CHAPTER 35

2009 Words
"S'ya po ang papa ko, mama?" bulalas ni Charity. Nakikita ko ang gulat at pagkalito sa mga mata ng aking anak. Titingin siya sa akin pagkatapos ay babaling rin kay Leo. "Anong papa? H'wag mo ngang angkinin ang daddy ko!" sigaw ni Lianne at malakas na hinawi si Charity para makalapit kay Leo. Agad kong dinaluhan ang anak ko dahil muntik na itong mabuwal. "Mama," sambit ni Charity at parang papaiyak na. Mahigpit rin ang kapit niya sa kamay kong nakahawak sa balikat niya. "Ako lang ang anak ng daddy ko! Ako lang at si Ate Cherry!" "Ate ko si Ate Cherry! Anak s'ya ng mama ko!" ganting sigaw rin ni Charity. Mas humigpit ang kapit ko kay Charity dahil ramdam ko ang galit niya. Nanginginig na rin ang kanyang katawan. Hindi na rin niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. "You're a liar! Si mommy ang mama ni Ate Cherry, right dad?" ani Lianne na tiningala pa ang ama. "Ano kamu?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko. "Mommy mo? Ano 'to, Leo?!" Umahon ang galit sa puso ko at matalim na tinitigan si Leo na ngayon ay hindi na alam ang gagawin. "Ano ang karapatan mong ipaako sa iba ang una nating anak, ha! Leo? Ganoon ka ba kabaliw kay Trina para pati si Cherry idamay mo sa kasinungalingan mo?!" bulyaw ko kay Leo dahil sa hindi ko na mapigilang galit. Agad akong nilapitan nina mama at Marla para alalayan. Hindi ako makapaniwalang nagawa ni Leo ito! Sabagay, ano nga bang aasahan ko sa isang taong ilang beses na akong niloko?! "See? Ate Cherry is my sister not yours!" ani Charity na nakawala na sa pagkakahawak ko. "No! Liar! Liar!" sigaw ni Lianne sabay hablot sa buhok ni Charity. "Lianne!" sigaw ni Leo sabay hila sa anak niya. Ngunit matigas si Lianne at mahigpit pa rin ang kapit sa buhok ni Charity kahit inilalayo na ito ni Leo. Patuloy lang si Charity sa pag iyak at hindi magawang kumawala sa pagkakasabunot ni Lianne sa kanya dahil sa pagkabigla. Parang sanay na sanay nang makipag away si Lianne sa paraan nito ng pananakit sa anak ko. Samantalang wala namang magawa si Charity kundi ang umiyak dahil hindi siya marunong lumaban. Kahit kailan ay hindi ko tinuruang makipag away at manakit ang anak ko. Nagkagulo kami sa harapan ng puntod ni Cherry. Ilang saglit pa ay humupa rin iyon ng mapaghiwalay namin ang dalawang bata. "Stop it!" sigaw ni mama kay Lianne nang tangkang hahablutin pa nito si Charity. "Daddy!" Umiiyak na yumakap si Lianne kay Leo. "Saan mo natutunan ang pananakit ng ganyan, Lianne?" galit na galit na tanong ni mama. "I'm sorry po, tita," si Leo na ang humingi ng tawad para sa anak niya. "Hindi ko mapapalagpas ang ganitong behavior, Leo! Pumunta kayo sa bahay at pag uusapan natin 'to! Call Trina now!" mariing utos ni mama kay Leo at nauna nang talikuran ito. "Are you-" "Don't touch my daughter!" saway ko kay Leo sabay tabig sa kamay nitong hahawak sana sa braso ng anak ko. "Hinding hindi ko palalagpasin 'to, Leo!" banta ko bago siya talikuran at iwan doon kasama ng anak niyang patuloy pa rin sa pag iyak. Lahat kami ay walang kibo ng makauwi sa mansyon. Walang gustong kumausap sa akin dahil simula kanina ay wala pa rin akong imik. Iniakyat ko na sa kwarto si Charity para bihisan at pagpahingahin. Kumuha ako ng bago niyang damit at inilagay iyon sa kanyang tabi. Nakayuko lang siya at ayaw akong tingnan. Naupo ako sa kama at napapabuntong hininga na lang dahil sa nangyari kanina. "May masakit ba sa 'yo?" marahang tanong ko habang haplos ang kanyang buhok. Tumayo siya at pumunta sa aking harapan. Malungkot at nakayuko. "I'm sorry po, mama," hingi niya ng tawad. Nakita ko na naman ang paglamukot niya sa laylayan ng kanyang suot na damit. Ganito siya sa tuwing kinakabahan o hindi naman kaya ay may ginawang kasalanan. "Bakit ka nagso-sorry?" tanong ko at iniangat ang kanyang mukha para tingnan ako. Pinahid ko rin ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata dahil may namumuo na roong luha. "Sorry po kasi inaway ko po si Lianne," malungkot na sagot niya. "Bad po 'yon 'di ba?" "Hindi mo naman kasalanan 'yon. Saka hindi masamang sabihin ang totoo," tugon ko at saka hinaplos ang kanyang ulo. "Magpalit ka na ng damit. Basa ka ng pawis kanina, eh," utos ko pa sa kanya. "Pero, mama, totoo po bang si Tito Leo po ang papa ko?" Bakas ang kalituhan sa kanyang mga mata. "Pwede bang mag-request si mama?" Tumango si Charity. "Opo." "Can we talk that thing later. Medyo sumasakit lang kasi ang ulo ni mama, eh," malambing na sabi ko. Nagulat pa ako at agad napangiti ng mas lumapit pa si Charity sa akin at hawakan ang magkabila kong pisngi. "I'm really sorry, mama," aniya pa at hinalikan ang magkabilang pisngi ko. "I love you, anak," naluluhang saad ko. "I love you too, mama," matamis ang ngiting tugon niya. "Mama, ayaw ko pong maging kaptid si Lianne. She's bad!" Natigilan ako sa kanyang sinabi. Sa ayaw man niya o sa gusto, magkapatid pa rin silang dalawa. Akala ko talaga ay sweet at mabait si Lianne, mali pala ako ng akala. Kinuha na ni Charity ang kanyang damit sa ibabaw ng kama at nagtungo na sa banyo para doon magbihis. Tinuruan ko na kasi siya noon na palaging sa banyo magbihihis ng kanyang damit dahil babae siya at masagwang tingnan kung saan saan lang siya maghuhubad. "Cindy, pinapatawag ka ni Tito Thirdy sa ibaba," ani Marla pagbungad sa pintuan. "Ako na ang bahala sa inaanak ko." Lumabas ako ng kwarto pagbaba ko ay walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa library kung saan ang opisina ni papa dito sa mansyon. Kumatok ako ng tatlong beses saka pinihit pabukas ang seradura ng pintuan. Nasa visiting area silang lahat, si papa na seryosong seryoso at katabi si mama. Sina Trina at Leo na magkatabi rin sa katapat nilang upuan. Tumikhim ako at isinara muli ang pinto saka ako naupo sa pang isahang sofa. "Ipinatawag n'yo daw po ako," ani ko matapos makaupo ng maayos. "Ngayong kompleto na tayo, I want settle things once and for all. Gusto kong kapag lumabas na tayo sa silid na ito ay maayos na ang lahat lahat," seryosong saad ni papa at sinipat kami isa isa. "Ako ang punu't dulo ng lahat ng ito, Thirdy. Sa akin nagmula ang gulong ito," naiiyak na sabi ni mama. Oo! Si mama nga ang puno't dulo nitong lahat. Pero kung hindi dahil kay Trina alam kong hindi n'ya magagawang makawasak ng isang pamilya. Si Leo at si Trina pa rin ang dahilan ng lahat ng ito! "Hindi po mama," sansala ko. "Kung meron man pong may kasalanan dito sila 'yon!" ani ko na tiningnan pa ng masama sina Leo at Trina. "Isang mang aagaw at isang nagpaagaw!" "Anong sabi mo?!" Hinaklit ni Trina ang kanyang brasong hawak ni Leo nang tangkang tatayo ito sa kanyang kinauupuan. "Dad, mom! Leo and I loved each other ever since! Alam n'yo 'yon dahil kami na bago pa tayo umalis noon! And you!" Sabay duro niya sa akin. "You're out of the picture! Kaya kung may mang aagaw man dito ikaw 'yon!" "Stop it, Trina!" saway ni papa sa kanya. "May iba ng pamilya si Leo ng dumating tayo! Sana nirespeto mo 'yon. Paano mo nagawang sumira ng pamilya ng iba?!" "Mahal ko si Leo, dad! Alam mo 'yan! At binabawi ko lang kung ano ang akin!" giit ni Trina. "Ang point dito nang agaw ka pa rin! Tapos na kayo!" galit na ani papa pa. "Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong makasal kayo! Dahil kasal pa rin sila ni Cindy!" Nahinto ako sa aking narinig. Ito 'yong sinabi ni Manang Ising sa akin no'ng nakaraan. Ito pala ang dahilan, kasal pa rin kami ni Leo. Pero hindi ba?... Nilingon ko si mama at bakas rin ang pagkalito sa kanyang mukha. Alam naming pareho na pinirmahan ko noon ang annullment papers na iyon. "Trina, lumaki kang buo ang pamilya mo. Nagkahiwalay ang mga magulang mo at namatay pareho dahil sa sakit hindi dahil sa ibang tao. Kami ng Tita Sol mo, nakita mo kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Ni minsan hindi ko ginawang humanap ng iba kahit nalagay sa alanganin ang relasyon namin noon nang mawala si Cindy sa buhay namin. Iyon ang ayaw kong gawin mo, Trina, ayaw kong maging dahilan ka ng pagkawasak ng pamilya ng iba," pahayag ni papa. "But it's diffirent now, dad. Kami na ni Leo ang nagsasama, may anak na kami!" Pagpapaintindi ni Trina dito. "Kasal na lang ang kulang sa amin!" "Pero kasal pa rin sila ni Cindy!" si papa. "Hayaan n'yo na po sila, pa," awat ko kay papa na ikinalingon nila sa akin. "Five years ago may pinapirmahang annullment papers si mama sa akin noon. Nasaan na po 'yon, ma?" Baling ko kay mama. Napahinga ng malalim si mama. "Itinago ko iyon at hindi ko na alam kung nasaan na." "Mom, where did you kept it? Hanapin natin! Dad, we can find it! Para mapirmahan na ni Leo! Para... para malaya na kaming magpakasal! 'Di ba, hon?" natatarantang ani Trina. Bakas na bakas ang pag asa sa kanyang mukha. "Sinunog ko iyon," pag amin ni papa maya maya. "What?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Trina. "I saw it on our cabinet. Kaya sinunog ko," tugon ni papa. "How can you do that, dad?! Palagi mong sinasabi sa akin na gusto mo akong maging masaya 'di ba!" sigaw ni Trina. "Mom, nangako ka rin sa akin na gagawin mo lahat para makuha ko lang si Leo!" sigaw nito kay mama. "Pero bakit? Kayo pa pala ang humahadlang sa ikasisiya ko!" punung puno ng hinanakit na sumbat niya sa mga magulang ko. "Tigilan mo na ang paninisi mo sa iba! Kahit nandito pa ang annullment papers na 'yon hindi ko pipirmahan 'yon!" ani Leo. "At tama na rin ang paggawa mo ng kung ano anong kwento! Tama ng pinaniwala n'yo ako noon!" Anong ibig sabihin niya doon? "I'm sorry, Leo," umiiyak na hingi ni mama ng tawad sa kanya. "Para saan pa, tita? Wala na lahat!" "Leo! Listen to me!" ani Trina at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Leo at pilit inihaharap sa kanya. "Tama na, Trina!" sabi nito at lumayo kay Trina. "Tito, isa lang po ang gusto ko, Cindy, sana pagbigyan mo 'ko. Gusto ko lang na makilala ako ni Charity bilang tatay n'ya," seryosong saad niya. "No!" Tutol ni Trina sa sinabi nito. "Si Lianne lang ang anak mo! Anak natin!" Natawa ako. "Kaya ba pati ang anak kong si Cherry inaangkin mong sa 'yo? Pati tuloy ang mga bata nag aaway dahil sa tahi tahi mong kwento! Angkinin mo na si Leo pero 'wag na 'wag si Cherry. Ibibigay ko si Leo ng buong buo sa 'yo! Kahit isang daang annullment papers pa ang ibigay mo sa akin pipirmahan ko para matahimik lang 'yang kaluluwa mo!" "Nakita mo na!" nakangising ani Trina kay Leo. "Akala mo talaga mahal ka n'yan? Tingnan mo nga at harap harapan n'yang ipinamumukha sa 'yo na kaya ka n'yang iwan! Wala kang halaga sa kanya, Leo! Lalo na ngayon na mayaman na s'ya!" natatawa pang litanya nito. "Mali ka yata ng pagkakaintindi, Trina!" saad ko. "Kung binitiwan ko man si Leo hindi dahil hindi ko s'ya minahal. Mas mahal ko lang ang sarili ko at ang anak ko. Kaya kong mabuhay ng kami lang. Maayos ang buhay namin kahit wala ang mga magulang ko. Masaya kami ng kami lang!" Pagdidiin ko pa. "Papayagan kitang makilala ka ni Charity bilang tatay n'ya. At hanggang do'n lang. Hindi ka namin kailangan. Ihanda n'yo ang annullment papers at bukas na bukas din ay pipirmahan ko 'yon para tuluyan na tayong maghiwa hiwalay ng landas!" "Is that you really want, anak?" seryosong tanong ni papa sa akin. "Opo. Gusto ko na rin pong bumalik sa normal na buhay ko. Gusto ko na pong umuwi sa probinsya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD