CHAPTER 32

1565 Words
Matapos ang eksena kanina sa loob ng mansyon ay hindi na muling nagpakita sa party si Trina at ang anak nila ni Leo. Nakita kong lumabas si Leo kasunod namin kanina at kinausap sina mama at papa at umalis rin ito kaagad. "Anong nangyari kanina?" pang uusisa ni Marla sa akin. "Binuhusan ni Lianne ng tubig si Charity nang magpunta sila sa banyo," kwento ko. "Sinabi na 'yan ni Belinda kanina sa akin!" Umikot pa ang mga mata nito sabay sumubo ng pagkain. "At nagtanong ka pa talaga, ha! Alam mo naman pala!" taas kilay na sabi ko. "What I mean is, 'yong sa inyong tatlo kanina," pagkaklaro niya. "Naiinis lang ako kapag naiisip ko, kaya 'wag na nating pag usapan," pairap kong tugon. "Sabihin mo na!" Pamimilit niya. Napabuntong hininga ako at hinarap siya. "Anong akala n'ya, magkatulad kami? Natikman ko na noon, tinikman rin n'ya. Tapos ano? Akala n'ya titikman ko ulit ngayonq!" litanya ko. "May issue na ba agad?" natatawang ani Marla pa na sarap na sarap sa dessert na kinakain. "S'ya lang ang ma-issue 'no!" naiinis na turan ko. "Cindy, hindi mo naman maiiwasan 'yan lalo na't iisang pamilya na kayo ngayon. Magkakabangga at magkakabangga kayong dalawa. Ngayon mo malalaman kung ano ang tunay na kulay ng babaeng 'yon," ani Marla sa akin. "Dagdagan pa ng anak nila. Naku! Napakamalditang bata! Kung makipag usap daw sabi ng kapatid mo akala mo kung sino! Kung ako ang kasama ng inaanak ko kanina malamang ko, nakurot ko na sa singit ang batang 'yon!" naiinis pang litanya niya. "Bata pa rin 'yon, Marla. Patulan daw ba!" naiiling na saway ko sa kanya. "Kulang lang sa disiplina ang batang 'yon. Mukha namang sweet at mabait." Nakita ko iyon kanina, kung paano siya makipag usap kay Leo at maging clingy sa mommy niya. "Sweet at mabait? Talaga lang, ha!" nakaismid na ani Marla habang patuloy sa pagkain. "Ang sabihin mo may pinagmanahan kamu!" "Hindi ko naman talaga kilala ng lubusan si Trina pero base sa kilos ng anak nila mali ang paraan nito ng pagpapalaki sa bata. Ina rin ako, Marla," saad ko pa. "So, saan mo nakuha ang sweet at mabait?" "Nakita ko kasi silang nag uusap ni Leo," sagot ko. "Kaya naman pala ini-issue ka, eh! Nahuli ka yatang nakatingin sa asawa!" Sinamaan ko ng tingin si Marla na natawa sa kanyang sariling sinabi. Huminto rin siya sa pagtawa kalaunan ngunit mapanuksong tingin pa rin ang ipinupukol sa akin. Maya maya pa ay dumating sina mama at papa kasama si Elvies. Isinama nila ako para libutin ang mga bisita at personal na ipinakilala sa mga ito. "Kamukhang kamukha mo ang anak mo, Thirdy. Nakakatuwa naman na happy family na rin kayo sa wakas," ani Mrs. Cheng isa sa mga business partner ni papa sa real estate company at kaibigan ni mama. "How about Trina? Where is she?" tanong pa nitong sinipat ang paligid. "She's not feeling well, Azon. Nagpapahinga s'ya sa loob," tugon ni mama kay Mrs. Cheng. "Mabuti at hindi nagseselos dahil hati ang atensyon n'yo ngayon ni Thirdy sa kanya?" ani Mrs. Cheng pa. "Trina is understanding kind of a woman. And it's fine with her. Alam naman niyang matagal naming hindi nakasama ang tunay naming anak," pahayag ni mama. Understanding? Ayos lang sa kanya? Mukha yatang iba ang nakita ko sa aura ni Trina matapos akong ipakilala sa mga tao kanina. "Ano ang pinagkakaabalahan mo, iha?" tanong ni Mrs. Cheng sa akin. "May small business po ako sa Mindoro, ma'am," magalang na tugon ko. "That's good to hear. Sa maliit naman talaga nagsisimula ang lahat, at hindi na ako magtataka kung ang maliit na negosyong sinasabi mo ay lumaki rin at dumami. Dahil ang daddy mo ay isang successfull na businessman." Nagpatuloy ang kwentuhan nina mama at Mrs. Cheng. Nasarap na rin sa pag uusap sina Elvies at papa sa mga business man na lumapit sa kanila kanina. "Ma, babalik lang po ako kina Marla. Baka hinahanap na po ako ni Charity, eh," paalam ko. "Nice meeting you po, Mrs. Cheng." Baling ko rin sa babae. "Tita Azon na lang, iha. I'm glad to meet you too." Niyakap at bumeso pa siya sa akin bago ako tuluyang umalis. "Marla, ang mga bata?" tanong ko nang makabalik sa lamesa namin. "Nand'yan lang ang mga 'yan. 'Wag kang mag alala at kasama naman nila si Belinda," tugon ni Marla at itinago sa pouch niya ang make up kit niyang dala. "Oh! Totoo nga pala ang balitang nakarating sa amin. Nandito ka pala!" nang uuyam na sabi ni Lesly matapos huminto sa lamesa namin. Napatingin si Marla sa akin matapos pasadahan ng tingin si Lesly. "Sino 'yan?" Pasimpleng bulong ni Marla. "Kapatid ni Leo," Pasimple ring bulong ko at agad itong tumangu tango. "Eh, ikaw? Bakit nandito ka rin?" tanong ko rin na pinantayan ang mapang uyam niyang tinig. Nandito rin pala si Lesly. Hindi na ako magtataka kung sumulpot rin bigla ang nanay niya. "Tinatanong pa ba 'yon? Kapatid ko ang asawa ni Ate Trina na anak ng mga Velliejo. Natural lang naman na pumunta kaming pamilya ni kuya dito, 'di ba?" sagot nitong pinasadahan pa ako ng tingin. "You must be Lesly, right?" mataray na tanong ni Marla dito. Tumaas ang isang kilay ni Lesly nang lingunin nito si Marla. "Oo, bakit?" "Kanina ka pa ba dito sa party o kararating n'yo lang?" "Teka nga! Ano bang pakialam mo kung ngayon lang kami dumating? Hindi naman ikaw ang kausap ko, ah! At hondi rin ikaw ang may pa-party!" Napalingon ako sa paligid mabuti na lang at walang gaanong tao sa mga tables. At kung meron man ay medyo malayo ang mga ito sa amin at busy sa kani kanyang usapan. Nakakahiya kasi dahil sa boses ni Lesly. "Hindi nga ako! Pero kilala mo ba kung sino ang kinakausap mo?" "Oo! S'ya lang naman ang ex ng kuya ko!" "At anak ng mga Velliejo!" Dugtong ni Marla kay Lesly. Humalukipkip si Marla at tinaasan pa ng kilay ang nakangangang kapatid ni Leo. "Nagpapatawa ka ba?" natatawang ani Lesly pa. "Hindi ka makapaniwala? Kapatid mo kamu ang asawa ni Trina hindi ba? Sana naman, inalam mo ng buo ang kwento 'no, para hindi ka napapahiya ng ganito!" Sasagot pa sana si Lesly ng lumapit si mama sa amin kasunod nito ang mama ni Leo. Hindi nga ako nagkamali, nandito rin ito. Hindi maipinta ang mukha ni mama habang palapit sa kinaroroonan namin habang panay yata ang kausap ng mama ni Leo sa kanya. Agad nagbago ang hitsura ni mama nang makita niya akong nakatingin sa kanya. "Nasaan ang mga bata, anak?" Puna ni mama nang makalapit sila sa amin at makitang wala sa lamesa ang apat. "Naglalaro lang po iyon malamang. Pagod na po yata kayo, ma," nag aalalang sabi ko. Lumapit ako sa kanya at inalalayan siya para makaupo. "I'm fine, anak," tugon ni mama at hinaplos ang aking pisngi. "Anak mo daw s'ya, tita?" hindi na nakatiis pang tanong ni Lesly sa mama ko. Nanlalaki pa ang kanyang mga mata. "Ah... Yeah!" mama answered then glanced at me once again with a wide smile on her face. "Hindi ba naikwento ni Trina sa inyo?" nakangiting ani mama. "She is Thiara Luna Velliejo. Pamilyar naman na siguro kayo kay Cindy hindi ba?" "Paano mo naging anak ang babaeng 'yan?" Bakas ang panlalait sa tinig at mga mata ng nanay ni Leo. "Walang wala naman kay Trina ang babaeng 'yan, balae! Baka nanloloko lang 'yan!" "Watch your words, Ellen. Unica ija ni Thirdy ang tinutukoy mo!" may pagbabanta pang sabi ni mama dito. "Pasensya na, balae?" anito na bahagyang naging banayad ang tinig. "Paano mo ba naging anak si Cindy?" "It's a long story to tell, Ellen. At sa aming pamilya na lang iyon. Mabuti pa abalahin n'yo na lang sa pagkain ang mga sarili n'yo," wika pa ni mama sa mga ito. Ngumiti ito sa akin nang balingan ako. "I need to go back to your dad, dito na kayo matulog ng mga bata," ani mama. "Marla, paki alalayan ang kaibigan mo." "Yes, tita," ngiting tugon ni Marla sa kanya. "Ako na po ang bahala kay Cindy." "Anong ipinakain mo sa mga magulang ni Trina, ha?! Ikaw? Anak nila?" Natatawa at hindi makapaniwalang panghahamak ng mama ni Leo sa akin nang makaalis si mama. "Bakit? Hindi ba kayo makapaniwala?" nakangising tanong ko. "Sorry to pop your bubbles, Aling Ellen," wika kong ipinagdiinan ang pagtawag sa kanyang pangalan. "Ako lang naman ang nag iisang anak ng mga Velliejo. At ang ipinagmamalaki at pinakamamahal mong si Trina, pinsan ko lang naman s'ya at kinupkop s'ya ng mga magulang ko noon ng mawala ako," pahayag ko na ikinatigil nilang mag ina. "Akala n'yo naka-jackpot na kayo ng tagapagmana 'no!" nang uuyam na turan ko pa. "Tara na nga, ma! Umalis na tayo at iwanan na natin 'yan! Kumain na lang tayo!" tawag ni Lesly sa atensyon ng inang masama na ang timpla. "Magpakabusog kayo, ha. Minsan lang 'yan!" pang aasar ko sa kanila. "Anong sabi mo?!" Bakas ang galit sa mukha ng nanay ni Leo. "Hep!" awat ni Marla nang humakbang ito palapit sa akin. "Alalahanin n'yo, anak s'ya ng mga Velliejo," paalala ni Marla. "Kapag nagalusan n'yo kahit daliri n'ya, pwede kayong ipakaladkad palabas ng mga magulang n'ya!" "Enjoy the party, baka huli n'yo nang punta 'to dito, eh!" natatawang ani ko saka sila tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD