CHAPTER 17

1523 Words
Narinig ko na ang boses ni Leo sa labas ngunit hindi na ako nag abalang tumayo pa. "Nand'yan ka lang pala. Akala ko walang tao, eh," wika niya na nakangiti pa sa akin. "May pasalubong ako sa 'yo. Paborito mo 'to." Inilapag niya sa aking tabi ang plastic na may isang tub ng ice cream. Iyon kasi ang gustung gusto kong kainin nitong mga nakaraang buwan. Tinabihan niya ako sa pagkakaupo at tangkang hahalikan ang aking noo ng iiwas ko ang aking mukha sa kanya. "May problema ba?" tanong niya at bakas sa kanyang mukha ang kaguluhan. "Masama ba ang pakiramdam mo? Dadalhin kita sa hospital," patuloy niya. Malungkot akong tumingin sa kanya at malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Akala ko nang lumayo tayo magiging maayos na ang lahat," ani ko at isa isang pumatak ang mga luha ko. "Masaya na tayo, eh! Maayos na tayo!" "Cindy," nanghihinang tawag niya sa pangalan ko. "Ano bang nangyayari sa 'yo?" Hinawakan niya ang mga kamay ko. Sabay kaming napatingin sa pintuan nang makarinig ng sunud sunod na pagkatok doon. Tumayo si Leo para buksan ang pintuan. Kitang kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha dahil sa kung sino mang tao sa labas ng pintuan. Hindi na ako nabigla nang taas noong pumasok si Trina kasunod sina Lesly at Mama Ellen na umasim ang mga mukha nang makita akong nakaupo. Alam kong babalik sila dahil nakita ko silang nakatambay sa karendirya kanina pa nang itaboy ko sila. "Anong ginagawa n'yo dito?" kinakabahang tanong ni Leo sa mga ito. "Ano pa nga ba, kuya? Eh, 'di pinuntahan ka dahil buntis lang naman si Ate Trina at ikaw syempre ang ama!" wala ng paliguy ligoy pang pahayag ni Lesly. Isang libong kutsilyo yata ang tumusok bigla sa puso ko. Ang sakit palang marinig ng mga salitang iyon galing mismo sa kanila. Tinitingnan pa ako ni Lesly para alamin kung ano ang magiging reaksyon ko. Pero hindi ko ibibigay sa kanya ang kaligayan niyang makitang nasasaktan ako. "Ama?!" gulat na sabi ni Leo na isa isa silang pinasadahan ng tingin. "Ano bang kalokohan 'to?!" "Leo, hindi 'to kalokohan! Buntis si Trina. Nabuntis mo siya! Hindi ba't palagi kayong magkasama sa bahay natin-" "Ma!" saway ni Leo sa kanyang ina. Nilingon pa niya ako kaya pinanatili kong walang reaksyon ang mukha ko. "Hindi ko ginawa 'yon!" giit pa ni Leo. "Cindy, maniwala ka! Hindi totoo!" Baling ni Leo sa akin. "Pareho tayong lasing no'n! Leo, ilang beses na may nangyari sa atin! Hindi ba't nahuli pa nga tayo ni Cindy sa kwarto-" "Tama na!" bulyaw ko sa kanilang lahat. Hindi ko kayang marinig ang mga susunod pang ipapaalala ni Trina kay Leo. Ayaw ko ng maalala iyon pero hindi ko magawa dahil narito sa harapan ko ang mga tauhan sa tagpong iyon. "Tigilan n'yo na nga 'yang kadramahan n'yo! Nagsalita na ang asawa ko! Hindi s'ya ang ama kaya makakaalis na kayo!" "Bakit marunong ka pa kay Trina?! Nando'n ka ba?" nandidilat na sigaw ni Mama Ellen sa akin. "Gusto ko ng magpahinga, Leo. Sana naman paglabas ko wala na 'yang mga bisita mo!" Tinapunan ko pa ng masamang tingin si Leo. "Kapag naabutan ko pa sila dito sa labas. Ako ang aalis!" Banta ko pa at iniwan na silang lahat doon sa sala. Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Tinakpan ko pa ang bibig ko para hindi kumawala ang malakas na paghikbi doon. Alam ko na kahit itanggi pa ni Leo ng paulit ulit sa harap ko na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Trina ay sigurado rin akong siya talaga ang ama noon. Sapat na ang ebidensyang nahuli ko sila sa iisang kama noon. Sapat na ang mga narinig ko kay Trina kanina. Ilang beses ng may nangyari sa kanila! At sa mga pagkakataong iyon ay naroon ako sa bahay namin at walang maayos na tulog kakahintay sa kanyang pag uwi. Punung puno ng pag aalala ang puso ko para kay Leo dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Iyon naman pala ay nagpapakasaya lang pala siya sa kandungan ng iba. "Cindy." Mahihinang katok sa labas ng pintuan ng aming kwarto ang nagpatahan sa akin. "Cindy, buksan mo 'to. Pag usapan natin 'to," pagsusumamo ni Leo sa labas ng pintuan. Tumayo ako at nanghihinang naupo sa kama. Pinunasan ko ang mukha kong puno ng luha. Hindi ko binuksan ang pintuan hanggang sa kusang bumukas iyon at pumasok si Leo. "Ano ba ang nagawa kong pagkakamali sa 'yo para saktan mo ako sa ikalawang ulit?" tanong ko na nagpahinto sa kanya sa paglapit sa akin. "May naging kasalanan ba ako sa 'yo para ganituhin mo 'ko?" "Cindy-" "Nabuntis mo pa talaga, Leo?! Ano? Pagkatapos mo akong gawing parausan siya naman?!" "Hindi totoo 'yan! Wala akong alam sa sinasabi nila!" "Wala kang alam? Dahil ano? Dahil lasing ka?! Pero bobo na lang ang maniniwalang kapag lasing ang isang tao hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila!" sigaw ko. "Paano mo ipaliliwanag sa akin no'ng makita ko kayo sa iisang kama noon, ha?!" Natahimik siya at sinapo ang kanyang batok. Himas himas niya iyon nang maupo sa isang sulok. Tila hindi alam kung ano ang gagawin. "Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ko ngayon? Para akong unti unting pinapatay sa sakit! Gustong gusto ko kayong saktan! Gustong gusto ko kayong murahin! Gusto kong iparamdam sa inyo 'yong sakit na nararamdaman ko! Pero hindi ko gagawin 'yon! Dahil ayaw kong madungisan ang mga kamay ko ng mga tulad n'yo!" "Akala ko ba napatawad mo na 'ko?" "Akala ko rin!" natatawang tugon ko. "Mapapatawad lang kita kung maipaliliwanag mo sa akin kung bakit nagawa mo akong lokohin ng ganito!" "Hindi kita niloko-" "Niloko mo ako!" bulyaw ko sa kanya. "Hindi pa ba sapat na katibayan si Trina na nabuntis mo?! Leo, 'wag mo naman akong gawing tanga! 'Wag mo akong gawing bobo!" "Aaminin ko! Si Trina ang first love ko. Nangako s'ya na babalik s'ya, umasa ako at naghintay sa kanya. Pero no'ng dumating ka nagbago ang lahat. Minahal kita! Totoo 'yon, Cindy," luhaang sabi pa ni Leo. "At no'ng bumalik s'ya? Bumalik rin ang nararamdaman mo para sa kanya?! Kaya hindi mo s'ya maipakilala sa akin ng maayos noon. Kaya sa bibig pa ng pamilya mo mismo nanggaling na naging magkarelasyon kayo noon! Kaya ginusto mong may mangyari sa inyo dahil mahal mo pa rin s'ya! Kaya binalewala mo ako, kami ni Cherry! Kaya kahit ilang beses akong nagmakaawa sa 'yo na umuwi ka dahil may sakit si Cherry wala kang ginawa! Dahil sa babaeng 'yon!" "Nadala ako ng minsan! Oo! Pero hindi na naulit 'yon, Cindy! Sa mga panahong hindi ako umuuwi sa bahay wala rin ako kina mama. Na-gui-guilty ako kaya hindi ko kayang magpakita sa 'yo. Ayaw kong makita kang nasasaktan." "Pero nasaktan mo na ako, Leo! 'Di ba sabi ko naman sa 'yo, sana sinabi mo na lang agad sa akin. Ipapaubaya naman kita sa kanya hindi ba? Ihahatid pa kita sa kanya kung gusto mo! Kaya sana sinabi mo na lang agad! Mas masakit marinig 'yong totoo, pero mas masakit 'yong pinapaniwala mo pa ako!" "Bibitawan mo na lang ako ng gano'n gano'n lang?!" hindi makapaniwalang bulalas niya. "Oo! Kaya kong bitawan ka! Kaya ko 'yon! Dahil ikaw mismo ang nagbibigay ng rason para bitiwan kita!" "Hindi! Mag asawa na tayo, Cindy! Kasal na tayong dalawa ngayon." "Oo, kasal na tayo. Kasal na ngayon ay pinagsisisihan ko na!" Nanigas siya sa kanyang kinauupuan nang marinig ang aking sinabi. Tumayo ako para sana lumabas ngunit gumuhit bigla ang sakit sa aking puson. "C-Cindy!" nahihintakutang tawag ni Leo sa akin. Nasundan ko ng tingin ang kanyang mga matang punung puno ng takot. Napasigaw na lang ako nang makita ang dugo kung saan ako nakaupo kanina. Sinapo ko ang tiyan kong sumasakit na. Basang basa na rin ng dugo ang pang upo ng duster kong suot. "Leo! Ang baby ko! Ang baby ko!" umiiyak na sigaw ko habang buhat ako ni Leo palabas ng bahay. "Tricycle! Tricycle!" sigaw ni Leo sa kabilang kalsada kung saan nakahilera ang mga tricycle na pumapasada. "Sa hospital! Paki bilisan lang!" Agad akong inasikaso ng ilang nurse ng pumasok kami sa loob ng hospital. Agad nila akong dinala sa delivery room. Kinabitan na rin ako ng oxygen dahil kinakapos na rin ako ng paghinga. Pumasok ang OB ko at agad akong inasikaso para paanakin. "Hingang malalim, Cindy! Then push! Again! One more time! Hingang malalim then push!" Sa huling pag ire ko ay lumabas na nga ang anghel ko. Inilapag ni Dra. Cortes sa tiyan ko ang aking anak habang pinuputol ang pusod nito. Hinaplos ko ang ulo ng aking anak at sumilay ang ngiti sa labi ko nang marinig ko siyang umiyak. "Make sure that the baby is clean," habilin pa ni doktora sa isang nurse na pinag abutan niya sa anak ko. "Babae ang anak mo, Cindy. Congratulations!" may saya sa tinig ni doktora ng sabihin iyon. Sinaksakan ako ng pampatulog para hindi ko maramdaman ang pagtahi sa akin. Babae ang anak ko! Babae ulit... Ang Charity ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD