CHAPTER 10

1622 Words
Galit na galit si Mama Ellen na sumugod pa talaga dito sa bahay namin dahil sa pagpili ni Leo sa aming mag ina n'ya. Kung ano-anong masasakit na salita ang binitiwan nito maging ni Lesly sa akin. Kung hindi lang sila tinakot ni Ate Precy na ipapa-pulis dahil sa pag iiskandalo nila ay hindi sila aalis. Itinaon nilang nasa trabaho na si Leo at gumawa ng ganoong gulo. Hindi ko na iyon sinabi pa kay Leo dahil alam kong wala rin naman siyang magagawa tungko doon. Intindihin sila... Iyon lang naman ang sasabihin ni Leo sa akin. Kahit mali na ay iyon pa rin naman ang sagot doon. Nang bumukod ulit kami ay nag umpisa na akong magtinda ng mga desserts. Minsan kasi ay nakabili ako noon sa palengke na nakalagay sa styro at alam ko naman kung paano gawin kaya sinubukan ko rin para kumita. Sa tulong ni Ate Precy ay nagkaroon ako ng mga suki sa mga paninda ko. Every week ay iba't ibang desserts ang ginagawa ko para hindi sila maumay. Minsan ay may omu-order sa akin para sa kanilang handaan na lubos kong ipinagpapasalamat. "Nandito na 'ko!" tawag ni Leo sa bungad pa lang ng pintuan. Excited na tumakbo si Cherry sa pintuan at sinalubong ng yakap ang kanyang ama. "Kumusta ang mga prinsesa ko?" tanong pa nito matapos akong patakan ng halik sa noo. "Ayos naman. Nakainom ka yata?" puna ko sa kanya nang maamoy ko ang alak. "Konti lang. Birthday ni Pareng Donnie at pinadalhan pa n'ya ako ng pagkain para daw sa inaanak n'ya!" ani Leo pa na hinarot ang karga kargang si Cherry. "Ipaghahain na kita, gusto mo?" "Hindi na. Matutulog na lang ako," tugon niyang ibinaba na sa crib si Cherry para hindi na maglikot. Hinayaan ko na siyang pumasok sa kwarto para magpahinga. Pagkatapos ko sa aking mga ginagawa ay si Cherry naman ang inasikaso ko para patulugin. Nagising si Leo nang mahiga ako sa kama. Pumihit siya paharap sa akin at niyakap ako. "Leo," mahinang saway ko sa kanya nang mag umpisa siyang halik halikan ang aking leeg. "Madalang na nating ginagawa 'to," aniya habang gumagapang na sa aking dibdib ang kanyang kamay. "Tulog naman na ang anak natin." "Pagod ako, Leo. Saka nakainom ka, kaya matulog na lang tayo," tanggi ko na pilit inaalis ang kanyang kamay na nakahawak at pumipisil na sa aking dibdib. Marami kasing order sa akin na leche flan at graham cake on tub para bukas at ilang oras ko ring ginawa iyon. Gumawa pa ako ng gawaing bahay at inasikaso ko pa si Cherry kaya pagod na pagod ako maghapon. "Isa lang, please," nagsusumamong ani Leo pa. "Pagod nga ako!" Bumangon ako at naupo na lang dahil nakadagan na siya sa akin. "Marami akong ginawang order kanina-" "Bakit kasi kailangan mo pang gawin 'yan?!" naiinis na sabi niya at naupo na ring tulad ko. "Hindi ba sapat ang perang ibinibigay ko sa 'yo?!" "Hindi naman sa gano'n." Gusto kong sabihin na para hindi ako lumabas na palamunin lang katulad ng laging ipinamumukha ng pamilya niya sa akin. Pero hindi ko na isinatinig iyon dahil pagdating sa pamilya niya ay nag iinit agad ang ulo niya. Hindi naman siya dating gano'n simula lang naman ng magkasama sama ulit kami at ng pamilya niya sa iisang bubong ay naging gano'n ang ugali ni Leo. Minsan nga ay hindi ko na maintindihan kung stress at pagod lang ba siya sa trabaho o baka naman sumusobra lang din ako sa pagtatanggol ko sa aking sarili kaya parang lumalabas na kinakawawa ko ang pamilya n'ya. "Kahit sinusustentuhan ko sina mama sobra sobra pa rin ang kinikita ko para sa atin, ah!" "Gusto ko lang namang maglibang. Wala naman akong ginagawa dito sa bahay," pagrarason ko. "Marami kang magagawa dito sa bahay, Cindy. Baka pati si Cherry napapabayaan mo na dahil d'yan sa walang katuturan mong ginagawa. Nagrereklamo kang pagod ka! Pwes! Ihinto mo na 'yan habang maaga pa!" "Dagdag rin sa income natin 'yon." "Naliliitan ka na ba sa ibinibigay ko sa 'yo? O, baka naman ayaw mong sustentuhan ko ang pamilya ko kaya ganyan ang ginagawa mo para maobliga akong 'wag na silang bigyan at sa 'yo na lang lahat!" panunumbat niya sa akin. "Ano'ng tingin mo sa akin mukhang pera?! Ginagawa ko lang naman 'to para makatulong sa 'yo! Ayaw kong maging pabigat." "Kahit kailan hindi kayo naging pabigat sa akin, Cindy," mahinahon ng saad niya. Nalilito na rin talaga ako minsan sa pabago bagong mood ni Leo. Kanina lang ay galit s'ya. Ngayon naman biglang prumeno at naging mahinahon. "Ayaw ko lang na mawala ang obligasyon mo sa akin bilang asawa mo. Minsan lang naman akong humiling." "Pagod lang talaga ako ngayon," mahinahong sagot ko at hinawakan ko ang kanyang braso para kumalma siya ng tuluyan. Naramdaman ko na naman ang pagtatangka niyang gawin ang mga ginagawa niya kanina pero agad akong umiwas. "Leo!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Lumabas siya ng kwarto dala ang unan habang nagdadabog. Umiyak si Cherry nang magising dahil ibinalibag ni Leo pasara ang pintuan. Kinaumagahan ay hindi ako kinibo ni Leo. Umalis rin siya na hindi nagpaalam at hindi ginalaw ang pagkaing inihain ko. "Cindy, kahit gaano tayo kapagod obligasyon pa rin natin 'yon bilang asawa. Kailan n'yo ba huling ginawa 'yon?" tanong ni Ate Precy sa akin. Masama kasi ang loob ko sa ginawa ni Leo ngayong umaga at si Ate Precy lang naman ang napagku kwentuhan ko. "Simula po no'ng dumating sina mama sa bahay wala na pong nangyayari sa amin," sagot ko. "Dyosmiyo!" ani Ate Precy pa at nasapo na lang ang kanyang noo. "Tingnan mo nga at ilang buwan na pala!" "Ano pong gagawin ko?" "Ikaw na ang gumawa ng paraan. Mamaya bumawi ka sa kanya. Iyon lang ang solusyon para mawala ang pagtatampo ng asawa mo." Sinunod ko nga ang payo ni Ate Precy sa akin. Mabuti na lang rin at walang order sa akin ngayong araw. Maaga akong nagluto ng hapunan namin. Pinakain ko na rin ng maaga si Cherry para maaga ring makatulog. Napatingin ako sa relong nakasabit sa dingding paglabas ko ng banyo. Alas otso na pero wala pa si Leo. Alas singko ang out niya sa trabaho at pagtungtong ng six thirty ay nandito na siya sa bahay. Pero alas otso na ay wala pa rin siya. Tiningnan ko ang cellphone ko pero wala man lang text galing sa kanya. "Bakit walang sumasagot?" nag aalalang kausap ko sa aking sarili dahil naka dalawang tawag na ako ay hindi pa rin sinasagot ni Leo ang telepono. Napatingin ako sa relong nakasabit nang marinig ang maliit naming gate na bumukas. Ten thirty na pala ng gabi at nakaidlip na rin ako dito sa sala kakahintay kay Leo na umuwi. Tumayo ako para buksan ang pintuan nang kumatok na si Leo doon. Pagbungad pa lang niya ay sumalubong agad sa akin ang amoy ng alak. Pumasok s'ya sa loob na hindi man lang ako binati o hinalikan. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ko nang tabihan ko siya sa upuan. "Gusto mo ba ng kape?" "Sige," tugon lang niya habang inaalis ang butones ng kanyang damit. Muntik nang matapon ang kapeng hawak ko nang yakapin ako ni Leo. "Hinintay mo na lang sana ako sa labas. Maupo ka na lang dito para makapag kape ka na," sabi ko at hinila na siya paupo sa hapag. Nagulat pa ako ng sapuhin niya ang magkabilang pisngi ko at halikan ako sa labi. "Sorry sa nangyari," hingi niyabng tawad at muli ay siniil ako ng halik. Tinugon ko iyon ng walang alinlangan. Kailangan ko nga palang bumawi sa kanya dahil sa nangyari kagabi. Napaangat ang ulo ko nang gumapang ang halik niya sa leeg ko. Napakapit ako ng mahigpit sa kanyang mga braso nang dumako ang labi niya sa isang bahagi ng dibdib ko. Nakataas na pala ang suot kong damit ng hindi ko namamalayan. Huminto siya at hinila ako papunta sa aming sala. Tuluyan niyang hinubad ang aking suot na damit at agad sinunggaban ang aking dibdib. Animo'y batang uhaw na uhaw habang pinagsasalit salit ang mga iyon. Natangay na rin ako ng agos dahil ramdam ko na rin ang pag iinit ng katawan ko dahil sa ginagawang iyon ni Leo sa akin. Tumayo siya para hubarin ang kanyang pantalon kaya hinubad ko na rin ang natitirang saplot sa katawan ko. Inihiga ako ni Leo sa sahig ng sala dahil hindi naman kami kasya sa sofa. Tinugon ko ang mga halik niya, tinumbasan ko ang paggalaw ng mga kamay niyang mapaghanap. Gusto kong iparamdam sa kanya na mahal ko s'ya sa ganitong paraan. Dito man lang ay mapawi ang pagtatampo niya. Dito man lang ay mabawi namin ang mga buwang hindi namin nagagawa ang bagay na ito. Napadaing ako nang ipasok niya ang kanyang p*********i sa akin. Nakaramdam ako ng kiliti nang gumalaw siya sa loob ko kaya napadaing ako o mas tamang sabihing ungol ang kumawala sa lalamunan ko. "Leo... Oh...." sambit ko sa pangalan niya habang nakapikit. Hindi ko alam kung saan ipapaling ang aking ulo dahil sa sarap na nararamdaman ko dahil sa paglabas pasok niya sa akin. "Uhm..." Natabunan ang ungol ko ng halikan niya ang labi ko. "Malapit na 'ko..." daing ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya. Bumilis nang bumilis ang pag ulos niya tanda na malapit na rin siyang labasan. Isang malakas na pagpasok ang ginawa niya at napatingala pa siya habang nakapikit nang sabay naming marating ang rurok ng kamunduhan. Pagod siyang dumagan sa akin at katulad ko ay hinihingal rin. Napangiti ako dahil napagbigyan ko siya. "I love you," bulong ko habang haplos ang kanyang buhok na basa ng pawis. "I love you too... Trina..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD