CHAPTER 26

1706 Words
Natulos ako sa aking kinauupuan nang makita ko ang babaeng nakatayo sa bukana ng pintuan kasama ang isang lalaki. Ilang taon na ang lumipas pero tandang tanda ko pa rin ang kanyang mukha. Ang mukhang iyon ang nagpabago ng buhay ko. Ang mukhang iyon ang nagpapaalala sa akin na may isang ina na handang gawin ang lahat kahit mali para lang sa ikaliligaya ng kanilang anak. "Where is she?" tanong ni Mrs. Velliejo. Bumalik ulit lahat sa alaala ko ang tagpong limang taon ko ring pilit kinalimutan. Kung paano niya ako kinausap at binayaran para ipaubaya ko sa anak niya ang lalaking mahal ko. Wala siyang pakialam kung may isang batang katulad ni Charity ang mawalan ng ama basta maging masaya lang ang kanyang anak at mabuo ang pamilyang gusto nito. Natigilan rin si Mrs. Velliejo nang makita ako. Nagtatanong ang mga mata nitong nilingon ang lalaking nakaalalay sa kanya. Tumingin sa akin ang lalaki at nababasa ko sa mga mata nito ang samu't saring emosyon. Ngumiti ito sa akin kasabay ng pagbalong ng kanyang mga luha. "Anak," sambit niya. Parang hinaplos ng mainit na palad ang aking puso nang tawagin niya akong anak. Hindi ko alam kung iyon ba ang tinatawag nila na lukso ng dugo. "Uncle, auntie, s'ya po si Cindy De Jesus. S'ya po si Thiara Luna Velliejo, ang nawawala n'yong anak twenty four years ago," pahayag ni Elvies. Kanina pa sinasabi ni Elvies iyon sa akin ngunit ngayon lang yata nagsi-sink in sa sa akin ang lahat. Ngayong nasa harapan ko sila, hindi nga maipagkakailang tatay ko ang lalaking nasa aking harapan. Para kasi akong nananalamin. Ngayon lang nagsi-sink in sa utak ko na hindi ako anak ni Anita De Jesus, kahit isang patak ng dugo ay wala kaming kuniksyon. Ang dalawang taong nasa harapan ko ngayon ay mga magulang ko. Isa akong Velliejo at ako ang nawawala nilang anak. Hindi ako makapaniwalang nangyayari sa akin ang ganitong scenario ngayon. Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraan hanggang ngayon. Naalala ko ang lahat ng pinagdaanan ko sa piling ni mama. Kung paano niya ako pagalitan sa araw araw kahit wala naman akong ginagawang mali. Kung gaano siya kagigil palagisa pananakit sa akin sa tuwing hindi niya magustuhan ang ginagawa ko. Kung paano niya ako ipahiya sa maraming tao at pagsasalitaan ng kung anu anong masasakit na salita. Kung paano ipamukha ni mama na ayaw niya sa akin. Na wala akong halaga para sa kanya. Na wala akong kwenta. At higit sa lahat! Kung paano niya iparamdam sa akin na hindi niya ako mahal. Buong buhay ko, pinangarap ko na magkaroon ng pamilyang aalagaan ako. Pamilyang mamahalin ako. Pamilyang hindi ako sasaktan. Nang muling pumasok sa buhay ko si mama at hingin ang kapatawaran ko akala ko magiging masaya na ako. Akala ko iyon na ang simula ng magandang buhay ko kasama ang pamilyang akala ko ay kabilang ako. Akala ko iyon ang katuparan sa hiling ko. Buong akala ko ay minahal na ako ni mama. Pero pagpapanggap lang pala ang lahat! Napaka perpektong tingnan ng mag asawang nasa harapan ko. Bagay na bagay sila para sa isa't isa. Larawan ng mag asawang hindi papabuwag sa kahit ano o kahit kanino. Kaya pala ganoon na lang ang galit ni mama sa akin dahil hindi sinuklian ng lalaking nasa harapan ko ang pagmamahal niya para dito. Kaya pala ganoon na lang ang galit niya sa akin sa tuwing magtatanong ako sa kanya tungkol sa tatay ko dahil hindi siya minahal nito kahit kailan. "Are you joking around, Elvies?" Bumalik sa kasalukuyan ang isipan ko nang marinig ko si Mrs. Velliejo. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. "I know this girl!" aniya pa at ramdam na ramdam ko ang panunuya sa kanyang tinig. "You know her?" nagtatakang tanong ng lalaking Thirdy ang pangalan. "How?" "Yeah. She's the woman-" "Ang babaeng ipinagpalit ang asawa ko sa limang milyon," putol ko kay Mrs. Velliejo. Napaawang ang labi nina Elvies at Mr. Velliejo sa kanilang narinig mula sa akin. Sabay rin nilang nilingon si Mrs. Velliejo. "What do you mean by that, Cindy?" naguguluhang tanong ni Elvies. "Honey, care to explain?" ani naman ni Mr. Velliejo sa kanyang asawa. "Ah... Ano kasi..." Hindi maituloy ni Mrs. Velliejo ang kung ano mang kanyang sasabihin dahil maging siya ay hindi rin inasahan ang sinabi ko kani kanina lang. "Five years ago, binayaran ako ng asawa n'yo para layuan ang sarili kong asawa at ipaubaya s'ya sa anak ninyo. Dahil kinailangan ko ng pera para sa pagpapagamot sa anak ko tinanggap ko ang pera at nagpaka layu-layo," kwento ko. "How can you do that, Sol?" Bakas ang pagkadismaya sa boses ng lalaki. "Sa sarili pa nating anak!" "She's not my daughter!" sigaw ni Mrs. Velliejo. "Hindi ko s'ya matatanggap!" Tinusok ng libu libong karayom ang puso ko sa aking narinig. Gusto kong maiyak dahil sa biglaang pagsakit ng puso ko. "She's not my daughter!" "Hindi ko s'ya matatanggap!" Parang mga blade ang mga katagang iyon na paulit ulit na sumusugat sa puso ko. Palalim nang palalim na sa isang saglit lang ay mag iiwan na ng malalim na sugat. Katulad lang din siya ni mama! Ayaw rin niya sa akin! "Wala kang kwentang anak! Sana nga hindi na lang kita binuhay sa mundong 'to! Pareho kayo ng tatay mo! Mga walang kwenta!" "Napakabobo mo! Simpleng bagay lang hindi mo pa magawa ng tama! Alam mo kung papipillin ako, hindi kita pipiliing maging anak ko!" Ilan lang iyon sa palaging sinasabi ni mama sa akin noon. At ngayon, may nagpapamukha na naman sa akin na hindi ako katanggap tanggap na maging anak! "News flash, Mrs. Velliejo! The feeling is mutual! Kung hindi mo 'ko matanggap na anak mo, doble pa d'yan ang nararamdaman ko!" punung puno ng hinanakit na saad ko. Kung ayaw n'ya sa akin hindi ko ipipilit ang aking sarili sa kanya. "Thiara, iha-" "Cindy, sir! Cindy De Jesus ang pangalan ko," ani ko. Pinatigas ko ang ekspresyon ng aking mukha para itago ang sakit. Makailang ulit ko ring kinagat kagat ang loob ng aking pisngi upang doon mabaling ang isipan ko at hindi pumatak ang aking mga luha. "Pero ikaw ang anak ko," luhaang sambit niya. "Anak kita! Pangalan mo lang ang nag iba pero anak kita at kami ang mga magulang mo," patuloy pang sabi nito. Naaawa ako kay Mr. Velliejo at gustung gusto ko siyang aluin at yakapin. Pero pinigilan ko ang aking sarili dahil masama ang loob ko kay Mrs. Velliejo. "Si Mrs. Velliejo na ang nagsabi, sir. Hindi n'yo ako anak!" wika ko. "Sol, she's our daughter! Siya si Thiara Luna na matagal mo ng gustung gustong makita at makasama," ani Mr. Velliejo sa asawa. "Hindi ba sabi mo kapag nakita mo s'ya yayakapin mo s'ya at-" "Si Trina lang anak ko, Thirdy!" giit nito. "Trina is my only one daughter!" Hindi ko na rin kinaya at ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay kusang pumatak isa isa. "Oo nga naman!" tumatawang sabi ko habang hilam sa mga luha. "Si Trina lang ang anak mo. Kaya mo nga ako binayaran para sa kaligayahan n'ya hindi ba?" "Guys, let's calm down, please," pakiusap ni Elvies sa amin. "Pag usapan natin ng maayos ang lahat." "No!" mariing tanggi ko. "Wala ng dapat pag usapan pa, Elvies! Makakaalis na kayong lahat!" "Cindy," tawag ni Marla sa akin nang lagpasan ko siya at nagtuloy tuloy sa pag akyat sa itaas. "Ako na ang bahalang kumausap sa kaibigan ko. Mabuti pa umuwi na muna kayo, Elvies," ani Marla pa. Pag akyat ko sa itaas ay agad akong pumasok sa loob ng banyo para maghilamos. Ngunit napahagulgol na lang ako nang makita ko ang mukha kong basang basa ng tubig sa harap ng salamin. Awang awa ako sa Cindy na nakikita ko ngayon sa harap ng salamin. Sobrang sakit ng puso ko. At sa sobrang sakit noon walang ibang paraan kung hindi ang iiyak ang lahat ng iyon. Hindi lang kay mama masama ang loob ko. Pati sa mga nagpakilalang magulang ko kani kanina lang. Sa lahat ng sakit na dinanas ko sa kamay ni mama, isa sila sa malaking dahilan ng lahat ng pasakit ko. "Cindy," tawag ni Marla sa akin. Pumasok siya sa loob ng banyo at agad hinagod ang likod ko. "Kaya mo 'yan. Nandito lang ako," sabi pa niya at saka yumakap sa akin. "Panaginip lang ba 'to, Marla?" humihikbing tanong ko. "Kasi kung panaginip 'to, sana magising na ako agad. Ayaw ko nito!" "Hindi ka naman ilalagay ng Diyos sa ganitong sitwasyon kung hindi mo kaya. Alam kong kayang kaya mo 'yan." Pagpapalakas pa ni Marla sa loob ko. "S'ya nga pala, sabi ni Elvies kailangan mo raw pumunta sa presinto dahil kukuhanan ka ng statement tungkol sa attempted kiddnaping na nangyari kanina." "Attempted kiddnaping?" "Oo. Balak ka na palang itakas ni Tita Anita dahil natunugan yata nila na huhulihin na sila ng mga pulis dahil may nagtimbre sa mga pulis na nakita sila dito sa atin," paliwanag ni Marla. "Ang sabi pa, gagawin ka nilang hostage at ipapatubos sa mga magulang mo." "Magagawa talaga ni mama 'yon sa akin?" "Bakit hindi? Kung noon pa man hindi naman anak ang turing niya sa 'yo? Kaya nga sabi ko sa 'yo parang may hidden agenda ang mama mo sa biglaan niyang pagsulpot dito, eh," komento pa ni Marla. Napalingon kami ni Marla sa kama ng tumunog ang cellphone ko doon. Agad akong lumabas at sinagot ang tawag nang makita kong si Tiya Emma iyon. "Tiya?" "Si Cindy De Jesus po ba ito?" tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. Napatingin pa ako kay Marla. "Sino po ito? Bakit hawak mo ang cellphone ng tiya ko?" "Pulis po ako dito sa Antique, ma'am, natagpuan po kasi ang katawan ng tiya n'yo dito sa talahiban malapit sa bahay n'ya. Pwede n'yo pong puntahan ang bangkay n'ya sa morgue, iti-text ko na lang po ang address ng hospital." Kaya pala ganoon ang boses ni Tiya Emma nang magkausap kaming dalawa. Naputol rin noon ang linya na ipinagtaka ko. Kaya pala hindi talaga ako mapakali. At si mama! Paano n'ya naatim na mamatay si Tiya Emma na sarili niyang kapatid? Ganoon na ba siya kasama?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD