CHAPTER 25

1720 Words
Para akong trompo at kanina pa paikut ikot sa pagkakahiga kaya bumangon ako at naupo na lamang sa mini sofa. Ayaw kong maistorbo ang tulog ni Charity dahil sa kakaikot ko sa higaan namin kaya dito na lang ako magpapalipas ng oras. Isinandal ko sa head rest ng sofa ang aking batok at ipinikit ko ang aking mga mata. Baka sakaling dalawin na ako ng antok. "Cindy! Cindy!" Napaahon ako mula sa pagkakaupo nang marinig ko ang sunud sunod na pagkatok ni mama sa labas. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si mama na takot na takot. "Bakit po?" kinakabahang tanong ko. "Anak, kailangan nating umuwi ng Antique. May nangyari sa Tiya Emma mo. Kinuha rin ni Bart ang mga bata!" umiiyak na sabi ni mama. "Diyos ko! Ang mga kapatid mo, Cindy!" ani mama pa habang paroo't parito at sapo ng magkabilang kamay ang ulo. "Cindy, tita, ano pong nangyari?" tanong ni Marla nang lumabas sa kanyang kwarto. Palipat lipat pa ang tingin sa amin ni mama. "May nangyari kasi kay Tiya Emma. Kailangan ni mama'ng umuwi sa Antique," paliwanag ko. "Hindi ka ba sasama sa akin?" ani mama na bakas ang takot at pag aalala. "Si Charity po kasi..." tugon kong nilingon pa ang loob ng kwarto kung saan ay tulog na tulog pa rin si Charity. "Mukhang emergency 'yan, Cindy. Ako na muna ang bahala sa inaanak ko," suhestiyon ni Marla. "Isama na lang kaya natin ang anak mo," sabi naman ni mama. "Tita, may pasok po ang mga bata sa school. Nandito naman po ako. Ako na lang po ang mag aalaga kay Charity habang wala si Cindy," paliwanag ni Marla kay mama. "Pero-" "Gabing gabi na rin po. Wala na kayong masasakyan sa ganitong oras kaya mabuti pa magpahinga na muna tayo at mamayang madaling araw ay saka kayo umalis," si Marla. "Hindi ako mapapakali, eh! Marla, mga anak ko 'yon! Nasa panganib ang buhay ng kapatid ko! Hindi pwedeng magpalipas pa ako ng oras dito!" disperadong ani mama at umiiyak na tumakbo sa kanyang kwarto. "Sorry," hingi ng tawad ni Marla sa akin. "Ang akin lang naman kasi-" Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Marla at saka siya nginitian. "Ako na ang bahala kay mama. May makukuha naman akong sasakyan ngayon. Ikaw na muna ang bahala kay Charity, ha." "Nag aalala ako para sa 'yo. Paano kung may mangyari sa 'yo do'n?" Kitang kita ang pag aalala sa mukha niya. "Kaya ko ang sarili ko. Mag aayos lang ako ng gamit," ani ko at inakay na siya papasok sa kwarto namin ni Charity. Matapos maayos ang ilang gamit ko ay tinawagan ko naman ang isang kakilala ko na nagpapa renta ng sasakyan. Ilang saglit pa nga ay may bumusina na sa labas kaya bumaba na rin kami para makaalis agad. "Mama, when will you go home?" tanong ni Charity sa akin ng nasa labas na kami. Nagising kasi siya kanina na sinundan naman ni Lance. Malungkot ang anak ko dahil ito ang unang beses na malalayo ako sa kanya. "Can I come with you instead?" mangiyak ngiyak pang tanong muli niya. "Sandali lang naman si mama sa Antique. Susunduin lang namin ni lola sina Tita Belinda at Tito Benjie, hmm?" alo ko sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinagkan ang kanyang noo matapos akong tawagin ni mama. "Ang mga bata, Marla," habilin ko pa. "Ako na ang bahala. Mag iingat kayo sa byahe," ani Marla na pinisil pa ang kamay kong kanyang hawak. "Cindy, tara na!" muling tawag ni mama sa akin. Kanina pa niya ako makailang ulit na tinatawag. Alam kong gustung gusto na niyang umalis dahil sa matinding pag aalala sa mga kapatid ko at kay tiya na rin. Nang bumukas ang pintuan ng van ay ipinagtaka ko ang dalawang lalaking nasa loob. Ang isa ay katabi ng driver at ang isa ay nasa bungad kung saan kami uupo ni mama. "Cindy, bilisan mo!" si mama pa na nasa dulong bahagi. "Kuya, bakit may iba tayong kasama?" tanong ko sa driver. "Pasensya na po, ma'am, pinsan ko po ang dalawang 'to. Sa Caticlan po kasi ang punta nila kaya isasabay ko po sana. Kung hindi naman po pwede, papababain ko na lang po," paliwanag ng driver. "Ayos na iyan, kuya. Nagmamadali na rin naman kami. Cindy, ano pang hinihintay mo?" Baling ni mama sa akin. Papasok na sana ako sa loob nang huminto ang ilang police mobile sa harapan namin at sa likurang bahagi ng van. Napatili ako nang hilahin ako ng lalaking nasa harapan ko ngunit agad rin niya akong binitawan nang tutukan siya ng baril ng mga bumabang pulis. Hindi na rin nakagalaw ang driver na naka-mask at ang lalaking katabi nito dahil maging sila ay tinututukan na rin ng mga baril. Sa gawi rin ni mama ay may pulis at nakatutuk rin ang baril sa kanya mula sa saradong bintana. "Elvies?!" gulat na gulat na bulalas ko nang hilahin niya ako palayo sa harap ng van at sa lalaking ngayon ay nakataas na ang mga kamay. Kinain ako ng kaba dahil maging si Elvies ay nakita kong may hawak ring baril. Hindi na nakapalag pa si mama at ang ang driver ng van, maging ang dalawang lalaking kasama nila nang hilahin sila palabas. "Marla, ipasok mo muna sa loob ng bahay ang mga bata, please," pakiusap ni Elvies kay Marla dahil nag iiyakan na sa takot sina Lance at Charity. "Ano bang nangyayari, Elvies?" Naguguluhang baling ko sa aking katabi. "Bakit hinuhuli n'yo ang mama ko?" "Cindy, anak, tulungan mo 'ko! Wala akong kasalanan!" pagsusumamo ni mama sa akin. Lalapitan ko na sana si mama nang pigilan ako ni Elvies at hilahin papunta sa kanyang likuran. "Elvies?! Ano ba 'to?!" "It's a long story to tell, Cindy," turan niya. "Kahit anong mangyari 'wag kang lalapit sa kanya. Delikado!" ani Elvies pa at sinulyapan si mama. "Dadalhin na namin sila sa police station, Mr. Esquivel. Pwede rin po kayong sumunod doon para makapag-file ng pormal na reklamo," saad ng isang pulis kay Elvies. "Ano bang pinagsasabi mo, kuya?" sita ko sa naturang pulis. "Inosente ang mama ko! Pakawalan n'yo s'ya!" giit ko pa. "Mabait ang mama ko, Elvies!" "Sa police station na po kayo pumunta kung gusto ninyong malaman ang buong detalye, ma'am. Sa ngayon po kailangan namin silang dalhin sa istasyon," sabi pa ng pulis. Pumasok ang ilang pulis sa kani kanilang sasakyan matapos ipasok ang dalawang lalaki, si mama at ang drive ng van. Nanlaki ang mga mata ko nang hubarin ng isang pulis ang suot na mask ng driver. "Tiyo Bart?!" bulalas ko. Nilingon ako ni Tiyo Bart. Matatalim ang bawat titig niya sa akin. Iyong tingin na akala mo ay kayang kaya niya akong patayin sa tingin pa lang. Hinabol ko nang tanaw ang apat na sasakyan ng mga pulis hanggang sa mawala na ang mga ito sa paningin ko. Nilingon ko lang si Elvies nang tumunog ang kanyang cellphone. "She's safe, auntie. I'm with her right now," sabi nito sa kausap sa kabilng linya. "Nahuli na po sila at dinala na sa police station. Hindi po sila makakatakas doon dahil mahigpit po ang security na ipinadala ni Uncle Thirdy." Huminto siya sa pagsasalita at nakikinig lang sa sinasabi ng nasa kabilang linya. Tumatangu tango pa ito na para bang magkaharap lang sila ng kausap. "Mas maganda po siguro kung kayo na ang magsabi sa kanya ng lahat. Ibibigay ko po ang address kung nasaan kami. Hihintayin ko po kayo ni Uncle Thirdy dito." Pinatay na niya ang tawag at ako naman ang kanyang hinarap. "Are you okay?" Natawa ako and at the same time naiinis sa kanyang tanong. "Sa nangyari ba kanina sa tingin mo okay ba ako?" "Tinawagan kita kanina ng ilang ulit. Nag text rin ako sa 'yo. Hindi ka man lang sumagot. Mabuti na lang dumating kami sa tamang oras," aniyang napahinga pa ng malalim. "Ano ba talagang nangyayari, Elvies? Sino ka ba talaga?" naguguluhang tanong ko. "I am a private investigator-" "Stop the crap!" Sansala ko sa kanya. "I know about that, Elvies! Sino ka ba talaga? At ano ang nangyayari?" "Matagal ka ng ipinapahanap sa akin," kwento nito. "Remember my dad's project before he died, ito 'yon." "Pinapahanap? Bakit ako? M-may... May krimen ba akong nagawa?" nahihintakutang ani ko. "Sa loob na tayo mag usap. May ilang bagay akong sasabihin sa 'yo." Hinila na niya ako papasok ng bahay. Naabutan namin sa sala sina Marla at ang mga bata. Kalmado na ang dalawa habang kumakain ng ice cream. "Mama!" Patakbong yumakap si Charity sa baywang ko. "Are you okay? What they did to you?" "I'm okay, baby. After kumain ng ice cream mag-brush ng teeth, hmm. Sobrang late na rin kaya matulog ulit." Tumango lang si Charity sa akin at bumalik sa tabi ni Lance para ubusin ang ice cream. "Ipagtitimpla ko muna kayo ng kape," paalam ni Marla na agad umalis. "I am Elvies Esquivel," pakilala niya sa kanyang sarili. "Ako ang hired detective ni Mr and Mrs. Soledad at Thirdy Velliejo para hanapin ang kanilang nawawalang anak twenty four years ago," patuloy na kwento niya. "Nawawalang anak? Mr and Mrs. Velliejo?" usal ko sabay kabog nang malakas ng aking dibdib. Velliejo... Parang may bombilyang nagliwanag bigla sa isipan ko. Si Trina! Velliejo ang apilyedo ng babaeng 'yon. Pero marami namang magkakatulad na apilyedo hindi ba? "Yes. Twenty four years ago nang dukutin ni Anita De Jesus ang two months old na anak nina Uncle Thirdy. Anak ng dati nilang kasambahay si Anita. Naging obsessed si Anita kay Uncle Thirdy, na-misinterpret kasi ni Anita ang kabaitan nito sa kanya. Nang magpakasal si Uncle Thirdy kay Auntie Soledad doon nag umpisa ang galit at inggit ni Anita kaya dinukot niya ang sanggol at itinago sa mag asawa ng maraming taon. And that child is you, Cindy." I was shocked! Sumakit bigla ang ulo ko sa sunud sunod na mga isiping pumapasok nang sabay sabay sa utak ko. "Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo!" saad ko dahil para akong nabingi bigla. Para bang ayaw tanggapin ng utak at pandinig ko ang kanyang mga sinasabi. Tumunog muli ang cellphone ni Elvies. "They are here. Sila na ang bahalang magkwento sa 'yo ng lahat lahat," aniya pa bago ako iwan para pagbuksan ng pintuan ang mga taong kanyang sinasabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD