CHAPTER 18

1628 Words
"I'm so sorry, Cindy. Patay na ang baby mo," ani Doktora Cirtes, bakas ang lungkot at panghihinayang sa kanyang tinig. Isa isang pumatak ang aking mga luha. Inilapag pa ni doktora sa ibabaw ng aking tiyan ang sanggol. Hindi na nga ito gumagalaw pa. "Hindi!" umiiyak na sigaw ko. Nagising ako sa isang tahimik na kwarto. Hingal na hingal ako at may namumuo pang pawis sa aking noo na agad kong pinahid. Hinawakan ko ang aking dibdib na malakas pa rin ang pagkabog. Panaginip! Nanaginip ako. Isang masamang panaginip. Nawalan na naman ako ng anak sa ikalawang pagkakataon. Saglit akong natigilan at kinapa ang aking tiyan. Para akong nabunutan ng tinik ng maalalang nanganak na nga pala ako. Isang malusog at babaeng sanggol. Unti unting humupa ang takot na aking nararamdaman nang maalala ko iyon. Maya maya ay bumukas ang pintuan at pumasok ang isang nurse ngumiti ito sa akin nang makitang gising na ako. "Ito na po ang baby n'yo, misis," ani pa ng nurse habang dahan dahang inilalapag sa tabi ko ang aking anak. Nakahinga ako ng maluwag nang mahawakan ko ang aking munting anghel. Mabuti na lang at hindi totoo ang panaginip kong iyon. Baka mabaliw na ako kung mawala pa ulit ang isang anak ko. Muli ay napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok si Ate Precy. Agad siyang lumapit sa akin nang makitang gising na ako. "Kumusta?" tanong niya, na may munting ngiti sa labi. "Alam mo?" nagtatakang ring tanong ko. Tinulungan niya akong umupo nang dahan dahan. "Tinawagan ako ni Leo," tugon niya. Napatingin ako sa saradong pintuan. "Nasaan s'ya?" Napakunot pa ang aking noo. Galit man ako kay Leo dahil sa nangyari pero hindi ko maiaalis na ama pa rin siya ng anak ko. Na asawa ko pa rin siya. Napayuko si Ate Precy at hindi sinagot ang tanong ko. "Gusto mo bang kumain?" Pag iiba niya. "Ate, nasaan si Leo?" sabi kong hinawakan na ang braso niya para pigilan siya sa pagbuklat ng plastic na nasa ibabaw ng maliit na lamesa. "Nasa labas ba? Papasukin mo." "Wala s'ya," sagot ni Ate Precy sa akin sabay iwas ng tingin. "Umuwi?" nanlulumo kong sambit. "Nasa isang hospital din sya ngayon kasi-" "Ano'ng nangyari kay Leo?!" gulantang kong tanong. Biglang binundol ng kaba ang puso ko. May nangyaring masama sa asawa ko?! "Ayos lang s'ya, Cindy. 'Wag kang mag alala," ani Ate Precy sa akin. "Paanong hindi ako mag aalala? Sabi mo nasa hospital din s'ya?" nalilitong tanong ko. "Naaksidente ba s'ya?" "Nanganak na rin si Trina," turan ni Ate Precy at seryosong nakatitig sa akin. "Tinawagan n'ya ako para may makasama ka." Natigilan ako at unti unting nawala ang kabang nararamdaman ko. Napalitan iyon ng sakit. "Cindy-" "Ayos lang ako, ate," ani ko at humugot pa ng malalim na paghinga. "Nagugutom na ako. Ano bang dala mong pagkain?" sabi ko pa para itago ang sakit na nararamdaman ko. Tinitigan pa ako ni Ate Precy na para bang sinisiguro ang reaksyon ko. "Hindi na ako iba sa 'yo. Pwede mong ilabas 'yan." At dahil ayaw ko siyang mag alala ay ngumiti na lang ako sa kanya. "Ayos lang talaga ako. Baka mas kailangan s'ya ni Trina hindi ba?" may pait sa tinig na sabi ko. "Hindi kasi-" "Gutom na ako, ate. Kailangan ko ring kumain para magka gatas para may makuhang gatas si Charity." Napabuntong hininga na lang si Ate Precy at isa isang binuksan ang tuppers wears na dala niya. Hindi ko halos malunok ang pagkain dahil nawalan na ako ng gana. Ayaw tanggapin iyon ng lalamunan ko ngunit pinilit kong kumain dahil hindi lang naman para sa akin iyon. Para rin iyon kay Charity. Gustung gusto ng tumulo ng mga luha ko ngunit pinigil ko iyong mabuti na 'wag pumatak. Ang sakit sakit ng dibdib ko. Parang sasabog sa sakit dahil sa isiping kaya akong iwan ni Leo sa gitna ng panganganak para puntahan lang ang babaeng iyon. Ang sakit isipin na ipinagkatiwala niya kami sa iba para puntahan ang kabit n'ya. Mas importante pala talaga ang babaeng iyon kaysa sa akin, sa amin ng anak niya. Ano bang meron ang Trina na 'yon na wala sa akin? Natawa ako sa sarili kong tanong. Hindi nga ba't first love niya ang babaeng 'yon. Dahil sa naging reaksyon ko kaya napaangat ng tingin si Ate Precy sa akin. Nang titigan ako ni ate at makita ko ang pag aalala at lungkot sa kanyang mga mata doon na isa isang pumatak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Parang gripong walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. "Cindy," nag aalalang sambit ni Ate Precy at hinaplos ang buhok ko. "Mas mahalaga pala talaga si Trina kaysa sa akin 'no? Kinaya n'yang iwan ako para lang samahan si Trina. Kailangan ko rin naman s'ya, ah!" umiiyak na wika ko. "Cindy, hindi naman ginusto ni Leo na iwan ka," pahayag ni Ate Precy. "Anong ibig mong sabihin?" tanong kong agad pinunasan ang pisngi kong basa ng luha. "Wala nga s'ya dito 'di ba? Ano pang ibig sabihin no'n?" "Iyon ang gusto kong sabihin sa 'yo kanina pa. Pumunta kasi ang mommy ni Trina dito habang nasa delivery room ka. Hindi ko alam ang eksaktong nangyari dahil umalis rin sila agad pagdating ko. May kasama pa ngang pulis," paliwanag ni Ate Precy. "Nangako si Leo na babalik s'ya." "Sabi mo nga nanganak rin si Trina 'di ba? Baka pinilit nila si Leo na puntahan si Trina," hinuha ko. "Siguro," kibit balikat na sagot niya. "Hayaan nating si Leo na ang magpaliwanag sa 'yo kapag nandito na s'ya. Nag text na ako sa kanya na nakapanganak ka na. Ako na muna ang bahala sa 'yo kaya 'wag ka ng mag alala. Kailangan mong magpahinga. Kayo ni- Teka! Cindy! Nangingitim si baby!" Tiningnan ko si Charity at ganoon na lang ang ragasa ng takot at kaba ko nang makitang nangingitim ang labi ng anak ko. "Ate Precy, tumawag ka ng doktor!" Agad kinuha ng mga nurse at ni Doktora Cortes ang baby ko para dalhin sa emergency room. Kahit nanghihina ay pinilit kong sumunod sa ER habang nakaalalay si Ate Precy sa akin. Tulad ko ay bakas rin ang takot at pag aalala sa kanya. Pagbukas ng ER ay agad akong lumapit kay Doktora Cortes. "Saan po nila dadalhin ang baby ko, doktora?" tanong ko habang habol ko ng tingin ang stretcher lulan ang aking anak. "For the mean time kailangan muna natin s'yang ilagay sa Intensive Care Unit for more observation," pahayag nito. "Bakit po?" may takot kong tanong. "We need some more test to make sure na tama nga ang diagnosis ko. May sakit sa puso ang baby mo, Cindy." Niyakap ako ni Ate Precy nang marinig namin ang sinabi ni doktora. Para akong nauupos na kandila ng mga sandaling iyon. Matapos magpaalam ni doktora ay agad kaming nagtungo sa ICU para tingnan ang anak ko. May mga aparatong nakakabit sa kanya. Sabi ng nurse na naabutan namin doon at tulong daw iyon para makahinga siya ng maayos. "Magpahinga ka na muna. Kapapanganak mo lang," wika ni Ate Precy. "Hindi naman ako makakapagpahinga na alam kung nandito ang anak ko," tugon ko at muling sumulyap sa maliit na bintana. "May awa ang Diyos, Cindy. Kumapit ka lang sa kanya," ani ate pa at hinawakan nang mahigpit ang aking mga kamay. Hindi ko na naman maiwasang pangiliran ng luha. "May awa? Kung naaawa s'ya sa akin, bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon? Kinuha na n'ya si Cherry sa akin pati ba naman si Charity gusto n'yang babawiin agad?" "Cindy, may dahilan ang lahat." "Anong dahilan?" "Hindi ko rin alam," tugon niya sabay iling. "Pero naniniwala ako na ano man ang nangyayari ngayon. May dahilan ang lahat ng iyon." "Alam mo bata pa lang ako pangarap ko ng maging masaya. Gusto kong maranasan na alagaan at mahalin na ni minsan hindi ko naranasan mula kay mama. Nang makilala ko si Leo akala ko magiging masaya na ang buhay ko. Kay Leo ko naramdaman kung paano pahalagahan at mahalin. Nang dumating si Cherry sa buhay namin doon ko naranasan ang masaya at buong pamilya. Sabi ko sa sarili ko, ito na! Pero wala na! Binawi n'ya lahat! Kaya saan ang awa n'ya para sa akin?!" luhaang saad ko. Umiiyak na hinaplos ni Ate Precy ang aking magkabilang pisngi. Ramdam ko ang awa niya para sa akin. "Hindi ba ako mahal ng Diyos, ate?" "Ano ka ba?!" mariing saway niya sa akin. "Walang nilalang na hindi mahal ng Diyos. 'Wag kang magsalita ng ganyan." "Mahal n'ya ako? Bakit pinahihirapan n'ya ako ng ganito? Gusto ko lang namang sumaya. Gusto ko lang namang maranasan ang buong pamilyang ipinagkait sa akin. Pagmamahal at pag aalaga na hindi ko naranasan mula sa sarili kong ina. Masama bang maghangad na maging masaya?" "Lahat tayo dumadaan sa problema at pagsubok. 'Wag mong kuwestyunin ang nasa itaas dahil alam ko, lahat ng ito pagsubok lang para maging matatag ka." "Ano ba ang pagkakamaling nagawa ko? Kung nagkamali man ako sana ako na lang ang parusahan n'ya. 'Wag na sana ang anak ko. Tama ng nawalan ako ng isang anak. Hindi ko kakayanin kung mawalan pa ako ulit ng isa pa." "H'wag kang panghinaan ng loob. Nandito ako! Sasamahan kita sa lahat ng pagdadaanan mo. Kumapit ka lang." Ngayong nasa gitna ako ng ganitong sitwasyon wala ang lalaking akala ko ay masasandalan ko. Wala ang lalaking akala ko ay mahal ako. Ang lalaking nangakong hindi ako iiwan. Nando'n siya kay Trina ang babaeng tunay na mahal n'ya. Ako... Palagi na lang mag isa, palaging naiiwan, palaging hindi pinipili. At kung piliin man iyon ay dahil wala silang choice dahil ako na lang ang naroon. Kailan ba darating ang panahon na ako naman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD