CHAPTER 19

1634 Words
"Ma'am, gusto daw po kayong makausap ni doktora," wika ng nurse na lumapit sa amin ni Ate Precy. "Dito na lang ako, ako na ang magbabantay kay Charity. Sumama ka na sa kanya," si Ate Precy sa akin. Kung gaano kami katagal dito sa hospital ay ganoon na rin katagal na hindi ko nakikita si Leo. Kahit isang reply man lang sa mga text ni Ate Precy ay wala. Kahit isang tawag ay wala rin siyang sinagot. Ganitong ganito rin noon ang sitwasyon ko ng malagay sa bingit ng kamatayan si Cherry. At ngayong nasa bingit ng alanganin si Charity, wala ulit s'ya. Kasama na naman niya si Trina. Siguro masaya s'ya dahil kasama na n'ya ang babaeng mahal n'ya at ang anak nilang dalawa. Samantalang ako... Heto at mag isang hinaharap ang problema. Kahit isang paliwanag wala akong natanggap mula sa kanya. Umpisa pa lang naman wala siyang malinaw na paliwanag kung bakit niya ako ginaganito. Iniisip ko nga na baka naging panakip butas lang talaga ako. "Kumatok lang po kayo sa pintuan nasa loob po si doktora," sabi ng nurse na sumundo sa akin bago ako iwan doon. "Pasok!" Boses ni doktora mula sa loob matapos kong kumatok. Nang buksan ko ang pintuan ay nakita ko si doktora at may isa pang doktor na kasama. "Pinatawag n'yo daw po ako." "Have a seat, Cindy," utos ni Dra. Cortes. "By the way this is Dra. Evaresto. A cardiologist and she would handle your daughter's case," pakilala ni doktora sa akin sa kasamang babaeng doktor. "Cardiologist po?" tanong kong papalit palit ang tingin sa kanilang dalawa. "Confirm ang diagnosis ko, Cindy. May sakit sa puso ang anak mo. May nakitang butas sa puso n'ya," pahayag ni Dra. Cortes. "Paano po 'yon?" tanong kong nanginginig na sa kaba. "She can't under go in any operation as of now, dahil masyado pang maliit ang katawan n'ya at masyado pa s'yang bata. All we can do is a long medication until her body is completly ready for a totaly operation," paliwanag rin ni Dra. Evaresto. "Ano pong mangyayari sa anak ko kung gano'n?" ani ko. "Mahaba at magastos na gamutan ang kakailanganin mo para madugtungan ang buhay ng anak mo, Cindy," wika ni Dra. Cortes habang hawak ang aking kamay. "Palalakihin muna natin si Charity para ihanda siya at ang katawan n'ya sa operasyon. Ang tanging magagawa lang natin sa ngayon ay bigyan s'ya ng gamot at ma-monitor ang kondisyon n'ya day by day." "Gagaling naman po ang anak ko 'di ba, dok?" maluha luhang tanong ko. "Sundin mo lang ang mga sasabihin ni Dra. Evaresto. At samahan mo na rin ng dasal," ani Dra. Cortes. "Gagaling ang anak mo. Tiwala lang." Marami pang ipinaliwanag si Dra. Evaresto sa akin tungkol sa gagawing gamutan ni Charity sakaling ilabas na siya sa ICU. Ngayon pa nga lang ay hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa hospital. Lalo na kaya ang mahabang gamutan na iyon. "Hindi mo ba sasabihin kay Leo ang tungkol sa sakit ng anak n'yo?" tanong ni Ate Precy, nakatunghay kaming pareho dito sa maliit na bintana ng ICU habang inaasikaso ni Dra. Evaresto at dalawang nurse ang anak ko. "May pakialam ba s'ya, ate?" mapait kong tanong sa kanya pabalik. "Kahit isa sa mga text at tawag mo hindi n'ya nga sinagot, eh! Kung mahalaga kami sa kanya, alam n'ya kung saan kami pupuntahan," pahayag ko. "Pero karapatan mo pa rin na hingan s'ya ng tulong dahil ama pa rin s'ya ng anak mo. Hindi mo kakayanin ang malaking gastos. May karapatan kang mag demand dahil ikaw ang legal na asawa, Cindy!" pangaral ni Ate Precy sa akin. "Kung ayaw mo, ako na lang ang kakausap kay Leo. Cindy, buhay ng anak mo ang nakasalalay dito." "Para saan pa ang pagiging legal na asawa ko kung hindi naman ako ang mahal 'di ba?" Nangilid na naman ang mga luha ko. "Ipinamumukha lagi noon nina Mama Ellen na wala akong karapatan dahil hindi naman kami kasal. Ngayong kasal na kami, wala pa rin akong karapatan dahil hindi ako ang mahal!" "Sabihin na nating hindi ka mahal! Anak pa rin n'ya si Charity! 'Wag mong unahin ang pride mo! Kailangan mo ng tulong dahil hindi mo kaya 'to ng mag isa!" Hindi nagpaawat si Ate Precy sa kanyang balak. Umuwi siya sa kanila para kumuha pa ng kanyang mga gamit. Dadaan daw siya sa bahay nina Trina dahil doon lang naman daw niya makikita si Leo. Dahil nakaka recover na rin si Charity ay inalis na siya sa Intensive Care Unit. Hindi ko alam kung saang kamay ako hihingi ng tulong dahil sa laki ng bill namin dito sa hospital. Ang sabi rin ni Dra. Evaresto ay next week na raw mag uumpisa ang gamutan ni Charity. Habang tumatakbo ang araw ay tumatakbo rin ang bill namin dito. Nag suggest na rin si Dra. Cortes na pwede kaming lumapit sa mga non governmental organization para matulungan kami sa mga gastusin. Tulog na si Charity at iidlip na rin sana ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto. Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang dito sa loob. "Ah... Ma'am, may kailangan po kayo?" nag aalangang tanong ko. "Ikaw si Cindy De Jesus?" "O-opo. Bakit po?" takang tanong ko sa babae. Biglang sumikdo ang puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Bahagya siyang natigilan ngunit agad ring nakabawi at masusing tiningnan ang aking kabuuhan. "Hindi na ako magpapaliguy ligoy pa. Two million pesos for staying away in Leo's life." Napakurap kurap ako. Nanindig ang mga balahibo sa aking buong katawan. Dalawang milyon! Dalawang milyon! Sobra sobra pa sa hinihingi kong tulong iyon, ah! "L-Leo?" nauutal na sabi ko dahil hindi nakaligtas iyon sa pandinig ko. "Ano pong ibig n'yong sabihin? Saka sino po ba kayo?" "I am Soledad Velliejo, mother of Trina Velliejo. And I'm here to offer you-" "Ano ba si Leo? Gamit na pwede n'yong bilhin?" galit na putol ko sa kanya. "Asawa ko si Leo, kasal kaming dalawa! At hindi ko s'ya basta basta ibibigay sa anak mong kabit!" "Really?" natatawang turan nito. "Kabit? Well, for your information, my daughter is Leo's girlfriend when they are in high school. Walang formal break up. And before we flew to U.S they promised to be together no matter what. And Trina came back here for Leo and get married." "Hindi n'yo po yata ako narinig. Kasal na po kami ni Leo," may diing tugon ko. "Is the two million's not enough? I can double it if you want," taas noo pang sabi nito. "May asawa rin po kayo. May pamilya. Paano n'yo nagagawang off-er-an ako ng pera para layuan ang sarili kong asawa? S'ya ang kailangan ko, namin ng anak ko. Hindi ang pera n'yo!" "Kailangan rin s'ya ng anak at ng apo ko!" singhal nito sa akin. "Si Leo ang buhay ng anak ko. At handa kong gawin ang lahat para sa anak ko!" giit niya. "Kahit makasira ka ng pamilya ng iba?" Natigilan siya doon. "Masaya na po kami ni Leo, ma'am. Pero sinira ng anak n'yo ang masaya naming pamilya-" "Hindi!" mariing putol niya sa akin. "Hindi si Trina ang sumira sa pamilyang sinasabi mo, Cindy! Walang sumira dahil una pa lang sila talaga ang nagmamahalan ni Leo! You're out of the picture! Kung hindi mahal ni Leo ang anak ko hindi naman siguro s'ya tanga na papayag na may mangyari sa kanila at mabuntis ang anak ko hindi ba?" Ako naman ang natigilan sa pagkakataong 'yon. Paulit ulit na nagri-replay sa utak ko na first love nga pala nila ang isa't isa. Patuloy na nagri-replay sa isipan ko ang araw na makita ko silang magkatabi sa iisang kama. "Pag isipan mong mabuti ang ino-offer ko sa 'yo, Cindy. May sakit ang anak mo hindi ba?" nakangising sabi pa niya sabay tingin sa anak kong nasa higaan. Napalingon rin ako kay Charity na himbing na natutulog. "Kapag pinili mo si Leo, sisiguraduhin kong hinding hindi na s'ya makakapasok sa kahit anong trabaho. Pero kapag pinili mo ang offer ko sa 'yo, makakapagbagong buhay kayo ng anak mo. Maipapagamot mo pa s'ya ng maayos na hindi namu mroblema sa pera. Two million, Cindy. No! Five million! Lumayo lang kayo ng anak mo! Pirmahan mo na rin 'to!" Saka inihagis sa ibabaw ng kama ang isang folder. "Ano 'to?" "Annulment papers 'yan. Sign it! At magpakalayu layo ka na kasama ng perang ibibigay ko sa 'yo at ng anak mo!" "Paano kung hindi ako pumayag?" "You'll live like a living rat! I'll make sure of that!" aniyang pinantayan pa ako sa pagkakaupo ko matapos ikulong sa magkabilang braso niya. "Kapag pinirmahan mo 'yan. Sobra sobra ang limang milyon para mamuhay kayo ng masagana." "Handa ka talagang sumira ng pamilya para sa anak mo?" luhaang ani ko. "Handa ka bang gawin lahat para mabuhay lang ang anak mo?" seryosong tanong niyang pinantayan pa ang paningin ko. "Mahal ko ang anak ko. Ikaw? Mahal mo ba ang anak mo?" muli niyang tanong na nilingon pa si Charity. "Kailangan namin si Leo," nanghihinang sambit ko. Handa na namang pumatak ang mga luha ko. Hating hati ang puso ko. Kailangan namin si Leo. Pero kailangan ko rin ng pera para sa anak ko. Ito na ang pera, oh! Nasa harapan ko na. Sobra sobra pa! Pero ano nga ba ang tamang desisyon? Si Leo ba o ang buhay ng anak ko? "Bibigyan pa kita ng oras, Cindy. Tawagan mo ako kapag nagbago ang isip mo. Remember your daughter's condition. Remember the money that make your life change in just a one snap!" Umiiyak akong iniwan ni Mrs. Velliejo, inilapag niya sa kandungan ko ang isang calling card. Nanginginig ko iyong kinuha. "Think wise, Cindy." Huling habilin ni Mrs. Velliejo bago tuluyang isara ang pintuan ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD