CHAPTER 22

1603 Words
"Mama!" Patakbong lumapit si Charity sa akin nang makita niya ako sa harap ng gate ng kanilang school. "Ma, look, oh! Teacher gave me three stars!" tuwang tuwang sabi pa niya at ipinakita sa akin ang kanyang kamay. "Very good naman ng baby ko!" emosyonal na ani ko at hinagkan siya sa ulo. "Tara na! Umuwi na tayo para makapagpahinga ka na." Kinuha ko ang kanyang bag at inakay na siya paalis ng school. Malapit lang naman ang bahay namin sa school nila kaya nilalakad na lang namin iyon. Sobrang over whelmed ako dahil nag aaral na ang anak ko at napaka bilis niyang matuto. Kapag umuuwi siya sa araw araw na palaging may star mula sa kanyang guro ay labis labis ang kanyang tuwa. Ganado siya laging mag aral dahil sa mga stars na iyon. Nagpapasalamat din ako na lumaking malusog ang anak ko matapos ang operasyon niya noon. Hindi na rin ako kakaba kaba dahil ang sabi ng doktor ay wala ng problema ang puso ni Charity. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ng mapadpad kami dito sa Mindoro. At sa mga taon na lumipas naging payapa ang buhay naming mag ina. May mga pagkakataon na naaalala ko ang mga taong naging parte ng buhay ko noon lalo na si Ate Precy ngunit agad ko rin iyong iwinawaglit dahil ayaw ko na silang abalahin pa. Naging masama man ako sa parte na hindi nagpaalam ng personal sa kanya pero alam ko namang maiintindihan din niya ako. "Ninang!" masayang tawag ni Charity kay Marla nang makarating kami sa shop. "May star po ulit ako!" "Ay wow! Naku! Pareho kayo ni Lance. May stars din s'ya," kwento ni Marla sa anak ko. Same school sina Lance at Charity pero magkaiba sila ng ora sa pagpasok. Kaya kapag sinusundo ko si Charity ay si Marla ang naiiwan dito sa shop para magbantay. "Ano bang reward ang gusto ng mga chikiting?" maligayang tanong pa ni Marla kay Charity. "Pwede po ba kaming mag mall, ninang?" inosenteng tanong ni Charity dito. "Ano namang bibilhin n'yo sa mall?" singit ko sa usapan nila. "Wala po kaming ipapabili, mama. Sabi po kasi ng classmate ko may arcade daw po sa mall. Can we go there, ma?" Bakas ang pag asa sa kanyang tinig. "Pwede naman-" "Yehey!" sigaw agad niya. "Hep!" awat ko sa excitement niya. "Kapag maganda ang performance n'yo ni Lance sa school until friday this week, pwede tayong pumunta doon sa sunday. Is it okay?" pahayag ko. "Lagi naman pong maganda ang performance namin ni Charity sa school, eh!" ani Lance na kadarating lang. Nagmano agad ito sa akin at sa kanyang ina. "Kaya mas galingan pa. Para maganda palagi ang reward!" nangingiting ani Marla naman. At dahil nga doon ay nagpaligsahan pa ang dalawa sa padamihan ng stars makapunta lang sa mall at makapaglaro doon. "Pawis na pawis ka na!" Kinuha ko ang towel sa maliit niyang bag at agad pinunasan ang kanyang likod at mukha. "Hindi ba sabi ni mama 'wag masyadong magpapagod dahil makakasama sa 'yo 'yon," paalala ko pa sa kanya. "But Doctor Flores said my heart is fine na 'di ba?" pagrarason naman niya. "Kahit na. Mas mabuti na ang nag iingat. Pwede namang maglaro basta 'wag lang sobra," muli kong paalala. "Okay!" nakangiting tugon niya. Yumakap at humalik pa sa akin bago tumakbo sa kinaroroonan ni Lance. "Ang bilis ng panahon 'no? Samantalang dati para pa silang mga key chain sa laki," natatawang ani Marla nang tabihan ako sa pagkakaupo. Kinuha ko ang bottled water na iniabot niya sa akin. "Bukas makalawa may dalaga at binata na tayong dalawa," turan ko. "Hindi ba nagtatanong si Charity tungkol sa tatay n'ya?" "So far, hindi naman," sagot ko kasabay ng pag iling. "Pero kung dumating sa point na magtanong s'ya sasabihin ko naman sa kanya ang totoo." Pero handa nga ba akong sabihin sa kanya ang lahat? Maiintindihan n'ya kaya ang ginawa ko? Ipinagpalit ko sa limang milyong piso ang sana ay buo niyang pamilya. 'Di sana ngayon ay kasama namin ang papa n'ya. May bahagi ng puso ko ang biglang nalungkot ng maalala ko si Leo. May mga pagkakataon na sumasagi siya sa isipan ko. May mga pagkakataon na tinatanong ko ang sarili ko kung kumusta na s'ya? Kung naaalala rin ba niya kami? Mga tanong na alam ko naman ang sagot. Sagot na nagpapasakit ng loob ko. Alam kong maayos na ang kalagayan niya sa piling ni Trina at ng kanilang anak. Alam ko rin at sigurado akong hindi na niya kami naaalala dahil naroon si Trina at ang anak nila para punan ang pangungulila niya sa amin ni Charity. Kung nangungulinga nga ba siya. "Si Lance ko minsan lang nagtanong pagkatapos wala na," ani Marla. Napatingin ako sa kanya ng bumuntong hininga siya ng malalim. "Hindi mo naman kailangang madaliin ang sarili mo na makalimot," saad ko at pinisil ang kanyang kamay. "Hindi ko kayang kalimutan si Rio. Hangga't wala akong katawang nakikita, aasa at aasa ako na buhay s'ya. Na babalik s'ya sa amin," punung puno ng pag asang saad nito. Naging saksi ako sa pangungulila at paghihirap ni Marla sa kanyang asawa. Dumating pa sa punto na gusto na niyang sumuko at wakasan na rin ang kanyang buhay dahil hindi niya matanggap tanggap ang pagkawala ni Rio. Lagi ko siyang pinapaalalahanan noon dahil may anak pa siyang umaasa sa kanya. Lagi ko siyang isinasama kahit saan man ako pumunta para malibang siya. Hanggang sa itayo ko nga ang Charity's Milk Tea and Pastries Shop. Kinuha ko siyang tauhan para malibang siya. Hindi madaling tanggapin ang nangyari sa kanyang asawa dahil limang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nakikita ang katawan nito. At hindi nawawalan ng pag asa si Marla na isang araw ay uuwi ito sa kanila. "Sino 'yong kausap ng anak mo?" biglang tanong ni Marla sa akin. Agad kong nilingon si Charity. May kausap nga itong lalaki. Naka jacket at nakasumbrero, ngayon ko lang nakita ang lalaking iyon. Kinabahan ako dahil baka masamang tao iyon kaya agad akong tumayo kasunod si Marla at nilapitan ang anak ko. "Sir, do you need anything?" direktang tanong ko sa lalaki. Hinila ko si Charity sa aking tabi. Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. "Cindy De Jesus?" "Bakit kilala mo 'ko?" nagtatakang tanong ko. "Ma, he is my friend," ani Charity na bahagyang hinila ang damit ko. "Friend?" Kunot noong baling ko kay Charity. "How many times did I tell you that don't talk to strangers?" "Kuya Elvies is nice, mama. He is always in our school. He always talk to me and sometimes plays with me. He won't hurt me, right, Kuya Elvies?" pahayag pa ng aking anak at nginitian pa ang lalaking Elvies ang pangalan. Matangkad, maputi, medyo singkit ang mga mata, mapula ang labi at may dimple sa magkabilang pisngi. In short! Gwapo! May kahawig nga itong korean star pero limot ko na ang pangalan. "Kung balak mong kidnap-in ang anak ko-" "Bes! Kidnap agad. Ang gwapo, oh!" bulong ni Marla sa akin nang hilahin ako ng bahagya. "Sa panahon ngayon walang gwapo o pangit sa mga masasamang loob!" pairap na tugon ko kay Marla. "Hindi ako masamang tao," ani Elvies na natawa pa ng bahagya. "Here's my identification card. Wala akong intensyong masama." Tumakbo na rin ulit si Charity sa slide at nakipaglaro na sa ibang batang naroon kasama ni Lance. "Private investigator?" Basa ni Marla sa nakasulat sa i.d nito at tiningnan pa niya ito mula ulo hanggang paa. "Imbestigador ka?" "Yeah," sagot nito matapos kunin ang kanyang i.d. Magsasalita pa sana si Elvies ng tumunog naman ang cellphone ko. Unknown number ang tumatawag. "I'll take this call for a minute. Baka costumers 'to," paalam ko kay Marla at lumayo ng bahagya sa kanila. "Hello, good morning. Who's this, please?" "Cindy, anak!" Natigilan ako. Matagal ko man siyang hindi nakikita pero kilalang kilala ko pa rin ang kanyang boses. "M-ma?" "Oo, anak! Ako nga!" umiiyak na sabi nito sa kabilang linya. Anak. Kailan ba niya ako huling tinawag na anak? "Nakuha ko kay Emma ang number mo. Umuwi na ulit ako sa atin kasama ang mga kapatid mo. Naghiwalay na kami ng Tiyo Bart mo," kwento ni mama habang panay ang singhot sa kabilang linya. "Nand'yan po kayo sa Antique?" "Oo. Gusto sana kitang makita, anak." Umahon ang kakaibang saya sa puso ko. Noon, ayaw na ayaw niyang nakikita ni anino ko. Hiniling pa nga niya noon na sana ay mawala na lang daw ako. Pero ngayon, gusto na akong makita ng mama ko. "Patawarin mo sana ako, anak. Sobrang laki ng kasalanan ko sa 'yo. Alam kong hindi madaling magpatawad-" "Matagal na kitang napatawad, ma," emosyonal kong saad. "Gusto mo bang pumunta kami d'yan ng anak ko?" "Hindi! Ako na lang ang pupunta d'yan sa 'yo. Saan ka ba nakatira ngayon? Dahil nga excited sa muling pagkikita namin ni mama ay sinabi ko sa kanya ang address namin dito sa Mindoro. "Hintayin mo ako, anak, ha. Magkikita na rin tayo. Gustung gusto na kitang mayakap!" Iyon ang huling salitang paulit ulit na nag replay sa utak ko hanggang sa pag uwi namin. Ngunit parang iba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko ay parang may mali. "Hay! Ewan!" Ginulo ko pa ang aking buhok dahil sa isiping iyon. Napangiti ako at hinaplos ang buhok ng natutulog ng si Charity. Magkikita na kasi sila ni mama. Isinantabi ko na lang ang kakaibang pakiramdam na iyon. Ang mahalaga ay magkikita na kami ni mama at ng mga kapatid ko. Magkakasama na kami na isang buong pamilya na matagal ko ring pinangarap na mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD