabi ni Marla. "Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang bilyonarya ang kaibigan kong napadpad lang sa Mindoro." "Hay naku! Tigilan mo nga ako d'yan, Marla!" natatawang saway ko sa kanya. "Ako pa rin si Cindy kahit ano pang sabihin mo," saad ko pa. "Ate!" natatarantang tawag ni Belinda sa akin. Napatingin pa ang mga bisita sa kabilang table dahil sa pagmamadali ni Belinda para makalapit. "Si Charity?" tanong ko agad dahil wala siyang kasama. "Nasa banyo pa. Halika, may nangyari kasi," aniyang hindi na mapakali. Agad akong kinabahan kaya nauna na akong puntahan ang anak ko. Mabilis ang bawat hakbang ko papunta ng rest room. Napalingon ako sa kaliwang side nang makarinig ng mga hikbi. Napaawang ang bibig ko at umahon ang galit sa aking dibdib ng makita ang hitsura ni Charity. "Who did this to you?" "Mama!" Umiiyak na yumakap sa akin si Charity. "Stop crying na. Mama is here," alo ko sa kanya dahil mas lumalakas pa ang kanyang pag iyak. "Sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari," ani ko matapos iharap si Charity na umiiyak pa rin. "Charity, ito muna ang-" Nagkatinginan kami ni Leo at napako sa ere ang kamay niyang may hawak hawak na damit. Inalis ko agad ang aking tingin sa kanya at hinarap na si Charity. "Sino ang may gawa sa 'yo nito?" Basang basa kasi siya. "Lianne poured water on me. because she mad at me. She said that she hates me, she blames us because her mom and dad had a fight earlier," kwento ng anak ko. Tumalim ang tingin ko nang lingunin ko si Leo. "Marla, pakibihisan naman si Charity," pakiusap ko kay Marla na kadarating lang. Hinablot ko sa kamay ni Leo ang damit na ibinibigay nito sa anak ko at inabot iyon kay Marla. "Mag usap tayo!" Baling ko kay Leo at naunang lumabas ng banyo. "I'm sorry for what Lianne did to Charity," hingi agad ng tawad ni Leo sa akin ng nasa hallway na kami. "Hindi naman alam ng bata ang ginagawa-" "Ipinapakita n'yo sa bata ang pag aaway n'yo?" Hindi siya nakasagot at napayuko na lang. "Alam mo ba kung ano ang magiging epekto no'n sa bata, ha?!" naiinis na tanong ko pa. "Hindi naman sa gano'n-" "Look what she did to my daughter. Gawain ba 'yon ng batang pinalaki ng tama?" "At ano ang alam mo sa pagpapalaki ko sa anak ko?" Umahon lalo ang galit ko nang magsalita si Trina. Naglalakad ito palapit sa amin. "My daughter! My rule!" wika niyang pinaningkitan pa ako ng mga mata. "At bakit ba lumalapit lapit ka sa asawa ko? Ano gusto mo s'yang agawin?!" sigaw ni Trina sa akin. "Stop it, Trina! You're drunk!" saway ni Leo sa kanya. "Alam mo bang binuhusan ni Lianne ng tubig si Charity? Kawawa naman 'yong bata!" ani Leo pa. "Oh!" madramang ani Trina. "You're worried to your illegitimate child!" dagdag pa nito. "Trina! I said stop calling her that!" sigaw ni Leo. Napangiwi si Trina dahil sa higpit ng hawak ni Leo sa braso niya. "Totoo naman, ah! Bastarda ang anak n'yo ng Cindy na 'to!" "Leo!" sigaw ko para awatin ito sa pagsampal kay Trina sa harapan ko. "Pwede ba! Kung mag aaway kayo 'wag sa harapan ko! At pwede ba! 'Wag n'yo kaming idamay sa problema n'yo! Pagsabihan n'yo 'yong anak n'yo! Paki disiplina na rin! Baka disiplinahin ng iba 'yan. Magpa Tulfo pa kayo!" Saktong paglabas nina Marla sa banyo at makalapit sa amin ay hinila ko na ang anak ko paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD