CHAPTER 23

1717 Words
Simula nang makita namin si Elvies sa mall ay madalas na rin niya akong lapitan tuwing susunduin ko si Charity sa school. Siguro nga ay matagal na siyang nandito sa school pero hindi ko lang talaga siya napapansin dahil na kay Charity lang naman ang focus ko. Hindi rin naman ako nagsi-stay dito sa school dahil napaka independent na ng anak ko. Ayaw niyang bantayan ko siya dahil kaya na daw niya ang kanyang sarili. "Sabay ka na!" tawag ni Elvies sa akin nang madaanan niya ako habang naglalakad papunta sa school para sunduin si Charity. Naka motor siya at inabutan niya ako ng helmet nang hintuan niya ako sa gilid ng daan. "Malapit naman na," tanggi ko. Kahit naman palagi na kaming nag uusap sa tuwing nasa eskwelahan ay naiilang pa rin ako sa kanya. Ngayon ko lang naman kasi siya nakilala at dala na rin siguro na panay ang tudyo ni Marla sa akin. Kaya sobrang naiilang ako sa kanya. Bagay daw kasi kami ni Elvies at wala naman daw magiging problema dahil pareho kaming walang sabit at close ang anak ko sa lalaki. "I insist. Mainit ang panahon saka mas mapapabilis ka ng kaunti," nakangiting anito sa akin. Nahiya na rin akong tumanggi sa ikalawang pagkakataon kaya kinuha ko na ang hawak niyang helmet at umangkas sa kanyang likuran. "Salamat," wika ko nang makababa sa motorsiklo niya. Hindi pa uwian ng mga bata kaya naupo na lang muna ako sa waiting area para sa mga mommy's, daddy's o guardians na susundo sa mga bata. Tumabi sa akin si Elvies matapos iparada ang kanyang motor sa di kalayuan. "May anak ka rin dito?" tanong ko. Ngayon ko lang naitanong dahil hindi naman talaga ako nakikipag usap sa kanya. "Pamangkin lang," may ngiting tugon niya. "Ilang taon ka na ba at wala ka pang asawa?" "Twenty eight." Ang bata niyang tingnan sa totoo niyang edad. Mukha rin siyang mayaman, kahit na nga simple ang kanyang suot. Lumang maong, t-shirt na puti na pinatungan ng jacket. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mamahalin niyang suot na relo. Simple man ngunit agaw pansin siya lalo na sa mga kababaihan. Lagi kong nakikita ang mga babaeng pasimpleng nakatingin sa kanya. Minsan pa nga ay nagbubulungan pa ang mga ito kapag nakita na siya. Naiilang rin ako kapag magkatabi kami ni Elvies dahil pati ako ay tinitingnan ng mga ito mula ulo hanggang paa. "Sa gwapo mong 'yan kahit girlfriend wala?" pang uusisa ko pa. "Wala pa akong nakikita, eh." natatawang sagot niya. "Ikaw? Nag iisa lang ba si Charity?" "May isa pa akong anak. She died when she was two years old," kwento ko. Biglang uminit ang puso ko at bahagyang nanubig ang sulok ng aking mga mata nang maalala ko si Cherry. Miss na miss ko na si Cherry. Kung nabubuhay lang siguro si Cherry ngayon alam kong magiging mabuti siyang kapatid kay Charity. "Sorry to hear that," hingi niya ng paumanhin. "How about your husband?" Bumuntong hininga ako at tumingin sa malayo. "Wala na s'ya," ani ko kasabay ng mapait na ngiti. "Sumakabilang buhay o sumakabilang bahay?" natatawang tanong ni Elvies. "Sumakabilang bahay," natatawang tugon ko rin. "Well, I must say he's not the one for you. He does'nt deserve you," komento niya. "Paano mo naman nasabi?" Tinitigan niya ako ng seryoso. "Ilang beses ko pa lang nakaka kwentuhan si Charity, and I must say that you raised your daughter's well. The way she talks to other people, napakabait at napakagalang na bata. Alam mong tinuruan ng mabuti ng magulang," papuri ni Elvies sa akin. "Your husband is fool to letting you go. Iniwan n'ya ang babaeng katulad mo." Tiningnan ko nang mabuti si Elvies. Medyo nahiwagaan ako sa mga sinabi niya. Kung makapagsalita kasi ito ay para bang kilala niya ako at si Leo. Iyong pakiramdam na parang alam niya ang pinagdaanan ko noon. "Bakit?" tanong niya nang makitang titig na titig ako sa kanya. "Wala," natatawa at naiiling kong sagot. "Marunong akong bumasa ng tao, Cindy," ani Elvies na parang nabasa ang laman ng isip ko. "Sa uri ng trabaho ko at sa ilang taon ko ng pagtatrabaho bilang imbestigador, tingin pa lang alam ko na kung mabuti ka o hindi," paliwanag niya. "Hindi ka sigurado," makahulugang sabi ko. Hindi ako mabuting tao. Dahil ipinagpalit ko sa pera si Leo. Ipinagpalit ko sa pera ang masaya at buo sanang pamilya ko. Masaya? Buong pamilya? Natawa ang isang bahagi ng isipan ko. Hangga't nasa paligid namin si Trina hindi kami magiging masaya. Hindi kami magiging buo. Dahil nasa akin man si Leo na kay Trina pa rin ang puso niya. Ang isang bahagi naman ng utak ko ay nagsusumigaw na tama lang ang ginawa ko. Kung hindi kami lumayo at hindi ko tinanggap ang pera mula kay Mrs. Velliejo noon, walang Charity ngayon. Hindi magiging tahimik ang buhay namin kung hindi ako lumayo. "All of us has a secret to keep." Basag niya sa pananahimik ko. "Basta mabuti ka sa isang tao, magiging mabuti rin sila sa 'yo," seryosong saad ni Elvies. "Bakit nandito ka at taga sundo na lang ng pamangkin mo kung imbestigador ka naman pala?" Pag iiba ko sa usapan. "Wala ka bang trabaho?" "Nandito sa probinsya ang trabaho ko. Malapit ng matapos ang trabaho ko sa isang kleyente dahil nakita ko na ang ipinapahanap nila." "Malaki ba ang kita sa ganyang trabaho?" kuryosong tanong ko. "Saka hindi ba delikado?" "Minsan delikado rin. At tungkol sa bayad, hayaan mo, libre na lang sa 'yo kapag may gusto kang ipaimbestiga," natatawang ani Elvies pa. Marami pa kaming napagkwentuhan ni Elvies habang naghihintay na mag uwian ang mga bata. Naikwento niyang imbestigador din ang kanyang ama. At ang hinahawakan niyang trabaho ngayon ay dating hinahawakan ng kanyang ama. Kinamatayan na daw kasi nito kaya siya na ang nagpatuloy. "Mama!" sigaw ni Charity sa akin. Ngumiti ako at sinenyasan siyang lumapit na sa akin. "Mama, I've got a stars again!" tuwang tuwang sabi niya. "Hi, Kuya Elvies!" bibong bati nito sa nakamasid lang na si Elvies. "Hi, little girl. How's your day?" "It's fine po. May stars po ako, oh!" Sabay pakita ng kanyang braso kay Elvies. "That's nice. Keep it up!" Elvies said, then pat my daughter's head. "Mauuna na kami sa 'yo, ha. Kailangan ko pa kasing bumalik sa shop," paalam ko na dito. "Nasaan na ba ang pamangkin mo?" tanong ko pa at tinanaw ang ilang mga batang palabas na rin ng mga classrooms nila. "Maya maya pa 'yon. Medyo mabagal kasing magsulat," tugon niya. "Sige na. Ingat kayo pag uwi." "Bye, kuya!" ani Charity at kumaway pa sa huli. Marami rami na ring tao sa shop nang dumating kami. Labasan na rin naman kasi ng mga estudyante mula sa iba't ibang eskwelahan. Nitong bakasyon lang nga ay nagdagdag na rin kami ng pananghalian sa menu na abot presyo para sa mga estudyante. Kaya tuwing tanghali ay punuan ang shop namin. Balak ko na ring palitan ang pangalan ng shop since that we sell lunch food also. Charity's Food Kitchen ang balak kong ipangalan dito dahil hindi na lang puro sweets ang ino-offers namin. "Kumusta? Kanina pa ba maraming tao?" Bungad ko kay Marla. "Sakto lang naman. Kumain na ba kayo?" "Hindi pa, eh." Tumayo si Marla mula sa harap ng kaha at ako naman ang pumalit sa kanya. "Charity, nasa kitchen si Lance sabayan mo na siyang kumain," ani Marla sa anak ko. "May bisita ka. Kakaalis alis mo lang kanina nang dumating s'ya. Lobat rin ang phone ko kanina kaya hindi kita natawagan," pahayag ni Marla. "Sino?" kunot noong tugon ko. "Ayon, oh!" turo ni Marla sa nakatalikod na babae. "Mama mo raw," aniya pa sa akin. Tinambol ang puso ko nang marinig ang salitang mama. Nawala sa isip ko na nagkausap nga pala kami ni mama ilang linggo na ang nakalipas. She said that she visit me here in Mindoro if she have time. At ito na nga ang araw na iyon. Tumayo ako at agad nilapitan si mama. Wala siyang kamalay malay na palapit na ako sa kanya. "Alam ko kung papaano dumiskarte. Doon tayo sa orihinal na plano-" "Ma," tawag ko sa kanya. Napakislot si mama na parang nagulat pa sa pagdating ko. Agad niyang pinatay ang kanyang cellphone at nagmamadaling tumayo para yakapin ako. Nag init ang puso ko at para bang gusto kong umiyak. Ganito pala ang pakiramdam na yakapin ng mama mo. Sa kauna unahang pagkakataon ay ngayon lang ako niyakap ni mama. Palagi kong hinihiling noon na yakapin niya ako kahit isang beses lang. Ngunit bigo ako. At ngayong yakap yakap niya ako, sobrang sarap pala. Sa wakas natupad na rin ang hiling ko. "Anak, kumusta ka na, ha?" tanong niya matapos kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ngiting ngiti siyang nakatitig sa akin habang nakakulong ang mga pisngi ko sa kanyang mga palad. Anak... Ang sarap sarap pakinggan. "Pasensya ka na kung ngayon lang ako, ha. Marami rin kasi akong inaasikaso lalo na ngayon na wala na ang Tiyo Bart mo. Ako na lang talaga ang kumakayod," kwento pa ni mama. "Ayos lang po iyon. Kumain ka na ba, ma?" Hinila ko siya para muling maupo. "Ang mga kapatid ko po kumusta na? Himdi mo sila isinama?" sunud sunod kong tanong. "Kulang kasi ang budget ko kaya ako na lang muna ang pumunta dito," paliwanag ni mama na kamut kamot ang batok. Nakaramdam ako ng awa para kay mama. Kung hindi sana ako nag asawa ng maaga noon, sana ay nakatulong pa ako sa kanya. Kaya naman babawi ako. Ngayong maayos na kaming dalawa ay pupunan ko ang lahat ng pagkukulang ko bilang anak sa kanya at ate sa mga kapatid ko. "Daryl, pwede bang pakihatiran naman kami ng pagkain. Saka pakisabi kay Marla na sumabay na sa amin wala na rin namang gaanong tao," utos ko sa isa naming helper. Maya maya lang ay dumating na ang pagkain namin kasabay ni Marla. Lumabas na rin ng kitchen sina Charity at Lance kaya ipinakilala ko na rin kay mama ang anak ko. Kitang kita ko ang saya sa mga mata ni mama nang yakapin niya si Charity at tawagin siyang lola ng anak ko. Ang mga kapatid ko na lang ang kulang sa eksenang ito. Hindi na ako makapaghintay na makasama rin sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD