CHAPTER 27

1636 Words
Imbes na pumunta ng presinto ay umuwi ako ng Antique na tanging si Marla lang ang nakakaalam. Ipinagkatiwala ko muna sa kanya si Charity at ang shop sa pangakong babalik rin ako kaagad. Habang nasa byahe ay inaasikaso ko naman ang burol ni Tiya Emma. Mabuti na lang at malayong kamag anak pala nila ang pulis na nakausap ko kaya naiuwi ang bangkay ni tiya sa bahay nito para doon iburol kahit isang araw lang. "Ate!" Patakbong yumakap si Belinda sa akin nang makita ako sa tarangkahan ng bahay ni Tiya Emma. "Ate, mabuti at nandito ka na!" umiiyak na sabi pa nito. "Tama na ang pag iyak nandito na si ate. Papangit ka n'yan," biro ko habang pinupunasan ang kanyang pisngi. Hindi niya alam kung sisimangot ba o matatawa. Ayaw kasi niyang sinasabihan siya ng pangit dahil maganda daw siya na siyang totoo naman. Maraming tao sa bakuran na nakatanaw rin sa akin. May mga tent at mga upuan na sa paligid. May mga lamesa rin na may umpukan at nanunuod ng nagsusugal. Mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang kabaong ni Tiya Emma sa loob. Naglakad ako papasok kasunod si Belinda. Tumulo ang mga luha ko nang tunghayan si tiya mula sa pagkakahimlay. "Ano ang ikinamatay ni tiya?" tanong ko kay Belinda kahit na nga naglalaro na ang posibilidad sa isipan ko. "Nabaril s'ya, ate. Hindi pa alam kung sino ang gumawa nito sa kanya," tugon ng kapatid ko. Napatingin ako kay Belinda at mukhang wala itong alam sa nangyayari. "Si mama?" Gusto kong subukan kung wala nga ba talaga siyang alam. Kilala ko si Belinda at alam ko kung nagsisinungaling ito o hindi. "Hindi ko alam. Tinatawagan ko nga s'ya pero nakapatay ang cellphone n'ya. Inuwi nila kami ni papa dito kasi si Tiya Emma daw muna ang mag aalaga sa amin ni Benjie. Magtatrabaho daw kasi sila ni papa, ilang linggo ng hindi umuuwi si mama si papa naman no'ng isang araw lang umalis para sumunod kay mama para pumasok sa trabaho na sinasabi nila," kwento ni Belinda. "Kung kasama n'yo si tiya, bakit hindi mo alam kung sino ang bumaril sa kanya?" usisa ko. "Malapit lang dito sa bahay ang talahiban, oh!" "May sumundo sa kanya nang gabing 'yon. Hindi ko kilala 'yong lalaki, pero kilala s'ya ni tiya dahil nag usap pa silang dalawa sa labas. Pagkatapos no'n nagpaalam si Tiya Emma sa akin na aalis sila saglit, tapos ayan na, nakita na sa talahiban ang katawan ni tiya," salaysay ni Belinda. "Namukhaan mo ba ang lalaking 'yon?" tanong ko. "Oo, nakuhanan na ako ng statement ng mga pulis," tugon niya. "Ate, kontakin mo naman si mama. Hindi pa nila alam ni papa ang nangyayari dito," pakiusap pa niya sa akin. "Bel, bukas na bukas ay ipapalibing na natin si Tiya Emma. Sasama kayo ni Benjie sa akin sa Mindoro dahil nando'n sina mama at Tiyo Bart," wika ko. "Hindi sila uuwi dito?" mangiyak ngiyak na ani Belinda. "Hindi, eh," tugon ko at hinaplos ang kanyang buhok. Naaawa na ako kina Belinda at Benjie ngayon pa lang. Lalo na kapag nalaman nila ang kalagayan nina mama. Matalino si Belinda at alam ko na mauunawaan niya ang sitwasyon. Nasa wastong gulang na rin naman siya para maintindihan ang mga nangyayari. Sa ngayon ay hindi ko muna sasabihin sa kanila ang tungkol sa ginawa ni mama at ng papa nila. Hindi ko naman ililihim iyon sa kanila dahil karapatan nilang malaman ang lahat. Gusto ko lang muna na maiayos si Tiya Emma bago ko kausapin ang mga kapatid ko. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at inasikaso ko na agad ang mga kailangan para sa libing ni Tiya Emma bukas. Ayaw ko ng magtagal pa dito sa Antique dahil mag isa lang si Marla sa pag aasikaso sa mga bata at sa negosyo namin. Marami ang nakiramay at naghatid kay Tiya Emma sa huling hantungan nito kinabukasan. Kilala rin naman kasi ng marami si Tiya Emma at likas na mabait ito sa lahat. Madali itong lapitan at tumutulong sa kanila kung meron lang din siya. Hinding hindi ko makakalimutan ang kabaitan ni Tiya Emma sa akin mula bata pa ako. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga payo niya sa akin. Ang mga pangaral niya na ituturo ko rin sa aking anak habang lumalaki ito. Nasagot na rin ang katanungan ni Tiya Emma palagi sa akin noon. Kung bakit napakalupit ni mama sa akin? Kung bakit parang hindi anak ang pagtrato ni mama sa akin? Iyon pala ay dahil sa kadahilanang hindi niya ako anak! At paghihiganti lang sa mga magulang ko ang nais ni mama. Paghihiganti na pati si Tiya Emma na sarili niyang kapatid ay naatim niyang madamay. "Maging masaya ka sana sa pupuntahan mo, tiya. Gabayan mo kaming palagi, lalo na sina Belinda at Benjie. Mahal na mahal kita," piping dalangin ko habang unti unting tinatabunan ng lupa ang kabaong niya. Unti unting nawala ang mga taong nakiramay hanggang sa kaming tatlo na lang ang matira dito sa sementeryo. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mukha ng mga kapatid ko. "Umuwi na tayo para makapaghanda sa byahe mamaya." Basag ko sa kanilang pananahimik. "Saan po tayo pupunta, ate? Hindi ba natin hihintayin sina mama at papa?" inosenteng tanong ni Benjie. "Uuwi na tayo ng Mindoro. Doon na kayo titira sa akin," tugon ko. "Makikita n'yo sina mama at tiyo do'n," dagdag ko pa. Nilingon ko sa huling pagkakataon ang bahay namin. Ang bahay na punung puno ng masasakit na alaala ng kabataan ko. Ang bahay kung saan nabuo ang mga mumunting pangarap ko. Pangarap na sana ay mahalin ako ni mama, pangarap na isang araw sana ay maramdaman ko rin pag aalaga at yakap ni mama. Si mama... Palaging si mama... Ang mama na minahal ko, na hindi ko naman pala tunay na ina! Dahil hindi ko naramdaman ang pagmamahal at pag aalaga sa kanya ay sa iba ko iyon nakita. Ngunit peke rin pala! Sa huli... Iniwan rin ako. Hindi lang ako, kundi pati ang anak ko. Ipinagpalit ko s'ya sa pera, oo! Pero minahal ko s'ya ng higit pa sa sarili ko. Napabuntong hininga na lang ako sa isiping iyon. Napailing ako at ipinikit ng mariin ang aking mga mata. Ilang taon na ang lumipas at palagay ko ay naka-move on na s'ya. Masaya na s'ya sa piling ng babaeng totoong mahal n'ya. Maayos na rin naman ang buhay namin ni Charity. Hindi na namin siya kailangan pa. Papara pa lang sana ako ng tricycle nang huminto ang isang sasakyan sa harapan namin. Bumukas ang pintuan noon at bumaba ang isang unipormadong lalaki. "Sumakay na po kayo, ma'am," magalang na sabi nito sa akin matapos buksan ang pintuan ng van. "Wow! May kotse ka pala, Ate Cindy?!" bulalas ni Benjie. "Van 'yan, Benj, hindi kotse." Pagtatama naman ni Belinda sa aming bunso. "Mayaman ka na pala, ate, ha!" tudyo nito sa akin nang lingunin ako. "Kuya, sino po kayo?" tanong ko sa lalaking nakatayo lang sa gilid ng nakabukas na pintuan ng sasakyan. "Ako po si Mando, ma'am. Isa po ako sa ipinadala ni Sir Thirdy na magiging body guards n'yo," pahayag nito. "Body guard?" kunut noong ani ko. "Opo. Hindi pa rin po secured ang safety n'yo kaya kailangan n'yo pa rin po ng body guards," turan pa nito. Marami ng taong nakikiusyoso sa paligid kaya minabuti kong 'wag ng magprotesta. "Sumakay na kayo, Benjie, Belinda," utos ko sa dalawa. Kinuha ni Mando ang mga bag na dala ng mga kapatid ko at inilagay iyon sa likurang bahagi ng sasakyan kasama ng bag kong kinuha rin niya. Tahimik ang byahe at natulog lang ang mga kapatid ko. Dahil sa pagod at puyat ay nakatulog na rin ako. Nagising ako na nasa byahe pa rin ngunit nasa Mindoro na at binabaybay na namin ang daan patungo sa bahay. Tuluyan ng nawala ang antok ko kaya inayos ko na lang ang aking sarili. Excited na rin naman akong umuwi dahil alam ko na naghihintay na si Charity sa aking pag uwi. Maya maya ay nagising na rin sina Belinda at Benjie. Pareho silang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. "May gusto ba kayong kainin pagdating natin sa bahay?" tanong ko sa kanila. "Kahit ano na lang, ate," si Belinda. "Nando'n rin ba sina mama?" Nasa boses nito ang pag asang makikita agad sina mama pag uwi. Saglit akong natigilan. "Sa akin tumutuloy si mama no'ng nakaraan pero ngayon ay hindi na. Hayaan mo bukas na bukas pupuntahan natin sila," saad ko. Pumarada ang sinasakyan namin sa harap ng gate at may ilang lalaki rin akong nakita na katulad ng suot ni Mando. "Mama!" sigaw ni Charity pagbaba ko ng sasakyan. "I missed you so much, mama!" naluluha pang sabi nito. Niyakap at hinalikan pa ako sa magkabilang pisngi. "I missed you too, anak," nakangiting tugon ko at pinunasan ang magkabilang mata niyang namumuo na ang luha. "By the way I want you to meet your Tita Belinda and Tito Benjie. They are my siblings that I told you before." Matamis na ngumiti si Charity at lumapit kina Belinda saka niyakap sila. Nagulat man ay gumanti na rin ng yakap ang mga kapatid ko na siyang ikinangiti ko rin. "Pumasok na muna tayo sa loob baka gutom na kayo. Naghanda ako ng hapunan," ani Marla. Nauna nang pumasok sina Marla at Lance kasunod naman sina Charity na napapagitnaan nina Belinda at Benjie. Nakakatuwa dahil marami na agad kwento ang bulilit ko. Papasok na rin sana ako sa loob nang huminto ang isang sasakyan sa hulihan ng van na ginamit namin pauwi. Bumaba sina Mr. at Mrs. Velliejo roon. May isa pang sasakyan na dumating at halos lumabas ang puso ko sa lakas ng t***k noon nang makita kong bumaba sina Trina at Leo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD